Bakit Mahalaga ang Digital Marketing sa mga Startup Ngayong 2018

ni Homer Nievera | Sa nakalipas na sampung taon lamang umalingawngaw ang salitang Digital Marketing sa larangan ng negosyo. Sa taong 2012 lamang nagsimulang yakapin ng mga malalaking kumpanya sa Pilipinas ang pormal na paggamit ng social media sa larangan ng pag-market ng kanilang mga produkto at serbisyo.

Sa pagpasok ng 2018, mahalaga pa rin ba ang digital marketing?

Kung startup ka, o nagsisimula pa lang ang negosyo mo, di ba hangad mo ng pinaka-mababang halaga ng pagpapalaganap ng iyong negosyo sa pinaka-epektibong pamamaraan?

#1 Mahigit isang Bilyong Tao ang Merkado mo

Maganda man ang iyong ideya sa isang serbisyo o produkto, ang pag-launch nito o ang pagkakakilala nito sa merkado ay mahalaga para magtagumpay ka. At dahil mahigit isang bilyong tao ang may akses sa internet, sa pamamagitan ng digital marketing, maaabot mo na sila. Kung di mo to maintindihan, malamang di ka gumagamit ng Facebook o email man lang.

Kaya sa potensiyal na merkado ng internet, digital marketing ang susi dito.

#2 Kailangan mo ng Mabilis na Interaksiyon

Ang kakaibang trabaho ng digital media ay ang pagkakaroon ng mabilis interaksiyon mula sa merkado mo patungkol sa iyong brand. Ang bawat klik ng isang tao sa iyong inilathala sa internet ay maaaring mauwi na agad sa benta. Sa social media kung saan kasapi ito sa lawak ng digital marketing, isang comment lang ay maaring maging daan para makipagsalamuha sa potensiyal na kostumer. Sa ganitong paraan, halos isang klik lang ang katapat ng isang benta. Dagdag pa rito ang masinsing pagpili ng iyong kostumer ayon sa kanilang “persona” o natatanging pagkakakilanlan.

#3 Pagkakaroon ng Mapakukunan ng Numero o Metrics

Kung ikaw ang CEO ng startup mo, di ba’t nais mong malaman agad kung epektibo ang iyong kampanya? Sa digital marketing, kita agad ang mga metrics. Di siya basta-basta madadaya kasi nga “real-time” ang pagpasok ng data. At bakit moa man dadayain, di ba? Gusto mo, malaman lahat ng numero para Makita agad ang dapat gawing susunod na hakbang.

#3 Future-proof na Estratehiya sa Marketing

Madaling ipagmalaki ang masasabing makabagong paggamit ng digital marketing sa larangan ng negosyo. Ang tanong, may magandang kinabukasan bai to?

Hindi na siguro maikakaila na sa lawak ng naibuhos na pondo at oras sa mga teknolohiya at negosyong kaakibat ng digital marketing, ang paggamit mo rito ay makakasiguro kang pang mahabang panahon pa ito at di uso lang sa ngayon.

Ikaw, may nasimulan ka na bas a larangan ng digital marketing?

homer-nieveraSi Homer Nievera ay isang digital evangelist at founder ng Negosentro.com na tumutulong palawigin ang kaalaman sa Internet at teknolohiya para maiangat ang kabuhayan ng mga Pilipino. Kung may katanungan, magpadala ng mensahe sa email@negosentro.com o hanapin siya sa Facebook sa @thepositivevibespage. Ang mga kopya ng nailathala nang pitak ay nasa @gonegosentro sa Facebook at sa HomerNievera.com.