homer nievera 13

3 Simpleng Bagay na Dapat Gawin Para Magtagal ang Empleyado

Ang mga problemang ng isang CEO o nasa management ng iang lumalaking kumpanya ay madalas nasasawata ng mga simpleng gawain. Ang pagiging masaya o pagiging kuntento ng mga empleyado ay malaking bagay para umayos ang takbo ng negosyo mo.

Narito ang tatlong simpleng bagay na maaari mong gawin kaagad:

Training at Edukasyon

Halos lahat ng empleyado ay nais matuto ng bagong kaalaman na magpapataas ng kanilang estado o karera. Ang pagkakaroon ng mga training ay simpleng paraan na kayang maibigay ng management. Di mo naman kailangang magkaroon ng training manager para magawa ito. Marami namang mga training events na puwede mong ipadala ang mga empleyado. Mula isang buong araw hanggang tatlong araw ang mga ganitong learning events. Hanapin ang makakatulong sa empleyado gaya ng magpapataas ng kaalaman sa kanya o magbibigay ng mas mataas na antas ng kaalaman.

May mga mas malalaking kumpanya naman na nag-sponsor ng masters degree o certification ng isang empleyado. Maaari mo rin itong gawin. Medyo may kamahalan pero siguradong sulit.

Huwag mo lang kalimutang itali ang empleyado sa ilang taon na katumbas ng halaga ng mga training.

Benepisyo

Depende sa laki ng isang kumpanya, gawing maayos ang mga benepisyo para sa kanila. Bukod sa HMO, may mga benepisyong walang katumbas na halaga gaya ng Birthday Leave, 4-day work week, Once a week work from home at iba pa.

Mainam din ang group o individual performance incentives kasi nakatali sa gawain ng mga empleyado.

Puwede mo ding pag-aralan ang profit-sharing.

Papuri

Kung ano pa ang pinakamadaling gawin ng walang katumbas na halaga, ay siya pang madalas na din ginagawa – papuri sa empleyado. Lalo na ung mga boss na mahilig manigaw kesa magbigay ng mga magagandang payo o papuri.

Kung ilalaan mo ang oras mo sa paghanap ng mabuting ginawa ng empleyado kesa sa kabaligtaran, mas magiging positibo at progresibo ang iyong organisasyon.

Siyempre, wag magpupuri kung di naman karapat-dapat. Kailangang may impact ang nagawa ng isang empletado kung pupurihin siya. Pagsumikapan ang larangang ito at tiyak ang paglago ng negosyo mo!

 

AUTHoR: Homerun Nievera

homer nievera 12

Paano Patibayin ang Relasyon sa mga Kostumer

Mas mainam na yung aalagaan mo ang mga kostumer mo at babalik-balikan ka kesa hayaan mo silang umalis at susuyuin silang bumalik. Bakit? Kasi mahit sampung beses ang gagastusin mo para sila pabalikin kesa sila’y alagaan at gawing loyalists ng produkto o serbisyo mo.

Sa totoo lang, ang mga loyal na kostumer mismo ang naghihikayat ng iba pang tao para dayuhin ang negosyo mo. Paano mo sila gagawing matibay na kostumer? Heto ang anim na paraan:

#1 Humingi ng Feedback

Kung walang silang sinasabi tungkol sa produkto o serbisyo mo, kabahan ka na. Kasi, kung di sila natuwa, malamang, ipagkakalat nila ito sa iba. Mas mainam na magkaroon ng simpleng mekanismo para makakuha ng feedback mula sa mga kostumer. Ang pagsulat sa Feedback Form ay simpleng pamamaraan, bukod sa paghikayat na gumawa ng review sa social media o website mo. Anuman ang feedback, tanggapin ito bilang pagtulong sa pagsasaayis ng iyong negosyo.

#2 Maayos na Ekspiriyensya

Dahil nabigyan ka na ng feedback, dapat maisaayos mo na ang magiging ekspiriyensiya ng mga kostumer mo. Lalu na kung online ang negosyo mo. Dapat ilang klik lang, benta na!

#3 Ayusin ang Serbisyo sa mga Kostumer Online

Ang mga tao mo ay dapat praktisado sa ganitong mga bagay, lalu na kung may mga complaints. Ayusin agad ang maayos online. Huwag nang palakihin pa ang mga isyu kung meron man. Tandaan, madaling kumalat ang masamang feedback online.

#4 Gawin ang mga Ipinangako.

Alam mo namang masama ang pangakong ipinapako, di ba? Kaya naman, wag kang mangangako kung di mo kayang tuparin sa mga kostumer mo. Mabilis kumalat ang tsismis.

#5 Ipakita na Tao Ka Rin

Maraming boss ang takot ipakita ang sarili nila bilang tao. Sa panahon ng social media, mas gusto ng kostumer na makita ang tunay mong pagkatao kesa sa nagtatago sa maskara ng negosyo. Mas naiintindihan kasi nila ang mga kahinaan o at alam nilang di ka perpekto. Kaya dito, mabilis mo silang makakaugnayan.

#6 Maayos na Komunikasyon

Kung di ka maayos kausap, o di kayo nagkakaintindihan, alam mo na ang kasunod nun. Tiyak na sapul ang negosyo mo. Siguraduhing may maayos kang plano sa komunikasyon. Kung meron ka nito, nasa kalahati na ang panalo mo!

Author: Homer Nievera

homer nievera 14

Paano Palakihin ang Home Business Mo

Kung nais mong magsimulang mamuhunan para sa isang negosyo, ayaw mong biglain ang pag-setup nito. Kung gagawin mo ito sa iyong tahanan sa simula, malaki-laki rin ang iyong matitipid. Mula sa pag-upa ng puwesto o opisina, mga kagamitan, kuryente, wifi, at iba pa.

Ngunit paano kung nakikita mo na itong lumalaki? Paano mo pa lalong pag-iibayuhin ang negosyo mo mo?

Merkado

Kung ikaw ay isang manufacturer ng mga produkto, o kaya’y isang caterer, mainam na sumadya sa mga lokal na pamilihan o merkado. Gaya ng mga tinaguriang Weekend Market o Tiangge. Maraming maliit na negosyo na dito nag-umpisang kumuha ng mas maraming kostumer. Gawin mo ito kung kaya na ng dagdag na puhunan. Para na ding “test-market” ito sa iyo.

Makibenta sa mga ‘Outlet’

Isang klase ng merkado ang mga tinatawag na Outlet Store. Bukod kasi sa mga mall, may mga tindahan na nagbebenta ng mga branded o semi-branded na mga produkto sa mga outlet. Madalas, nasa mall din ang mga ito. Mas mainam nga kung nasa mall ito para mas malaman mo kung kakagatin ng iba pang kostumer ang mga produkto mo.

Online

Isang popular na merkado ang mga online shop. Magsimula ka muna sa social media gaya ng Facebook o Instagram. Mag setup ka ng “Shop” dito at makikita mo ang lawak ng merkado na puwede mo pang pagbentahan ng mga produkto mo.

Magbukas ng Shop o Tindahan

Tiyak na mas malaking puhunan ang pagbukas ng isang stand-alone na shop o tindahan, lalu na sa mall. Gagawin mo lang naman ito kung sadyang handang-handa ka na. Marami ka ng iisipin at aasikasuhin diyan, mula sa mga permit, at dagdag puhunan. Madalas, sa sariling bulsa nanggagaling ang extrang puhunan para dito. Ang payo ko, pumunta ka sa bangko at umutang ng dagdag kapital. Dito mo mahahasa ang sarili sa paghawak ng pera at ang pagpapa-ikot nito. Mas mainam na yan kesa yung naipon mong cash ang gagamitin mo. Tutal, paiikutin mo naman ang uutangin mo at makokompyut mo naman ang perang papasok para mabalanse ang kita at bayarin.

Kung handa ka ng makipagsapalaran mula sa isang home business, tandaan mo lang ang mga simpleng payo na ito. Ano, ready ka na?

AUTHOR: Homer Nievera

5 Bagay na Gagawin Bago Lumapit sa Angel Investor

ni Homer Nievera | Para umunlad ang isang negosyo, maraming bagay ang kailangang gawin. Mula sa pagpaplano at paggawa mismo ng mga produkto o serbisyo, lalu na ang aspeto ng kapital.

Kailangan mo ng pera para sa sweldo, produksyon at marketing. Kaya naman maraming negosyante ang lumalapit sa mga Angel Investor para sa kapital.

Narito ang limang bagay na dapat paghandaan:

1. Saliksikin ang investor

Di lahat ng investor ay pare-pareho. Merong namimili ng industriya at estado ng produkto o serbisyo ng isang startup. May naghahanap din ng bilis ng ROI o porsyento ng kita o shares. Hanapin ang perfect match para sa iyo kasamanna ang personalidad at hilig sa partikular na bagay. Tandaan mo na maaring kasama mo sa board ang investor kaya saliksikin ng mabuti.

2. Sumulat ng isang in-depth business plan at executive summary

Lahat ng investor ay naghahanap ng plano. Sigurihing masinop ka aa detalye dahil di ka sigurado sa mga hahanapin nilang numero o mga bagay na naaayon sa kanilang hinahanap. Siguraduhing maganda din ang pagkakasulat ng istorya o presentasyon para madaling masundan ang plano.

3. Mag-praktis para iyong pitch

Sa loob ng tatlong minuto ay dapat masakop mo na ang buod ng iyong pitch o presentasyon. Dahil paglatapos ng tatlong minuto, malalaman nang investor kung gusto niya ito o hindi.

4. Gumawa ng maayos na estimate sa halagang kailangan mo

Ito ang parte ng pagpaplano na dapat alam mo ang detalye. Di dapat huhulaan ang numero dito. Dapat alam mo ang paglalaanan ng perang kailangan.

5. Mag-pokus ka sa iyong passion at gawing exciting ang istorya mo

Alam kaagad ng investor kung nasaan ang puso mo sa pamamagitan pa lang ng iyong presentasyon. Siguraduhing maganda at malinaw ang istorya. Mag-praktis ka sa harap ng mga kaibigan at adviser para maging pulido ang presentasyon mo.

teknolohiya

4 na Makabagong Teknolohiya Para sa Iyong Negosyo

Homer Nievera, CDE | Sa bilis ng paggalaw sa teknolohiya, ang sinumang negosyo ang unang makagamit ng maayos sa mga ito ay tiyak na uungos kaysa kumpetisyon. Alamin natin kung ano ang apat na teknolohiyang kayang iangat pa ang iyong negosyo sa mga darating na taon:

#1 AI o Artificial Intelligence

Ano nga ba ang teknolohiyang ito na parehong kinagigiliwan at kinatatakutan? Ang AI ay naganap sa paglago ng tinatawag na Big Data kung saan ang malalaki at malalawak na datos ay nailalagak sa malalaking kompyuter o servers na siyang naisasaayos upang magamit sa paggalaw ng mga makina tulad ng robot. Ang AI ay nagagamit ngayon sa industriya ng BPO kung saan halos 80% daw ang bilis at galing nito sa pagsara ng sales kesa tao.

#2 Big Data

Ang sikreto sa Big Data ay ang pagkolekta ng mga datos sa kasalukuyang panahon. Kung mahuli ka ditto, magsisimula ka sa umpisa at matatagalan bago may mga datos kang magamit. Kaya naman mas mainam na gumamit ng mga Data Scientist para maisaayos ang mga malalaking datos na di na kayang ma-analisa ng isang tao lang.

#3 Marketing Automation

Sa paggamit ng Marketing Automation ay ang makabagong paraan sa pag-market. Kung hanggang ngayon ay paisa-isa ang pagpapadala mo ng email, may problema kayo. Lalu na kung ginagawa pa ito ng mga tauhan mo. Dahil sa marketing automation, isang beses ka lang gagawa ng pagsulat o content, at mula sa pagpapadala nito sa social media hanggang sa pagkuha ng mga datos ay isang pindo na lang lahat.

#4 Blockchain

Di lang sa Bitcoin nagagamit ang Blockchain. Ang teknolohiyang ito ay magagamit na sa maraming industriya lalo pa’t matindi ang seguridad na meron ito. Sa paggamit nito sa pinansiyal na paraan, ang Blockchain ay lantad or transparent, kung saan nakalista sa pampublikong ledger ang bawat transaction na di kayang magalaw o madaya ninuman.

Saliksiking mabuti at kaagad ang mga teknolohiyang ito para umungos ang iyong negosyo at manalo sa industriyang kinabibilangan mo.