5 Paraan Para Maiwasan ang Pagkalugi sa Negosyo
ni Homer Nievera, CDE | Kung nagsisimula ka pa lang sa pagnenegosyo o nag-iisip pa lang mag ka-negosyo, naisip mon a bang puwede kang malugi sa pamamagitan ng pagwaglit lamang sa maliliit na bagay? Para di masayang ang pinaghirapang puhunan – na madalas ay hiram lamang – narito ang tatlong paraan para gabayan kang makaiwas sa pagkalugi.
#1 Magkaroon ka ng Masinsin na Business Plan (o Plano sa iyong Negosyo)
Kahit naman kung manghihiram ka ng puhunan sa bangko man o sa isang kaibigan, ang unang tanong sa iyo ay kung ano ang iyong plano, tama? Kaya naman dapat may nakahanda kang plano. At di ito basta plano na ginaya lang sa Internet, kundi, isang pinag-isipang plano na ikinunsulta pa sa ibang tao o grupo na mas may alam sa iba’t-ibang aspeto ng negosyo. Ang isang masinsing business plan ay maraming numero – budget, cost, sales, dami ng tao, dami ng kostumer na kailangan, at marami pang iba. Sa dulo, dapat alam mo kelan ka kikita at hanggang saan ka lang bago ka malugi.
#2 Pag-setup ng Multiple Streams of Income
Sa dami ng puwede mong dahilan para malugi, maraming ding paraan para kumite sa iisang negosyo. Nung nag-uumpisa pa lang ako sa larangan ng pagnenengosyo, ito tinatawag na “multiple streams of income or revenue” ang akin laging pinag-iisipan. Dahil dito, wala akong dapat na pagsisihan kung di kumite ang isang negosyo ko. Kaya naman isinasama ko ito sa aking Business Plan. Hanapin mo ang lahat ng puwedeng idikit sa iyong negosyo na pagkakakitaan. Parang kung marami kang gripong nakabukas, mas marami kang isasalok na tubig, tama?
#3 Maging Masinop
Nais ko mang sabihing magtipid, pero mas mainam ang salitang masinop. Kasi sa negosyo, kung masyado ka naming matipid, may mga oportunidad na nakukuha sa mga pag invest sa marketing. Basta pag-aralan muna ang mga bagay bago gastusan. Laging isipin kung ano ang balik nito sa iyong negosyo. Kung talagang kailangan mong magbawas ng gastos, gawin mo. Huwag patagalin ang pagdurugo ng negosyo. Putulin agad ang di kailangang gastusin.
#4 Gumamit ng Makabagong Teknolohiya
Paulit-ulit ko mang sasabihin ito – ito talaga ay malaking bahagi ng negosyo ngayon. Kung di ka maabilidad, talo ka. Nariyan ang mraming teknolohiya na siyang tutulong at gagabay sa bawat galaw mo pagnenegosyo. Mula sa mga tulong sa accounting, budgeting, marketing at iba pa. Saliksikin ang mga ito at gamitin. Dahil Malaki ang matitipid mo sa tao at oras.
#5 Gumawa ng Exit Strategy
Aminin natin na di lahat ng negosyo ay nagtatagumpay. Ang importante, alam kung kelan ka susuko para lumaban sa susunod na pagkakataon. Ano ba ang exit strategy? Una, ito’y kasama sa business plan mon a siyang gagabay sa iyo kung kelan ka dapat mag-exit sa negosyo gaya ng: pagbebenta nito, pag-pasok sa joint venture, pagbenta ng shares o stocks at ang pagpasok sa stock exchange o IPO (initial public offering). Mahaba ang ganitong diskusyon. Pero kung nai-plano mo na ang gagawin mo bago ka pa malugi, mas mainam.
Masaya na mahirap ang pagnenegosyo. Pero kung napaghandaan mon a ang lahat (o halos lahat) ng posibilidad para umunlad ito, nasa panig ka ng tagumpay. Ipagdasal mo ang bawat plano na gagawin mo. Di lahat ng bagay sa mundo, ay kaya mo.
—
Si Homer Nievera ay isang digital transformator at founder ng Negosentro.com na tumutulong palawigin ang kaalaman sa Internet at teknolohiya para maiangat ang kabuhayan ng mga Pilipino. Kung may katanungan, magpadala ng mensahe sa email@negosentro.com o hanapin siya sa Facebook.com/thepositivevibespage.
Tags In
Recent Posts
- 8 Karagdagang Tips Mula sa Mga Bilyonaryo Para sa Buhay at Negosyo
- Ilang Mahalagang Pananaw sa Kahalagahan ng SEO sa Maliit na Negosyo
- Ilang mga palatandaan na handa ka nang maging isang negosyante
- Ilang Pangunahing Leksyon mula kay Robert Kiyosaki sa Pamumuhunan
- Benepisyo ng SEO sa Negosyo sa Panahon Ngayon
Archives
- October 2022
- September 2022
- August 2022
- July 2022
- June 2022
- May 2022
- April 2022
- March 2022
- February 2022
- January 2022
- December 2021
- November 2021
- October 2021
- September 2021
- August 2021
- July 2021
- June 2021
- May 2021
- April 2021
- March 2021
- February 2021
- January 2021
- December 2020
- November 2020
- October 2020
- September 2020
- August 2020
- July 2020
- June 2020
- May 2020
- April 2020
- March 2020
- January 2020
- December 2019
- November 2019
- October 2019
- September 2019
- August 2019
- July 2019
- June 2019
- May 2019
- April 2019
- March 2019
- February 2019
- January 2019
- December 2018
- November 2018
- October 2018
- September 2018
- August 2018
- July 2018
- June 2018
- May 2018
- April 2018
- March 2018
- February 2018
- January 2018
- February 2017
- October 2016
- July 2016
- June 2016
- May 2016
- December 2015
- November 2015
- October 2015
- August 2015
- June 2015
- May 2015
- April 2015
- March 2015
- February 2015
- November 2014
- September 2014
- August 2014
- July 2014
- April 2013
- March 2013
- January 2013
Categories
Recent Posts
- 8 Karagdagang Tips Mula sa Mga Bilyonaryo Para sa Buhay at Negosyo
- Ilang Mahalagang Pananaw sa Kahalagahan ng SEO sa Maliit na Negosyo
- Ilang mga palatandaan na handa ka nang maging isang negosyante
- Ilang Pangunahing Leksyon mula kay Robert Kiyosaki sa Pamumuhunan
- Benepisyo ng SEO sa Negosyo sa Panahon Ngayon