Kritikal

6 na Kritikal na Bagay na Paghahandaan Bago Magtayo ng Negosyo

ni Homer Nievera, CDE | Handa ka na ba talagang magtayo ng negosyo? Napag-isipan mo na ba ang maraming bagay na kalakip ng isang startup? Maraming katanugan at marami ding puwedeng kasagutan. Narito ang ilan lamang na kritikal na bagay na dapat mong ikonsidera sa pagtatayo ng negosyo:

#1 Pasasaliksik

Kaalaman sa maraming aspeto ng iyong negosyo ang pangunahing kailangan para magtagumpay. Maaring may plano ka na. Magsaliksik ka pa lalu na patungkol sa mga makabagong ideya na maaaring makatulong sayo o maaring gagawin ng makakalaban sa negosyo.

#2 Epektibong Business Plan

May business plan ka na ba? Baka naman nasa isipan mo lang ang lahat. Dapat nakasulat ang mga ito at may ilang tao kang napag-presentan na nito na napagkakatiwalaan. Ang pagkuha ng isang mentor ay mahalaga din sa pagbuo ng epektibong plano. Sigurado ka na ba? Sapat na ba ang pondo mo? Balikan mo uli.

#3 Kilalanin ang Kostumer

Sa pagsipat ng magiging kostumer nagsisimula ang epektibong marketing plan. Siguraduhing masinsin ang pagkilala sa magiging kostumer mo. Di naman kailangang malaki ang merkado agad. Magsimula sa maliit muna. Dun tumutok at makikita mo paano pa ito papalakihin. Magsaliksik pa.

#4 Maayos na Dokumentasyon

Madalas, kulang na papeles at dokumentasyon ang nagiging sagabal sa maayos na pagnenegosyo. Sa simula pa lang, inaayos na dapat ang rehistrasyon ng lahat mula sa SEC (naku, ang bagal pa naman nila ngayon!!!), BIR at local na pamahalaan. Ayusin ang lahat ng permit na kailangan bago sumalang. Mahirap na at baka magsisi kung tumatakbo na ito.

#5 Kumpitensiya

Salahat ng pagnenegosyo ay may kumpitensiya. Nasaliksik mo na ba itong spetong ito? Alamin ang mga galaw nila at saan sila magaling at mahina. Pag nalaman mo na ito, mas maayos ang stratehiya mong magagawa.

#6 Positibong Pananaw

Kung ayus na ang lahat, sa pananaw bumabagsak ang negosyo. Ang pagkakaroon ng patuloy na positibong pananaw sa buhay at sa pagnenegosyo ay mahalaga. Maging madasalin sa Diyos dahil ang sandigan sa pananampalataya ay nakakatulong sa pananaw mo sa lahat ng bagay. Kahit ano’ng sakuna ang dumating, kakayanin mo.

O, ano, game ka na?

Si Homer Nievera ay isang digital transformator at founder ng Negosentro.com na tumutulong palawigin ang kaalaman sa Internet at teknolohiya para maiangat ang kabuhayan ng mga Pilipino. Kung may katanungan, magpadala ng mensahe sa email@negosentro.com o hanapin siya sa Facebook.com/thepositivevibespage.

Makatipid

4 na Paraan Para Makatipid sa Negosyo Mo

ni Homer Nievera, CDE | Pera. Benta. Cashflow. Tatlong bagay na napakahalaga sa pagtutuloy-tuloy ng isang negosyo. Malaki man o maliit ang benta mo sa buwan-buwan ng pag-nenegosyo, ang pagtitipid ang importante. Dito nagsisimula ang displina ng isang negosyante.

Narito ang 4 na paraan para makatipid:

#1 Masinop ka ba sa lahat ng bagay?

Maraming enerhiya ang nasasayang maliban sa kuryente. Ang Gawain ng bawat tao sa negosyo ay dapat lang na momonitor mo na maging masinop sa bawat gawain. Huwag basta-bastang ipagpaliban ang pagsilip sa gawain ng lahat kasama na ang mga kompyyter at iba’t ibang gadget sa opisina. Bawat oras ay mahalaga. Pahalagahan mo ito dahil may katapat na pera ang nasasayang.

#2 Kumusta ang Payroll mo?

Ang payroll ay kakambal ng cashflow sa negosyo. Kung di mo ito inaayos, malamang, palugi ka na. Tingnang maigi kung saan mas ok ang mag-outsource ng trabaho kesa gawing permanente ang tao. Kung di kritikal na gawain, gawing project-based lamang.

#3 Magastos ka sa mga Equipment?

Baka di pa sira, bumibili ka na ng bago. Yan ang madalas na maging problema sa mga kumpanya lalu na patungkol sa mga gadget gaya ng cellphone at iba’t ibang parte ng kompyuter na sadyang maayos pa, naghahanap ka na ng kapalit dahil sa tingin mo’y luma na. Alagaang mabuti ang lahat ng equipment mo. Palaging gawing malinis ang kapaligiran para di maluma agad ang gamit mo. Huwag palakihin ang “capital expenses” dahil sa waldas na pagbibili. Isipin din kung mas ok na ang second-hand kesa bago.

#4 May insurance ba kayo?

Itong parte ng pagnenegosyo ang madalas makaligtaan. Di lang sa buhay ang may insurance, kundi ang maraming aspeto ng negosyo, mula sa equipment, mga kontrata, delivery, at mga tao. Huwag magpabasakali. Maliit na halaga o investment ang insurance kesa sa matalo ka sa negosyo. Pati nga ang mga partners mo ay may tinatawag na “Keyman Insurance.” Alamin mo kung ano ‘to at paano magiging mahalaga ‘to kung may mga partners ka.

Sa pagnenegosyo, mahalaga ang pagtitipid at pagiging masinop sa maraming bagay. Di lagi kang nasa taas kaya anuman ang matitipid ay mailalagay sa ipon.

Si Homer Nievera ay isang digital transformator at founder ng Negosentro.com na tumutulong palawigin ang kaalaman sa Internet at teknolohiya para maiangat ang kabuhayan ng mga Pilipino. Kung may katanungan, magpadala ng mensahe sa email@negosentro.com o hanapin siya sa Facebook.com/thepositivevibespage.

Sideline

3 Sideline na Puwede Mong Simulan Ngayong Summer

Homer Nievera, CDE | Kung may trabaho o pag-aaral ka ngayon, at tila bitin ang kita, maaari ka naming mag sideline. At dahil summer, may mga side hustle na patok masimulan sa panahon ng tag-init. Maaari mo ding ipagpatuloy ang ilang sideline kung nakikita mong umuungos ka na dito.

Narito ang ilang side hustle na maaari mong simulan:

#1 Tour Guide

Kung magaling kang magplano ng mga trip niyong magbabarkada, baka naman panahon nang simulant ang pagiging tour guide. Marami naming uri ng tour guide. May mga pang-abroad at meron namang pang lokal. Ang suhestiyon ko ay alamin ang mas gamay mong rota at dito ka magsimula. May mga tour operator na puwede ka na lang pumanig para mas matuto ka sa larangang tourism. Di kasi basta basta ang sideline na pagiging tour guide pero tiyak kang kikita dito mula PhP1,000 hanggang PhP10,000 bawat araw, depende sa kliyente at pakete ng serbisyo. Madalas, may kasamang kumisyon sa mga lugar na pupuntahan o pagbibilhan ng kostumer kaya lumalaki ang kita mo. Paano magsimula? Gumawa ng sariling Facebook Page at dun mo ilahad ang mga lugar na puwede kang maging tour guide. Ilagay mo an gang iyong karanasan at mga napuntahan para ma-enganyo ang mga kostumer sa kakayahan mo.

#2 Virtual Assistant

Marami akong kilalang nagsimulang mag sideline bilang Virtual Assistant o VA, na ngayo’y full-time na nila. Ano nga ba ang VA? Maraming VA na trabaho na nagsimula bilang freelance lamang na assistant ng mga klieyente abroad (madalas sa Amerika). Nung magustuhan sila sa kanila serbisyo, ginawa na silang full-time. Otso oras lang naman ang trabaho sa halagang $5 pataas kada oras, depende sa negosyong sineserbisyuhan. Madalas sa real estate ang mga nangangailangan ng VA para mag-ayos ng mga appointment, mag-email, ayusin ang social media at iba pa. Ang importante, meron kang malakas na Internet, headphones at laptop. Mas mainam kung meron kang malapit na Internet shop o coffee shop na mapupuntahan kung biglang nawalan ka ng kuryente o Internet sa bahay. Paano magsimula? Punta lang sa Facebook at makikita mo ang mga groups at pages na naghahanap ng VA.

#3 Sales Agent

Dito ako sa ganitong sideline – ang pagtitinda ng kung anu-ano. Nagsimula akong maging ahente ng mga magasin (subscriptions) at nakakakuha ako ng 30% na kumisyon! Kung anu-ano na din ang mga sumunod na ibinibenta ko. Kaya ayun, nakahiligan ko ang maging sales agent. Hanggang ngayon, may ilang deals akong ginagawa dahil na din sa ganitong sideline ko noon. Ikaw naman, huwag kang matakot magbenta. Sa katunayan, lahat ng tao kailangang matutunan ang skill na ito dahil kahit sa paghahanap ng trabaho, dapat kaya mong maibenta ang sarili mo di ba? Sa pagiging sales agent, kumisyon ang basehan ng kita. Nariyan ang real estate, insurance, pagbebenta ng kotse at marami pang iba. Hanapin ang kakahiligan mo para pakiramdam mo, di ka nagtatrabaho. Marami ding nag sales agent sa Internet. Kung saan ka man magsimula, pag-aralan ang lahat ng bagay ukol dito para magtagumpay.

Marami pang sideline ang maaari mong simulan ngayong summer. Tatalakayin natin yan sa susunod na pitak. Kung may sideline ka ngayon na nais mong palakihin at ika’y nagtratrabaho na, check mo ang Fundko.com na siyang maaaring makatulong sa ‘yo sa kailangan mong loan.

Si Homer Nievera ay isang digital transformator at founder ng Negosentro.com na tumutulong palawigin ang kaalaman sa Internet at teknolohiya para maiangat ang kabuhayan ng mga Pilipino. Kung may katanungan, magpadala ng mensahe sa email@negosentro.com o hanapin siya sa Facebook.com/thepositivevibespage.

Negosyo

6 Bagay na Tandaan Kung Nais Ibenta ang Negosyo

Homer Nievera, CDE

Maganda man ang takbo ng iyong negosyo ngayon, may mga panahong nagdidikta na kakailanganin mong pag-isipang ibenta na ito. Anuman ang dahilan, narito ang pitong tips para dito:

#1 Kumuha ng Consultant

Maraming aspeto ang pag-exit sa isang negosyo. Mas mainam na kumuha ng isang business exit consultant na pawang may kaalaman sa exit strategy. Sila ang mas makaka-posisyon sa iyong negosyo patungo sa magandang exit.

#2 Timing

Huwag magbenta kung tumataas pa ang sales mo. Antayon ang tamang panahon o timing para ikonsidera ang pagbebenta. Minsan, kailangan mo na talagang mag-exit anuman ang dahilan. Kaya naman tingnan mo pa rin ang tamang timing ng pagbenta gaya ng pagsilip sa merkado sa halaga ng katulad na negosyo. Kung online ang negosyo, maraming tools na makikita online sa maaaring halaga ng negosyo mo.

#3 Pangalagaan ang mga Certifications at Lisensya

Maraming impormasyon at dokumento na dapat pangalagaan ngayon pa lang. Malaki ang impact nito sa pagbebenta ng negosyo lalu na sa magiging halaga nito. Kung may ISO certificate ka, malaking bagay ito, at iba pang lisenya na meron ka.

#4 Positibong Cash Flow

Ang maayos na cashflow ay siyang maituturing na isa sa pinakamahalagang aspeto ng pagbili sa isang negosyo. Panatilihin ang integridad sa bagay na ito dahil ang bawat due-diligence ay nakapako sa ganitong aspeto ng cashflow o financial management. Mas positibo ang cashflow, mas Malaki ang halaga ng negosyo.

#5 Empleyado

Ang maayos na skills ng bawat empleyado mo ay malaking halaga sa pagbebenta ng negosyo. Ayaw mahirapan ang susunod na magpapatakbo nito sa pag-maintain at paglago pa nito kaya mahalaga na maganda ang skillset ng mga empleyado mo. Kung may mga certifications sila, mas mainam.

#6 Integridad

Sa huli, ang integridad mo bilang negosyante ay ang pinakamahalagang aspeto na titingnan ng bibili ng negosyo mo. Panatilihin ito. Ang mapagkakatiwalaang reputasyon mo ang nakataya ditto.

Nais mo mang mapalaki at mapatagal ang negosyo mo, may mga dahilan kung bakit nanaisin mo ng ibenta ito. Anuman ang dahilan, maging masinop sa lahat ng bagay para mapanatiling maayos ang negosyo at maihanda sa exit nito.

Si Homer Nievera ay isang digital transformator at founder ng Negosentro.com na tumutulong palawigin ang kaalaman sa Internet at teknolohiya para maiangat ang kabuhayan ng mga Pilipino. Kung may katanungan, magpadala ng mensahe sa email@negosentro.com o hanapin siya sa Facebook.com/thepositivevibespage. Si Homer ay co-author at co-admin sa HeSaidSheSaidPH.com at Facebook Page na He Said She Said Philippines.

summer

5 Pampalamig na Negosyong Patok Kapag Summer sa Pilipinas

Homer Nievera, CDE | Dama mo ang init ng panahon kapag tag-araw. Nanunuot sa kahit na anumang kasuotan Kung wala kayong aircon, sobrang maalinsangan sa bahay kaya’t mas mabuti pang mamasyal sa mga mall. Kaya naman malaki ang kinikita din ng mga mall na may mga negosyong pang-summer.

Kung gusto mong pagkakitaan ang summer sa Pilipinas, narito ang limang patok na negosyo ma puwede mong gawin:

#1 Halo-Halo

All-time favorite na negosyo ang Halo-Halo. Kahit nung bata ka pa, halos bawat kanto sa inyong lugar ay may tindang Halo-Halo. Marahil alam mo na kung paano ito gawin. Ang simpleng sikreto lang naman diyan ay ang timpla, rekado, at gimik. Kaya ang gagawin muna ay mag-isip ng kakaibang gimik para makakuha ng atensiyon at maiba sa kumpetisyon. Kung may kakaiba kang timpla (siyempre mas masarap kesa iba!), mag-dagdag ng kakaibang rekado na din. Halimbawa, kung lahat ay walang dagdag na ice cream, ikaw meron. O kaya ay yung sa yo ay may keso. Siyempre tingnan mo ang presyo kung aayon sa badyet ng kostumer.

#2 Shake

Kung may kakumpitensiya ka na sa halo-halo, mag-levelup ka sa Shake. Mas mainam kung meron kang blender. Mura na lang naman yun. Gagamit ka nga lang ng kuryente. Pero, siguradong patok yan lalu na’t sariwa ang prutas ang gamit at masarap ang timpla mo. Magsaliksik sa Internet at sa mga mall kung ano ang mga patok sa kostumer. Kung wala kang blender, puwede na din ang Shaker, basta meron kang crushed ice na mabibili. Yun lang, sa blender, kahit ikaw na ang gumawa ng sariling yelo ayus na!

#3 Ice Frappe

Halos kapareho ito ng shake. Ang pinagkaiba ay ang paggamit ng mga ingredient na galing sa kape. Gagamit ka din ng blender dito pero di gaya ng shake na sariwang prutas ang ginagamit, mga powdered na nabibili sa merkado ang gamit. Dahil siguradong mas mura ang ingredients at puwesto mo kesa sa mall, dadayuhin ka. Mas mainam kung may ilang mesa ka para tambayan.

#4 Lemonade

Sa Amerika kilala ang negosyong Lemonade, pero ngayon, uso na sa Pilipinas. May nabibiling pampiga ng lemon para mas mabilis mong makatas ito. Yun lang at ilang pampalasa, ayus na. Gaya ng shake, ang paghalo ng ibang sariwang prutas na kayang makuha ang katas ay mahalaga para mas dayuhin ka. Yung iba, gumagamit ng shaker para mapaghalo ang mga rekado at yelo. Huwag ding kalimutan ang gimik.

#5 Fruits-in-Season

Kapag tag-araw, masarap kumain ng mga prutas na malamig at nakapatong sa crushed ice, di ba? Gawin mo itong negosyo! Ilan lang diyan ang melon, pinya, pakwan, manga, at honeydew. I-display lang ang mga iyan sa harap ng bahay mo, siguradong may bibili.

Marami pang pampalamig na puwedeng i-negosyo pag-summer. Ang mahalaga, unahin ang panlasang Pinoy. Tara, mag-gulaman at sago tayo!

Si Homer Nievera ay isang digital transformator at founder ng Negosentro.com na tumutulong palawigin ang kaalaman sa Internet at teknolohiya para maiangat ang kabuhayan ng mga Pilipino. Kung may katanungan, magpadala ng mensahe sa email@negosentro.com o hanapin siya sa Facebook.com/thepositivevibespage. Si Homer ay co-author at co-admin sa HeSaidSheSaidPH.com at Facebook Page na He Said She Said Philippines.