social media

4 na Social Media Tips para sa mga Bagong Negosyo

ni Homer Nievera, CDE | Kung may Facebook ka at Instagram, malamang, sasabihin mong ok na ang karanasan mo sa social media kung gagamitin mo ang mga ito sa pagnenegosyo. Kung bagong negosyo ang iyong itatayo, kailangan mo munang basahin ang apat na tips dito para maayos mong magamit ang social media sa bagong negosyo mo.

#1 Pokus: Brand Building

Tandaan na ang unang gawain ng social media ay ang magpalago ng iyong brand, kung yun man ay ang pangalan ng negosyo mo o ng isang produkto mo. Siguraduhing pangangalagaan mo ang patungkol sa pagpapalago ng iyong pagkakakilanlan sa pamamagitan ng social media bago pag tuunan ng pansin ang ibang bagay.

#2 Pagpapalawig ng Relasyon

Nariyan ang social media para sa pagpapalawig ng relasyon sa yong mga kostumer. Lalu na’t ito ang pangunahing pinupunthan ng mga Pinoy na naghahanap ng iyong brand o kumpanya online. Kaya naman alam na alam nila kung ikaw ay buhos sa pagtutulak (hard-sell) ng iyong mga produkto o serbisyo. Dahan-dahan lang kasi ayun sa mga pagsasaliksik, nakaka turn-off ito. Kaya naman kung may mga nag-pm sa yo, agad kang sasagot. Magpasalamat sa mga bumili sa yo at i-tag sila kung maaari. Siguraduhing ga kakaibang post ang ialatag mo para sa mga kostumer o target na mamimili.

#3 Bantayan ang numero

Ang mga binabantayan na numero sa social media ay ang: reach, engagement at followers. Nakikita yan sa Ïnsights”section ng Facebook at sa kaparehong lugar saYoutube, Instagram at Twitter. Mahalaga ito kasi dito mo nalalaman kung kumusta ang katayuan mo sa mga followers mo. Tandaan na mas mahalaga ang engagement at reach mo kesa followers. Mas mainam na hayaang organic ang paglago ng followers kesa binabayaran lang ang ads para lumago ito.

#4 Palaganapin ang kabuuang presensya online

Ang social media ay isa lamang amplifier”ng mensahe. Ang tanong, pumupunta bas a website mo ang mga kostumer o nananatili lang sa social media? Kung ang sagot ay ang huli, mag-isip ng iba pang istratehiya kung paano sila mahihikayat sa website mo. Tandaan na di ikaw ang may-ari ng social media channels mo. Maaaring bukas makalawa ay mawala ka dito o sila. Pag-usapan natin ang trabaho n SEO sa mga susunod na pitak.

Sa ngayon, palaguin ang presensiya sa social media at i-manage ng maayos.

Si Homer Nievera ay isang digital transformator at founder ng Negosentro.com na tumutulong palawigin ang kaalaman sa Internet at teknolohiya para maiangat ang kabuhayan ng mga Pilipino. Kung may katanungan, magpadala ng mensahe sa email@negosentro.com o hanapin siya sa Facebook.com/thepositivevibespage.

reputasyon

4 na Tips Para Mapaganda ang Reputasyon ng Negosyo Mo

ni Homer Nievera, CDE | Hindi madaling magpaganda ng reputasyon ng negosyo mo sa mga panahong ito ng social media. Masyadong maraming puwedeng sabihin ngunit di kaagad na maniniwala ang mga makakabasa o makakarinig ng mga ito. At di dahil marami kang followers sa social media, ay ibig sabihin, kaya mon ang palawigin ang isang magandang reputasyon. Ngunit may mga tips (o hacks) na ibabahagi ko sa inyo lalu na’t maliit lang ang bisnes mo at walang badget para sa PR.

#1 Kawang-gawa

Simple lang ito at di naman talaga kailangan ng budget nap era. Kasi maraming volunteer ang kailangan oras at talent. Yung mga ganitong bagay ay madaling ayusin para mailagay sa social media. Kadalasan, ang mga malalaking kawang-gawa ay nailalathala din sa diyaryo o kaya’y lumalabas sa TV. Mas mainam din kung opisyal ka sa mga organisasyong may kawang-gawa dahil sa pagkakataong ma-interbyu. Ang tip ko ditto ay simple din – magpakatotoo ka. Alam ng mga tao kung puro ka lang PR.

#2 Expertise

Sa ingles, tawag naming dito ay “Thought Leadership.” Isa itong pagkakaton na naipapamalas mo ang galling mo sa isang bagay na may kinalaman sa negosyo mo. Isang halimbawa ay ang pagiging madalas na pagka-speaker o trainer ko sa larangan ng digital at social media. Oo, may negosyo akong may kinalaman sa mga ito. Ngunit ang pagbibigay ko ng mga talk sa larangang ito ay repleksiyon ng expertise din ng kumpanya ko. Nakikilala nila ako sa husay sa aking larangan kaya naman nagiging repleksiyon ito ng husay ng kumpanya ko.

#3 Tulong sa Komunidad

Lalu na’t nasa isang komunidad ang negosyo mo, mas mainam na nakikita kang tumutulong dito. Halimbawa, kung sa PPCRV ka boluntir kung eleksyon, nakikilala nila ang pagiging makabayan mo. O kung sa simbahan ka nagsisilbi, nakikilala nila ang maaring integridad mo. Mukhang simple itong paraan na ito pero mahirap din dahil puwede ding bumaligtad ang dating sa mga tao. Baka nga humingi ng ibreng serbisyo ang isang kasamahan, bilang halimbawa. Ang mahalaga, ay umikot ka sa komunidad mo at tumulong. Maganda na sa negosyo, maganda din sa puso mo.

#4 Laging Unahin ang Empleyado at Kostumer

Kung paano ka magtrat ng empleyado at kostumer, ganun din ang tingin ng ibang tao say o bilang may-ari. Kaya magpakabait ka’t magpaka-totoo sa lahat ng tao. Ang pakikitungo mo sa iba ang pinaka-mahalagang hack na magagawa mo para lumawig ang reputasyon ng negosyo mo.

Isang halimbawa ay ang sulat ng isang kilalang pribadong kumpanya ng mga columbarium at libingan sa south ng Metro Manila sa kanilang mga kostumer. Kamakailan, nagpadala sila ng sulat sa mga kostumer na madadagdagan ng limang beses ang babayaran nila na “fees” para sa pag-maintian ng lugar dahil kukulangin daw ang pondo nila sa mga darating na panahon. Ang repleksiyon nito sa kanila ay ang maling pamamalakad at ang magbabayad ay ang mga kostumer na wala namang kinalaman sa pamamalakad na ito. Ang mas masama pa rito ay ang karamihan sa kostumer nila ay matatanda na at walang kapasidad na bayaran ito. Ang sagot nila – bayaran na lang ng mga kamag-anak ang dagdag na fees dahil hindi daw maililibing o mailalagak ang abo nito (kapag kolumbaryum ang kinuha) kung di makakabayad. Yun lang, kilala sa lipunan at sa pagnenegosyo ang pamilya ng nasabing negosyo. Repleksiyon din sa kanila itong insidenteng ito. Simpleng sulat. Malaking impak sa reputasyon, di ba?

Sa bawat negosyo, kailangan ng magandang reputasyon. Iwasan ang puro PR lamang. Maging mabuting tao at negosyante, at maganda ang balik nito sa negosyo mo.

Si Homer Nievera ay isang digital transformator at founder ng Negosentro.com na tumutulong palawigin ang kaalaman sa Internet at teknolohiya para maiangat ang kabuhayan ng mga Pilipino. Kung may katanungan, magpadala ng mensahe sa email@negosentro.com o hanapin siya sa Facebook.com/thepositivevibespage.

Motibasyon

6 na Tip Para Magkaroon ng Motibasyon ang mga Empleyado Mo

ni Homer Nievera, CDE | Bawat negosyo ay nangangailangan ng maagap na paraan ng motibasyon sa mga empleyado. Ito ay dahil sa ang pinaka-mahalagang aspeto ng negosyo ay ang iyong mga tao. Narito ang ilan sa mga tip para dito —

#1 Alternatibo ng Lugar ng Trabaho

Ilang taon na ang nakakaraan nang margining ko ang terminong “tele-commuting” o ang pagtrabaho na gamit ang telepono o Internet habang nasa daan ka. Ito ang simula noon ng ngayo’y kilalang “work anywhere.” Kasi nga naman, di na talagang kailangang laging pisika; na nasa opisina ang tao mo. Puwede naman silang gumamit ng ibang paraan gaya ng Skype. Ako kasi, dahil na din sa trapik, pumapayag ako ng work-from-home sa ibang empleyado. Nasa iyo naman ang desisiyon kung sino ang akma dito. Ang alam ko, mas tumaas ang performance ng ilang emplyado gaya ng graphic designer o copywriter na di na sasalang sa trapik para magtrabaho.

#2 Maliliit na Insentibo o Paraan ng Reward

May hangganan ang pagbibigay ng pera bilang insentibo sa mga tao. Minsan nga, may mga tao na nais lang magpalago ng kaalaman at ang pagpapadala sa seminar ay sapat na motibasyon. Ang iba naman, nais ng bonding activities gaya ng “Binondo Walk” o simpleng pamamasyal lang kasama ng mga kapwa empleyado. Mag-eksperimento ukol dito.

#3 Pagbibigay ng Pagkakataong Mag-desisyon

Minsan, nahihirapan ang isang empleyadong intindihin ang sitwasyon ng mga boss kung sila mismo ay di nakakapag-desisiyon gaya nila. Bigyan mo sila ng kaunting puwang para makapag-desisiyon. Ito marahil ang tutlong para lumawak ang kanilang kaisipan at lumabas ang mga ideya na makakatulong sa negosyo mo.

#4 Pagpapalaganap ng Creativity o Pagka-malikhain

Gaya ng nasabi ko, ang motibasyon ng isang empleyado ay kulang dahil di sapat ang oras at puwang para sa talent nito. Isali mo sila sa tinatawag na “Ideation Sessions” o mga sesyon kung saan puwede silang limikha ng mga ideya para sa negosyo mo.

#5 Patuloy na Bukas ng Komunikasyon

Habang lumalaki ang kumpanya, nagkakaroon ng gap ang mga empleyado. Di dahi, sag alit sila sa isa’t isa, kundi sadyang walang oras o kulang ang panahon para magka-usap. Lalu ng mas mahirap ang komunikasyon kung puro email ang ginagawa nila. Buksan mo ang linya ng komunikasyon sa pamamagitan ng mas maraming miting. Mas personal ang komikasyon, mas mainam.

#6 Simpleng Papuri

Maaaring simple ang tingin mo dito pero sa totoo lang di simpleng gawain ang pagpuri sa isang tao lalu na kung ang boss ay di sanay dito. Ito ang dapat na pagtuunan ng pansin. Kung saan dapat may papuri, ibigay ito. Maging sensitibo sa sitwasyon. Minsan, umaalis ang isang magaling na tauhan dahil di man lang napuri o kaya’y, inako ng boss ang papuri sa lahat ng ginawa ng team.

Gusto mong lumago ang negosyo mo? Ayusin ang mga programang magbibigay ng motibasyon sa mga tauhan mo.

Si Homer Nievera ay isang digital transformator at founder ng Negosentro.com na tumutulong palawigin ang kaalaman sa Internet at teknolohiya para maiangat ang kabuhayan ng mga Pilipino. Kung may katanungan, magpadala ng mensahe sa email@negosentro.com o hanapin siya sa Facebook.com/thepositivevibespage.

negosyo

4 na Bagay na Gagawin sa Pagplano ng isang Startup na Negosyo

ni Homer Nievera, CDE | Lahat ng mga startup ay di mo basta mailalabas kung di mo naiplano ng maigi ang mga nararapat mong napaghanadaan.  Mula sa capital na kakailanganin mo hanggang sa pagplano ng iyong paglago, ay dapat mong mapaghandaan. Narito ang apat ng un among kailangang gawin para matulungan ka sa unang anim na buwan ng startup mo.

#1 Mga Bagay pang Pinansiyal

Pera o capital ang unang pangangailangan na dapat mong pagtuunan ng pansin. Kundi, mahihirapan kang pagplanuhan ang mga gawain dahil sa budget mo nakasalalay ang istratehiya at mga taktika para umunlad. Kung sa tingin mo ay kukulangin ka sa kaital, tandaan mo ang apat na “F”na puwedeng panggalingan ng investment – Family, Friends, Fool (yung nabentahan ng ideya mo) at Founders (mga unang partners). Huwag basta uutang sa bangko ng capital kung di ka sigurado sa modelo ng negosyo o ROI mo.

#2 Ang Ideya ng Iyong Negosyo

Maraming aspeto ng pagnenegosyo na puwede mong pag-isipan para magtagumpay. Ngunit nararapat lang na magsimula sa mismong ideya ng negosyo mo. Huwag kang magsisimula ng isa lang ang ideya na iyong ikokonsidera. Masusing pagsasaliksik ang kailangan para mula sa pag-target ng iyong kostumer hanggang sa tinatawag na “customer journey”ang iyong dapat pag-aralan.

#3 Distribusyon

Kung malinaw na ang istratehiya mo sa ideya sa likod ng iyong startup at naiayos mo na ang target kostumer mo, ang susunod na aayusin mo at dedesisyunan mo ay ang distribusyon. Online ba o offline ang gagamitin mo – o pareho? Magkaiba ang mga ito. Kaya dapat, masinsin din ang pagsaliksik kung ano ang aayon sa iyong merkado.

#4 Modelo ng Kita

Saan ka ba kikita sa lahat ng ito? Naisip mo na ba ang iba’t-ibang “revenue streams”na puwede? Huwag iisa lang ang iisipin mong panggagalingan ng kita. Isipin mo na parang bowling pins ang mga ikokonsiderahing panggagalingan ng kita, na ang unang pin – o ang king pin – ay ang maaaring unang panggagalingan ng kita mo. Halimbawa, kung ang unang pagkakakitaan mo ay ang consulting habang binubuo mo pa ang teknolohiya na kakailanganin mo, yan ang king pin mo ngayon. Ngunit habang tumatagal, nag-iiiba ang panggagalingan ng mas malaking kita. Kaya iibahin mon a din ang magiging king pin mo.

Masarap na mahirap ang mag-launch ng isang startup. Ngunit may mga kailangan kang pagplanuhan ng maigi bago magsimula. Maging handa kang mag-adjust ng plano. Huwag kang maging matigas ang ulo kung ayon sa pananaliksik, ay nag-iiba ang modelo ng business mo. Maging open-minded at humanap ng mentor mo para may iba’tibang perspektibo ka.