Business Credibility

How to Boost Your Business Credibility

A small business relies on its credibility with the public as a currency. It’s what will bring in new customers and become a way to set you apart from your competitors. Sometimes, it seems like building such credibility may take years, however, there are a few shortcuts you can take.

Have in mind that it isn’t enough to appear credible and trustworthy. Your business should actually be honest in its work and fair towards clients and customers. There are no tricks that could replace that.

Employees

A company is only as good as its employees and no one will speak more highly of your business than the employee who has had the ability to know your company from inside out. This doesn’t mean that you need to offer the highest salaries or the biggest bonuses. A small company can rarely do so.

Instead of that, a business should offer fair business practices and the ability to grow on the job. Employees want a job that’s going somewhere and that allows them to pick up new skills and become better. The opportunity of advancement based on skills and achievement is also important.

Being a part of the community

A business can be much more than a place of work. It can create and shape a community if you’re ready to work on it and to devote your resources to such a goal. As soon as the company is set up, it should start helping local charities and find those that the employees care about.

It’s not enough to donate money, although it helps. A company should find ways to be active in the community beyond donating. A business should be involved in spreading the word about a worthy cause and sometimes in actually providing a helping hand to those in need.

Be open to customers

A business needs to be open to customers and to provide a clear line of communication with them. This isn’t just useful for those who want to file a complaint or ask a question about your company, but more broadly to have a finger on the pulse of the customers.

Even though most of business communications these days happen online, you shouldn’t neglect a phone line as an easy way to reach your company. Invest in 1800 numbers that will let your customers get in touch with you at a cost of a local call.

Inside baseball

It’s important to dedicate at least a portion of your resources toward creating a reputation within your industry. This is usually a less expensive endeavor than traditional marketing and it means just as much especially to a new company that’s looking to boost its credibility with business partners.

Start by becoming a part of professional associations and attending events and lectures that are organized by influencers in your industry. This is an additional expense for a small company, but it means a lot, when your business needs to build a network.

Boosting business credibility isn’t something that you can simply pay for. A company needs to approach this task on three separate fronts. It should try to provide opportunities to its employees, it should remain open for customers and, in the end, it should try to become a part of the industry at large.

Digital Marketing Plan

4 na Mahalagang Komposisyon ng Digital Marketing Plan Para sa 2019

ni Homerun Nievera, CDE | Ang akala ng karamihan sapat na magkaroon ng Facebook para sa negosyo nila. Pero kapag naisakatuparan na ang taktika ukol dito, malalaman na lang di sapat ang paggamot nito bilang plano pang digital.

Anu-ano nga ba ang kailangan mo para mapaghandaan ang digital marketing plan

#1 Website

Kung wala ka pang website, lagot ka. Oo, ganun na kahalaga ang pagkakaroon ng website dahil ito ang pinaka-unang tinitingnan ng mga kostumer o investor. Ang mga basikong pahina na nilalaman nito ay ang: About Us, Services o Products, Testimonials at Contact Us. Yung iba ay nagdadagdag ng Events Gallery at Blog. Ang mahalaga ay may maayos kang presensya sa Internet sa pamamagitang ng website mo.

#2 SEO

Kung may website ka na, dapat ayusin na agad ang istruktura nito sa paggamit ng SEO o Search Engine Optimization. Ito kasi ang taktika para makita ka o ma-search ka sa Google o iba pang search engines. Dito din nakikita kung ano ang sinasabi ng iba ukol sa iyo at kung ang kumpanya mo ay credible o may otoridad sa iyong industriya.  Kung may website ka na, pumunta ka sa checkmoz.com at ilagay ang website address mo (o url). Makikita mo kung ano ang Domain Authority (DA) ranking mo. Ang rating na 10 ay nagmumungkahing may otoridad ka kahit paano. Ngunit ang DA ranking na 20 at pataas ay mas ma otoridad na rating sa buong buong mundo. Ang blog ko na Negosentro.com ay may DA na 50, na isa sa pinakamataas na DA ng isang business blog sa Pilipinas at sa buong mundo. Pag-aralan ang blog ko na ‘to para may matutunan sa pagpapataas ng DA.

#3 Content Marketing

Ang nilalaman ng lahat ng komunikasyon mo sa digital media ay nakasalalay sa content marketing plan mo. Ang ibig sabihin nito ay bale-wala ang lahat ng social media, SEO at website mo kung di maayos ang timpla ng buong content mo. Ipinapahiwatig kasi ng content mo ang total branding ng negosyo mo. Lalu na’t nasa digital space ka, mas madaling masilip ng mga kostumer o magiging kostumer mo kung ano ang katayuan ng brand mo. Tandaan lang na dapat consistent ka sa lahat ng content mo o isinusulat man, video o mga litrato na iyong inilalathala sa web. Dapat din, ang content mo ay “relatable” (na tila sila para sa kanila ang content mo) at “engaging” (na tila sila mismo ang kinakausap) para may pagkakataon silang mag-react. Tandaan na ang puno ng content sa panahon ngayon ay ang paggawa ng maayos na kuwento ng iyong brand.

#4 Social Media

Ang amplification o ang pagpapalawig ng mensahe at content mo ay napapaloob sa social media plan. Di lamang Facebook ang social media. Nariyan ang Instagram, Twitter, Linkedin, Youtube at mga blog. Ang trabaho ng social media ay ang pagkakaroon ng pagkakataon ang kostumer na magbigay ng feedback o saloobin nila sa madali at mabilis na paraan. Kaya wag mong iismolin ang social media na tila one way lamang ang relasyon. Di na ganun ang komunikasyon sa digital media. Laging two-way relationship ang peg dito. Kaya unahin mong ayusin ang Facebook mo sa pamamagitan ng pag-link ng Instagram mo dito at pag-ayos ng reply o pagsagot sa Messenger. Malaking bagay ito kasi mas mabilis kang nakakasagot kahit wala ka sa PC o mobile phone mo.

Mahigit isang buwan na lamang at 2019 na. Panahon na para magplano ng digital marketing mo para maisakatuparan ang paglago ng negosyo. Laging magsumikap at ipagdasal ang kinabukasan.

Si Homer Nievera ay isang digital transformator at founder ng Negosentro.com na tumutulong palawigin ang kaalaman sa Internet at teknolohiya para maiangat ang kabuhayan ng mga Pilipino. Kung may katanungan, magpadala ng mensahe sa email@negosentro.com o hanapin siya sa Facebook.com/thepositivevibespage.

Ideya

Paano Gawing Matagumpay na Negosyo ang Isang Ideya

ni Homer Nievera, CDE | Kung may ideya kang nais palaguin para maging isang matagumpay na negosyo, marami ding paraan para ito’y pumalpak. Narito ang mga maaaring gawin para mapalago pa ang iyong ideya:

#1 I-validate ang Merkado

Bago ka pa gumalaw ng malayo sa iyong ideya, kailangan mo munang siguraduhing may merkado ka. Maraming paraan para gawin ito. Ang pagsasaliksik sa pamamagitan ng pagsilip sa maaari mong kakumpitensiya ang unang gawain. Magtanong-tanong din sa mga eksperto ng nauukol sa produkto o serbisyong gagawin mula sa ideya mo.

#2 Gumawa ng Prototype

Isang konkretong hakbang upang maging matagumpay ang ideya mo ay ang paggawa ng isang prototype, o isang sampol. Gumamit ng mga kapareha o nalalapit na materyales para sa protoype mo. Pag nabuo mo na ito, malalaman mo kung ano pa ang dapat gawing hakbang o kung ito’y tamang ideya sa simula pa lamang.

#3 Bumuo ng Kapital

Madalas kukulangin ka ng pera habang bumubuo ka ng iyong team at produkto. May mga imbestor na maaaring tumulong. Kaya naman ayusin ang iyong pitch para mai-present sa mga target na imbestor. Puwede ka ding magsimulaor magpraktis sa mga kapamilya o kabigan. Ayusin ang presentasyon hanggang maging maayos ito.  Mas ok kung may tatlong minute kang pitch bilang panimula.

#4 Simulang Buuin ang Branding

Lahat ng produkto ay dapat may solid branding. Ito ang mahalaga para sa susunod na gawain. Kailangang ayusin ang pagplano nito para paglabas sa publiko, mabilis makilala ang produkto mo. Simulan mo sa pagbuo ng logo. May mga naisulat na ako ukol dito sa mga nakaraang pitak. Hanapin sa website ko (homernievera.com) o sa website ng tabloid na ito.

#5 Buuin ang Website at Social Media

Ang website ang tila personalidad ng brand mo sa Internet. Ang pagbuo naman ng social media para sa brand mo ay ang magpapalawig ng mensahe ukol dito. Ang double-action na gawaing ito ay panimulang paraan para sa pagbebenta mo ng iyong produkto.

Ano man ang ideya mo, wag basta bastang iwaglit ang proseso para magtagumpay. Sa kasabihan nga naming noon, na dalawa-singko ang isang ideya. Ang mahalaga ay mapalipad mo ito at gawing tunay na negosyo.

Si Homer Nievera ay isang digital transformator at founder ng Negosentro.com na tumutulong palawigin ang kaalaman sa Internet at teknolohiya para maiangat ang kabuhayan ng mga Pilipino. Kung may katanungan, magpadala ng mensahe sa email@negosentro.com o hanapin siya sa Facebook.com/thepositivevibespage.

Paano Pumili ng Tamang Teknolohiya para sa Startup Mo

ni Homerun Nievera | Sa panahon ngayon, di ka makaka establisa ng isang startup kung walang halong teknolohiya ang pag setup mo nito. Di lang dahil may social media ka, teknolohiya na itong matatawag. Marami pa kasing puwedeng gawin na ang pakay ay: automation, support, tulong sa proseso, o kaya ay systems analysis.

Kung anuman ang iniisip mong hakbang, alalahanin ang ilang tips na ito:

#1 I-assess ang Startup

Tingnan mong maigi ang mga gawaing ng negosyo mo. Sa anong mga area ng startup mo ang kaya naman ng tauhan mo at kung saan mas makakatipid ka. Ang unang tinitingan kasi ay ang productivity ng mga tao o kaya ay ang ROI (retrun on investment) ng isang tao versus ang tech solution. Tingan mo ang kasalukuyang gamit mong teknolohiya kung ok ba o hindi. Baka naman kailangan lang ng upgrade. Mag desisyon ng susunod na hakbang pagkatapos mong i-assess ang meron ka ngayon bg naaayon sa tauhan na meron ka.

#2 I-assess ang mga Tauhan

Maraming klaseng tech na kayang palitan o higitan ang gawain ng isang tao. Madalas, mga trabahong paulit-ulit at walang kasamang malalaim na pag analisa ang mga gawaing ito. Halimbawa ay ang simpleng Quick Books o Zero na parehong accounting software.

Mas napapabilis kasi ang accounting kung kahalili ang mga tech tools na ito. Minsan, di naman ganap na tech ang kailangan kundi outsourcing lang na.may kasamang tech lang sa pag monitor.

Kamakailan, nalaman ko na mas mainam na naka outsource ang pagkuha ko ng content para sa negosyo kong may kinalaman sa pamamahala ng mga blogs.

Dahil global ang mambabasa ko, nagapagtanto ko na maraming contributors pala ako kaya lumalaki kami ng di ko naman kailangan ng in house writer. Ang pag-track lang ng mga contributions ang kinailangan ko. Kaya naman nung mag resign ang isang writer ko, di ko na siya pinalitan. Gumagamit na lang ako ng technology na siyang nag track ng mga contributions.

#3 Training ng Staff

Kung nakapag desisyon ka nang gumamit ng teknolohiya sa negosyo mo, siguraduhin ang tamang training ng mga staff mo na gagamit at makikipag ugnayan dito.

May isang unibersidad akong alam na nagpalit ng isang sistema niya na milyon milyon ang halaga. Di naihanda ang training ng staff na gagamit nito kaya mahigit isang taon daw itong natengga. Sayang ang pera.

#4 Magkaroon ng Back-up na Plano

Di basta basta ipaubaya sa teknolohiya ang lahat ng gawain ng negosyo o startup mo. Kung walang backup plan, baka magsisi ka. Halimbawa, sa mga blogs ko, dapat siguradong may physical backup ako. Ilang beses na ding inatake mga hackers ang mga ito kaya laging may backup plans ako.

Ganun din sa mga ERP systems na nakakonekta sa maraming bahagi ng negosyo mo. Kung biglang bumigay ito, paano na? Madalas, ang mga supplier ng tech ay may mga warranty at guarantee. Suriin ang mga ito at magtanong hanggang ok ka na sa paliwanag.

Ang teknolohiya ay mahalang parte ng negosyo. Magsaliksik, magtanong-tanong at subukan muna bago sumabak ng tuluyan. Pero sa huli, malaking tulong ito sa.pagnenegosyo.

Si Homer Nievera ay isang digital transformator at founder ng Negosentro.com na tumutulong palawigin ang kaalaman sa Internet at teknolohiya para maiangat ang kabuhayan ng mga Pilipino. Kung may katanungan, magpadala ng mensahe sa email@negosentro.com o hanapin siya sa Facebook.com/thepositivevibespage.

Digital Strategy

5 Rason Bakit Pumapalpak ang Digital Strategy Mo

ni Homer Nievera, CDE | Kung akala mo ay magiging maayos na ang digital strategy mmo, kahit paano, may dahilan pa din itong pumalpak. Para masigurong nasa ayos ang lahat lalu na’t malapit ng matapos ang taon, narito ang limang bagay na dapat silipin sa istratehiya mo:

#1 Maling Plataporma

Baka naman mali ang ginagamit mong plataporma para sa digital strategy mo? Halimbawa, ang paggamit ng WordPress para sa website na puno ng content. Ito nga ba ang gamit mo o iba? Ang mga website builders na gaya Wix ay ok sa simula. Baka lumalaki na ang negosyo mo o ang kumpetisyon, kung saan kailangan mo na ng mas maayos na website? Kung may e-commerce ka na at di na kasing epektibo ang paggamit ng sariling-gawa na website, baka dapat nang gumawa ng integrated e-commerce strategy?

#2 Di Epektibong SEO

Karamihan ng mga startup na negpsyo ay sa SEO pumapalpak. Dahil na din di nila naiiisip na sa una pa lang ay inaayos na ito. Kapag dumami na kasi ang kalaban mo, natatabunan ka na sa Google Search kung di maayos ang SEO mo. Mas mainam na ipa-manage sa eksperto ito. Maraming siyensiya ang gamit para umangat ka rito. Magsimula ka sa forensics.

#3 Maliit na Budget

Kung natatabunan ka na ng mga kalaban mo sa social media at Google Ads, maaari mo ng taasan ang budget mo. Ito kasing bagay na ito ang mmadalas na ipagpalliban ng mga marketing ng negosyo hanggang sa halos huli na ang lahat. Pag-aralang muli ang digital budget mo.

#4 Mahinang Social Media Management

Ang social media management ay mahalaga. Period. Kung di ka desididong gumamit nito, tiyak na bagsak ang mga plano mo. Pag-aralang mabuti ang ginagawa ng iba at ikumpara sa yo. Ano sa tingin mo? Sino kaya ang mag umuungos sa inyo?

#5 Di Paggamit ng Metrics

Kung di ka masinop sa pagtingin ng numero, tiyak palpak ang digital marketing mo. Ang Facebook at iba pang social media ay may metrics (tawag ay Insights). Ang Google ay may Analytics (Google Analytics). Kung nagyon mol ang ito narinig, panahon nang pag-aralan ito. Ang mga numero ditto ang gagabay sa yo sap ag-ayos ng istratehiya mo sa digital.

Kung maraming ka pang tanong ukol sa pitak na ito, puede naming mag email lang sa akin o kontakin ako sa FB page ko na nakasulat sa ibaba. Mag-aral at mag-tiyaga para lumago ang buhay. Gabayan ka nawa ng Diyos.

Si Homer Nievera ay isang digital transformator at founder ng Negosentro.com na tumutulong palawigin ang kaalaman sa Internet at teknolohiya para maiangat ang kabuhayan ng mga Pilipino. Kung may katanungan, magpadala ng mensahe sa email@negosentro.com o hanapin siya sa Facebook.com/thepositivevibespage.