business travel negosyo

Magtagumpay Bilang Entrepreneur Habang nasa Biyahe (at sa Harap ng Matrapik na Siyudad!)

ni Homer Nievera, CDE, CVM | Nitong nakaraang linggo, kagagaling ko lang sa mahabang bakayson kung saan tatlong bansa ang aking pinunatahan kasama ang aking maybahay. Isang buwang bakasyon na din iyong maituturing.

Meron akong iba’t ibang negosyo na kailangan ng aking personal na atensyon sa araw-araw. Ang isa dito, halos 24/7 ang kailangang oras sa akin.

Noong dumating naman ako noong isang linggo, nasabak agad ako sa mga miting. Ang di ko alintana, dahil nasanay ako sa maayos na biyahe sa ibang bansa, tila nanibago ako sa mga trapik na aking nadatnan. Yun lang, kahit paano, nakapaghanda ako.

Pero teka. Di isang buwan na nasa bakasyon ako at laging nasa biyahe? Paano na lang ang personal na atensyon na kailangan ko sa mga ito? Paano ako naka-adjust agad sa loob ng ilang araw sa trapik?

Narito ang ilang bagay-bagay na maaari nyong mapulot bilang mga tips para kung nakabiyahe man kayo o dahil sobrang trapik sa siyudad ng Metro Manila (at saan man gaya ng Cebu!).

#1 Yakapin ang Katotohanan

Ang unang dapat mong gawin ay ang pagyakap sa katotohnan na sadyang matrapik na sa siyudad lalo na ngayong panahon ng kapaskuhan. Magreklamo ka man, tandaan na ang mga kabi-kabilang sale ng mga malls ay kasama sa kanilang negosyo at napag-isipan na nilang mabuti yan. Ang trapik sa kanila ay tila paraan na din ng marketing – positibo man o negatibo ang dating nito sa kostumer.

At tayo naman bilang maliit na negosyante ay nararapat lamang na umayon sa sitwasyon at gawing positibo ang isipan at aksyon.

#2 Ang butihing Smartphone

Malaking pasalamat na lang sa aking butihing smartphone. Naka Android po ako at ang gamit ko ay ang brand na Huawei. Sadyang mabilis ang phone na ito at dahil Android, maraming apps ang puwedeng paggamitan na libre. Dahil na rin ito’y smart phone, madaling magamit sa negosyo man o sa pagbiyahe bilang turista. Napakaganda po kasi ng kanyang camera (likod man o harap) na nagagamit ko sa maraming bagay. Kung nasa bakasyon, magaganda ang mga litrato at video habang sobrang laki ng memory nito (128gb!) at mahabang gamitan ang baterya. Ang sikreto naman ay kung buong araw ka na nasa labas, magdala ka lang ng magaan na portable na charger. Ang 10,000 na mAH ay ok na.

Heto pa. Noong nasa Europe ako, wala akong dalang laptop. Dahil ako’y manunulat para sa mga iba’t-ibang blog, kailangan kong maging nasa-oras sa pagbigay ng aking mga artikulo man o column (gaya nito). Sa pamamagitan ng Notes (o Notepad) sa aking smartphone, kaya ko nang magsulat at isumite kapag may wi-fi na. Madalas kasi, mga ilang oras din ang biyahe sa iba’t ibang lugar doon.

#3 Apps

Sa pagsalang mo sa daan sa Metro Manila, malamang, may gamit kang app na Waze, di ba? Paano naman, mas alam ng Waze kung saan matrapik sa particular na oras. Kaya magagawa mong makadaan sa mas mabilis na lugar patungo sa paroroonan.

Gayundin ang Google Maps kung saan nagamit naming ng husto kung nasa ibang bansa kami (gaya nang sa Korea) kung saan di naming alam eksaktong paraan ng pagbiyahe. Susundan mo lang ang sinasabing dapat daanan at pati kung ano ang mas mabilis na sakyan, ay ok ka na.

Ang isang app na madalas ko ding gamitin ay ang Google Translate noong nasa Hong Kong kami. Paano naman, di mo alam basahin ang mga nakasulat sa karatula, kaya itatapat ko lang ang app, at mai-sasalin na agad ito sa wikang Ingles na setting ko.

Dahil sa may Grab sa iba’t-ibang bansa sa Asia, magagamit mo din ito sa pagbiyahe kung sadyang di mo kayang lakarin. Sa U.S., Lift at Uber ang gamit namin. Sa Hong Kong, Uber ang uso.

Dahil na din sa pagsasaayos ng aking kalusugan, ang Health app ng aking Huawei ay ginagamit ko sa pagbibilang ng ilang steps ko dahil nais kong makamit ang 10,000 steps sa isang araw.

Naisasaayos ko ang aking mga dokumento (Word, Excel, PDF, etc.) sa pamamagitan ng WPS app. Madali din akong makapag-share ng files gamit ang Google Drive na meron ding hiwalay na app para madaling buksan sa smartphone.

Marami pang gamit ang apps sa smartphone, mula sa schedulder hanggang sa “Goodnight” app na dala ng Google kung saan pinapatulog ako ng mala-bukid na tunog at iniiskedyul ang alarm sa paggising. Maging masinop lang at alamin ang mga apps na babagay sa yo.

 

#4 Laptop

Ang gamit kong laptop sa araw-araw ay ang Macbook Air (13 inches). Magaan at maliit kasi ang laptop na ito at di nag-down. May kamahalan man, ay sulit talaga. Nilagyan ko ito ng Microsoft Windows at Office para kaya kong mai-sync ang aking laptop at PC, pati na rin ang aking smartphone.

Kung ikaw naman ay nasa larangan ng musika, magagamit mo sa pag-edit ng musika at video ang Macbook Air.

Sa Hong Kong, kung saan mahaba-haba ang biyahe at pananatyili sa isang lugar, Malaya akong nakahabol sa mga deadline ko, gamit ang laptop. At dahil na din sa mgaan ito, kayang-kayang ilagay sa backpack.

Kaya sa pagbiyahe man sa ibang bansa o sa Pilipinas, pumili nang makakasundong laptop.

 

#5 Wifi at Data

Balewala naman ang mga gadgets at apps mo kung wala kang koneksyon sa wifi man o data habang nasa biyahe di ba? Dalawang payo ang dala ko sa inyo na siguradong pasado.

Ang una ay ang pagkuha ng SIM na aayon sa tagal ng iyong pananatili sa isang lugar, lalu na’t sa ibang bansa ito. Sa Hong Kong, Singapore, Korea at iba pa,  kumukuha kami ng isang local SIM sa mismong airport shops. May mga bundles dito na pang apat hanggang sampung araw. Napakamura ng mga ito at kadalasa’y may unli-data. Sulit talaga!

Ang isa pang super ganda ng serbisyo ay ang SkyRoam. Lalu na’t nung nasa Europe at U.S. kami (pati sa Korea at Cambodia), maganda coverage nito. GFumagamit ng Satellite ang SkyRoam kaya ang data mo ay kayang suportahan.

Kumuha ka ng 24/7 na serbisyo sa ilang araw na pagbiyahe sa kahit na anumang parte ng mundo, basta sabihin mo lang din kung saan ka bibiyahe, ay ayos na.

Kapag via NAIA 3 ang pagbalik mo na paliparan, may dropbox ang SkyRoam doon kaya di mo na kailangang makipag-ugnayan sa kanila para maibalik ang device nila.

Puntahan mo lang ang website na https://bigskynation.com/ para maka-arangkada ka na agad.

 

Pagtatapos

Bilang entrepinoy, wala tayong dahilan upang di magampanan ang kailangang trabaho o komunikasyon kahit saang lupalop ka mapadpad. Ang mahalaga, gamitin mo ang teknolohiya para maging episyente ang pakikipag-ugnayan sa mga kostumer man o tauhan mo.

Sa lahat ng bagay, magpasalamt ka sa Diyos!

Si Homer Nievera ay isang technopreneur. Maaari siyang makontak sa email niya na chief@negosentro.com

sino si warren buffet

Payo ng 6 na Bilyonaryong Entrepreneur sa Amerika na Dapat Tandaan

ni Homer Nievera, CDE, CVM |  Mas maraming naging biyonaryo sa Amerika noong pumasok ang Internet at lumago ang mga negosyong teknolohiya. Marami din naman ang nalugi noong dulo ng 1990’s at simula ng 2000’s dahil di naman nila kabisado ang negosyong ito.

Ngunit mas maraming naging bihasa na mga imbestor mula sa pagpasok ng 2005 na malamang ay bunga nang mga natutunan nila noong nakaraang dekada.

Narito ang ilang aral at payo mula sa mga tinatawag na “self-made billionaires”— o mga entrepreneur na naging bilyonaryo dahil nagsikap sa kanilang sarilig pagpupunyagi.

#1 Isang sugal ang pagnenegosyo

Para kay Dustin Moskovitz, isa sa mga co-founder ng Facebook, kailangan mong isipin na ang pagnenegosyo ay maihahantulad sa isang sugal na walang 100% na kasiguraduhang pagiging matagumpay.

Lalu na daw sa pagtayo ng isang startup – o bagong negosyo, kung saan ang tsansang maging bilyon-pisong negosyo ito ay maliiit lamang. Kailangan ng ibayong pagtitiyaga at hindi daw glamoroso ang gawaing nakapaloob dito. Ayon kay Moskovitz, mas mainam pa nga ang sumama sa isang malaking kumpanya kung pera lang ang habol dahil na din sa suweldo.

Ngunit, sabi niya, ang tingin niya kasi sa pera ay di para ito kamkamin kundi para ito ibalik sa sistema at maraming tao ang makinabang. Si Moskovitz ang founder ng Asana, isang kumpanya na tumutulong mamahala ng mga proyekto at ng Good Ventures na isa namang foundation.

#2 Huwag agad umalis sa trabaho habang nagsisimula sa negosyo

Si Sara Blakely ang bilyonaryong founder ng Spanx, isang kasuotang pambabae. Ayon sa kanya, mas mainam na isaayos muna nang maigi ang itinatayong negosyo hanggang sa maging tuloy-tuloy na ang kita nito na kaya ka nang buhayin.

Sabi ni Blakely, di naman daw naging madali ang pag-uumpisa niya sa negosyo kaya kinailangan niyang magptuloy pa din sa kanyang trabaho hanggang sa maging okay na siya sa aspetong pinansyal.

Ako nga mismo ay ganun din ang nangyari. Hangga’t di kinaya ng aking negosyo ang pang araw-araw naming gastusin, nagpatuloy pa rin akong pumasok sa trabaho. Noong kinaya nang negosyong tustusan ang aming regular na pangangailangan, tsaka na lang ako nag-resign sa pinagtatrabahuhan ko.

#3 Maging mabilis sa galawan sa negosyo

Si John Doerr ay isang bilyonaryong kapitalista na naging imbestor sa mga kumpanyang Facebook, Yahoo, Zynga, Amazon, Google at iba pang matagumpay na mga kumpaya sa larangan ng Internet at teknolohiya. Ayon sa kanya, ang pagiging mabilis sa pagnenegosyo ay nangangahulugang mabilis kang kumilos (tipong, ngayon na!) dahil ang ginagalawan mong industriya ay marami ding kakumpitensya. Para sa kanya, kung sino ang mas mabilis kumilos ay siya din ang magtatagumpay.

Ilang ideya na ba ng negosyo ang iyong napag-isipan at di nasimulan o napalampas – at may ibang gumawa at nagtagumpay? Naku, ako, marami-rami na! At siyempre, lubos akong nanghihinayang dahil sana, ako ang yumaman, hehe!

Tandaan na sa larangan ng teknolohiya napakabilis ng pagpalit nito. Ang kumpanyang Intel ay kilala noon sa paggawa nang mas mabilis na processor para sa PC kada anim na buwan. Kaya marahil ang maraming kalaban nila ay nag-pa-plano pa lamang, samantalang sila, nailabas na.

#4 Tumutok sa mga industriyang malaki ang balik sa iyo bilang negosyante

Ang bilyonaryong si Vinod Khosla ay siya ding co-founder ng isa sa pinakamalaking kumpanya noong dekada 1990’s hanggang 2010 kung saan nabili ito ng Oracle sa halagang $7.4 bilyon. Ayon kay Khosla, dahil na din maraming beses kang puwedeng matalo o malugi, dapat, ang industriyang pipillin mong pasukan ay malaki ang maibabalik sa iyong hirap at puhunan.

Sa isang pitak ko, nabanggit kong ako’y nagsimulang magnegosyo ng Chocnut noong elemetarya pa lang ako. Dahil mahirap magbenta dahil na din sa kumpetisyon sa aming paaralan (gaya ng canteen at mga vendor sa labas ng eskuwelahan), nagsipag ako at nagkaroon nang halos 60% na margin ng kita. Ang lahat ng kinita ko noon sa pagbebenta ng Chocnut ay naging puhunan ko sa pagpaparenta naman ng komiks.

#5 Magkaroon ng sapat na perang matitipid para sa mga emergency

Si John DeJoria ay mas kilala sa produkto niyang alak na Patron ang brand. Ngunit kakaunti lamang ang nakakaalam na ang una niyang naging negosyo ay may kinalaman sa pagsasaayos ng buhok. Sabi ni DeJoria, dito niya noon naranasan ang hirap sa cash flow. Madalas daw na nahuhuli sila sa pagbabayad ng mga bayarin.

Para kay DeJoria, dapat daw ay may anim na buwang kutsyon ka na cash para di ka mamroblema sa mga bayarin hanggang sa maging maayos na ang cashflow mo.

#6 Mamuhay ng simple at mag-invest sa sarili

Kung meron akong super-idol sa pagnenegosyo, yan si ang super bilyonaryong si Warren Buffet, na may-ari ng Berkshire Hathaway, isang kumpanyang namamahala ng bilyon-bilyong investment ng mga tao at kapwa-kumpanya.

Para kay Buffet, ang pamumuhay nang simple ay isang malaking katangian dahil ito ay nagpapakita ng kababaang loob. Hanggang sa kasalukuyan, nakatira si Buffet sa bahay na kanyang nabili sa halagang $37,500 noon pang 1957. Siya pa din ang nagmamaneho nang kanyang sasakyan hangga’t kaya pa daw niya. Madalas daw siyang bumili nang murang agahan mula sa McDonald’s.

Noong kabataan niya, mahiyain si Buffet. Kaya minsan, nag-enrol siya sa kursong Public Speaking mula sa kilalang institusyon na Dale Carnegie. Matapos nito, nagkaroon daw siya ng lakas ng loob upang makapag-propose sa kanyang magiging asawa. At mula noon, di na nahihiya pa si Buffet at tuluyan nang lumaki ang negosyo.

Sabi ni Buffet, ang lahat ng iyong matututunan – o edukasyon – ay di na makukuha pa ninuman mula sa iyo. Ni hindi daw ito kayang patawan ng buwis! May katwiran, di ba?

Kaya sa ganang akin, itong payo ni Buffet ang pinaka-mahalaga para sa akin. Lahat ng mga ibang payo na nakasulat dito ay kasunod na din nito.

Tandaan na sa lahat ng bagay, maging mapagkumababa at huwag unahin ang paghangad na yumaman. Mas hangarin ang kaligayahan ng Diyos at kalinisan ng intension sa kapwa.

Sa lahat ng gawain, ipagdasal ang mga ito.


Si Homer Nievera ay isang technopreneur. Mag email lang sa kanya ng mga katanungan ukol sa pitak na ito sa chief@negosentro.com.