5 Tips Para Maging Propesyunal ang Setup ng Online Business Mo

5 Tips Para Maging Propesyunal ang Setup ng Online Business Mo

ni Homer Nievera, CDE, CVM, CCM | 5 Tips Para Maging Propesyunal ang Setup ng Online Business Mo | Magandang araw, ka-negosyo! Handang-handa ka na bang sumubok magtayo ng online negosyo mo? O kaya naman ay nadyan ka na sa latangan na iyan at nais mong makasiguro sa landas na tinatahak mo. Kaya naman tuloy tuloy pa rin ang ating pagbibigay ng mga tips ukol dito o kaya naman ay binubuksan natin ang ibayong kaalaman para dito.

Kaya naman narito ang ilang bagay na maaaring makatulong sa pag-organisa ng isang maayos at propersyunal na online business sa pangkalahatan. Tara na at matuto!

#1 Magtayo ng Website

Kung akala mo ay ok na ang pagkakaroon ng Facebook Page, nagkakamali ka.

Upang maging propesyunal ang dating ng iyong negosyo, kailangan magkaroon ng website. Ito kasi ang pinaka opisina mo na kasi. Ito ang main address mo sa Internet. Halos lahat kasi maghahanap ng website mo para alam na lehitimo ang negosyo mo.

Paano magsimula? Merong Wix.com na siyang libreng panggawa ng website at drag-and-drop ang konsepto nito. Kayang-kaya ng isang non-professional ito. Kung online ecommerce naman ang negosyo mo, meron ding Shopify. Yan ang dalawang popular ngayon kung mabilisang website.

Ang payo ko naman ay magsimulang mag invest sa WordPress website na puwedeng may ecommerce sa pamamagitan ng Woocommerce. Di ito mahirap gawin kung may kaalaman ka na kahit papaano. Kung kailangan niyo ng gagawa dito, puwede niyo akong kontakin at may ma-rerefer akong mga taong gagawa na propesyunal at di mahal.

Tandaan na ang kailangan dito ay bukod sa Domain Name (pangalan ng website) at ang hosting na siyang pinaka-lupa kung saan nakatirik ang website mo. Punta ka lang sa GoDaddy.com o kaya’y sa Namecheap.com para dito.

Sa hostings, may mga package naman na kasama sa domain name ang mga naturang sites. Meron ding hiwalay gaya ng Blue Host at Dream Host.

Sa mga blogs ko, iba-iba ang hosting nito kasi nga nasa ibang bansa ang mga mambabasa ko talaga, pati na ang mga manunulat ko kaya dapat stable ang hosting.

#2 Search Engine Optimization o SEO

Kung sa tingin mo ay ok na ang website, may ikagaganda pa ito kung mas madali ka mahahanap ng mga kostumer mo. Gumamit ka ng SEO – o search engine optimization – para gawin ito nang di gagastos sa advertising.

Ano ba ang SEO? Ito ang pamamaraan kung saan gagamit ka ng kombinasyon ng mga keywords o key phrases na karaniwang hinahanap o tina-type ng mga target mong kostumer. Kung ang makita nilang resulta sa Google ay may kinalaman sa site mo, sa yo sila pupunta.

Kaya naman sa paggawa ng SEO mo, dapat pag-aralang mabuti. Halos linggo-linggo ang pagsasaayos nito kasi. Ang Google kasi ay nagbabago ng algorithm nila halos tuwing ika-anim na buwan. Ang mga updates nila ay nakakapagbago ng ranking ng mga keywords. At dahil ito ang mga mas mahalaga, dapat magamay mo ito. Pinaghalong siyensya at sining ang SEO kasi. Pag-aralan mo ito para makatulong sa pag-angat ng website mo.

#3 Security

Ito ang nadagadag na mahalagang parte ng pag setup ng online business mo. Dati, hinahayaan lang natin ang ganitong bagay sa ikalawang yugto ng setup. Ngunit dahil sobrang busy ng mga hackers ngayon, ilalagay na natin ito sa top 3 na mahalagang meron ka sa online negosyo mo.

Sa lahat ng bagay kung saan meron kang account ay mahalaga ang cybersecurity – mobile, web at social media. Sa mobile, mahalaga ang access sa mga bank accounts mo. Tiyak na may mobile banking ka at online wallets (GCash, Paymaya). Simple lang. Huwag magbibigay ng OTP o password kahit kanino, kahit mukhang lehitimo ang tumatawag, nag-tetext o nag-email sa yo. Walang magtatanong ng mga detalyeng ganyan.

Sa website naman, mas mainam may security plugins ka na. Tanugin mo ang web developer moa no ang dapat. Gayundin ang mga usernames at passwords na dapat pangalagaan. Isama na din natin ang access sa mga emails mo na dapat secured. Inga na din sa mga phishing scams kung saan tatangkain ng mga scammers at hackers na makahingi ng mga usernames at passwords sa pamamagitan ng pagkopya ng itsura ng banko mo at iba pa. Pag nag-type ka dun, makukuha na nila ang detalye mo. Tingnan mo lang ang source ng website address at ng email address para malaman kung lehitimo.

#4 Tingnan ang ang mga Kakumpitensiya

Ang kakumpitensya mo sa iyong giangalawang industriya ang magiging basehan mo sa pagsasaayos ng online business mo. Kung ano ang antas na umiiral sa pagiging propesyunal ng pagpapatakbo ng negosyo, ito ang iyong pairalin at higitan pa.

Sa ganang akin, naging inspirasyon ko ang Yahoo nung itayo ko ang mga naunang blog ko. Tinarget ko din ang mga kostumer nila (buong mundo), hanggang sa nagsara na nga sila at naipagpatuloy ko ang blogs ko (na ngayo’y isang network na). Ngayon, masasabi kong nahigitan ko na ang lawak at ng aking mga blogs sa buong mundo (188 na bansa) dail sa pagtuon ng pansin sa kakumpitensya ko noon.

Ngayon, patuloy pa din akong nakatuon sa mga panibagong kakumpitensya upang lagi akong atubili sa pagpapa-angat pa ng aking oline negosyo.

#5 Makinig sa Kostumer

Alam mo ba ang sinasabi at ninanais ng mga kostumer mo? Kung nais mong maglevel-up at maging mas propesyunal ang online business mo, kung ang customer feedback. Mas mahalaga ito sa panahong ito na tiula nag-reset ang buong mundo at nag-iiba na ang lahat dahil sa new normal.

Paano malaman ang feedback ng kostumer? Unang una, meron kang social media accounts kung saan nag pm at nag nag comment sila. Kostumer mon a o hindi pa, pakinggan ang boses nila. Dito mo malalaman ang mga susunod na hakbang upang mapalago pa ang negosyo mo.

Pagtatapos

Mahirap maging entrepreneur. Marami kang kinakaharap sa araw-araw. Ngunit, kung kaya mong i-organisa ang iyong araw, lahat magagawa ng maayos at nasa oras. Focus lang at maging komited ditto.

Hanggang sa muli mga ka-negosyo!

Si Homer Nievera ay isang technopreneur. Maaari siyang makontak sa email niya na chief@negosentro.com

Negosyo sa Panahon ng Pandemya

5 Mahalagang Paalala sa Mga Nagtatayo ng Negosyo sa Panahon ng Pandemya

ni Homer Nievera, CDE, CVM, CCM | 5 Mahalagang Paalala sa Mga Nagtatayo ng Negosyo sa Panahon ng Pandemya | Kumusta ka naman ka-negosyo? Sana naman ay nasa mabuti at ligtas kang kalagayan. Nawa’ sinusunod mo ang lahat ng safety at health protocols upang di na kumalat at mapuksa natin ang virus na itong nagpadapa sa ekonomiya natin at kumitil at umapekto sa libu-libong kababayan.

Sa panahong ito ng Covid-19 na pandemic, walang kasiguraduhan ang maraming bagay. Sa totoo lang, lahat nang naiplano mo noong isang taon at ang pagsasagawa ng mga planong iyon ay naiwalang-bahala mo na di ba?

Ngunit sa mga ganitong panahon din ng krisis lumalabas ang mga magagandang ideya. Ang problema na lang ay paano ito maisasakatuparan.

Kung nakapagsimula ka na ng pagbebenta online, mabuting senyales yan.

Kaya naman sa pitak na ito, limang paalala na lamang muna ang aking ibabahagi sa inyo upang mas magtagumpay ka sa pagnenegosyo sa panahon ng pandemya.

O siya, tara na at matuto!

#1 Intindihing mabuti ang pamamahala ng gastusin

Sa larangan ng pagnenegosyo, lalu na sa panahon ng isang krisis, ang gastusin mo na personal at pangnegosyo ay isa sa pinakamahalagang bagay na dapat pagtuunan ng pansin. Bakit?

Dahil sa mas kakaunti ang kostumer at mas marami ang nagbebenta sa merkadong iyong ginagalawan, mas kakaunti ang cash (o pera) na umiikot. Bukod dito, mas lumiit na din ang mercado dahil milyun-milyong tao ang nawalan ng trabaho.

Tingnang Mabuti ang halaga ng perang pumapasok at ang lumalabas. Sa simpleng gawain, ang pag analisa ng tubong inilalaan sa produtong ibinebenta ay dapat kumasya sa lahat ng gastusin at may matira para sa personal na pangangailangan at sana, pangdagdag puhunan.

Maaari ka ding kumuha ng mga tools online gaya ng mga accounting software na simpleng input at output lang ang gagawin upang makita ang pagpasok at paglabas ng pera. Marami online na aayon sa liit o laki ng negosyo mo. Magsaliksik ka lang.

Ang sa suhestiyon ko ay magkaroon ka ng mentalidad lagi ng isang startup na negosyo kahit lumalaki ka na. Iyan ay upang laging nasa tipid-mode ka.

#2 Hanapin ang niche mo

Sa panahon ng kahit na anong krisis, ang pagkakaroon ng malaking mercado ang hanap ng mga negosyante upang mabilis na umangat kesa iba. Ngunit ang katotohanan, mas maliit naman na talaga ang ginagalawang merkado.

Ano naman ang gagawin sa ganitong sitwasyon? Maghanap ka ng maliit na niche – o angkop na lugar o merkado – na iyong gagalawan.

Ang negosyo ng pag-blog o pag-vlog ay napakahirap sa simula kung nais mong makuha ang atensyon ng lahat ng tao online. Ngunit kapag nag-umpisa ka lang sa isang maliit na segment ng merkado, mas magtatagumpay ka.

Pansinin mo ang mga sikat na Youtube vlogger na kilala mo sa kanilang iba’t ibang larangan. Merong nasakop ang mga motorcycle riders o nag-dedeliver, o kaya’y nagluluto, sumasaaw, kumakanta at marami pang iba. May kaniya-kaniya silang audience o tagapagsunod na yung napiling niche ng vlogger ay naaayo sa hilig ng iilang tao lang (at di pangkalahatan). Ang resulta ay ang mga sugid na loyalistang followers na siyang nag-subscribe sa kanilang channel.

Ganyan kasimple ang eksplanasyon ko sa paghahanap ng niche sa iyong negosyo.

Kahapon, habang nililinang ko ang mga nag post sa aking Negosentro FB Group ng kanilang mga paninda online, napansin ko agad ang mga kakaibang niche na pinagtutuunan ng pansin ng mga online sellers na miyembro ng Negosentro. Naroon yung mga nag bebenta ng low cost housing, condo, alahas, relo, computer at pati electric fan na sari-sari talaga. Pat inga nagbebenta ng barbeque at isaw, meron! Yan ang tinatawag na niche selling kung saan di labu-labo ang binebenta nila. Diyan ka makakakuha ng paulit-ulit na kostumer kasi ikaw agad ang maiisip nila kung kilala ka sa ganung produkto o serbisyo.

Pag-aralan mo ang merkado mo at kung anong niche nabibilang ang mga paninda mo, ok? Magsimula ka muna sa maliit na niche at unti-unti ka na lang magpalaki.

#3 Buuin mo ang iyong website

Paulit-ulit ko itong sinasabi sa aking mga nakaraang pitak ang pagbuo ng sariling website.

Bakit nga ba lagi ko itong binabanggit? Sapagkat ang mga tao ngayon ay mas higit na digital. Wala namang masama yung nagsimula ka sa ng online marketplace gaya ng Lazada at Shopee. Ang paglevel-up mo sa sariling website ang senyales sa iyong mga kostumer na super-legit ka na. Mas propesyunal na ang dating ng negosyo mo.

Paano ba magsimula ng sariling website?

Unang-una, puede ka naman magsimula sa Wix (wix.com) na may simpeng drag-and-drop na paraan ng paggawa ng website. Oo, ito ay D-I-Y (o do it yourself). Kapag medyo naglevel-up ka na ng kaalaman, subukan mo ang WordPress. Madali lang naman ito kasi kukuha ka lang ng mga themes na gagamitin at yun na!

Siyempre, puede ka ding magpagawa ng website sa mga propesyunal. Kami ang charge naming ay mula 5,000 pesos para sa mg adi naman pang ecommerce na site, at pataas na ito Mga 15,000 pesos ang simula ng ecommerce na site. Huwag lang kalimutang magpa-host ng website mo at kumuha ng sarili mong domain name.

#4 Pagkakaroon ng maayos na SEO o Search Engine Optimization

Ang isang istratehiyang pang search marketing o yung paano ka matatagpuan ng mga nag-search sa Google ay tinatawag na SEO.

Kung nagtayo ka ng blog o website mo, kailangan mo ito upang mas madali kang ma-search ng mga tao na magiging kostumer mo.

Ang simpleng pagpapalaganap ng mga “keywords” na naayon sa iyong website o brand ang nagagawa ng SEO. Mas mahirap nga lang ang trabahong ito kas inga may kinalaman ito sa tamang pagsusulat o pagpapalaganap ng iyong mga content online, gayundin sa mga social media.

May mga kostumer naman ako na nagsisimula sila sa pagpapalaganap ng mga artikulo ukol sa kanilang negosyo. Nakakatulong din ito sa SEO ngunit may siyensya kasi ang paggawa mismo ng mga artikulong pasok sa standards ng SEO.

Magsaliksik ka ng ukol dito sa SEO dahil mahalaga talaga ito sa negosyong online.

#5 Maging Thought Leader o manguna sa pagpapalaganap ng mga ideya

Tandaan mo na sa kasalukuyang sitwasyon, ang ating ekonomiya ang ganap na tinamaan. Naging negatibo ang tinatawag na growth rate natin sa loob ng dalawang magkasunod na quarters ng taon kaya tayo ngayon ay nasa isang resesyon.

Sa ganyang sitwasyon, ano ang dapat pangunahan ng iyong negosyo upang mas mapaganda ang ekonomiya? Kung ano man iyon, ang mahalaga ay pangunahan mo ito. Maging isang lider sa pagkakataong ganito.

Mahalagang maipalaganap ang mga ideyang tutulong sa sector na iyong kinabibilangan lalu na sa iyong komunidad. Isang istratehiya din ito upang magkaroon ng boses ang iyong negosyo at umangat ang reputasyon nito.

Magsulat o maglabas ng mga video ukol sa mga bagay na magpapaangat sa Negosyo ng mga kasama sa industriya at komunidad. Siguraduhing maayos ang nilalaman ng mga itong ideya at solusyon na ipinapanukala mo dahil ito ang magdadala sa yo sa mas mataas na antas sa iyong merkado, gayundin sa mga kostumer mo.

Sa dulo, kredibildad mo at ng iyong Negosyo ang bitbit mo.

Konklusiyon

Kakaiba talaga ang sitwasyon ngayon. Ngayon lang talaga ako dumaan sa ganitong pagkakataon at sisiguraduhin kong di ako basta makikiusyoso lang. Magiging produktibo ako at aktibong tutulong sa kahit na anong maliit man o malaking pamamaraan.

Sa pag-angat ng iyong Negosyo, isama mo ang mga taong nasa komunidad upang umangat ang ating bansa.

Sa lahat ng bagay, patuloy kang magdasal at manalig sa Diyos.

Si Homer ay isang technopreneur at makokontak sa email niyang chief@negosentro.com.

Online Negosyo

Limang Dagdag na Tips Para Maging Seryoso sa Online Negosyo Mo

ni Homer Nievera, CDE, CVM, CCM | Handa ka na bang lumaki ang online negosyo mo? O ngayon ka pa lang mag-seseryoso dito? Aba’y dapat napag-isipan mo na din ang bagay na ‘yan dahil lahat naman siguro ng mga negosyante ay may hangad na palakihin ang kanilang mga startup – lalu pa’t mahalaga ang negosyong online.

Sa totoo lang, may mga ilang nagnenegosyo na tila kuntento na sila sa laki at lawak ng kanilang mga online business. Yung mga tipong masayya ka na sa ilang daang pisong kita sa araw-araw.

Pero kung nais mong palakihin ito sa libu-libong dagdag kita linggo-linggo o araw-araw, aba’y narito ang dagdag kaalaman na maaari mong magamit upang makamit ang tagumpay.

Tandaan na may kinalaman ang mga ito sa pagsasaayos ng mga tools na gamit ang teknolohiya at ang pakikipag-partner sa ibang tao.

Kaya kung nais mong maghanda para lumaki pa ang online negosyo mo, narito ang ilang tips upang paghandaan ito. Tara na!

#1 Online Branding at Reputasyon

Kumusta naman ang pagkakakilanlan sa negosyo mo online? Ano ang reputasyon mo?

Iyang dalawang tanong nay an ay mahalgang sagutin mo nang tapat. Napakamahalaga kasing malaman mo ang katotohanan upang malaman mo ang mga hakbang upang maging numero unong online business ka sa mga katunggali mo sa merkado.

Tingnan mo ang Lazada at Shopee, na siyang dalawang lubos na magkatunggali sa larangan ng online marketplace. Kahit saang lugar sa mobile man o internet, unahan sila sa pagpapalaganap ng kanilang online branding. Paunahan at paramihan ng pagkakakilanlan. Sa larangan naman ng pagalingan sa customer service, ganun din ang kanilang labanan.

Bakit nga ba ganun ang kanilang iniisip?

Kasi, sa marketing, ang “top of mind is equal to top of sales.” Ibig sabihin, kung mas brand mo ang naaalala nila, malamang, ganun din sa taas ng benta mo.

Sa paanong paraan at plataporma ka dapat makakalamang? Nariyan ang social media, blogs, email marketing, SEO at iba pa na nasa kamay mo ang paggamit.

Ang pinakamahalaga dito ay, ano ng aba ang makikita nila ukol say o kung mag search sila sa Internet? Ano ba ang ma-experiyensya nila kung bibili sila sa yo? Yang dalawang bagay na yan ang dapat mong unahing sagutin at pagtuunan nang pansin kung nais umusbong ang online business mo.

Panatilihin ang kaayusan ng impormasyon ukol sa yong negosyo. Maging consistent sa mensahe at reputasyon. Mahalaga ang posisyon sa pag-iisip ng iyong negosyo sa lugar ng iyong kostumer. Maging alerto sa mga comments at feedback sa social media lalu pa’t nergatibo ito. Alamin paano mo ito maitatama at maitataas pa ang antas ng pagserbisyo sa kostumer.

Tandaan na ang dulo nito ay ang pagkakaroon ng mga mas maraming loyal na kostumer na siyang babalik nang babalik upang mapalago ang benta mo. At pihadong sila na mismo ang mag rekomenda sa yo sa iba pa.

#2 Pagsaayos ng mga Sistema at Proseso na Angkop Online

Kumusta naman ang mga Sistema mo sa online business mo? Nasa ayos na bai to o kailangan pang maisaayos nang husto?

May isa akong partner sa negosyo na lagging abala sa pagsaayos ng mga sistema at proseso sa mga negosyong magkasama kami. Noong una, di ko maintindihan kung bakit ito lagi ang pinagkakaabalahan niya. Yun pala, pinaghahandaan niya ang paglaki ng negosyo. Sabi niya, mas madaling isalin sa ibang management ang pamamahala ng negosyo kung isasalin mon a lang ang Sistema at proseso na aming nakagawian.

Tama naman, di ba? Kaya nga sa ibang negosyo naming, mahalaga ang isang operations manual. Sa iba naman na nag-prangkisa ng negosyo, mahalaga din ito dahil kung iisipin mo ang training ng mga tao sa iba’t ibang lugar, mahirap itong gawin kung walang nakasulat na manual.

Kaya sa umpisa pa lang, isulat ang lahat ng mga gawain at ilagak na kasama sa mahahalagang sistema o proseso. Pagkatapos nito, buuin ang isang operations manual. Yan mismo ang umpisa ng iyong sistema na maaari mong isalin sa susunod na tagapamahala.

Ang maayos na sistema ang tutukod sa paglaki ng negosyo mo.

#3 Kultura ng iyong negosyo

Sa lahat ng malalaking negosyo na alam mong nagsimula sa maliit, pansinin mo ang kultura. Ano ba ang tamang kultura na kanilang naisalin-salin?

Di lahat ng kultura sa isang organisasyon ay nasa tama. Kailangan mo itong ayusin at bantayan habang maliit pa lamang. Ganun din naman ang trato mo sa iyong pamilya o mga anak di ba? Kung paano mo nais maayos ang samahan ng pamilya mo, ganun din sa larangan ng negosyo. Di ba parang pamilya na rin ang mga kasama mo sa negosyo?

Magkaroon kayo ng panuntunan na siyang magbubuklod-buklod sa inyo.

Halimbawa, sa aking mga lumagong negosyo, inilalagak ko ang pagsasanay ukol sa 7 Habits ni Steven Covey. Kailangan, sumailalim sila sa training dito sa loob ng unang buwan nila sa trabaho ukol dito.

Maraming panggagalingan na libro ukol dito. Ang mahalaga, maisaayos mo ang kultura ngayon pa lang.

#4 Payment Gateways

Maaaring malakas sana ang benta mo kung lahat nang klase ng pagkuha ng bayad ay nasa iyo, tama? Ano nga ba ang sitwasyon mo sa larangang ito?

Tandaan ang proseso ng pagbebenta ay nakasalalay din sa paraan ng pagbabayd ng mga kostumer. Ayusin mo itong bagay na ito nang maaga dahil kasama ito sa maayos na customer journey – o ang pagtuon ng pansin sa pagdadaanan ng kostumer mo patungo sa pagbabayad niya sa yong produkto o serbisyo.

Ang panimulang bank deposit (via online, app) at karaniwang hinihingi ngayon ng mga kostumer dahil sa pandemya. Kasangga dito ang mga online wallets na Gcash at Paymaya. May mga humahabol na ding EON banking, Coins PH at ang pinakabagong Eplayment.

Pag-aralang Mabuti ang mga payment gateways na dapat na meron ka. Kahit pa COD ang alam mong ok, ngayon kasi, mas lumalaki na ang online at mobile payments. Tutukan mo ito ngayon pa lamang upang di ka mahuli.

#5 Integridad sa panahon ng Krisis

Sa isang pitak ko ukol kay Mr. John Gokongwei Jr., naisulat ko ang halaga ng integridad sa pagnenegosyo. Maaari namang sabihing kasama ito sa kultura na nais mong ipalaganap sa organisasyon mo, di ba?

Hiniwalay ko ito dahil sa lahat ng bagay na ukol sa buhay at negosyo mo, mahalaga ang integridad. Dito kasi nasusukat ang kakayahan ng organisasyong lumaki. Tandaan na ang mapagkakatiwalaan sa maliit na bagay ay mas mapagkakatiwalaan sa malaki.

Pagtatapos

Sa kahit na anong negosyo, mahalaga ang sipag at tiyaga at ang pagiging masinop sa lahat ng bagay. Tandaan mong ang mga bagay na ito ay siya mismong prinsipyong iyong pinapahalagahan sa ngayon na maliit pa lang ang negosyo mo di ba? Isama mo lagi ito sa mga bagay na papahalagahan ng iyong mga kasama sa pagnenegosyo.

Buong tapang mong harapin ang bukas. Ipagpatuloy ang positibong pananaw at kilalanin ang kakayahan mong lumago. Higit sa lahat, mangarap para sa kinabukasan kasama ng pagtiwala sa sarili at pananampalataya sa Diyos.

Si Homer Nievera ay isang technopreneur. Maaari siyang makontak sa email niya na chief@negosentro.com

5 Simpleng Tips Para Maibsan ang Epekto ng Krisis sa Negosyo Mo

5 Simpleng Tips Para Maibsan ang Epekto ng Krisis sa Negosyo Mo

ni Homer Nievera, CDE, CVM, CCM | Kumusta na ka-negosyo? Ligtas ba kayo ng iyong pamilya at ka-trabaho? Tandaan ang mga safety protocols natin na pagsuot ng mask ng tama, paghuhugas ng kamay, at social distancing. Kailangan natin ang mga yan sa panahon ng pandemya, ok?

Narito tayo ngayon sa halos ika-anim na buwan ng quarantine. Ang biro nga ng marami, ma-reregular na daw tayo, haha. Pero di biro ang ang mahigit 16 porsyento ng pagkabagsak ng ekonomiya na dahil sa dalawang magkasunod na quarter tayo nag negative growth, ibig sabihin nito ay nasa recession na tayo. Di ito magandang pangitain.

Pero dahil nga sa tagal ng ating pananatili sa bahay, dapat na nating tanggapin na eto na nga ang magiging bagong normal na buhay natin. Ang epekto sa ating kabuhayan ay gayun na lamang kaya siguro naman, may mga naiisip ka nang mga paraan para makabawi, di ba?

Dagdagan ko na lang ang inyong kaalaman sa pamamagitan ng pitak na ito.

O siya, tara na at matuto!

#1 Pivot na, ka-negosyo!

Maka-ilang ulit ko nang nababanggit ang salitang pivot sa mga nakalipas kong pitak mula ng magsimula ang mga quarantine at lockdown. Pero uulitin ko ito ngayon.

Ang pag-pivot ay ang pagpihit o pagliko ng iyong negosyo. Ang dating alam mo sa pagnenegosyo ay tapos na – lumipas na. Kaya ang unang gagawin ay ibahin ang iyong pag-iisip sa mga dati nang nakagawian. Huwag mon ang lingunin pa ang mga nakaraan mong mga tagumpay dahil tiyak na iba na talaga ang pagnenegosyo sa ngayon at sa hinaharap.

Paano mag-pivot? Simulan mo sa sarili mo. Bumangon ka sa katotohanang iba na ang mundong ginagalawan natin. Saliksikin ang mga makabagong paraan ng pagnenegosyo at pakikipagsalamuha sa kostumer. Tandaan ang mga safety protocols. Mag-aral ng ecommerce. Dyan ka magsimula.

#2 I-update ang iyong Business Plan

Ito ang pagkakataong mai-update na ang business plan mo. Ang bawat negosyo ay nagsisimula sa isang plano at kinakailangan mo na itong ayusin nang naayon sa sitwasyon, di ba?

Anu-ano nga bang bahagi ng business plan ang dapat mong i-update o baguhin? Parang lahat.

Ganito. Tingnan mo ang merkadong ginagalawan mo. Kung may pisikal kang outlet, malamang bagsak na din ito. Dahil na din sa halos kalahati lang ng mga tao ang nasa labas at may mga safety protocols din na ipinatutupad, saan ka man naka puwesto.

Kung nagsara ka na ng piskial na outlet, home-based na din siguro ang negosyo mo. Iayon mo na ang business plan mo ditto. Pati din kung paano maaabot ang mga kostumer mo. Kung may datos ka ng kanilang email mo ano pa mang digital na datos, may maigi. Mas madalas ka na din sigurong gagamit ng social media.

Teka, kumusta naman pala ang website mo? Kasi eto ngayon ang pinakamahalagang paraan para makilala ka at maging legit ka sa mga panahong ito. Tsaka mon a isunod ang iba pang bagay kas inga digital na ang mga tao ngayon. Di sapat ang social media, ok?

#3 I-update ang impormason ukol sa negosyo mo

Kung babaguhin na lang din ang business plan, pati na din ang lahat ng impormasyon ukol sa negosyo mo ay i-update mo na din. Dahil nga malamang, puro ka online, sa lahat ng puwedeng mong kontak sa kostumer ay ipaalam mo ang lahat ng bagong impormasyon.

Kasama na dito ang bagong menu (kung pagkain ang negosyo mo), proce list (dahil may delivery na ka na), at ibang pang produkto o serbisyo na maaaring mawawala na din say o, gawa ng makabagong protocols.

Kung magbabago na din ang line-up ng mga katrabaho mo, siguraduhing i-update na din ang mga impormasyon ukol dito.

#4 Makipag-ugnayan sa mga kostumer

Dahil nga di mo na makikita ng personal ang lahat ng kostumer, siguraduhing makipag-ugnayan sa kanila sa kahit na anong pamamaraan.

Ang pinaka simpleng pamamaraan upanmg makapag-konekta pa rin sa mga kostumer ay sa social media. Kung meron ka ng mga social media pages o accounts, makipag-ugnayan ka sa kanila. Yung mga regular mong posts ay dapat ayusin mo na din nang naaayon sa panahon ngayon.

Kung alam mo ang mga email nila, mas mainam ito.

#5 Gumamit ng teknolohiya

Maraming bagay ang nagagawa na ngayon nang mas mabilis at mas maayos sa pamamagitan ng teknolohiya.

Ang negosyo ko ay nakasalalay sa mga blogs ko na buong mundo ang nakakabasa. Kaya namana ako’y bumili ng isang plataporma na nag-iskedyul ng mga social media posts ko nang isahan. Nakatipid ako ng isang tao na gagawa nito. Gayundin ang pagkuha ko ng platapormang magpapadala ng email sa mahigit 60,000 na nasa listahan ko. Marami pa akong nabili sa panahaong ito na magpapadali ng aking trabaho at magpapalaganap pa ng aking merkado.

Kung anuman ang sa tingin mong kayang ma-automate ng teknolohiya, pag-isipan mo na at desisyunan agad. Ang negosyong maagap ay mauunang umungos sa mga panahong ito.

Konklusyon

Umpisa pa lang ito nang mga dapat mong gawin sa panahon ng krisis. Kung nais mo nang mas masinsin na diskusyon, email mo lang ako, ok?

Sa panahon ngayon at kailan pa man, ang mahalaga ay laging kang magdasal at magtiwala sa Diyos na Siyang may tunay na hawak ng magagandang plano para sa iyong buhay. Sipag at tiyaga at ang maayos na relasyon sa kapwa ay pangalagaan lagi – anuman ang marating mo sa buhay.

Si Homer ay isang technopreneur at makokontak sa email niyang chief@negosentro.com

freelance

8 Websites na Makakatulong para Makahanap ng Freelance na Trabaho

Homer Nievera, CDE, CVM, CCM | 8 Websites na Makakatulong para Makahanap ng Freelance na Trabaho | Kumusta na ka-negosyo? Bagong salta ka pa lang bas a pitak na ito? Ngayon ka pa lang ba susubok na magnegosyo o nais ng extra income?

Maraming nais maging entrepreneur o negosyante. Pero iilan lang naman ang nagiging matagumpay. Bukod sa kasanayan at katangian na kinakailangan ng isang matagumpay na entrepreneur, kailangan din ang wastong kaisipan na maaring makuha kung magsisimula ka bilang isang freelancer.

Sa panahon na ito, ang magkaroon ng extra income ay mas kinakailangan. Lalu na kung isa ka sa nawalan ng trabaho, maraming trabaho ang naghihintay say o sa pamamagitan ng mga remote jobs o freelance jobs na tinatawag.

Nasaliksik ko ang ilan sa mga freelancer sites na ito at ibabahagi ang ilan na puwede mong simulang puntahan. Mula $4 per hour ang bayad sa mga freelancers na katumbas ng halos 200 pesos kada oras o 32,000 pesos sa isang buwan kung 8 oras ang trabaho (Lunes hanggang Biyernes). Tandaan lang na ang average na porsiyento (o cut) ng mga site na ito ay 20% sa bayad sa yo.

Nawa’y makahanap ka ng trabahong babagay sa yo at maging negosyo na ito balang araw.

Tara na at matuto!

#1 Upwork (Upwork.com)

Ang Upwork ay isa sa nangungunang website ngayon kung saan maraming freelance na trabaho ang kinakailangan. Dati itong oDesk at Elance. Kung ano man ang iyong natatanging kasanayan, malamang, meron ito dito. Ang Upwork kasi ang pinakamalaking website na nagpapaskil ng libu-libong freelance jobs.

Marami mang trabaho ang nakapaskil dito, silipin mom una ung mga popular sa mga Pinoy gaya ng data encoding, sales, marketing, graphic design at social media management.

Kung entry-level ang hanap mong mga trabaho, dito ka magsimulang tumingin.

#2 Fiverr (Fiverr.com)

Halos pareho naman ang mga trabahong pang-freelancer ang makikita mo dito sa Fiverr. Ang halos pagkakaiba ay may specialized ang mga kasanayan o skills ang nakapaskil dito. Popular ang Fiverr sa mga trabahong may kinalaman sa creative o malikhaing gawain.

Bakit Fiverr? Kasi nagsisimula ang trabaho ditto sa $5/hour ang bayad.

#3 People Per Hour (PeoplePerHour.com)

Sa mahigit na sampung taon nitong pagkakatayo, ang People Per Hour ay mas popular sa mga web-based skills na uri ng trabaho. Ang mga trabahong gaya ng SEO, web design at software engineering ang mas marami sa site na ito. Kaya naman kung ito ang linya mo, alam mon a kung saan ka pupunta.

#4 Freelancer (Freelancer.com)

Ayon sa kanila, mahigit 30 million ang kanilang nabibigyan ng trabaho mula sa 247 na bansa. Matagal-tagal na din kasi ang website na ito at naging popular ito sa mga Pilipino.

Ang kagandahan naman ng site na ito ay madaling magbukas ng account sa pamamagitan ng paglathala ng skills o kasanayan mo. Kapag nagustuhan ng isang potensiyal na employer ang nakita niya sa yo, puwede ka na kayong mag chat agad dun sa site.

#5 99Designs (99Designs.com)

Kung designer ka, ito ang website para sa yo. Ang mga freelancer na nadito ay nagdidisenyo ng iba’t ibang uri ng bagay mula sa mga T-shirt, website at mga materyales na may kinalaman sa packaging.

Ang kagandahan din ng site na ito ay maraming resources silang nakalagay upang magamit ng mga designer mula sa mga ebooks, tutorials, how-to tips at iba pa.

#6 TopTal (TopTal.com)

Ang TopTal naman ay kilala sa mga mas skilled o mas malawak na ang kasanayan. Dahil ditto, mula $50 hanggang $250 kada oras na ang bayad sa mga tao dito. Dahil nga Malaki ang baad, mas mabigat ang pagdadaanang proseso upang malaman kung talagang magaling ka sa sinasabi mong larangan.

Kilala ang TopTal sa mga trabahong may kinalaman sa finance at software development na malaki ang halaga sa merkado.

#7 BloggingPro (BloggingPro.com/Jobs)

Isa ang BloggingPro sa mga website kung saan makakakita ka ng mga trabahong may kinalaman sa pagsusulat. Kung ito ang kasanayan mo, ditto ka maghanap ng mga trabaho.

Dito sa site na ito makakakita ka ng mga editing at copywriting na trabaho.

#8 Freelance Writing (Freelancewriting.com/Jobs)

Katulad ng BloggingPro, ang website na ito ay hitik sa mga freelance na trabaho ng may kinalaman sa pagsusulat.

Ang pagkakaiba nito ay madaling mag-filter ng trabaho at libre lamang mag sign-up.

Pagtatapos

Ang pagiging entrepreneur ay sadyang di para sa lahat. Di ito para sa mahina ang loob at kulang ang tiwala sa sarili. Ngunit kung nais mo talagang magsimula, narito ang mga freelance na trabaho na mauumpisahan mo. Ipon-ipon lang hanggang makapagtayo ka din ng iyong sariling negosyo.

Pero kung isipin mo, ang freelancing ay isang negosyo na din di ba?

Lagi kang magkaroon ng kompiyansa sa sariling kakayahan at mag-aral pa sa mga kakulangan.  Magkaroon ka ng sipag at tiyaga at ang maging masinop sa lahat ng bagay.

Buong tapang mong harapin ang bukas. Ipagpatuloy ang positibong pananaw at kilalanin ang kakayahan mong lumago. Higit sa lahat, mangarap para sa kinabukasan kasama ng pagtiwala sa sarili at pananampalataya sa Diyos.

Si Homer Nievera ay isang technopreneur. Maaari siyang makontak sa email niya na chief@negosentro.com