ni Homer Nievera, CDE, CVM | Lahat ng uri ng negosyo ay may kaakibat na hirap kung nais mong umangat. Parten a ito ng buhay ng isang entrepreneur, di ba?

Pero lahat naman din ng problema ay ay may solusyon, basta pagtutuunan mo ng pansin at oras. Kaya naman dapat, harapin mo din ang iyong kalusugan upang mas lalo mong matutukan ang pag-sasaayos ng iyong negosyo.

Narito ang limang tips ko upang maging mas exciting pa ang pagnenegosyo mo. Tara!

#1 Meditasyon

Ang isang partner ko sa negosyo ay halos kabaligtaran ko. Ako kasi, mabilis ma-excite at kakambal nito ang mabilis nap ag-init ng ulo kung may mga bagay na dapat na-solusyunan na ng isang tao naming pero iniaakyat pa sa akin (bilang CEO). Kaya nang tanungin ko kung bakit tila di siya nai-stress, eto ang sabi niya – meditasyon!

Ganito daw ang ginagawa niya. Una, maghanap ng isang lugar na tahimik. Maaaring umupo lang at alisin ang lahat ng iniisip. Kapag may papasok na bagay sa isipan, alisin kaagad ito (wag pansinin lang). Huminga ng malalim – mag inhale at mag exhale – at binibilang ito hanggang sa maka-sampung beses ka. Gawin yan sa loob ng limang minute. Kung kulang pa, ulitin lang. Mabilis itong makakaalis ng stress. Gawin ito araw-araw.

#2 Ehersiyo

Ang pisikal nap ag-ehersiyo ay kaakibat na din ng meditasyon. Dahil na din ang paggaalaw ng ating katawan ay natural na nakakaalis ng stress. Kaming mag-asawa ay nag-invest sa isang mamahaling treadmill para lang masigurong gagamitin naming ito ng araw-araw at pang-matagalan. Ang target ay 30 minutong paglalakad sa treadmill ng araw-araw. Kung umabot ka ng 1 oras, mas mainam. Pero syempre, mas mura ang maglakad-lakad sa labas ng bahay sa ganun ding oras. Maarawan ka pa! Kung ikaw naman ay mag-workout sa isang gym, gawin mo. Ang mahalaga ay ang maituon ang iyong oras sap ag-ehersiyo dahil nakakapagpatibay ito ng katawan laban sa stress.

#3 Project Planning

Bukod sa mga gawaing pangangatawan, narito naman ang pagplano ng mga gawain sa pagnenegosyo mula sa project planning. Ang lahat ng gawain sa opisina ay maari namang mapagplanuhan, di ba?

Kung sisimulang mo ang pagtingin sa mga gawain bilang proyekto at lalagyan ng mga laang oras sa paggawa dito, at mai-assign sa ibang tao ang mga gawain, mas maiibsan ang stress.

Magplano ng mabuti at ang buhay ay bubuti.

#4 Kumain ng Masustansyang Pagkain

Maraming guilty ng tinatawag na “stress-eating” di ba? Yung pagnai-istress, idinadaan sa kain. Kaya ayun, ang tataba. Kaya sa dulo, nai-stress ang katawan sa paglaban nito sa di masustansyang pagkain.

Maging conscious sa pagkain, lalu na sa gulay na dapat daw ay 60 porsyento ng iyong diet sa isang araw. Iwasan ang matatamis at maraming kanin na nagiging asukal din kapag di nasunog ng katawan. Ayaw natin na sa huli, ma-stress ang iyong bulsa sa gamut at pagpapa-ospital, di ba?

#5 Pagdarasal at Pagkakaroon ng Ispirituwalidad

Anuman ang iyong relihiyon o paniniwala, ang pagdarasal ang pinakamahalagang parte ng pag-alis ng stress. Ang paniniwalang hindi lang ikaw ang dapat inaasahan ay isang malaking bagay upang mawala ang stress sa negosyo man o sa buhay.

Ako, sa bawat araw ay inuumpisahan ko ng “One-on-One with God.” Naglalaan ako ng mga 30 minuto na pagdarasal. Yung kami lang ng Diyos. Ang tawag ko nga ditto ay “Breakfast with God.” Yung may hawak akong isang tasa ng kape at pandesal at nag-uusap kami sa umaga sa harap ng altar sa aking tahanan. Lahat ng bagay-bagay ay pinag-uusapan namin. Subukan mo to. Di lang mawawala ang stress, mawawala din ang pinagmumulan nito. Mas focused ka pa at positibo sa buong araw.

Si Homer Nievera ay isang digital evangelist at founder ng Negosentro.com na tumutulong palawigin ang kaalaman sa Internet at teknolohiya para maiangat ang kabuhayan ng mga Pilipino. Kung may katanungan, magpadala ng mensahe sa email@negosentro.com

(Visited 3,630 times, 1 visits today)