krisis

Paano Itayong Muli ang Negosyo Kung Tinamaan Ito ng Krisis

ni Homer Nievera, CDE, CVM | Kumusta ka-negosyo? Di kaila sa iyo ang dami ng mga negosyong tinamaan ng kasalukuyang krisis pang-ekonomiya na dala ng pandemyang Covid 19. Sa loob lamang halos tatlong buwang pagkaka-quarantine ng mga tao sa buong bansa, lalu na sa mga pangunahing siyudad, napada ng pandemya ang ekonomiya ng Pilipinas.

Oo nga’t di lang ekonomiya ang tinamaan, kundi ang marami ding kababayang namatay sa Covid 19 at ang libu-libong nagkasakit, gumastos, at nawalan ng trabaho.

Kung kasama ang negoso mong tinamaan nang husto ng krisis at tila lugmok ka na, meron pang ilang paraan upang makabangon at makapagsimulang muli.

Narito ang ilang payo na aking maibabahagi sa inyo na kahit paano’y makatulong.

O siya, tara na at matuto!

#1 Mag-set ka ng mga bagong layunin o goals

Dahil na din tayo’y nasa tinatawag na “new normal” kailangan nating mapunta sa “better normal” kung saan mas pagbubutihin natin ang ating layunin sa harap ng panibagong pakikipagsalamuha sa mga kostumer.

Tandaan na ang takot na mahawaan ng sakit na walang siguradong lunas at walang bakuna ay totoong nangyayari sa ngayon. Hanggang kelan ba ito? Walang nakakaalam. Lalu na’t ang ibang mga mayayamang bansa na malapit na diumano na makatuklas ng bakuna at lunas ay uunahin ang kanilang mga kabayan na mabigyan nito.

Ang dapat gawin ay ang mag-ba ng layunin gaya ng pagpapa-una ng kalinisan at kaligtasan ng kostumer. Kung restwaran ka, halimbawa, pangungunahan mo ang delivery kesa dine-in. Kung may dine-in ka naman at 30% lang ang puwedeng nasa loob ng establisimiyento, tiyak na mag-iiba ang operasyon mo.

Ang mahalaga ay maisunod mo ang lahat ng bagay nang naaayon sa itinatakda ng awtoridad at ang lubos na kaligtasan ng mga tao, kostumer man o empleyado. Pokus ka sa pagtayo mula sa pagkalugmok. Yan agad ang pangunahin mong layunin.

#2 Kausapin mo ang iyong mga empleyado

Habang sinusulat ko itong pitak ko, inaalala ko ang pag-uusap naming ng isang kaibigan kung saan binigyan na lamang sila ng kumpanyang pinagtatrabahuhan ng isang linggo bago sila magkaroon ng pansamantalang pagtigil ng trabaho – o temporary closure. Paano nga naman, wala halos nagbabayad ng pagkakautang sa kanila, sarado ang mga nagbebenta ng kanilang produkto, at iba pa. Kinausap sila ng management ukol sa sitwasyon nila.

Gayundin dapat ang gagawin mo. Kausapin mo ang mga empleyado mo at ibigay ang tunay na sitwasyon. Maiintindihan naman nila yan, kahit gaano kasakit ang katotohanan ng sitwasyon niyo.

Ang mas mahalagang rason kung bakit mo dapat kausapin sila at upang makatulong sa pagharap sa krisis.

Sa aming sitwasyon, halimbawa, kahit na nasal abas ng Pilipinas ang aming negosyo, hirap din ang ang aming mga kostumer. Kanya-kanya sila ng paghingi ng diskuwento sa mga serbisyo at marami ang di pa bumabalik bilang kostumer. Mga 30%-50% ang baba ng aming orders. Dito naman naging maagap ang aking mga kasamahan kaya’t nagpupursige sa pangongolekta at pagbebenta. Kasi nga, alam nila ang sitwasyon. Di man kami nagsara, alam nil ana ang krisis ay buong mundo. Ngayon pa lang, dapat umaksyon.

#3 Pakinggan ang mga kostumer

Lahat ng apektadong lugar at negosyo ay napilitang magbawas ng taong nasa lugar ng trabaho, at 50% ang work-from-home o nasa remote setup. Ang mga kostumer ngayon ay nasa kani-kanilang tahanan at nagtatrabaho.

Ano ang sagot mo sa ganitong sitwasyon ng iyong mga kostumer? Di ba dapat mong dalhin sa kanila ang kanilang pangangailangan?

Ang aming kumpanyang FAME na nakalinya sa teknolohiya ng komunikasyon ay bumaling sa paggawa ng mga tinatawag na SCB – specimen collection booth – na gamit sa mass testing sa mga ospital ng gobyerno. Kami ang nag-disenyo ng mga booth na ito kasama ang DOST. Dahil umorder sila ng maraming unbit at alam naming ito ang kailangan sa ngayon ng kostumer, naibaling naming ang operasyon naming tungo dito.

Sa ngayon, disenyo naman ng ventilator at oxygen concentrator ang aming binabalak na gawin. Sagot ito sa mga kostumer dahil nakinig kami sa kanilang pangangailangan.

Ikaw, ano ang sinasabi ng mga kostumer mo? Kailangan mo na din bang mag-pivot ng negosyo? Ano’ng mga bagay ang dapat mong gawin pa?

#4 Basahin at intindihin ang mga datos

Lalu na sa mga panahon ng krisis, lamang ang may alam. Wika nga ni Ernie Baron noong araw, “knowledge is power!”

Nagbabasa ka ba ng mga datos? Nagsasaliksik ka ba ukol dito na makaka-apekto sa iyong negosyo? Tandaan mo na maraming datos ang makakalap mo at dapat mong ianalisa ang mga ito. Tingnan mo paano ito makakatulong mapaangat ang iyong negosyo mula sa pagkakadapa.

Ayon sa datos ukol sa kasalukuyang pangangalakal, saan ito papunta? Oo, alam mong digital ang punta ng pag-market, halimbawa. Ngunit alam mob a kung ano ang platapormang gamit ng kostumer mo para maabot mo sila? May mga datos ukol ditto na puwedeng halukayin upang gumabay sa mga desisyon mo. Gawin mo na ito ngayon.

#5 Suriin ang mga resulta

Kung nagawa mo ang mga pagpapabuti para sa unang yugto ng patatayo mong muli, suriin mo ang mga resulta nito. Ayusin ang mga dapat pang ayusin kaagad. Huwag ipagpapaliban ang mga ito dahil mahalaga ang bawat oras lalu na sa panahon ng krisis.

Itong linggong ito, kinausap ko ang isang kaibigan na nawalan ng trabaho. Isa siyang eksperto sa marketing. Dahil kailangan ko ang kanyang kaalaman sa isang parte ng aking negosyo, nakipag-alyansa ako sa kanya. Ilanga raw pa alng mula nang kami ay mag-usap, meron na agad magandang resulta ang kanyang nagawa. Dahil na din lagi kong sinusuri ang mga datos kaya mabilis ang pagsasaayos ng mga bagay.

Ikaw, ka-negosyo, nasusuri mo ba agad ang mga resulta?

Konklusyon

Ang pagnenegosyo ay may halong hirap at saya. Ngayong mga panahong ito ang lubos na susubok sa iyong kakayahan at pananampalataa – sa sarili mo at sa Diyos.

Tandaan din, sa lahat ng bagay, dasal, tiyaga at tiwala sa sariling kakayahan ang kailangan upang mag tagumpay, ka-negosyo!

Si Homer Nievera ay isang technopreneur. Magmensahe lamang sa email na chief@negosentro.com kung may mga katanungan.

Magnegosyo

5 Tanong na Dapat Sagutin Bago Magnegosyo

ni Homer Nievera, CDE, CVM | Kumusta ka-negosyo? Nawa’y nasa Mabuti kang kalagayan. Marami sa ating mga kababayan ang nasama sa hanay ng libu-libong nawalan ng trabaho sa unang tatlong buwan ng pandemya. Ang nakakalungkot, ay mas marami pa nga ang nakalinya dito.

Dalawampung taon na ang nakakaraan nang ako ay mapabilang sa ganitong sitwasyon dulot ng masamang ekonomiya. Dahil natuto na ako na di dumipende sa kita sa sweldo, nag desisiyon ako noon na magkaroon ng maliit na negosyo na maaaring sumalo kung sumama ang ekonomiya.

Sa pagkakataon ngayon, ang mumunting negosyo na aking nasimulan sa Amerika ay nakakatulong na sa mga ilang tao na nasa Pilipinas. Ngayong nagtatanggalan sa maraming kumpanya, ay may maayos na kita ang aking mga ka-partner (di na sila basta empleyado). Oo, wala na akong empleyado kas inga, kasama na sila sa pagnenegosyo!

Kung ngayon ka pala ng magsisimula sa pagnenegosyo, alalahanin mong mahirap man ito sa simula – lalo na’t may krisis – gagaan ito sa hinharap. Kailangan mol ang magsimula. Hayaan mong tulungan kita sa pamamagitan ng pitak na ito. Narito ang ilang tanong n adapt mong sagutin bago ka magsimula sa iyong negosyo.

O siya, tara na at matuto!

#1 Bakit mo nais magsimula ng negosyo?

Ang tanong na ito ay mukhang simple kung ang sagot mo ay – “Para yumaman!” – ngunit malayo ito sa katotohanan kung titingnan mo ang bilang ng mga taong lubos na yumaman sa pagnenegosyo. Ilagay muna natin sa isang perspektiba ang pagyaman sa pagnenegosyo.

Ang pagyaman kasi ay may kinalaman sa maraming bagay kung ikaw ay nagnenegosyo. Bukod sa sipag at tiyaga, nariyan ang maaayos na cash flow, pagkalkula ng risk (o sugal), maayos na pamamalakad sa tauhan at higit sa lahat, ay pagsasaayos ng mga sistema.

Ang sagot mo sa tanong na bakit nais mong magsimula ng negosyo ay di dapat na iayon sa pagyaman kundi sa pagnanais na maitaguyod ang pamilya, mga tauhan at magkaroon ng oportunidad na makatilong sa tao. Kung yan ang unang batayan ng pagnenegosyo, nasa tamang landas ka na agad.

Kung ang dulo nito ay ang lubos mong pagyaman, yan ang mainam. Ang mahalaga ay masagot mo nnang tuwiran ang basikong dahilan na siyang gagabay sa maayos na landas ng pagnenegosyo.

#2 Ano’ng uri ng negosyo ang nais mong itayo?

Maraming uri ng negosyo ang maaari mong itayo nang naaayon sa maraming bagay.

Una, tanungin mo ang sarili mo kung ano ang pagkahilig (o passion) mo. Dito kasi nagsisimula ang pagmolde ng mga idea. Kasi nga naman punong-puno ang puso mo ng excitement. Ito ang unang tutulak sa iyo upang managinip ng isang negosyo, di ba?

Ikalawa, tingnan ang iyong skills o kasanayan. Naaayon bai to sa pagkahilig mo sa isang bagay? May isa akong kaibigan na mahilig siyang magdisenyo at lumikha ng mga damit mula sa kanyang mga lumang kasuotan. Naibebenta niya ito online. Ang ginawa niya ay nag-aral siya online sa pagtatahi. Ngayon, bumili na siya ng isang high-speed sewer at kasama ang ilang ka-pamilya, nagsimulang magtahi ng face mask. Ito ang una nilang produkto sa pagnenegosyo.

Ang uri ng negosyo nan ais mong itayo ay nakasalalay sa mga bagay na hilig mo at alam na ding gawin. Kung magkatugma na ito, simul ana ito ng iyong negosyo.

#3 Ano ang mga balakid na kinakaharap mo?

Lahat ng negosyo ay may balakid (o challenges). Lalu na kung magsisimula ka pa lang.

Alamin mo ito ng maigi at paigtingin ang pagpa-plano para sa pagharap sa mga ito. Malamang, ang una mong balakid ay kapital, di ba? Saliksikin ang mga paraan upang magawan mo ito ng paraan.

Ang madalas kong kasagutan dito ay ang pagtingin sa sarili mo munang puhunan. May kilala akong nagkaroon ng isang malaki at malawak na negosyo ng ice candy sa halagang 500 pesos na panimulang kapital. Ang isang barbeque business naman ay nagsimula sa halagang 3,000 pesos. Di alintana ang halaga ng kapital, may magagawa kang negosyo. Maaaring di ito ang una mong naisip, maaari mo itong ikonekta sa dulo. Kailangan mo lang magsimula.

Marunong ka bang magbenta o mag-sales? Isa din itong balakid sa mga nais magnegosyo. Kailangan kasi marunong kang magbenta. Kung di mo kayang ibenta ang isang ideya, halimbawa, paano ka magnenegosyo?

Tandaan mon a kung wala ng puhunan sa simula, matuto kang magbenta ng mga bagay na may kinalaman sa magiging negosyo mo. Ang kita ditto, kahit komison, ay maaari mon ang gawin puhunan. Isang halimbawa ay ang paghango ng mga gulay sa mga nagbabagsak o wholesaler. Kung ikaw ang naglalako nito, di mo kailangan ng puhunan dahil papatungan mol ang naman ito upang maging kita mo, di ba? Ganyan ang simula ng mga nagtitinda na ngayon sa palengke.

Anumang balakid ang hinaharap mo ay dapat pagplanuhan ang solusyon. Pag-isipan lang itong Mabuti upang di ka mabigla sa hinaharap.

#4 Sinu-sino ang merkado mo?

Buo man ang ideya mo para sa produkto o serbisyong ilalako mo, kilalanin mo kung sino ang kostumer mo. Isa sa mga balakid na kinakaharap ng mga nagsisimulang nagnenegosyo ay ang pag-target na maigi sa kanilang magiging kostumer. Ang iba naman, ay di nila muna kinilala ang magiging kostumer kaya naman nasasayang ang maraming bagay.

Anu-ano ba ang masamang kahihinatnan sa maling pag-target ng kostumer?

Ang disenyo ng produkto o serbisyo ay mali kung di naaayon sa panlasa o kagustuhan ng kostumer mo. Sayang ang oras at pera sa pagbebenta kung mali ang taong pinagbebentahan mo. Sa marketing na lang, saying ang perang igugugol dito. Ang mas masama pa, may naka-pickup na ng ideya mo at naisaayos ang pag-market nito kaya sila ang nanalo!

Sa pagpaplano, ayusin mo na agad ang pagtantya sa merkado mo. Kung sino ang dapat itarget mo, gawing masinsin ang pagsaliksik sa maraming bagay ayon sa iyong tinatarget na merkado. Ito ang simula kasi ng pagsasaayos ng isyong produkto o serbisyo nang naaayon sa kostumer.

#5 Ano’ng mga permit, lisensya etc. ang kailangan mo?

Bilang isang maayos at legal na negosyo, kailangan mong malaman ang lahat ng patungkol dito. Marami kasi ang nagsisimula nang di man lang tinitingnan ang bagay na ito. Kaya sa dulo sila nagkakaproblema.

Tandaan na mahala ang maayos na negosyo sa legal na paraan upang di ka magkaroon ng problem ana siya namang ikasasara ng iyong negosyo – mapa-online man ito o hindi.

Konklusyon

Ang pagnenegosyo ay may halong hirap at saya. ‘Wag kang tututok lang sa hirap kundi sa say ana dulot nito dahil ngayon, ikaw na ang boss!

Tandaan din, sa lahat ng bagay, dasal, tiyaga at tiwala sa sariling kakayahan ang kailangan upang mag tagumpay, ka-negosyo!

Si Homer Nievera ay isang technopreneur. Magmensahe lamang sa email na chief@negosentro.com kung may mga katanungan.

family business

Paano Magpatakbo ng Maayos na Family Business

ni Homer Nievera, CDE, CVM | Kumusta ka-negosyo?  Umpisa na ng GCQ – o General Community Quaratine – sa Metro Manila at sa marami pang lugar sa bansa. Paalala lang po. Ang GCQ ay isa pa rin pong Quarantine at di po lahat ng nakagawiang Gawain ay maaari nang gawin. Meron pa rin po tayong mga restriksyon, lalu na sa pagnenegosyo. Kaya kung di naman po importante, stay at home pa rin po tayo.

Kaya naman ang pagtatalakay natin sa pitak na ito ngayon ay may kaugnayan sa inyong Family Business. Maaari kasing dati na kayong may ganitong setup o ngayon pa lang kayo gagawa nito.

Tandaan na di kapareho ito ng isang ordinaryong negosyo. Dahil na din sa ang mga katrabaho mo ditto ay kapamilya at di ordinaryong empleyado. Mahirap din kasing hatiin ang relasyon sa ganitong setup.

Talakayin natin kung paano ito maayos na magagawa at magagampanan ng bawat miyembro ng pamilya at ka-negosyo ang kani-kanilang gawain.

O siya, tara na at matuto!

#1 Lahat dapat ay propesyunal

Ang negosyo ay negosyo. Dapat lahat ng bahago ng pagpapatakbo nito ay nasa lebel na propesyunal. Walang tatamad-tamad at ang pokus ay ang kostumer.

Sa umpisa pa lang, dapat pinag-uusuapan na ang mga hangganan ng relasyon at gawain na may kinalaman sa negosyo. Ang kanya-kanyang mga tungkulin ay dapat maayos na nakalapat at naiintindihan ng bawat isa. Kung boss ka sa opisina, gayundin ang tingin say o sa negosyo ng anak mo o sino mang kapamilya. Respeto sa tungkulin ang kailangan.

Kapag nawala ang pagiging propesyunal sa negosyo, babagsak ito. Ganun ka-simple

#2 May karaniwang layunin (common goals)

Lahat ng negosyo ay may karaniwang layunin – o common goals – na pinagtutuunan ng pansin mula sa umpisa ng kanilang araw sa trabaho. Ang karaniwang hangarin na ito ay kailangang napag-uusapan at napag-dedesisyunan ng bawat isa sa miyembro ng pamilya sa pagnenegosyo.

Madalas kasing nagiging problema sa family business ay parang sumusunod na lang sa utos ang mga anak at sinumang nakakabata ng di inaalam kung ano talaga ang dulo ng pagnegosyo.

Sabi nga ni Steven Covey, ang “end in mind” ay mahalaga. Ito kasi ang basehan ng pag-uunawa ng bawat isa kung saan patungo dapat ang negosyo.

Kaya naman sa umpisa pa lang, siguraduhing alam ng bawat isa sa miyembro ng pamilya na nasa negosyo mo kung ano talaga ang layunin nito at ano ang kanilang responsibilidad at tungkulin para ito ay maipatupad at maisakatuparan.

#3 Ayusin ang lahat ukol sa pinansyal na aspeto

Maraming mga family business ang nalulugi at nagsasara nang dahil sa maling pagsasaayos ng mga pinansyal na gawain. Mula ito sa badyet, payroll at investments.

Wala naman itong ipinagkaiba sa regular na negosyo kung saan ang cashflow, budget at investment ay pinag-uukulan nang pansin.

Minsan kasi, masyadong kampante ang bawat isa at di ito nailalahad nang maayos. Halimbawa, ang sweldo na maaaring allowance ang porma sa ibang pamilyang nagnenegosyo. Dapat, sapat at pinag-usapan ito nang maayos. Kasi kung tipong iniutos lang ito at di napag-usapan nang maayos, tiyak na magkaka-problema ka sa maraming aspeto ng pinansyal.

Aysuin ang paghawak sa kaha. Yan ang madalas na rason kung bakit nalulugi ang mga negosyo. Yan din ang madalas na rason kung bakit ka nagdadala ng kapamilya sa negosyo. Kung di napag-usapan ang mga aspeto ukol dito, malulugi ka pa rin. Lalu na at di maalam sa aspeto ng cash management ang kapamilya mo.

#4 Pagkakaroon ng mga regular na meeting

Unang-una, ang pag-uusap sa ordinaryong hapag-kainan at hindi kailanman magiging isang pormal na meeting. Ngayon pa lang, ihiwalay mo ang aspetong ito sa isang family business.

Mag-ukol ka ng oras at lugar para sa pormal at regular na meeting para sa iyong family business. Di bas a una pa lang, sabi natin, dapat propesyunal ang paghawak? Ito na yun agad.

Magsimula kayo sa lingguhang meeting kung saan ang mga layunin at gawaing kailangang maisakatuparan ay naroon. Sundan ito ng buwanang meeting at taunang meeting. Ganun din naman sa normal at regular na negosyo di ba? Ang pagkakaiba ay ang pagtrato sa isa’t isa bilang propesyunal na miyembro ng negosyo.

Sa mga meeting na ito dapat mailahad at mapag-usapan ang lahat nang ukol sa negosyo. Bawal ang personalan dito.

#5 Respetuhin ang mga hangganan ng bawat isa

Itong parteng ito sa isang family business ay mahalagang talakayin sa umpisa pa lang. Ang pinakamahalagang aspeto nito ay ang oras ng pagtratrabaho, di ba? Yan kasi ang madalas pagsimulang ng problema kung saan ay tapos na ang oras ng trabaho, pinag-uusapan pa ang ukol dito. Dapat respetuhin ang “off” ng kapamilya, di ba?

Bawal ding pag-usapan kung sino ang mas nakakatanda sa pamilya kung halimbawa, ang bunso ang naging boss sa magkakapatid. Kapag oras ng trabaho, siya pa rin ang boss.

Huwag na huwag gagamitin ang relasyong pamilya sa isyng mga desisyong ukol sa negosyo. Minsan naman, ok lang ‘to. Pero tandaan na iba ang negosyo sa pamilya.

Konklusyon

Kung akala mo ay mas madali ang makipag-negosyo sa kapamilya, nagkakamali ka. Marami kang bagay na dapat isaalang-alang lalu pa’t relasyon ang aalagaan mo. Maraming pamilya ang nagkawatak-watak dahil negosyo. Kaya piliing mabuti ang negosyo at kapamilyang isasama mo.

Sa huli, mas mahalaga ang relasyon kesa negosyo. Tandaan mo yan, ka-negosyo.

Tandaan din, sa lahat ng bagay, dasal, tiyaga at tiwala sa sariling kakayahan ang kailangan upang mag tagumpay, ka-negosyo!

Si Homer Nievera ay isang technopreneur. Magmensahe lamang sa email na chief@negosentro.com kung may mga katanungan.

krisis

Paano Mapaglalalangan ang Iyong Negosyo sa Panahon ng Krisis

ni Homer Nievera, CDE, CVM | Kumusta na ka-negosyo? Mahigit dalawang buwan na tayo sa ECQ-MECQ. Alam kong mas hirap ka na sa iyong pagnenegosyo, lalu na’t di mo pa nai-pivot ito. Sana, nabasa mo ang mga nakaraang pitak ko para kahit paano ay makatulong sa yo. Hanapin lang ang Pilipino Mirror sa Facebook o online para sa mga nakaraang payo ko (tuwing Lunes).

Ngayon naman, ibabahagi ko ang ilang paraan para makatulong sa pagmamaneho o sa paglalangan sa gitna ng krisis na ito.

O siya, tara na at matuto!

#1 Balikan ang Business Plan

Narito na naman tayo. Balik tayo sa simula kung saan bibisitahin mo ang iyong Business Plan. Alam mon a siguro na lahat ng gagawin mo ay magsisimula sa isang layunin at ang layuning ito ay ilalagak sa isang plano.

Ang pag-aayos ng iyong business plan ay iaayon mo sa panahon. At dahil tunay na nag-iiba na ang pakikipagnegosyo sa panahong ito, dapat mo na ding i-pivot ang iyong business plan.

Sagutin mo lang ang mga tanong na ito sa iyong business plan: Saan mo nais Makita ang iyong Negosyo sa loob ng isa hanggang anim na buwan? Anu-ano ang gagawin mo upang maabot mo ang mga ito?

Ang susi sa isang business plan ay ang mga detalye nito. Kaya yan ang pagtuunan mo ng pansin. Kung nais mo ng simpleng template ng isang business plan, email mo lang ako, ka-negosyo sa chief@negosentro.com.

#2 Pokus ka sa Iyong Kostumer

Sa ganitong panahon ng krisi at ang iyong naturang “best customer” ay maaaring nakatuon ang pansin sa ibang mga bagay. Kung ang negosyo mo ay kasama sa mga basikong produkto o serbisyo, panalo ka na. Ngunit siyempre, may mga kakumpitensya ka pa din. Kaya sa ganitong pagkakataon, mas pagtuunan mo ng pansin ang iyong customer service.

Ang pagkakaroon ng mas maayos na serbisyo sa iyong kostumer ay mas mahalaga sa panahong ito. Yan kasi ang mas magpapa-angat ng iyong estado laban sa mga kakumpitensya.

#3 Word of Mouth – Ano’ng sinsabi nila tungkol sa yo?

Kakabit ng maayos at masiglang customer service ay tinatawag na “word of mouth” o WOM. Ang ibig sabihin lang nito ay patungkol sa mga sinasabi ng mga kostumer mo ukol sa produkto o serbisyo mo nang hindi galing sa kahit na anong patalastas o advertising mo.

Ano nga ba ang sinasabi nila?

Ano ba ang reputasyon mo?

Yan ang kailangan mong malaman at pangalagaan lalu na sa panahon ng krisis. Ito kasi ang magiging batayan ng pagnenegosyo mo dahil ang bawat isa sa mga kostumer mo man o suplayer ay nakatuon sa kredibilidad mo bilang negosyante. Madalas, makikipagsalamuha lang sila sa mga tunay nilang pinagkakatiwalaan. Ikaw ba yun?

#4 Palawigin pa ang Marketing

Maraming mga nmegosyante ang nagbabawas ng budget sa marketing kapag may krisi. Ang ilan naman, mas pinapa-igting pa ang marketing tuwing may krisis.

Di naman kasi dapat tingnan ang marketing sa “masama” o mayabang na konteksto. Ang PR na tinatawag ay isang paraan din ng marketing. Halimbawa, ang ginawang pamimigay ng pagkain ng San Miguel ay matatawag na PR (o public relations) kung saan ang budget nito sa advertising ay doon inilagak. Di ng aba, mas naalala mo sila ngayon? Marketing din yan na matatawag.

Ganun din ang ginawa ng Coke sa kanilang advertising g budget. Kasama sila sa mga nag-donate sa mga apektadong pamilya at komunidad bilang CSR program nila.

Ang mga kumpanyang naglagak ng marketing budget sa panahon ng krisis ay mas maaalala ng kostumer nila kapag mas umayos na ang sitwasyon.

#5 Palawigin ang Presensiya Online

Kumusta ang website mo ka-negosyo? Tumatakbo ban ang mas maayos? Kumusta ang iyong social media? Kumusta ang SEO at content marketing mo?

Ilang lang ito sa mga bagay na dapat mong magtibayin sa panahon ng krisis. Kagaya ng marketing, ang iyong presensya online ay mas magpapaangat sayo sa panahong ito.

Di na pa kailangang pag-isipan ito nang matagal dahil nga sa ECQ o lockdown, nasa digital na lahat ng mga tao, di ba? Kung kailangan mo ng isang libreng assessment ng iyong website at social media sa Negosyo mo, email mol ang ako para sa libreng forensics.

#6 Tuloy-tuloy na Training o Pag-aaral

Sana naman ay nag invest ka sap ag-aaral nitong dalawang buwang nagdaan. Sa ganang akin, ang tinatawag na lifelong learning ay mahalagang bagay na pagtuunan ng pansin. Ako mismo ay nakapagtapos ng dalawang kurso nitong ECQ – isa sa Harvard at isa sa MIT.

Bakit ito mahalaga? Kasi ang pagkakaroon ng mga bagong kaalaman ay magbibigay sa yo ng panibagong perspektiba sa iyong Negosyo. Ito ay magagamit mo sa iyong pagbuo ng mga bagong plano sa Negosyo mo.

Tuloy lang sap ag-aaral, ka-negosyo!

#7 Ayusin ang Budget

Maaaring kontra ito sa una kong nabanggit ukol sa marketing. Ngunit sa totoo lang, kaakibat ito.

Ang pagsasayos ng iyong budget ay mahalaga bago pa umabot sap ag-bankarote ng Negosyo mo. Kung kinakailangang magbawas ng araw ng trabaho sa mga tao, gawin mo muna kesa lubos na mawalang sila ng trabaho, di ba?

Siyempre unahin muna ang budget sa operasyon. Kung kailangang mag sakripisyo ng laki ng espasyo, gawin mo. Kung kailangang ilipat ng lokasyon, gawin mo, para makatipid.

Ang mahalaga, kung alam mo na kung ano ang pag-pivot na gagawin mo, isunod ang budget. Ang mahalaga, makahinga ka muna.

Maglagay ka ng espasyo sa iyong gastusin para maka-survive ka. Yan muna ang isipin mo.

#8 Kumuha ng Mahusay na Ka-Team

Sa panahon ng krisis, ang core team mo ang mahalaga. Dapat andyan sila upang alalayan ka sa mga plano at desisyon. Suriing Mabuti ang kanilang mga kakayahan. Mas mabuti, yung di sila pare-pareho ng kakayahan at tila napupuno nila ang kahinaan ng iba.

Bumuo ng online meetings at brainstorming sessions linggo-linggo. Magpalitan ng kuro-kuro at ayusin ang mga plano kasama sila.

Tandaan na ang pagkakaroon ng matibay na core team ang siyang magpapa-angat sa yong negosyo.

Konklusiyon

Sa panahon ng krisis, tandaan mo na di ka nag-iisa. Patuloy kang kumonekta sa iba’t ibang grupo at makibahagi dito. Ang mahalaga, galaw ka ng galaw. Maging positibo at magtiwala sa sarili mong kakayahan at ng ibang tao.

Sa lahat ng bagay, patuloy kang magdasal at manalig sa Diyos.

Si Homer ay isang technopreneur at makokontak sa email niyang chief@negosentro.com.

work from home office

Paano Dapat Ayusin ang Iyong Home Office sa Panahon ng MECQ

ni Homer Nievera, CDE, CVM | Kumusta ka-negosyo? Nasanay ka na bang magnehosyo sa iyong home office – o opisina sa bahay – sa panahon ng lockdown? Ngayon kasi, siguradong gigil na ang mga taong lumabas at bumalik sa opisina. Trapik na malamang ngayon sa ilang pangunahing lansangan o highway.

Pero teka, di dahil naging MECQ na o GCQ sa iba, pakatandaan na meron pa ring umiiral na Community  Quarantine. Ibig sabihin nito, di pa lubusang bukas ang lahat ng negosyo at mahigpit pa rin ang pinapairal na social distancing at pagsuot ng face mast at iba pa.

Ngunit sa totoo lang, kinailangan na ding makabawi kahit paano ang ekonomiya ng Pilipinas kaya nag MECQ. Tandaan na sa kasalukuyan, ang mga kumpanyang maaari nang bumalik sa trabaho ay 50% lang ang pinapayagan na nasa opisina at 50% ang work-from-home.

Dito pa lang, alam mo na kailangan mong i-maintain pa rin ang iyong home office. Anu-ano ba talaga ang kailangan mo para sa maayos na opisina kung work-from-home (WFH) ka?

O siya, tara na at matuto!

#1 Tingnan muna ang operasyong gagawin mo bilang WFH

Sa ating perspektiba, ikaw ay isang negosyante. Maaaring may ilang tao ka na nasa opisina o depende kung ano ba talaga ang negosyo mo, di ba?

Alam mo naman din siguro na dahil kailangan ng social distancing sa kumpanya mo, di talaga puwedeng nasa 100% na nasa opisina lahat ng tauhan mo, kasama ka – anuman ang iyong negosyo.

Dahil ikaw ang boss (malamang naman siguro!), dapat kaya mong ayusin ang setup ng opisina mo sa bahay ayon sa operasyong iyong pamamahalaan.

Halimbawa, kung ikaw ay nasa manufacturing, dapat may supervisor ka na nagmamando nang personal sa mga tauhan. Dapat siguro may isa kang executive assistant na nasa opisina, at kung sinu-sino pa na siyang pisikal mong tao na nadun para magmando ng mga tao.

Sa operasyon ko kasi, lahat kami naka work-from-home na kaya mas madali ang operasyon at ugnayan namin dahil lahat digital na. Sa pitak na ito, ibabahagi ko ang ilang ginagawa at ginagamit naming tools na puwede niyo ding gamitin.

#2 Malakas na Internet

Di na siguro kaila na sa panahon ng ECQ, napakalaking bagay ng malakas na Internet sa bahay, di ba? Kung di ka pa lumilipat mula DSL papuntang Fiber Optic na wifi, ngayon na dapat. Kung kaya mo ng 50 mbps, mas ok.

Bonus na yung maayos kang nakaka-stream ng Netflix. Pero ang talagang pakay mo ay kayanin ng wifi mo ang mga iba pang video streaming na kakailanganin mo sa komunikasyon. Isipin mo din na malamng, di lang naman ikaw ang gumagamit ng Internet sa bahay, di ba?

Sa totoo lang, sa aming tahanan, tatlo na kaagad kaming naka-WFH. Yung dalawa kong anak kasi ay automatic nan aka work-from-home dahil na din sa uri ng kanilang trabaho kung saan sinabihan talaga silang mag WFH.

Ang isang anak ko nga, hanggang Oktubre daw na siguradong WFH siya, at isa ko naman anak ay kailangang manatili sa bahay dahil ang panganay ko ay fronliner – isa siyang duktor – kaya sa building daw nila, kailangang 21 araw daw ang automatic quarantine niya kung sa bahay umuuwi ang kapamilyang frontliner. Yun nga lang, dalawang beses sa isang lingo ummuwi ang duktok kong anak. Kaya automatic na WFH siya talaga.

At dahil nga naka fiber kami, ok lang na sabay-sabay na gumagamit ng wifi at nag stream kami ng videos at gamit sa komunikasyon.

#3 Download ka ng Zoom

Kung wala ka pang Zoom app, mag-download ka na agad. Ang tanong talaga diyan ay nasaan ka ban ang mga panahong ECQ at wala kang ka-Zoom?

Para saan ba ang Zoom? Isa itong video conferencing app na maayos ang uri ng video na nagagawa nito sa pagitan ng maraming ka-video conference.

Sa aming pamilya, sobrang gamit ang Zoom kaya kumuha na ako ng Pro version nito dahil hanggang 100 na tao ay kaya naming maka-video. At dahil may mga hino-host akong conference, yung version ko ng Zoom ay kayang mag Livestream sa Facebook o Youtube.

Kaya kung ang negosyo mo ay mga seminar, halimbawa, mahalaga itong Zoom app.

Libre naman ang pag-download. Yung free version ay hanggang 40 minuto ang puwedeng gamit nito. Mag-reconnect ka na lang kung matapos na ito.

#4 Isang Maayos na PC o Laptop

Di na siguro kaila sa yo na kailangan mo ng maayos na PC o laptop di ba? Sa totoo lang, may mga kilala nga ako na pinauwi na sa kanila ng opisina ang kanilang PC sa bahay nila habang naka WFH. Sa katunayan, yan din ang una kong pinagawa sa mga kasamahan ko sa opisina nang mag WFH kami nung nakaraang taon.

Ano nga ba ang specs ng laptop o PC na dapat na gamit mo habang WFH?

Depende kasi sa uri ng trabaho o negosyo mo ang specs ng laptop o PC mo. Ang mahalaga, may camera ito para sa video conferencing at merong maayos kang headset o earphones.

Ako, gamit ko kasi ay Macbook Air na laptop at eto ang gait ko sa pag-Zoom. Wala kasing camera ang PC ko. Kaya nga umorder na ako sa Lazada ng camera para magamit ko sa Zoom sa PC ko din.

Minimum na may 4gb kang RAM (mas ok ang 8gb siyempre!) para sa mga video. Ngayon kasi, mas ok ang may 1tb kang hard disk kung PC. Sa PC ko kasi, bukod sa 1tb na had disk, meron akong nakakabit na 6tb na backup disk. Dun ko nilalagay ang lahat halos ng files ko para automatic na ang pag backup. Kaya ang payo ko, magkabit ka din ng external hard drive sa PC mo (laptop) para sa backups.

#5 Ergonomic na Upuan at Maayos na Mesa

Kung mga walong oras kang nakaupo, dapat talaga ergonomic ang iyong upuan. Mahalaga ang pagsaayos ng iyong pag-upo lalu na sa iyong likod.

Ako, nakaka dalawang palit na ako ng upuan dahil sa paggamit ko ng matagal nito. Nagpasadya na din ako ng mesa ko para sa laki nito at taas.

Ang payo ko, pumili ka ng matibay na kagamitang mesa at upuan dahil araw-araw mo na itong gagamitin.

Konklusyon – Maayos na Workspace

Ang pinakamahalag sa lahat ay ang isang maayos na workspace. Iyong di nakahalo ang trabaho sa sala o hapag kainan.

Ang mga anak ko kasi, kung saan-saan sila nagtatrabaho sa bahay. Meron silang mga portable na mesa at upuan. Milenyal kasi. Gusto daw nila, paiba-iba ang lugar na pinagtatrabahuhan.

Ako naman, naisaayos ko na ang workspace o workstation ko sa bahay nung isang taon pa. Ayaw ko kasi ng distraction, pero gusto ko, malapit lang ako sa bintana para sa mga pa-deliver ko.

Tandaan mon a dahil WFH ka na, meron ka pa namang mensahero sa pamamagitan ng Lalamove o Grab at iba pang mga delivery providers. Yan ang mga ginagamit ko ngayon.

Mag-invest ka ng kaunti sa workspace mo dahil habang walang vaccine ang COVID 19, matagal-tagal kang naka WFH.

Tandaan, sa lahat ng bagay, dasal, tiyaga at tiwala sa sariling kakayahan ang kailangan upang mag tagumpay, ka-negosyo!

Si Homer Nievera ay isang technopreneur. Magmensahe lamang sa email na chief@negostro.com kung may mga katanungan.

technopreneur entrepreneur covid

Paano Maging Entrepreneur sa Panahon ng Covid 19

ni Homer Nievera, CDE, CVM | Sa panahon ng pandemya, puwede ka pa ba maging isang entrepreneur o maging isang negosyante? Kasi nga sa dami ng pino-problema, parang nahihirapan ka na mag isip nang maaayos. Kahit saan ka tumingin sa social media, puro negatibo naman ang nababasa mo at di ka na magkaroon ng inspirasyon. Ganyan ba ang nararamdaman mo?

Alam mo, ka-negosyo, nasa perspekitbo lang lahat yan.

Siguro, wag na natin isantabi ang tunay na nagaganap. Harapin natin na ang pinagdadaanan natin na pandemya ay nandyan. Isang kalabang di makita. Marami na din ang namamatay sa buong mundo. Pero teka, nasaan ang inspirasyon ng pagnenegosyo dito?

Ang sa akin ay simple lamang. May oportunidad sa krisis.

O siya, tara na at matuto. Tara na!

#1 Harapin ang Katotohanan

OK, so nasa krisis tayo ng pandemya. Bukod sa bawal magbukas ng bagong negosyo na may kinalaman sa pakikipagsalamuha sa maraing tao. Kung ang pagkakaroon ng maraming mamimili ang konsepto ng pagkakaroon ng negosyo, paano na lang tayo niyan?

Pero di ba, puwede ka namang magkanegosyo online, halambawa?

Kaya naman kung alam mo ang puwede at hindi puwedeng gawin bilang isang mamimili, alam mo na kung ano’ng negosyo ang puwedeng itayo o hindi.

Alamin mo at magsaliksik din kung hanggang kelang ng aba talaga ang lockdown sa lugar na kung nasaan ka. Gaya ngayon, di buong Luzon ang magiging ekstensyon ng ECQ mula Mayo a-uno.  Kung gayon, dito palang ang katotohanan ng lockdown depende sa lugar ay dapat mong pagtuunan ng pansin.

At kung ikaw naman ay nasa lockdown, alam mon a din ang iyong mga limitasyon. Ito ang gawin mong basehan ng negosyong nais itayo.

#2 Ibahin ang Pananaw patungo sa Pagiging Positibo

Magulo na nga, makikigulo ka pa? Yan ang isang pananaw na tila angkop sa panahon ngayon. Kasi kung makikisawsaw ka sa problema, pati ikaw mamomoblema na din.

Ang tamang pananaw ay ang may kinalaman sa tinatawag kong “Slingshot Principle.” Ang isang slingshot – o tirador sa Tagalog – ay sadyang kailangan mong higitin ang pagkakahila bago ito bitiwan para lumipad ang batong nakapaloob dito.

Sa bawat matinding krisis na pandaigdig, nakapaloob dito ang iba’t ibang oportunidad. Kailangan nga lang mag-desisyon ka kung ikaw ang batong papaimbulog o ikaw ang tatamaan ng bato.

Ano ang ibig kong sabihin dito? Simple lang. Kapag nakakuha ka ng tamang tiyempo at nakakita ka ng oportunidad sa pagnenegosyo, tiyak na ikaw ang makikinabang nang husto dito.

Isang halimbawa ay ang pagkuha naming ng kontrata sa paggawa ng mga testing booths ng DOST na tinatawag na Specimen Collection Booth o SCB. Di bas a panahon ng Covid 19 lang naman naming ito magagawa? Dahil sa ang teknolohiyang nakapaloob dito ay galing sa kumpanya naming (FAME Inc.), kami ang nakakuha ng oportunidad na kumite dito. May isa pa nga akong kilala na body bags ang kinukuha sa kanya sa panahong ito. Mukhang kakalungkot kung titingnan mo, di ba? Pero sa perspektibong entrepreneur, pagkakaitaan ito!

Gayundin ang naging oportuniad ng isang kaibigan na nakapagbenta sa amin ng libu-libong piraso ng Vitamin C. At ginamit naman naming itong pambigay sa mga kapus-palad.

Kaya naman ka-negosyo, pagsaliksikan mong Mabuti ang mga maaaring oportunidad na makukuha mong pagkakitaan ngayong panahon ng pandemya. Marami yan!

#3 Gumalaw nang Naayon sa Pakiramdam

Naniniwala man ako sa kombinasyon ng siyensiya, pakiramdam at sining, para sa akin sa mga panahong ito na di kasiguraduhan at pag-aagam-agam, mas ok gamitin muna ang pakiramdam o instinct sa pag-iisip ng manenegosyo ngayon. Kasi nga, bago ito sa ating lahat. At dahil walang nakakaalam talaga ng gagawin, mas mabuti pang pakiramdam na lang ang gamitin upang mag negosyo.

Halimbawa, naisip kong kausapin ang isang kaibigan ko sa Bulacan sa pagbabakasakaling may kilala siya na nag-susuplay ng alcohol para maibenta naming sa aming kooperatiba. Sa pag-uusisa ko, nabanggit niya na gumagawa sila ng mga reusable na mask.

At dahil nagsisimula pa lang noon ang ECQ, naisip ko magkakaroon ng shortage o pagkukulang ng mga disposable na mask kaya magandang oportunidad ang reusable mask na nilalabhan lang pagkagamit. Ayun, umangat kaagad ang bentahan naming nito. Tamang kutob sa tamang tao. Isang pakiramdam ang naging susi sa naging negosyo naming sa kooperatiba.

Ikaw, ano ang kutob mo sa isang maaaring maging negosyo?

#4 Mag-eksperimento o Sumubok bago Sumabak

Kahit sinabi kong “Trust your Instincts,” di ibig sabihin ay puro pakiramdam na lang ang gagamitin mo. Malaking bagay kasi ang pag subok muna bago sumabak.

Sa kasalukuyan, gumagawa kami ng ikalawang prototype ng aming proyektong may kinalaman sa  ventilator. Ito ang tinatawag naming Ruwah – ang ang ibig sabihin sa mga Ebreo ay “hininga ng Diyos.” Ngunit sa totoo lang, isa itong mechanical ambu bag.

Nagsaliksik muna kami ng iba’t ibang disenyo bago namin nagawa ang una naming produkto. Sa isang website ng MIT (Massachusetts Institute of Technology) namin nakita ang isang disenyo ng ventilator na akma sa Pilipinas. Sa ngayon, nakikipag-ugnayan na kami sa mga ospital at sa eksperto sa paggawa nito mula sa DOST at DOH. Ang pagpapalaganap ng aming mga kaisipan sa pamamagitan ng pagsasaliksik ang nagtulak sa aming gumawa ng Ruwah. Malapit na naming matapos ito. Ang susunod, sasabak na kami sa pagnenegosyo nito.

Konklusyon

Maraming bagong pagkakataon ngayon na iyong di dapat sayangin. Ang mahalaga ay mauna ka sa isang negosyo na sa tingin mo ay aakma sa “new normal.” Sobrang dami ng mga bagong negosyo ang magsusulputan tiyak pagkatapos ng ECQ. Dahil sabi ng mga eksperto, hangga’t wala pang natutuklasang bakuna sa Covid-19, tuloy pa rin ang tulad ng social distancing, pagusot ng mask, paggamit ng alcohol at marami pang iba. Magbabago na sigurado ang pangangailangan ng mga tao.

Ang tanong, handa ka na bang maging entrepreneur sa panahong ito?

Tandaan, sa lahat ng bagay, dasal, tiyaga at tiwala sa sariling kakayahan ang kailangan upang mag tagumpay, ka-negosyo!

Si Homer Nievera ay isang technopreneur. Magmensahe lamang sa email na chief@negosentro.com kung may mga katanungan.

 

Image Credit

Negosyong Patok sa Panahon Lockdown

7 Negosyong Patok sa Panahon Lockdown

ni Homer Nievera, CDE, CVM |  Kumusta na ka-negosyo? Halos mag-iisang buwan na tayong naka-lockdown at kung ngayon ka pa lang napadpad sa pitak kong ito, malamang nahanap mo ito sa pagbabakasaling may mga kasagutan tayo kung paano magkakapera sa panahon ng lockdown.

May mga ilang kasagutan naman ako diyan sa iniisip mong itanong. Sana, makatulong din tayo kahit papaano.

Maraming negosong patok na aking puwedeng ilahad sana ngunit dail limitado naman ang espasyo natin (kahit online pa ito), pipili na lang tao ng mga nagosyong kaya mong magawa kaagad o kaya’y siguradong swak sa mga kostumer.

O siya, tara na at matuto!

#1 Washable Face Mask

Kaninang umaga, gamit ang isang portable na Singer na Sewing Machine, nakagawa ang maybahay ko ng isang face mask na maaaring malabhan. Bakit ito ang kanyang naisip gawing proyekto?

Simple lang. Bukod sa kakaunti lang namang talaga ang mabibiling face mask, disposable pa ang mga ito. Kaya dito, makikitang maraming nangangailangan ngunit kakaunti o halos walang supply.

Kaya dahil washable ang ginawa ni misis, paulit-ulit itong puwedeng gamitin. Sa totoo lang, meron ka din namang mabibili na ganito ngayon, tama? Pero pare-pareho ang mga ito. Manipis o kaya’y mainit.

Ang gawa ni misis, 3-ply – o tatlong tela ang magkakapatong at gawa sa cotton, kaya di mainit. Nilagyan pa niya ng bulsa sa gitna na puwedeng lagyan ng tissue paper para mas protektadong pangharang sa virus. At ang tissue ay disposable kaya kahit buong araw, ang tissue lang ang papalitan mo. Sa pagkakataong ito, inobasyon ang aming ginawa at may karagdagang halaga o value para sa kostumer.

May makukuha kang pattern nito sa Youtube para bukod sa makakagawa ka para sa inyong pamilya, maaari mo na din itong pagkakitaan.

#2 Masustansiyang Pagkain

Lahat ng tao ay kumakain, di ba? Kaya alam mong siguradong merong merkado. Ang tanong na lang ay kung ano’ng klaseng pagkain ang iyong iluluto.

Una, dahil mas maraming tao ang nag-stock ng mga de lata, noodles at kung anu-ano pang pagkaing na-proseso, kakailanganin na din ng mga tao ang masusutansiyang pagkain. Siyempre, alam naman natin na dapat malakas ang ating katawana at resisistensiya upang mapaghandaan ang pananalasa ng corona virus o Coviod-19.

Kaya naman ang pagbebenta ng mga iba’t-ibang uri ng masusutansiyang pagkain ang puwede mong pagkakitaan. Di naman tumigil ang pagdating ng mga supply na gulay, prutas at iba pa, kaya nasa imahinasyon mo na lang ang maaari mong ibenta.

Ang maganda nito ay ang pagkakaroon ng maraming naka-post sa social media na mga recipe. Tingnan mo kung ano ang kaya mong gawin at iyong ang subukan.

#3 Mga Produktong Panglinis at pang-Sterilize

Ang una mong naiisip dito ay ang alcohol, tama? Siyempre, naisip mo ito dahil ito’y pangunahing ginagamit para sa ating mga kamay at kung saan-saan pa upang mapuksa ang corona virus.

Ngunit bukod sa kontroldao ng gobyerno ang presyo nito (may panuntunan ang DTI para ditto at iba pang panunahing mga produkto), mahirap din makakuha ng supplier na di naagsu-spply sa mga tindahan.

Pero may kilala akong ito ang kanyang ninegosyo ay alcohol na may kasamang mosituriser o kaya’y mabango ang amoy. Kaya sa pagkakataong ito, may inobasyong kasama para maiba na din sa karaniwan.

Tandaan din na maraming klase ng panglinis at pang-setrilize na iyong mabebenta. Bukod sa gamit sa katawan, naroon ang mga panggamit sa bahay at sa kapaligiran.

Mas mainam din kung makagawa ka ng organic o natural na sterilizer. Kaunting pagsasaliksik lang o ang paghahanap ng mga supplier, makakapag-umpisa ka din ng negosyong ito.

#4 Trabahong ini-Outsource

Dahil na din san aka-lockdown, marami sa ating mga kababayan ang maaaring nawalan na din ng trabaho. Kung ikaw ay napabilang doon at ikaw naman ay mga kasanayang magagamit bilang freelance o virtual assistant, maraming mga trabahong maaaring ma-outsource sa iyo.

Ang isa sa mga trabahong ini-outsource ng mga kumpanya local man o abroad ay ang accounting. Sa lahat kasi ng negosyo ay kinakailangan ang ganitong trabaho. Kaya kung ito ang kasanayang alam mo, may makukuha kang mga kostumer para dito.

Narito ang ilang trabahong na maaring mai-outsource sa iyo at tuluyan mon a ding maging negosyo: pagsusulat, social media, phone support, IT support, encoding, research, graphic design, web development, at marami pang iba.

Paano magsimula? Gumawa ka ng iyong Facebook Page na naglalarawan ng iyong mga kasanayan. Kung meron kang kasanayang gumawa ng website, mas mainam. Puwede ka din namang gumawa nito gamit ang tulad ng Wix.com. Ang mahalaga, ay makita ka nila online.

Maaari ka ding pumunta sa mga website gaya ng Freelancer, Guru, Upwork, Twago, at iba.

#5 Mga Kagamitang pang Home Office

Dahil na din maraming tulad mo ang naka-quarantine o kaya’y naghahanap na ng mga trabahong gagawin sa bahay, dadami na din ang mangangailangan ng mga gamit para mas mapaayos ang pagtatrabaho sa bahay.

Isipin mo ang mga desk organizer, mga upuan, ilaw o pati na din ang mga computer at iba’t ibang gadgets na kakailanganin ng isang home office. Kung ikaw a may mga kilalang supplier nito na din naman talaga makapag-bukas ng tindahan, puwede mo silang tulungang magbenta o i-ahente ang kanilang mga produkto. Tandaan na ang pag-aahente ay isa pa din paraan ng pagnenegosyo.

#6 Mga Kagamitang pang Kusina at Pang Sala

Siguro naman napapansin mo na mas nasa kusina ang mga tao ngayon dahil na din hindi sila makakain sa mga restawran.  Simulan mo sa paghahanap ng mabebentang simple lang gaya ng LPG, iba’t-ibang panlasa o spices, o kahit na mga kaldero at kaserola pa yan.

Ang mahalaga ay alam mo kung nasaan naglalagi ang mga tao pag lockdown – sa kusina!

Bukod sa kusina, nasa sala ang mga tao at nanonood ng Netflix at iba pang mapapanood. Kung nandun sila, ano’ng mga bagay-bagay ang kanilang kakailanganin? Mula sa mga kutson hanggang sa mga accessories gaya ng portable table tray at iba pa.

Maging malikhain ukol dito. Tandaan na kung kulang ang supplier sa mga ito, baka naman puwedeng ikaw na ang mgaing fabricator ng mga ito.

#7 Consulting

Ito ang is sa pinaka-madaling umpisahang negosyo bilang isang serbisyo na naaayon sa iyong personal na kasanayan.

Maaari mo na agad itong simulan lalu na kung gamay mo ang isang industriya o kasanayan na sa totoo lang, ekpiriensya mol ang ang puhunan. Malawak ang negosyong ito ay ang bayad sa mga consultant ay depende sa serbisyong ibibigay mo.

Kung IT consultant ka, tiyak na maraming nangangailangan nito dahil maraming kumpanya ang nais tumakbo ang kanilang sistema 24/7.

Ang payo ko lang ay siguraduhing sapat ang kaalaman mo. Kung sa tingin mo ay kulang pa, mag-aral ka online.

Konklusiyon

Maaring marami kang pangamba at agam-agam sa mga nangyayari ngayon. Ang mahalaga ay ang pagiging positibo sa iyong pananaw. Huwag kang magpapatalo sa mga negatibong balitang nasasagap mo. Huwag kang magpaapekto at higit sa lahat, ay maging ligtas.

Sa lahat ng bagay, patuloy kang magdasal at manalig sa Diyos.

Si Homer ay isang technopreneur at makokontak sa email niyang chief@negosentro.com.

 

Image Credit

 

Maging Positibo

Paano Maging Positibo sa Harap ng Negatibong Vibes Dala ng Krisis

ni Homer Nievera, CDE, CVM | Ikatlong linggo na ng lockdown sa Kalakhang Maynila at sa datos na nakikita natin sa media, di pa rin humuhumpay ang pagtaas ng bilang ng mga nabibilang sa mga tinamaan ng Covid-19. Nakakalungkot at nakakamangha ang ganitong sitwasyon.

Sa kabila ng maraming negatibong nangyayari sa ating kapaligiran, di dapat tayong basta-basta malulugmok dahil di naman ito ang permanenting kalagayan natin. Matatapos din ito.

Ngunit sa ganitong panahon, ano nga ba ang dapat nating gawin para mapanatili natin ang ating positibong pananaw at malabanan ang negatibong vibes?

O siya, tara na at alamin!

#1 Matulog ka at magpahinga

Baka kasi lagi ka namang napupuyat sa kakaisip o sa kakagawa ng ikalilibang mo. Di naman masama ang maglibang, ngunit masama ang kulang sa tulog at pahinga. Kapag lugmok ang katawang lupa mo, ganun din ang ispirito mo.

Ang pagkakaroon ng tamang lakas at enerhiya lalu na sa umaga, ay siyang magdidikta nang magiging pananaw mo sa buong araw. Kung tila pagod ka lagi kahit nakatulog ka na, ibig sabihin kulang ang tamang tulog o pahinga.

#2 Pokus sa Solusyon

Kung palaging ang mga agam-agam mo sa mga nangyayari sa paligid mo ang iyong iniisip, dadalhin mol ang ang negatibong vibes na iyan sa buong maghapon mo. Isipin mo kung tatlong linggo ka nang nag-iisip ng mga problema, aba’y tatlong lingo ka na ding tuliro, di ba?

Palitan mo ang iyong perspektibo! Magpokus ka sa solusyon at wag sa problema.

Halimbawa, noong unang lingo ng lockdown, namroblema ako sa kung paano ko gagawin nang maayos ang pag-miting sa mga kasamahan ko sa negosyo, at gayundin sa mga aktibidad ng aming Katolikong komunidad na Missionary Families of Christ – Singles. Kesa pagpokus sa problemang ito, naghanap at nagsaliksik kami ng paraan kung paano namin ito gagawin.

Sa paggamit namin ng Zoom app, na naging popular na ngayon, naipagpatuloy namin ang aming mga gawain. Sa totoo lang, dahil din sa ganitong pag-pokus sa solusyon, marami kaming nagawang donasyon at pagtulong sa mga taong kapus-palad at sa mga frontliners sa buong Kalakhang Maynila. Maaaring maliliit lang ang aming naitulong, ang pag-ambag ng positibong aksyon sa negatibong sitwasyon ay nagdulot ng sama-samang pagtulong sa mga nangangailangan. Nagpokus kami sa solusyon kesa sa problema. 

#3 Panatilihin ang Kalusugan – mag-ehersiyo

Sa nakaraan kong pitak, naisuhestiyon ko din ito para sa mga empleyado ng kumpanya mon a naka-work from home. Ganun pa din ang pagpapatuloy ng suhestiyon na ito sa pitak na ito.

Di maikakaila na ang pagkakaroon ng magandang sirkulasyon ng dugo ay Mabuti sa katawan. Mabuti din ito sa mag-iisip at pagpapatuloy ng positibong pananaw dahil may ibayong lakas kang nararamdaman.

Kung maganda ang daloy ng enerhiya sa iyong katawan, lumalabas din ito sa iyong buong pananaw sa buhay at nagdudulot ng positibong vibes.

Labanan ang negatibong vibes sa pamamagitan ng ehersiyo araw-araw. Maglaan ng 30 minuto at ok ka na. Maraming paraan naman diyan kahit nasa bahay ka lang. Saliksikin sa Youtube.

#4 Makipag-ugnayan sa mga Taong positibo ang pananaw

Madalas kong ipayo sa mga kaibigan ko nan ais na maging positibo ang pananaw at buhay ay ang makisalamuha sa mga taong positibo din.

Bakit? Parang virus lang din yan. Nakakahawa ang pananaw ng mga tao. Parang may animon’y enerhiyang iyong nakukuha sa pakikipag-ugnayan sa mga tao – positibo man o negatibo. Punahin mo, na kung puro kasiraan ng ibang tao ang pinag-uusapan ng mga kasama mo, di ba parang ang bigat ng araw mo? Pero kung puro kakatawanan o positibo ang pinag-uusapan, maganda at magaan ang araw mo.

Ganun lang yun kasimple. Ang payo ko, umiwas sa mga taong negatibo kung ayaw mong mahawa sa pananaw nila. Kung mahirap ito gawin, lalu pa’t kasama mo sila sa bahay o trabaho, subukan mong baguhin ang kanilang pananaw. Ipagdasal mo din sila.

Sa dulo, ang pagkakaroon ng positibong pananaw ng isang tao ay nakasalalay din sa mga kasama nito sa araw-araw. Subukan mong pansinin ang mga taong nakapaligid sa yo ngayon. Ano ang dulot nilang vibes sa yo?

#5 Magbasa o manood ng mga Istorya ng Tagumpay

Ang motibasyon ng isang tao ay naaayon din sa mga iyong nababasa at napapanood. Sa social media kasi marami kang nasasagap na di naman maganda ang impluwensiyang maibibigay sa yo.

Gamitin mo ang oras ng lockdown sap ag-aaral ukol sa mga tagumpay ng ibang tao at kumpanya. Marami naman diyan na naaayon sa hilig o interes mo. Kung mahilig ka sa Netflix, manood ng mga palabas na may istorya ng tagumpay. Kung mahilig ka sa games, sa mga strategy games ka magbabad. Ang mahalaga ay ibabad ang sarili sa mga sitwasyon ng tagumpay upang maging gayundin ang pananaw mo.

Gawin mo itong motibasyon mo sa araw araw, kahit pa matapos na ang ECQ o lockdown.

Konklusyon

Nasaan ka na ba ngayon sa iyong pananaw? Lugmok ka ba o nakaumang para sa lahat ng hamon? Kung ano man ang kinakaharap mo ngayon, maging handa kang sumabak nang may positibong pananaw. Huwag kang papatalo.

Tandaan na sa lahat ng bagay, magdasal at maging positibo.

Si Homer ay isang technopreneur at makokontak sa email niyang chief@negosentro.com

Covid19

3 Tips Kung Paano Magsimula ng Negosyo at Kumita Habang Naka-Quarantine sa Bahay sa Harap ng Covid19

ni Homer Nievera, CDE, CVM | Kumusta ang buhay-bahay ka-negosyo? Nabuburyong ka ba dahil naka quarantine ka sa bahay?  Baka medyo kinakabahan ka na kung may aabutan ka pang kita kapag natapos na ang lahat nang ito. Relax ka lang. Ang mahalaga, may ginagawa kang tama na ikagaganda at ikalulusog ng mas nakakaraming Pilipino sa pagpirmi sa bahay.

Kung nag-isiip ka naman ng negosyo ang anumang pagkakakitaan habang nasa bahay ka lang, lalu pa’t first-timer ka sa larangang home-based business, ang pitak na ito ay para sa yo.

Tara na at matuto!

#1 Suriin muna sa kung ano’ng meron ka

Di totoong walang-wala kang pagkukunan nang kahit na ano para makapagsimula. Umpisahan mo munang suriin ang iyong sariling kakayahan, kaalaman, pagkahilig at gamit na meron ka na.  Yan ang basehan mo ngayon ng uumpisahan mong pagkakaitaan.

Malamang, kung negosyante ka na ngayon at apektado ang negosyo mo ng Covid19, meron ka nang puwedeng pag-umpisahang muli.

Halimbawa ay ang gamit na cellphone. Isang simple ngunit malaking bagay ang linya ng komunikasyon, anumang uri o hugis nito. Bawat negosyo ay may kailangang paraan ng komunikasyon. Isa ang cellphone dun. Kung may computer o laptop ka, mas ok. Lalu na kung may wi-fi sa bahay, panalo ka na lalo.

Napaka-malaking bagay ang sariling kakayahan, ekspiriyensya, kaalaman at pagkahilig (passion). Kahit na sa ibang larangan ka ngayon, puwede ka pa ding mag-pivot o lumihis ng tatahaking landas ayon sa mga ito. Kung ikaw ay mahilig magsulat, maaari  ka nang mapunta sa larangang ito. Marami na ang nangangailangan ng manunulat sa panahon ng teknolohiya. Ang pagiging online tutor ay nababayaran nang hanggang 40,000 pesos kada buwan na ngayon kahit home-based ka lang. Ang mga volggers ay nagsimula mula sa tahanan nila at kumikita ang mga kakilala ko ng hanggang 300,000 pesos kada buwan habang nag vlog at naglalaro lang ng online games.

Marami pa yan na iyong puwedeng pagsimulan. Linangin lang ang ideya.

#2 Linangin ang mga ideya

Maraming ideya kang makukuha habang nag-iisip ka ng sisimulang home business habang naka self-quarantine. Sa totoo lang, baka lumaki pa nna ito at maging permanente na.

Paano ba maglinang ng mga ideya?

Una, pumili ng kakaibang ideya. Di naman kailangang super iba, kundi maaaring isang pagbubuti ng isang  ideya o serbisyo o produkto. Basta ang mahalaga, pamilyar ang mga mga magiging kostumer mo at di masyadong kakaiba na mahirap intindihin.

Ikalawa, pumili ng ideya na magtatagumpay kahit sa una ay mabibigo. Halimbawa, ang pagsimula ng isang blog ay maaring di magtagumpay sa unang pakay nito pero gumaling ka naman sa larangan ng pagsusulat.

Ikatlo, pumili ng ideya kung saan mas excited ka sa paggawa nito kesa magiging resulta. Halimbawa, noong ako’y magsimulang gumawa ng una kong blog, mas-excited ako sa pagssusulat kesa matamo ang kita dito. Nang lumaon, dumami ang traffic sa blog ko at dito na ako ngayon nagka-hanapbuhay. Natuto din kasi akong ayusin ang pagsusulat nang ayon sa king mambabasa. Nagsaliksik ako at nag-aral ng Viral Marketing sa prestihiyosong graduate school na Wharton Business School. Nagagamit ko ngayon ito nang husto.

Tandaan na sa huli, ang ideyang magtatagumpay ay iyong kaya mong ikuwento sa loob ng isang pangungusap. Ang isang business plan para ditto ay kaya mong i-prisinta sa loob ng tatlong minute. Yan ang ideyang papatok.

#3 Simulan ang pagplano

Bago umaksyon, siguraduhing plantsado ang plano mo. Kung bago ka pa lang sa larangan ng negosyo, pag-aralan ang mga iba’t ibang paraan ng Business Plan na siyang aakma sa ideya mo. Di kasi lahat ng business plan ay swak sa lahat ng klase ng ideya.

Kumonsulta ka sa iba’t ibang eksperto sa larangang gusto mong pasukan. May cellphone ka naman at iba’t ibang pamamaraan para sa video conferencing at iba pa.

Magsaliksik nang husto ukol sa kumpetisyon at industriya na gagalawan mo. Ang sa akin, ang pagsaliksik nang husto sa target mong kostumer ang simulan mo. Madalas kasi, ayos na ang plano pero kulang ang impormasyon ukol sa target mong bibili o tatangkilik sa ideya mong negosyo.

Kahit pa nag-pivot ka ng pamamaraan ng pagnenegosyo, parehong dami ng oras ang gugugulin sa pagsaliksik at paglinang sa mga impormasyon.

Konklusyon

Ayon lamang sa tatlong tips na aking nabanggit, isang buong buwan na agad ang gugugulin mo sa paggawa nang mga ito, tama?

Hindi masasayang ang self-quarantine mo. Magiging produktibo ang utak mo. At habang kumakausap at nakikipag-ugnayan ka sa ibang tao sa prosesong ito, pati sila naidadamay mo sa magandang paggamit ng oras.

Tatlo lamang ito bilang panimula. Sa susunod na pitak, pag usapan natin ang pag-aksyon sa plano mo.

Sa panahon ngayon at kaila pa man, ang mahalaga ay laging kang magdasal at magtiwala sa Diyos na Siyang may tunay na hawak ng magagandang plano para sa iyong buhay. Sipag at tiyaga at ang maayos na relasyon sa kapwa ay pangalagaan lagi – anuman ang marating mo sa buhay.

Si Homer ay isang technopreneur at makokontak sa email niyang chief@negosentro.com

 

Covid 19

5 Tips para sa Entrepreneur sa harap ng Krisis sa Covid 19

ni Homer Nievera, CDE, CVM | KUMUSTA, ka-negos­yo? Kung taga-Metro Manila ka at ang iyong negosyo ay nasa isa sa mga siyudad dito o gaya nito, malamang ay nangangapa ka kung ano’ng gagawin mo at ng mga empleyado mo. Malamang, naghahanda ka na para sa maaari pang mangyari dahil sa krisis na ito.
Huminahon ka muna. Magdasal. Katulad mo rin akong entrepreneur at totoo ngang may epekto ang krisis na ito sa ating pagnenegosyo. Narito ang ilang tips na maaari mong pagnilayan at magamit. Tara!

#1 Sumunod sa isinasaad ng kinauukulan o awtoridad

Ang pagsasailalim sa community quarantine ng Metro Manila ay may pinanggagalingan at pinag-aralan. Maaaring napapansin mo ang med­yo kakulan-gan sa linaw ng implementasyon ng kautusan ni PRRD, pero ganoon talaga. Lahat kasi apektado at wala naman sa manual ang krisis na tulad nito. Ang mahalaga ay ang kooperasyon ng lahat. ‘Yan ang una mong gawin at dito mo isusunod ang mga susunod na hakbang.
Kung kailangan mo munang magsara ng opisina o branch o outlet, gawin mo.
Ang kalusugan at buhay muna ang pahalagahan dahil ang negosyo ay maiaangat at maibabalik. Ang buhay ay hindi napapalitan.

#2 Komunikasyon sa kostumer at empleyado

Dahil nga bago ang ganitong krisis, lahat ay nangangapa. Ngunit sa panahong ito, mas lalo kang dapat maging tunay na lider. Unahin mo ang tamang komunikasyon sa iyong mga tauhan, kostumer, partner at suplayer.
Kailangang maisaad mo ang iyong tunay na sitwasyon at iayon sa sitwasyon din nila. Ha­limbawa, kung nasa mall ang iyong negosyo, malamang maapektuhan ka ng curfew o kaya’y daloy ng tao. Kung dati, mara­ming tao ang pumapasok sa mall, baka kumaunti na ito nang husto o kaya’y mawala dahil sa posibilidad ng pansamantalang pagsasara nito. Prayoridad naman kasi talaga ang kalusugan ng lahat.
Kung ikaw ay may polisiya o programang nagde-deliver ka sa mga kostumer, ayusin ang sistema nito dahil ‘di mo rin alam kung sino ang maka­kahawa kanino. May protocol naman dito na dapat sundin gaya ng “social distancing” at ang paggamit ng alcohol o hand sanitizer at face mask.
Sa mga gawaing mababago, siguraduhing maayos at klaro ang komunikasyon ukol dito.

#3 Remote o Work-from-Home

Maraming kompanya ngayon ang nagdesisyong mag-work-from-home na muna upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19. Alam mo naman siguro ang kahalagahan ng pagsasaayos ng setup na ito. Malamang naman kasi na ‘di aayon ito sa lahat ng tauhan mo. Pero ang mga ibang gawain gaya ng admin, IT, finance, marketing at iba pa ay puwede nang gawin sa bahay nila muna. Ang mahalaga ay ang pagkakaroon nila ng access sa Internet, PC at mobile phone.
Sa gaya kong digital ang trabaho at negosyo, ang mga tauhan ko at partners ay noong isang taon pa naka-work-from-home. Ako naman ay halos tatlong taon na naka-work-from-home, bukod sa pa­lagi kasi akong nasa biyahe.
Pag-aralan mong mabuti ang sistema ukol dito. Kung kailangan mong mag-invest ng ilang gamit para sa mga tao mo, gawin mo. ‘Di kasi natin alam kung hanggang kailan ang krisis na ito.
#3 Digital transformation
Maraming uri ng digital transformation na maaari mong gawin sa iyong negosyo. Sa totoo lang, dapat dati mo pa ito sinimulan.
Ang paggamit ng cloud servers, halimbawa, ay kasama rito. Ang paglagay sa cloud ng datos mo ay mura na lang at may iba’t ibang uri ng seguridad. Kasama na rito ang iba’t ibang sistema na magagamit mo sa accounting, finance, payroll at pati na sa marketing at sales.
Ang simpleng simula ng digital transformation sa larangan ng sales at marketing ay ang paggamit ng social media, email marketing, at siyempre, ang iyong website. Ang pagpapalakas ng mga ito ay mahalaga lalo na sa mga panahong ito. Kaya naman sa aking negosyo, ‘di ako nahirapang mag-adjust sa krisis ng COVID-19 ay dahil matagal na akong naka-setup para rito.
Sa ngayon, wala ka namang magagawa kundi gawin na ito kaagad. Kasi kung ma-lockdown ang iyong komunidad o ang mismong gusali kung saan nakalagak ang iyong opisina, tiyak na makatutulong ang mga digital na solus­yon, lalo pa’t nasa cloud ang mga ito.

#4 Panahon ng pagmumuni-muni at pagsasaayos ng mga plano at bagay-bagay

May mga kaibigan akong nasa negosyo ng events, travel at iba pa na lubos na apektado ng krisis dahil bawal ang malalaking pagtitipon. Isang kilala ko ay isang travel agency na may trips patu­ngong Europe na sentro na ng coronavirus. Isa pang kilala ko naman ay may pitong events na na-cancel. Ako mismo ay mga tatlong events kung saan kami ay may booth ang na-cancel na rin.
Ano’ng gagawin mo sa sitwasyon na ganito?
Ang maipapayo ko ay ang pagmumuni-muni muna kung ano ang mga susunod na hakbang ukol sa buong negosyo. Baka naman kailangang magkaroon ng ibang sangay ang negosyo mo na ‘di nakadepende sa maraming tao. Halimbawa, ang virtual travel agency kung saan ang mga tao ay tila nagpunta sa isang lugar ngunit ‘virtual’ lamang.
Ang paggamit sa oras na halos wala kang gagawin ay maaari mong gamitin sa pagpaplano pa. Baka puwede kang magkaroon ng “strategy conference” kahit online lamang.
O baka naman panahon na rin ito upang pagnilayan ang maraming bagay gaya ng pamilya, anak, at ibang sangay ng iyong buhay na maaaring naka-kaligtaan mo gaya ng kalusugan.
Maging positibo. Lilipas din ito. Gamitin mo ang ang extrang oras na ito sa mahahalagang bagay na makapag-aangat pa sa iyong negosyo at estado sa buhay.

#5 Mag-aral

Kasalukuyan akong naka-enrol online sa isang kurso na may kinalaman sa social entrepreneurship. Ginagamit ko ang mga panahon na ito ng krisis sa pag-aaral ng bagong kaalaman. Lifelong learning kasi ang isa sa mga adbokasiya ko kaya ako na mismo ang nauunang gampanan ito.
Ikaw rin sana bilang entrepreneur na malamang ay mas may oras kang gawin ito kung naka-self-quarantine ka sa iyong tahanan. Pagkakataon mo na rin siguro ito na mag-aral kahit online.
Kahit simulan mo sa pagbabasa, go ka lang. Basta payabungin mo ang iyong kaalaman sa panahong ito, ok ka.

Konklusyon

Kakaibang krisis itong ating nararanasan kasama ang buong mundo. Lahat tayo ay apektado.
Ang mahalaga ngayon ay protektahan ang kalusugan mo at ng mga taong nakapaligid sa iyo. Huwag mag-panic. Sa halip, magtiwala sa kakayahan ng awtoridad at higit sa lahat, sa kakayahan ng Diyos.
Ipagdasal ang buong mundo. Sa ngayon, ‘yan ang pinakamahalagang bagay na magagawa ng bawat isa.
o0o
Si Homer ay isang technopreneur at maaa­ring makontact sa chief@negosentro.com.