Paano Umarangkada ang Negosyo sa Pamamagitan ng Tamang Marketing | ni Homer Nievera, CDE, CVM, CCM |Kumusta ka-negosyo? Nawa’y nasa mabuti kayong kalagayan. Maraming negosyo ngayon ang naantala ang kanilang paglago dahil sa pandemya. Sa totoo lang, may pandemya man o wala, dapat talaga handa ka sa lahat ng maaaring sitwasyon. Pero syempre, di natin lahat alintana ang maaaring dumating na krisis sa atin, lalu pa’t buong mundo ang apektado.

Ngunit di natin dapat isiping hanggang dito na lang tayo, di ba? Kahit ano’ng galling at lakas ng loob natin, kailangan pa din natin ng tamang galaw upang mas umarangkada pa ang MSME mo ngayong may krisis pa din tayo.

Medyo babalikan natin ang ilang mga tips na aking nailahad na noon at mga karagdagang tips pa.

O, ano, tara na at matuto!

#1 Pagbalangkas ng tamang layunin

Kahit na anong galling mo kung di tama ang layuning naibalangkas mo para sa negosyo at sa marketing mo, wala kang patutunguhan.

Sabi nga nang marami, ang layunin o goals ng negosyo ang siyang magsasabi kung magiging matagumpay ka o hindi sa hinaharap. Kasi, kapag mali ang layunin, at di naiakma sa istratehiya, talo ang negosyo.

Katulad ngayong panahon ng pandemya. Wala naman talagang mag-aakala na hahantung tayo sa ganito di ba? Naka-arangkada ka na siguro hanggang sa tumigil ang lahat noong gitna ng 2020. Boom! ECQ at lockdowns ang nangyari.

Sa milyun-milyong naapektuhan ng pandemya sa loob lamang ng unang anim na buwan, bagsak agad ang ekonomiya at marami ang nawalan ng trabaho.

Paano mo ba maiaakma ang layunin mo sa panahong kasalukuyan? Alam mo na ang health protocols, di ba? Alam mo na lahat ay back to basics. Kaya yan ang layunin mo din. Ibalik ang lahat sa pinakasimpleng pagnenegosyo, gamit naman ngayon ang teknolohiya sa abot nang makakaya mo.

Isang halimbawa ng layunin ay ang pag-sisigurong magawa ang ecommerce website mo sa loob ng isang buwan at makaabot nang higit sa kalahati sa naging kostumer mo noong wala pang pandemya.

Isa pang halimbawa ng bagong layunin na naaayon sa panahon ay ang pagkakaroon ng lubos na training ukol sa social media para sa mga tauhan upang makatulong sa pag-promote ng mga produkto mo sa social media.

Marami pang puwedeng gawin pihit sa layunin mo. Ang mahalaga, magsimula ka dun sa alam mong kakayaning magawa sa agad.

#3 Kilalanin ang mga kostumer at kumpetisyon

Lahat ng apektadong lugar at negosyo ay napilitang magbawas ng taong nasa lugar ng trabaho, at 50% ang work-from-home o nasa remote setup. Ang mga kostumer ngayon ay nasa kani-kanilang tahanan at nagtatrabaho.

Ano ang sagot mo sa ganitong sitwasyon ng iyong mga kostumer? Di ba dapat mong dalhin sa kanila ang kanilang pangangailangan?

Kung di mo pa lubos na kilala ang merkado at industriyang ginagalawan mo, may problema kang kakaharapin. Tandaan mo na ang pagsasaliksik sa kostumer at kumpetisyon ay susi upang makaungos ka sa pagbebenta.

Kung sasaliksikin mo ang bawat aspeto ng mga ginagawa ng kakumpitensiya mo, malalaman mo ang mga dapat iwasan, paghandaan at gagayahin o mas papalawigin, di ba?

Ang pagsaliksik sa kumpetisyon ay simple, ngunit kailangang masinsin at may konting analysis. Search mo ang at Facebook bilang pangunahing paraan kung saan makikita ang tungkol sa kanila.  Kapag nakakita ka ng kapareho mong negosyo, malamang makikita mo sa baba o gilid ng search results ang iba pang kakumpitensya mo. Tandaan mo na maaaring direkta o di direkta ang kompetisyon ha?

Ang mga dapat naming tingnan sa mga kostumer mo ay ang kanilang mga piling produkto na kanilang binibili at ang mga katulad nito. Gayundin ang pag-analisa sa mga trends upang mapaghandaan ito. Merong simpleng analytics ang FB Page na tawag ay Insights. Dito nakikita ang mga trends, likes at kung anu-ano pa ukol sa page mo.

Meron ding mga libreng social analytics tools na makukuha online upang magawan ng forensics ang page mo at ang total na reputasyon mo online.

Ang pag-aanalisa ng kostumer at kakumpitensya mo ay isa sa pinakamahalagang aspeto ng paggawa ng istratehiya sa marketing mo.

Ikaw, ano ang sinasabi ng mga kostumer mo? Kailangan mo na din bang mag-pivot ng negosyo? Ano’ng mga bagay ang dapat mong gawin pa?

#4 Basahin at intindihin ang mga datos

Lalu na sa mga panahon ng krisis, lamang ang may alam. May lakas sa kaalaman!

Nagbabasa ka ba ng mga datos? Nagsasaliksik ka ba ukol dito na makaka-apekto sa iyong negosyo? Tandaan mo na maraming datos ang makakalap mo at dapat mong ianalisa ang mga ito. Tingnan mo paano ito makakatulong mapaangat ang iyong negosyo mula sa pagkakadapa.

Ayon sa datos ukol sa kasalukuyang pangangalakal, saan ito papunta? Oo, alam mong digital ang punta ng pag-market, halimbawa. Ngunit alam mob a kung ano ang platapormang gamit ng kostumer mo para maabot mo sila? May mga datos ukol ditto na puwedeng halukayin upang gumabay sa mga desisyon mo. Gawin mo na ito ngayon.

Suriin mo ang mga resulta. Kung nagawa mo ang mga pagpapabuti para sa unang yugto ng patatayo mong muli, suriin mo ang mga resulta nito. Ayusin ang mga dapat pang ayusin kaagad. Huwag ipagpapaliban ang mga ito dahil mahalaga ang bawat oras lalu na sa panahon ng krisis.

Itong linggong ito, kinausap ko ang isang kaibigan na nawalan ng trabaho. Isa siyang eksperto sa marketing. Dahil kailangan ko ang kanyang kaalaman sa isang parte ng aking negosyo, nakipag-alyansa ako sa kanya. Ilanga raw pa lang mula nang kami ay mag-usap, meron na agad magandang resulta ang kanyang nagawa. Dahil na din lagi kong sinusuri ang mga datos kaya mabilis ang pagsasaayos ng mga bagay.

Ikaw, ka-negosyo, nasusuri mo ba agad ang mga resulta?

#5 Halaga ng customer service

Alam mo na naman siguro ang halaga ng serbisyong para sa mamimili gaya ng simpleng pagsagot sa kanilang mga tanong. Ang gamit ng social media sa larangang ito ay malaki sa pamamagitan ng pagpapasimple ng proseso kung saan ang pag-pm (personal message) sa FB page ay madaling gawin. Umiiksi na tuloy ang proseso nito.

Tandaan mo na maraming paraan ang pagpapalawig ng relasyon sa mga kostumer at nais makuhang kostumer sa pamamagitan ng social media. Sa Facebook, ang maayos na setup ng chat o messenger ay mahalaga. Eto kasi ang gagamitin mong awtomatikong taga-sagot sa mga mag-me-message sa page mo. Puwede na kasing automated na ito. I-setup mo ito.

Sa mga posts mo naman, siguraduhing may link sa Messenger o sa website o anumang contact details sa captions ng mga post. Para matapos nilang makita ang mga posts mo, alam nila saan pupunta.

Sa mga comments naman, i-manage mo ito ng mabuti. Huwag kang mag-engage sa mga negatibong comments. Sa halip, sagutin ng maayos at ituro sa messenger para pribado na ang pagsagot.

Tandaan na ang gagawin mo sa page mo ay siyang magbubuo ng reputasyon mo. Kaya maging masinop sa istratehiya.

Bukod sa customer service sa social media, ang website mo ay meron ding chat na magagamit. Malaking bagay ito sa pagsalo ng mga inquiries sa website mo.

Konklusyon

 

Malaki pa ang dapat nating talakayin ukol dito ngunit mauubos naman ang espasyo natin. Kaya naman sa mga susunod na pitak ko na lang uli bibisitahin ang mga tatalakain natin.

Tandaan na ang pagnenegosyo ay nangangailangan ng sipag, tiyaga at dasal. Huwag kang mawawalan ng loob kung makakaranas ng pagsubok. Tuloy lang!

Si Homer Nievera ay isang techpreneur at makokontak sa chief@negosentro.com.

(Visited 3,344 times, 1 visits today)