ni Homer Nievera, CDE, CVM, CCM | Kumusta na ka-negosyo? Ligtas ba kayo ng iyong pamilya at ka-trabaho? Tandaan ang mga safety protocols natin na pagsuot ng mask ng tama, paghuhugas ng kamay, at social distancing. Kailangan natin ang mga yan sa panahon ng pandemya, ok?

Narito tayo ngayon sa halos ika-anim na buwan ng quarantine. Ang biro nga ng marami, ma-reregular na daw tayo, haha. Pero di biro ang ang mahigit 16 porsyento ng pagkabagsak ng ekonomiya na dahil sa dalawang magkasunod na quarter tayo nag negative growth, ibig sabihin nito ay nasa recession na tayo. Di ito magandang pangitain.

Pero dahil nga sa tagal ng ating pananatili sa bahay, dapat na nating tanggapin na eto na nga ang magiging bagong normal na buhay natin. Ang epekto sa ating kabuhayan ay gayun na lamang kaya siguro naman, may mga naiisip ka nang mga paraan para makabawi, di ba?

Dagdagan ko na lang ang inyong kaalaman sa pamamagitan ng pitak na ito.

O siya, tara na at matuto!

#1 Pivot na, ka-negosyo!

Maka-ilang ulit ko nang nababanggit ang salitang pivot sa mga nakalipas kong pitak mula ng magsimula ang mga quarantine at lockdown. Pero uulitin ko ito ngayon.

Ang pag-pivot ay ang pagpihit o pagliko ng iyong negosyo. Ang dating alam mo sa pagnenegosyo ay tapos na – lumipas na. Kaya ang unang gagawin ay ibahin ang iyong pag-iisip sa mga dati nang nakagawian. Huwag mon ang lingunin pa ang mga nakaraan mong mga tagumpay dahil tiyak na iba na talaga ang pagnenegosyo sa ngayon at sa hinaharap.

Paano mag-pivot? Simulan mo sa sarili mo. Bumangon ka sa katotohanang iba na ang mundong ginagalawan natin. Saliksikin ang mga makabagong paraan ng pagnenegosyo at pakikipagsalamuha sa kostumer. Tandaan ang mga safety protocols. Mag-aral ng ecommerce. Dyan ka magsimula.

#2 I-update ang iyong Business Plan

Ito ang pagkakataong mai-update na ang business plan mo. Ang bawat negosyo ay nagsisimula sa isang plano at kinakailangan mo na itong ayusin nang naayon sa sitwasyon, di ba?

Anu-ano nga bang bahagi ng business plan ang dapat mong i-update o baguhin? Parang lahat.

Ganito. Tingnan mo ang merkadong ginagalawan mo. Kung may pisikal kang outlet, malamang bagsak na din ito. Dahil na din sa halos kalahati lang ng mga tao ang nasa labas at may mga safety protocols din na ipinatutupad, saan ka man naka puwesto.

Kung nagsara ka na ng piskial na outlet, home-based na din siguro ang negosyo mo. Iayon mo na ang business plan mo ditto. Pati din kung paano maaabot ang mga kostumer mo. Kung may datos ka ng kanilang email mo ano pa mang digital na datos, may maigi. Mas madalas ka na din sigurong gagamit ng social media.

Teka, kumusta naman pala ang website mo? Kasi eto ngayon ang pinakamahalagang paraan para makilala ka at maging legit ka sa mga panahong ito. Tsaka mon a isunod ang iba pang bagay kas inga digital na ang mga tao ngayon. Di sapat ang social media, ok?

#3 I-update ang impormason ukol sa negosyo mo

Kung babaguhin na lang din ang business plan, pati na din ang lahat ng impormasyon ukol sa negosyo mo ay i-update mo na din. Dahil nga malamang, puro ka online, sa lahat ng puwedeng mong kontak sa kostumer ay ipaalam mo ang lahat ng bagong impormasyon.

Kasama na dito ang bagong menu (kung pagkain ang negosyo mo), proce list (dahil may delivery na ka na), at ibang pang produkto o serbisyo na maaaring mawawala na din say o, gawa ng makabagong protocols.

Kung magbabago na din ang line-up ng mga katrabaho mo, siguraduhing i-update na din ang mga impormasyon ukol dito.

#4 Makipag-ugnayan sa mga kostumer

Dahil nga di mo na makikita ng personal ang lahat ng kostumer, siguraduhing makipag-ugnayan sa kanila sa kahit na anong pamamaraan.

Ang pinaka simpleng pamamaraan upanmg makapag-konekta pa rin sa mga kostumer ay sa social media. Kung meron ka ng mga social media pages o accounts, makipag-ugnayan ka sa kanila. Yung mga regular mong posts ay dapat ayusin mo na din nang naaayon sa panahon ngayon.

Kung alam mo ang mga email nila, mas mainam ito.

#5 Gumamit ng teknolohiya

Maraming bagay ang nagagawa na ngayon nang mas mabilis at mas maayos sa pamamagitan ng teknolohiya.

Ang negosyo ko ay nakasalalay sa mga blogs ko na buong mundo ang nakakabasa. Kaya namana ako’y bumili ng isang plataporma na nag-iskedyul ng mga social media posts ko nang isahan. Nakatipid ako ng isang tao na gagawa nito. Gayundin ang pagkuha ko ng platapormang magpapadala ng email sa mahigit 60,000 na nasa listahan ko. Marami pa akong nabili sa panahaong ito na magpapadali ng aking trabaho at magpapalaganap pa ng aking merkado.

Kung anuman ang sa tingin mong kayang ma-automate ng teknolohiya, pag-isipan mo na at desisyunan agad. Ang negosyong maagap ay mauunang umungos sa mga panahong ito.

Konklusyon

Umpisa pa lang ito nang mga dapat mong gawin sa panahon ng krisis. Kung nais mo nang mas masinsin na diskusyon, email mo lang ako, ok?

Sa panahon ngayon at kailan pa man, ang mahalaga ay laging kang magdasal at magtiwala sa Diyos na Siyang may tunay na hawak ng magagandang plano para sa iyong buhay. Sipag at tiyaga at ang maayos na relasyon sa kapwa ay pangalagaan lagi – anuman ang marating mo sa buhay.

Si Homer ay isang technopreneur at makokontak sa email niyang chief@negosentro.com

(Visited 3,466 times, 1 visits today)