ni Homerun Nievera, CDE |

Kumusta naman ang negosyo mo ngayon? Malakas ba o matumal? Depende ndin kasi sa timing niyan. Lalu’t mainit, kung ice cream o halo-halo ang business mo, panalo, di ba?

Pero kung mabago-bnao pa lang negosyo mo, nais mong mag-level-up din. Gusto mong umangat pa dahil pero siyempre, maraming dapat gawin at iwasang balakid din.

Narito na ang ilang paraan para umungos na ang bisnes mo. Tara!

#1 Imbentaryo muna

Bago bumanat ng istratehiya, mag-imbentaryo ka muna ng negosyo mo. Kumustahin ang mga tauhan kung maayos ba ang kundisyon ng puso’t isipan nila. Tingnan mo din kung anon a ang estado ng merkado mo kumpara sa mga nakahain mong produkto o serbisyo. Pasok pa ba sa panlasa ng mga kostumer na tinatarget mo ang mga inihahain mo sa kanila?

Kumustahin mo din ang ginagawa ng mga kalaban sa negosyo. Silipin ang mga programa nila kung nag-level-up na sila at ikaw ay napag-iiwanan na.

Tingnan mo din ang istruktura ng organisasyon mo. Naayon pa bas a nararapat? O baka nahihirapan ka nang makahabol sa serbisyo?

#2 Kung di sira, wag ayusin

Kesa maguluhan ka pa sa ngayon, kung wala naming sira sa sistema mo, wag mo munang galawin. Unahin muna ang tila kumikinang na bato na problema. Iwasan ang pabago-bago dahil lamang sawa ka na sa isang bagay. Tingnan mo kung anu-anong mga produkto o serbisyo ang nagbibigay ng pinakamalaking benta – at sa paanong paraan.

Minsan kasi, dahil libre ang social media at epektibo sa yo, naghahanap ka ng babayaran dahil lang baka mas mainam yun. Kung di nga sira ang isang bagay, wag mo munang pakialaman. Unahin ang mga kitang-kita ang sira.

#3 Kung gumagana ng maayos, pahalagahan

Dito madalas nakakaligtaan ng mga negosyante ang mga taong nagdadala ng pera sa kanilang kumpanya. Di lang kasi taga-sales department ang pinanggagalingan ng pera. Naroon din ang mga produktibo o kaya’y matipid na empleyado. Pahalagahan mo ang mga taong nagpapahalaga din sa negosyo mo. Motibasyon ang sikreto ng pagpapalaki ng negosyo. Kung may motibasyon ang mga tauhan, mapapa-level-up nila ang bisnes mo. Pag-isipan ang insentibo. Mahalaga yun.

Tingnan mo din ang mga teknolohiyang ginagamit mo. Kung nakakatulong ito, mag-upgrade kung kinakailangan. Dito ka wag masyadong magtipid dahil malamang, Malaki na ang natipid mo sa paggamit nito.

#4 Humingi ng payo, opinion at balita

Ang mga taong nagbibigay ng mga opinion o payo nila’y dapat mong pakinggan at namnamin ang mga sinasabi. Makinig lang muna. Mas mahalaga kasi ang mga balitang nanggagaling sa iba kesa saw ala kang naririnig. Mas malala yun.

Kaya nga mag mga kumpanyang nanghihingi talaga ng “feedback” sa mga kostumer. Bukod sa pagiging mga kritiko lamang, mahalaga ang opinion na kung saa’y makapulutan mo ng mga bagong ideya.

O, ano, levelup na!

Si Homerun Nievera ay isang technopreneur at consultant sa iba’t ibang kumpanya nang may kinalaman sa tech at digital marketing. Kung nais mong makipag-ugnayan, email mo siya sa chief@negosentro.com.

(Visited 4,778 times, 1 visits today)