Ecommerce Shop

Limang Gawaing Magpapalago sa Ecommerce Shop Mo

ni Homer Nievera, CDE, CVM, CCM | Kumusta na ka-negosyo? Nasa ikalawang yugto na tayo ng pandemya kung saan unti-unting binubuksan ng gobyerno ang ating ekonomiya sa pamamagitan ng pagpayag sa mga bagay na ipinagbawal noong ECQ.

Yun nga lang, natural sa mga tao ang matakot pa rin dahil na rin sa biglang paglobo ng mga may kaso ng Covid 19. Sa huling nabasa ko, nasa ikalawang puwesto na tayo sa ASEAN sa mga aktibong kaso ng virus sa likod ng Indonesia.

Sa ganitong panahon at sitwasyon, dahil na din sa disiplina ng nakakaraming Pilipino, nananatiling nasa bahay ang maraming tao. Dahil din ditto, lumalawak ang paggamit ng komersyo online. Ito ang psgtutuunan natin ng ating pitak – ang ecommerce shop mo.

Di man kaya ng isahang pagsasalarawan dito, sana ay may matutunan pa rin kayo kung paano papalaguin ang inyong ecommerce na Negosyo.

O siya, tara na at matuto!

#1 Saliksikin ang merkadong gagalawan mo

Noong simula ng pandemya, may mga kilala akong negosyante na nag-pivot patungong online shop mula sa kanilang pinagsimulang negosyo. Isa dito ay ang GrocerGenie PH na pinamumunuan ni Abby Victorino. Naging kaklase ko sa AIM-Dado Banatao program si Abby at ilan niyang kasama sa negosyong StyleGenie na may kinalaman sa mga kasuotan para sa mga milenyal.

Bandang Abril, sa kasagsagan ng ECQ, binuo nina Victorino ang GrocerGenie PH nang makita nila ang pangangailangan sa grocery items ng mga taga NCR at hirap na gawin nga ito dahil sa ECQ at mahigpit ang lockdown.

Ang mabilis na desisiyon na gawin ito ay bunga ng eksperiyensiya niya sa larangan ng ecommerce at sa mga datos ukol sa merkadong sakop niya.

Ngayon, ilang buwan pa lang ang nakakaraan mula nang sila ay magsimula sa GrocerGenie PH, isa na sila sa pinakamahusay sa larangan ng ecommerce ng grocery items.

Tandaan na ang pagsasaliksik sa merkadong nais mong pasukan ay mahalaga kung nais mong palaguin ang negosyong ecommerce mo.

#2 Ayusin ang operasyon

Ang larangan ng ecommerce ay naiiba ng bahagya sa tradisyunal na tindahan. Dahil na din sa teknolohiya, ang pag-market at ang pag-track sa iyong mga benta ay napapadali na. Lalu na sa larangan ng delivery, kayang-kaya na din ito dahil sa mga delivery apps.

Pagtuunan mo una ng pansin ang pagplano sa operasyon lalu na patungkol sa imbentaryo at platform na gagamitin mo.

Ang desisyon sa paggamit ng Lazada o Shopee, Shopify, o sariling platform ay pinapaplanuhan ayon sa operasyong alam mo na dati o ikaw ay magsisimula pa lang.

Kung dati ka nang nakasubok ng iba’t paraan ng online negosyo, baka naman dapat ka nang gumawa ng sarili mong ecommerce website.

Meron akong kilalang isang malagong ecommerce shop na tatlo lang sila dito. Bakit? Dahil nalaman nil ana ang kolaborasyon at pakikipag-partner sa mga meron nang teknikal na platform at meron nang network ay makakagaan ng kanilang trabaho.

Huwag mo lang kalimutang irehistro nang maayos ang lahat patungkol sa shop mo para gawin legal lahat.

#3 Paggamit ng Digital Marketing

Kung nagsimula kang magbenta sa Facebook o Instagram (o pareho), alam mon a ang larangang tinutukoy ko. Subalit bukod sa social media pages o accounts, meron pang mga gawaing ginagamit ng mga matagumpay na ecommerce shops. Ito ang email.

Kung nakakatanggap ka ng mga email ng offers, isa ito sa ginagamit hanggang ngayon. Kaya mainam na lagging itabi ang email ng mga taong umoorder say o. Isang simpleng hack ay ang pagexport ng lahat ng emails mo na nasa Gmail. Hanapin sa google paano gawin ito, dahil ang paraang ito ang panimula ng iyong email database. Ang mga tools gaya ng MailChimp ay maayos na platform para mag-send ng maraming emails sa isang pindot lang.

Isa pang paraan ay ang paggamit ng mga social media schedulers gaya ng Hoostsuite. Ako, ginagamit ko ang Content Pilot kung saan nakuha ko lang sa isang one-time lifetime payment na $39. Kaya naikabit ko ang 40 social media accounts ko mula sa Facebook at Twitter para maipadala ang mga links sa aking mga blogs.

Ang digital marketing ay mahalaga sa ecommerce shop mo. Lalu na’t marami kang makakalaban. Heto ang tatlong bagay na dapat gamitin kung nais umangat:

  • Blog/Vlog
  • SEO
  • Social Media Scheduler
  • Sariling Ecommerce Website

#4 Pangalagaan ang Customer Service

Kung pumapasok na ang mga kostumer mo sa iyong ecommerce shop, pangalagaan mo ang customer service. Ang simpleng pagpapasalamat ay malaki ang patutunguhan.

Tandaan mo na ang pangangalaga sa mga kostumer mo ay upang sila ay bumalik ng bumalik. Loyalty ng mga kostumer ang susi sa tagumpay ng mga online shops.

Paano ba gagawin ang simpleng customer service?

Ang pagkakaroon ng auto-reply na “Thank You!” ay super-simpleng Gawain, di ba? Gayundin sa mga mga auto-reply sa Facebook Messenger at iba pang apps.

Ang pagiging bukas sa comments mabuti man o maanghang ay paraan din ng customer service kung saan bukas ka sa kahit na anong feedback.

Ang pagkakaroon din ng return-item o exchange-item o 30-day money-back guarantee ay excellent na paraan ng customer service.

Ang buod nito ay ang pagiging maasikaso sa kostumer online gay ana din ng Gawain offline. Tandaan na maraming tools ngayon na nagpapasimple ng customer service. Gawin mo ito.

#5 Di pag-intindi sa sitwasyon ng mga tauhan

Ang mga tauhan mo mismo ay mahalagang aspeto ng iyong negosyo. Ilagay mo kaya ang sarili mo sa lugar ng mga tauhan at malalaman mo ang ibig kong sabihin. Maging sensitibo sa kanilang kalagayan at kung kayang work-from-home, mas ok. Kung di naman, ayusin ang bawat aspeto ng kanilang buhay dahil kung wala sila, mahihirapan ka din naman.

Sa panahon ng krisis, lahat tayo ay iisa ang pinagdadaanan, at iisa alng dapat ang layunin – ang mai-angat ang Negosyo at makapagpatuloy na kumita upang matitaguyod ang pamilya. Tandaan mo yan, ka-negosyo.

Konklusyon

Ang pagiging produktibo ng bawat isa ay mahalaga. Yan ang magsisiguro ng pag-angat ng online negosyo.

Sa panahon ngayon at kailan pa man, ang mahalaga ay laging kang magdasal at magtiwala sa Diyos na Siyang may tunay na hawak ng magagandang plano para sa iyong buhay. Sipag at tiyaga at ang maayos na relasyon sa kapwa ay pangalagaan lagi – anuman ang marating mo sa buhay.

Si Homer ay isang technopreneur at makokontak sa email niyang chief@negosentro.com

Email Marketing

5 Paraan sa Tamang Paggamit ng Email Marketing sa Pagnenegosyo

ni Homer Nievera, CDE, CVM, CCM | 5 Paraan sa Tamang Paggamit ng Email Marketing sa Pagnenegosyo | Kumusta na ka-negosyo? Ligtas ba kayo ng iyong pamilya at ka-trabaho? Tandaan ang mga safety protocols natin na pagsuot ng mask ng tama, paghuhugas ng kamay, at social distancing. Kailangan natin ang mga yan sa panahon ng pandemya, ok?

Balik tayo sa digital marketing tips ngayong linggong ito. Dahil na din maraming nagtatanong kung anu-ano ang mga tools na puwedeng gamitin sa larangan ng digital.

Kaya naman balik din tayo sa pinaka basic na pamamaraan – ang email marketing. At bakit nga ba? Kasi, bukod sa cell phone number, ang email ang ginagamit sa pagbukas ng mga social media at kung anu-anong account. Kaya lahat ng tao na nasa digital, dapat may email, tama?

Kung may 69 milyon na Pinoy ang nasa Internet, malamang, lahat ito ay merong email.

Paano bang magsimula sa email marketing?

O siya, tara na at matuto!

#1 Email database ng mga target mong kostumer

Kinukuha mo ba ang lahat ng mahahalagang detalye ng kostumer mo? Kasama diyan ang email niya. Mas mainam kasing iniipon mo ang ganitong detalye ng mga kostumer dahil ditto mo sila makokontak bukod sa cellphone o sa social media. Mas personal kasi ang dating ng email.

Pero siyempre, bago mo gawin ang pag-kontak sa kanila, kailangang naipaalam mo sa kanila. Ang tawag dito ay “opt-in,” kung saan humihingi ka ng permiso na kontakin mo sila sa paraan tulad ng marketing.

Paano mo ito makukuha? Unang-una, sa pamamagitan ng isang form na kanilang susulatan (face-to-face), o kaya’y galing sa pagkontak nila mismo sa yo sa social media man o email din.

Basta, wag mong kalimutang magpaalam sa pagkalap nito at sa paggamit nito nsa marketing.

#2 Kunin ang Persona ng iyong mga kostumer

Bago ka ma-excite sa paggawa ng email marketing campaign, tandaan na balewala ang lahat kung di mo lubos na kilala ang kostumer mo. Magagawa mo ang pagkilala sa kanila sa pamamagitan ng pagsaliksik ng Persona nila.

Ang persona ay ang kabuuan ng isang target market o target kostumer mo. Sa madaling salita, ito ang pag-alam sa lahat ng bagay tungkol sa personalidad, motibasyon, pangarap, kagustuhan (at di kagustuhan) at ang kaugalian ng kostumer mo.

Mahirap ba? Medyo.

Pero padaliin natin nang kaunti.

Kumuha ka ng isang kostumer na nais mong maging mismong target mo.  Interbiyuhin mo siya na parang nag-iinterbiyu ka ng aplikante sa trabaho. Isulat mo lahat ng kanyang kasagutan. Mahalaga ding maging masinsin sa pagtatanong.

Tapos, analisahin nang mabuti ang nakalap mong impormasyon. Ayusin nang naaayon sa nais mong pag-target sa marketing mo.

Ayan, handa ka na sa susunod na gawain.

#3 Kumuha ng email server provider

Ang pagpapadala ng email nang maramihan ay nagsisimula sa simpleng pag-send ng ordinaryong email sa iilang tao. Madalas, inilalagay ito sa BCC (blind copy) para di Makita ng iba kung kani-kanino mo ipinadala ang email.

Kung mahigit sa 500 ang padadalang email, mag-register ka ng account sa MailChimp, para subukan ang serbisyo nila. Hanggang 2,000 ang kaya nilang padalhan ng email na libre. Kapag lumampas sa 2,000, may bayad na ‘to.

Ang MailChimp ang isa sa pinaka-simpleng email server provider kung saan ang sistema nila ay may kasamang reports. Maisasaayos mo din ang itsura ng email mo kasi may templates na sila.

Dito, magagawa mo din ang marami pang bagay para maayos mmong maipapadala ang emails mo at maiiwasan na mapunta ito sa spam folder. Bukod sa MailChimp, marami pang providers.

#4 Mag A/B testing

Simple lang ang ibig sabihin nito. Mag-test ka muna sa iilang tao bago ka magpadala sa lahat.

Sa A/B Test ay magagawa mong mag-test ng iba’t ibang subject heading. Masusukat mo ang Open Rate kung saan binibilang ang porsyento ng pagbukas ng emails ng mga pinadalhan mo. Pati na din ang tinatawag na Click-Through rate ay masusukat. Ito ang pag-click ng isang tao sa nakalagay na link para malaman mo kung ilan ang nakalap mong leads.

#5 Disenyo ng email

Ang pag-disenyo mo ng email mo ang isa sa pinaka-mahalagang bagay sa email marketing. Narito kasi nang laman ng offer mo at kung saan mo sila nais papuntahin, pagkatapos basahin ang email mo.

Ang tip ko ay maiksi at nakakaenganyong Subject Heading para buksan nila ang email. Pag bukas, dapat, may nakaumang kang offer na madalas, kung di libre, malaki ang diskwento.

Lagyan mo ng isang matinding Call To Action (CTA) o yung ma-enganyong gagawin upang gawin ang nais mong ipagawa o puntahan ang nais mong papuntahan.

Madalas, may “Click Here” button ang mga emails na ganito.

Konklusyon

Umpisa pa lang ito nang mga dapat mong gawin sa email marketing. Kung nais niyo nang mas masinsin na diskusyon, email niyo lang ako, ok?

Sa panahon ngayon at kailan pa man, ang mahalaga ay laging kang magdasal at magtiwala sa Diyos na Siyang may tunay na hawak ng magagandang plano para sa iyong buhay. Sipag at tiyaga at ang maayos na relasyon sa kapwa ay pangalagaan lagi – anuman ang marating mo sa buhay.

Si Homer ay isang technopreneur at makokontak sa email niyang chief@negosentro.com

Image

Panahon ng Krisis

Limang Gawaing Papatay sa Iyong Negosyo sa Panahon ng Krisis

ni Homer Nievera, CDE, CVM, CCM | Limang Gawaing Papatay sa Iyong Negosyo sa Panahon ng Krisis |  Kumusta na ka-negosyo? Survival-mode ba tayo sa mga panahong ito? Alam mo, ka-negosyo, sa mga ganitong panahon ng krisis, marami kang iniisip na gawin upang maiangat ang benta mo, pati na din ang morale ng iyong mga tauhan. Kasi nga naman, marami na ang nagsara sa loob lamang ng apat na buwan ng iba’t ibang uri ng lockdown. Lalu na ang mga maliliit na Negosyo na bukod sa di makapag-bukas ng tindahan, di na rin makabayad ng utang. Minsan, dahil di na din sila nababayaran ng mga may utang sa kanila. Kaya naman kung di nagtatanggal ng mga tauhan, nagbabawas ng araw ng pagpasok – kahit pa naka work-from-home ang ibang tauhan.

Saan na ng aba tayo pupulutin nito, mga ka-negosyo?

Pero teka. Sa halip na maging negatibo, at naghahanap ng iba’t-ibang Gawain upang maangat, tingnan mo muna ang mga gawaing maaaring ginagawa mo na ngayon na lalu pa lang makakasama.

O siya, tara na at matuto!

#1 Saliwa ang misyon at layunin

Sa ganitong panahon ng krisis, dapat iisa lang ang layunin at misyon ng kumpanya at mga tao. Kapag di nagkakaisa ang layunin ng bawat isa, tiyak ang kamatayan ng negosyo mo.

Ang aming kumpanya na FAME, na isang kumpanyang nasa communications technology, ay medyo hirap sa pondo upang maikalat ang isang teknolohiya na aming naimbento para sa mga mangingisda na madalas nawawala sa laot lalu na sa panahon ng tag-bagyo.

Nitong pandemya, naatasan kaming gumawa ng mga mass testing booths na gagamitin sa mga pampublikong ospital. Di naman naming talaga ito Gawain, subalit nag-usap ang management at pati ang mga tauhan na kailangang mag-pivot kami sa ganitong mga panahon. Nangyari ang desisiyon sa loob lamang ng ilang oras. Dahil dito, umangat ang cash flow ng kumpanya, at nagpatuloy ang maayos na sweldo at operasyon ng kumpanya.

Dahil nagkaisa kami sa ganitong larangan na med-tech, bilang pivot namin, nanalo kami ng isang grant upang umpisahan ang disenyo ng isang ventilator o oxygen concentrator.

Kayo rin sana ay magkaisa sa misyon at layunin para sa ikagaganda ng takbo ng negosyo sa panahon ng krisis.

#2 Pamamahala ng micro (micro managing)

Ano ba ang ibig sabihin ng micro managing?

Ang gawing ito ay sa panig ng mga manager o supervisor kung saan ang bawat detalye na kanilang pinapagawa sa mga tauhan ay ini-isa-isang pamahalaan. Kaya naman di na nakakagalaw ng may sariling diskarte ang mga tauhan at nag-aantay na lang ng utos. Order-taking ang tawag sa ginagawang ito ng mga tauhan. Sayang ang oras, di ba?

Sa panahon ng krisis, ang micro managing ay lalung nakakainis at nakakayamot sa mga tauhan na tila nawawalan ng tiwala ang management sa kanila. Sa ganitong sitwasyon, kesa magkaisa, nagkakawatak-watak ang organisasyon.

#3 Pagkakalat ng takot (fear-mongering)

Sa panahon ng pandemya, sarisaring takot ang pinag-uusapan at ikinakalat ng maraming tao. Kung ito’y nanggagaling sa management, di ito maganda.

Sa halip, dapat na pangalagaan ang positibong komunikasyon sa mga tauhan at buong organisasyon. May krisis na ngang kinakaharap, negatibo pa ang laman ng mga usapan. Di ba nakakababa ito ng morale ng mga tao?

Kaya dapat pag-isipang mabuti ang mensahe ng komunikasyon na siyang ipapalaganap sa buong kumpanya. Dapat panatilihin ang kaayusan at positibismo sa organisasyon.

#4 Sobrang dami ng miting

Kailangan bang napakaraming miting? Meron kasing tinatawag na “meeting fatigue” kung saan pagod na pagod na ang mga tao sa dami ng mga pinag-uusapan at di na nila matapos ang kanilang trabaho.

Limitahan ang miting. Sa halip, ilatag nang maayos ang mga gawain at usapin sa email at iba pang paraan.

#5 Di pag-intindi sa sitwasyon ng mga tauhan

Ilagay mo kaya ang sarili mo sa lugar ng mga tauhan? Ano ba ang mga pinagdadaanan nila sa araw-araw, mula sa pamilya at trabaho?

Isang beses, noong kakabukas lang ng NCR sa GCQ, may Nakita akong tila isang empleyado nan ais umangkas sa sinumang magbibigay espasyo sa kanilang sasakiyan. Oo, siya ay nag-hitch hike. Bakit? Kasi pinapapasok na siya pero wala naming masakyan papunta sa pinagtatrabahuhan.

Dito, makikitang di naging sensitibo ang kumpanya sa kalagayan ng lahat ng empleyado.

Sa panahon ng krisis, lahat tayo ay iisa ang pinagdadaanan, at iisa alng dapat ang layunin – ang mai-angat ang Negosyo at makapagpatuloy na kumita upang matitaguyod ang pamilya. Tandaan mo yan, ka-negosyo.

Konklusyon

Ang pagiging produktibo ng bawat isa ay mahalaga. Yan ang magsisiguro ng pag-angat ng negosyo. Maging sensitibo sa pangangailangan ng mga tao at maging positibo sa lahat ng bagay.

Nakaatang sa balikat ng lider ang sitwasyon ng negosyo. Itaguyod mo ang misyon at layunin sa tamang paraan ng komunikasyon.

Sa panahon ngayon at kailan pa man, ang mahalaga ay laging kang magdasal at magtiwala sa Diyos na Siyang may tunay na hawak ng magagandang plano para sa iyong buhay. Sipag at tiyaga at ang maayos na relasyon sa kapwa ay pangalagaan lagi – anuman ang marating mo sa buhay.

Si Homer ay isang technopreneur at makokontak sa email niyang chief@negosentro.com

krisis

Paano Itayong Muli ang Negosyo Kung Tinamaan Ito ng Krisis

ni Homer Nievera, CDE, CVM | Kumusta ka-negosyo? Di kaila sa iyo ang dami ng mga negosyong tinamaan ng kasalukuyang krisis pang-ekonomiya na dala ng pandemyang Covid 19. Sa loob lamang halos tatlong buwang pagkaka-quarantine ng mga tao sa buong bansa, lalu na sa mga pangunahing siyudad, napada ng pandemya ang ekonomiya ng Pilipinas.

Oo nga’t di lang ekonomiya ang tinamaan, kundi ang marami ding kababayang namatay sa Covid 19 at ang libu-libong nagkasakit, gumastos, at nawalan ng trabaho.

Kung kasama ang negoso mong tinamaan nang husto ng krisis at tila lugmok ka na, meron pang ilang paraan upang makabangon at makapagsimulang muli.

Narito ang ilang payo na aking maibabahagi sa inyo na kahit paano’y makatulong.

O siya, tara na at matuto!

#1 Mag-set ka ng mga bagong layunin o goals

Dahil na din tayo’y nasa tinatawag na “new normal” kailangan nating mapunta sa “better normal” kung saan mas pagbubutihin natin ang ating layunin sa harap ng panibagong pakikipagsalamuha sa mga kostumer.

Tandaan na ang takot na mahawaan ng sakit na walang siguradong lunas at walang bakuna ay totoong nangyayari sa ngayon. Hanggang kelan ba ito? Walang nakakaalam. Lalu na’t ang ibang mga mayayamang bansa na malapit na diumano na makatuklas ng bakuna at lunas ay uunahin ang kanilang mga kabayan na mabigyan nito.

Ang dapat gawin ay ang mag-ba ng layunin gaya ng pagpapa-una ng kalinisan at kaligtasan ng kostumer. Kung restwaran ka, halimbawa, pangungunahan mo ang delivery kesa dine-in. Kung may dine-in ka naman at 30% lang ang puwedeng nasa loob ng establisimiyento, tiyak na mag-iiba ang operasyon mo.

Ang mahalaga ay maisunod mo ang lahat ng bagay nang naaayon sa itinatakda ng awtoridad at ang lubos na kaligtasan ng mga tao, kostumer man o empleyado. Pokus ka sa pagtayo mula sa pagkalugmok. Yan agad ang pangunahin mong layunin.

#2 Kausapin mo ang iyong mga empleyado

Habang sinusulat ko itong pitak ko, inaalala ko ang pag-uusap naming ng isang kaibigan kung saan binigyan na lamang sila ng kumpanyang pinagtatrabahuhan ng isang linggo bago sila magkaroon ng pansamantalang pagtigil ng trabaho – o temporary closure. Paano nga naman, wala halos nagbabayad ng pagkakautang sa kanila, sarado ang mga nagbebenta ng kanilang produkto, at iba pa. Kinausap sila ng management ukol sa sitwasyon nila.

Gayundin dapat ang gagawin mo. Kausapin mo ang mga empleyado mo at ibigay ang tunay na sitwasyon. Maiintindihan naman nila yan, kahit gaano kasakit ang katotohanan ng sitwasyon niyo.

Ang mas mahalagang rason kung bakit mo dapat kausapin sila at upang makatulong sa pagharap sa krisis.

Sa aming sitwasyon, halimbawa, kahit na nasal abas ng Pilipinas ang aming negosyo, hirap din ang ang aming mga kostumer. Kanya-kanya sila ng paghingi ng diskuwento sa mga serbisyo at marami ang di pa bumabalik bilang kostumer. Mga 30%-50% ang baba ng aming orders. Dito naman naging maagap ang aking mga kasamahan kaya’t nagpupursige sa pangongolekta at pagbebenta. Kasi nga, alam nila ang sitwasyon. Di man kami nagsara, alam nil ana ang krisis ay buong mundo. Ngayon pa lang, dapat umaksyon.

#3 Pakinggan ang mga kostumer

Lahat ng apektadong lugar at negosyo ay napilitang magbawas ng taong nasa lugar ng trabaho, at 50% ang work-from-home o nasa remote setup. Ang mga kostumer ngayon ay nasa kani-kanilang tahanan at nagtatrabaho.

Ano ang sagot mo sa ganitong sitwasyon ng iyong mga kostumer? Di ba dapat mong dalhin sa kanila ang kanilang pangangailangan?

Ang aming kumpanyang FAME na nakalinya sa teknolohiya ng komunikasyon ay bumaling sa paggawa ng mga tinatawag na SCB – specimen collection booth – na gamit sa mass testing sa mga ospital ng gobyerno. Kami ang nag-disenyo ng mga booth na ito kasama ang DOST. Dahil umorder sila ng maraming unbit at alam naming ito ang kailangan sa ngayon ng kostumer, naibaling naming ang operasyon naming tungo dito.

Sa ngayon, disenyo naman ng ventilator at oxygen concentrator ang aming binabalak na gawin. Sagot ito sa mga kostumer dahil nakinig kami sa kanilang pangangailangan.

Ikaw, ano ang sinasabi ng mga kostumer mo? Kailangan mo na din bang mag-pivot ng negosyo? Ano’ng mga bagay ang dapat mong gawin pa?

#4 Basahin at intindihin ang mga datos

Lalu na sa mga panahon ng krisis, lamang ang may alam. Wika nga ni Ernie Baron noong araw, “knowledge is power!”

Nagbabasa ka ba ng mga datos? Nagsasaliksik ka ba ukol dito na makaka-apekto sa iyong negosyo? Tandaan mo na maraming datos ang makakalap mo at dapat mong ianalisa ang mga ito. Tingnan mo paano ito makakatulong mapaangat ang iyong negosyo mula sa pagkakadapa.

Ayon sa datos ukol sa kasalukuyang pangangalakal, saan ito papunta? Oo, alam mong digital ang punta ng pag-market, halimbawa. Ngunit alam mob a kung ano ang platapormang gamit ng kostumer mo para maabot mo sila? May mga datos ukol ditto na puwedeng halukayin upang gumabay sa mga desisyon mo. Gawin mo na ito ngayon.

#5 Suriin ang mga resulta

Kung nagawa mo ang mga pagpapabuti para sa unang yugto ng patatayo mong muli, suriin mo ang mga resulta nito. Ayusin ang mga dapat pang ayusin kaagad. Huwag ipagpapaliban ang mga ito dahil mahalaga ang bawat oras lalu na sa panahon ng krisis.

Itong linggong ito, kinausap ko ang isang kaibigan na nawalan ng trabaho. Isa siyang eksperto sa marketing. Dahil kailangan ko ang kanyang kaalaman sa isang parte ng aking negosyo, nakipag-alyansa ako sa kanya. Ilanga raw pa alng mula nang kami ay mag-usap, meron na agad magandang resulta ang kanyang nagawa. Dahil na din lagi kong sinusuri ang mga datos kaya mabilis ang pagsasaayos ng mga bagay.

Ikaw, ka-negosyo, nasusuri mo ba agad ang mga resulta?

Konklusyon

Ang pagnenegosyo ay may halong hirap at saya. Ngayong mga panahong ito ang lubos na susubok sa iyong kakayahan at pananampalataa – sa sarili mo at sa Diyos.

Tandaan din, sa lahat ng bagay, dasal, tiyaga at tiwala sa sariling kakayahan ang kailangan upang mag tagumpay, ka-negosyo!

Si Homer Nievera ay isang technopreneur. Magmensahe lamang sa email na chief@negosentro.com kung may mga katanungan.

Magnegosyo

5 Tanong na Dapat Sagutin Bago Magnegosyo

ni Homer Nievera, CDE, CVM | Kumusta ka-negosyo? Nawa’y nasa Mabuti kang kalagayan. Marami sa ating mga kababayan ang nasama sa hanay ng libu-libong nawalan ng trabaho sa unang tatlong buwan ng pandemya. Ang nakakalungkot, ay mas marami pa nga ang nakalinya dito.

Dalawampung taon na ang nakakaraan nang ako ay mapabilang sa ganitong sitwasyon dulot ng masamang ekonomiya. Dahil natuto na ako na di dumipende sa kita sa sweldo, nag desisiyon ako noon na magkaroon ng maliit na negosyo na maaaring sumalo kung sumama ang ekonomiya.

Sa pagkakataon ngayon, ang mumunting negosyo na aking nasimulan sa Amerika ay nakakatulong na sa mga ilang tao na nasa Pilipinas. Ngayong nagtatanggalan sa maraming kumpanya, ay may maayos na kita ang aking mga ka-partner (di na sila basta empleyado). Oo, wala na akong empleyado kas inga, kasama na sila sa pagnenegosyo!

Kung ngayon ka pala ng magsisimula sa pagnenegosyo, alalahanin mong mahirap man ito sa simula – lalo na’t may krisis – gagaan ito sa hinharap. Kailangan mol ang magsimula. Hayaan mong tulungan kita sa pamamagitan ng pitak na ito. Narito ang ilang tanong n adapt mong sagutin bago ka magsimula sa iyong negosyo.

O siya, tara na at matuto!

#1 Bakit mo nais magsimula ng negosyo?

Ang tanong na ito ay mukhang simple kung ang sagot mo ay – “Para yumaman!” – ngunit malayo ito sa katotohanan kung titingnan mo ang bilang ng mga taong lubos na yumaman sa pagnenegosyo. Ilagay muna natin sa isang perspektiba ang pagyaman sa pagnenegosyo.

Ang pagyaman kasi ay may kinalaman sa maraming bagay kung ikaw ay nagnenegosyo. Bukod sa sipag at tiyaga, nariyan ang maaayos na cash flow, pagkalkula ng risk (o sugal), maayos na pamamalakad sa tauhan at higit sa lahat, ay pagsasaayos ng mga sistema.

Ang sagot mo sa tanong na bakit nais mong magsimula ng negosyo ay di dapat na iayon sa pagyaman kundi sa pagnanais na maitaguyod ang pamilya, mga tauhan at magkaroon ng oportunidad na makatilong sa tao. Kung yan ang unang batayan ng pagnenegosyo, nasa tamang landas ka na agad.

Kung ang dulo nito ay ang lubos mong pagyaman, yan ang mainam. Ang mahalaga ay masagot mo nnang tuwiran ang basikong dahilan na siyang gagabay sa maayos na landas ng pagnenegosyo.

#2 Ano’ng uri ng negosyo ang nais mong itayo?

Maraming uri ng negosyo ang maaari mong itayo nang naaayon sa maraming bagay.

Una, tanungin mo ang sarili mo kung ano ang pagkahilig (o passion) mo. Dito kasi nagsisimula ang pagmolde ng mga idea. Kasi nga naman punong-puno ang puso mo ng excitement. Ito ang unang tutulak sa iyo upang managinip ng isang negosyo, di ba?

Ikalawa, tingnan ang iyong skills o kasanayan. Naaayon bai to sa pagkahilig mo sa isang bagay? May isa akong kaibigan na mahilig siyang magdisenyo at lumikha ng mga damit mula sa kanyang mga lumang kasuotan. Naibebenta niya ito online. Ang ginawa niya ay nag-aral siya online sa pagtatahi. Ngayon, bumili na siya ng isang high-speed sewer at kasama ang ilang ka-pamilya, nagsimulang magtahi ng face mask. Ito ang una nilang produkto sa pagnenegosyo.

Ang uri ng negosyo nan ais mong itayo ay nakasalalay sa mga bagay na hilig mo at alam na ding gawin. Kung magkatugma na ito, simul ana ito ng iyong negosyo.

#3 Ano ang mga balakid na kinakaharap mo?

Lahat ng negosyo ay may balakid (o challenges). Lalu na kung magsisimula ka pa lang.

Alamin mo ito ng maigi at paigtingin ang pagpa-plano para sa pagharap sa mga ito. Malamang, ang una mong balakid ay kapital, di ba? Saliksikin ang mga paraan upang magawan mo ito ng paraan.

Ang madalas kong kasagutan dito ay ang pagtingin sa sarili mo munang puhunan. May kilala akong nagkaroon ng isang malaki at malawak na negosyo ng ice candy sa halagang 500 pesos na panimulang kapital. Ang isang barbeque business naman ay nagsimula sa halagang 3,000 pesos. Di alintana ang halaga ng kapital, may magagawa kang negosyo. Maaaring di ito ang una mong naisip, maaari mo itong ikonekta sa dulo. Kailangan mo lang magsimula.

Marunong ka bang magbenta o mag-sales? Isa din itong balakid sa mga nais magnegosyo. Kailangan kasi marunong kang magbenta. Kung di mo kayang ibenta ang isang ideya, halimbawa, paano ka magnenegosyo?

Tandaan mon a kung wala ng puhunan sa simula, matuto kang magbenta ng mga bagay na may kinalaman sa magiging negosyo mo. Ang kita ditto, kahit komison, ay maaari mon ang gawin puhunan. Isang halimbawa ay ang paghango ng mga gulay sa mga nagbabagsak o wholesaler. Kung ikaw ang naglalako nito, di mo kailangan ng puhunan dahil papatungan mol ang naman ito upang maging kita mo, di ba? Ganyan ang simula ng mga nagtitinda na ngayon sa palengke.

Anumang balakid ang hinaharap mo ay dapat pagplanuhan ang solusyon. Pag-isipan lang itong Mabuti upang di ka mabigla sa hinaharap.

#4 Sinu-sino ang merkado mo?

Buo man ang ideya mo para sa produkto o serbisyong ilalako mo, kilalanin mo kung sino ang kostumer mo. Isa sa mga balakid na kinakaharap ng mga nagsisimulang nagnenegosyo ay ang pag-target na maigi sa kanilang magiging kostumer. Ang iba naman, ay di nila muna kinilala ang magiging kostumer kaya naman nasasayang ang maraming bagay.

Anu-ano ba ang masamang kahihinatnan sa maling pag-target ng kostumer?

Ang disenyo ng produkto o serbisyo ay mali kung di naaayon sa panlasa o kagustuhan ng kostumer mo. Sayang ang oras at pera sa pagbebenta kung mali ang taong pinagbebentahan mo. Sa marketing na lang, saying ang perang igugugol dito. Ang mas masama pa, may naka-pickup na ng ideya mo at naisaayos ang pag-market nito kaya sila ang nanalo!

Sa pagpaplano, ayusin mo na agad ang pagtantya sa merkado mo. Kung sino ang dapat itarget mo, gawing masinsin ang pagsaliksik sa maraming bagay ayon sa iyong tinatarget na merkado. Ito ang simula kasi ng pagsasaayos ng isyong produkto o serbisyo nang naaayon sa kostumer.

#5 Ano’ng mga permit, lisensya etc. ang kailangan mo?

Bilang isang maayos at legal na negosyo, kailangan mong malaman ang lahat ng patungkol dito. Marami kasi ang nagsisimula nang di man lang tinitingnan ang bagay na ito. Kaya sa dulo sila nagkakaproblema.

Tandaan na mahala ang maayos na negosyo sa legal na paraan upang di ka magkaroon ng problem ana siya namang ikasasara ng iyong negosyo – mapa-online man ito o hindi.

Konklusyon

Ang pagnenegosyo ay may halong hirap at saya. ‘Wag kang tututok lang sa hirap kundi sa say ana dulot nito dahil ngayon, ikaw na ang boss!

Tandaan din, sa lahat ng bagay, dasal, tiyaga at tiwala sa sariling kakayahan ang kailangan upang mag tagumpay, ka-negosyo!

Si Homer Nievera ay isang technopreneur. Magmensahe lamang sa email na chief@negosentro.com kung may mga katanungan.