homer nievera 3

Negosentro.com Lands 5th Among Top 15 Best Philippines Business Blogs 2018

by Homerun Nievera, CDE | Great news for readers of my column Negosentro on the only daily business tabloid in the Philippines — Pilipino Mirror! My blog Negosentro.com was voted by Feedspot as among the Top 5 of the Top 15 Philippine Business Blogs for 2018! Anuj Agarwal, founder of Feedspot (which also has an app) sent us an email to confirm the news.
Feedspot helps you keep track of all your favorite blogs, news sites, Youtube channels and RSS feeds in one place. It makes checking your favorite sites as easy as checking your emails.

Just so glad to receive this fantastic recognition.

The choice for the Best Philippines Business Blogs were culled from thousands of Philippines Marketing blogs on the web using search and social metrics. He asked his thousands of followers to subscribe to these websites “because they are actively working to educate, inspire, and empower their readers with frequent updates and high-quality information.” What a heartwarming affirmation of the painstaking work we do.

Besides landing 5th in the Business Blogs category, Negosentro.com also landed 4th place in the Top 15 Philippines Content Marketing Blogs and 10th place in the Top 15 Philippines Email Marketing Blogs.

Agarwal added, “these blogs are ranked based on following criteria…”

  • Google reputation and Google search ranking
  • Influence and popularity on Facebook, twitter and other social media sites
  • Quality and consistency of posts.
  • Feedspot’s editorial team and expert review

Negosentro.com ranked behind top business blogs in the country such as Entrepreneur Philippines and BusinessWorld.

3 Importanteng Gagawin Bago Mag-launch ng Startup na Negosyo

3 Importanteng Gagawin Bago Mag-launch ng Startup na Negosyo

ni Homer Nievera, CDE | Maaaring gigil na gigil ka nasa naisip mong negosyo. Gusto mo nang mapabilang sa mga mainit na startup at magpayaman ng husto. May mga kinakausap ka ng mga investors at mga co-founder mo.

Pero, teka muna. Handang handa ka na ba talaga? Silipin mo lang itong tatlong bagay na dapat mong :

#1 Mag-ipon Para sa ‘Tag-Ulan’

Oo nga, tag-ulan na ngayon. Ganyan din sa mga unang buwan ng pag-nenegosyo. Dahil di pa siya masyadong establisado, dapat may ipon ka para sa sarili mo. Kaya naman bago ka sumalang, siguraduhing may pera kang panggastos sa araw-araw. Siguro sapat na ang pang anim na buwan. Mabuti na yung sigurado lalu na kapag may emergency. At kapag tumatakbo na ang negosyo, siguraduhing nababayaran mo ang sarili mo ha?

#2 Dapat meron kag Solid na Plano

Ang dami diyan, sinasabing sure ball sila sa negosyo nila. Kapag tinatanong ko kung solid ang plano, sasabihin na ‘Oo’ daw. Kapag hiningi ko nang makita ito, isang pahinang Word na dokumento ang meron. Mas malala yung nasa napkin ang plano.

So ano ang ihaharap mo sa mga investors? Bukad sa simpleng Powerpoint presentation, mas mainam nan aka-Excel na ito para sa mga numero gaya ng budget, etc. Kung wala man lang ganito, hindi solid ang plano. O kaya – walang plano!

Bargain sa palengke ang mga sabi-sabing plano kung walang maayos na nakasult. Kuwentong-barbero, wika nga nila. Tandaan, kung di nakasulat, walang mangyayari dahil di ka seryoso.

#3 Matuto sa Nakaraan

Sa Amerika, mas higit na nakakarami ang mga nagtatagumpay na startup kung ang nagtayo ay edad 50 pataas. Bakit? Kasi malawak at mahaba ang ekspiriyensya nila. Galing na sila sa iba’t-ibang labanan ng pagnenegosyo.

Kung ikaw ay below-40 na edad, mas makakabuting makipag-usap sa mas nakatatanda para malaman ang di dapat at dapat mong gawin para magtagumpay. Pakinggan sila. Kunin mo sila sa board of directors o bilang consultant. Malaking bagay ang may mga ganitong tao sa pagnenegosyo para di ka na mangangapa.

Ang pagtatayo ng startup na negosyo ay di biro. Kahit marami kang kapital, di ka dapat kampante. Ang maayos na preparasyon at 50% na ng tagumpay. Kaya maghanda ng Mabuti. Ayusin ang mga plano at magtanong sa mga eksperto.

Sa huli, wala kang pagsisisihan dahil malamang, nakaumang na ang tagumpay mo!

Si Homer Nievera ay isang digital transformator at founder ng Negosentro.com na tumutulong palawigin ang kaalaman sa Internet at teknolohiya para maiangat ang kabuhayan ng mga Pilipino. Kung may katanungan, magpadala ng mensahe sa email@negosentro.com o hanapin siya sa Facebook.com/thepositivevibespage.

homer nievera 8

5 Usaping Legal na Nakakaligtaan ng mga Startup na Negosyo

ni Homer Nievera, CDE | Lahat ng mga startup na negosyo ay may kanya-kanyang galing. Madalas, ang mga founder at co-founder ng mga startup ay may kanya-kanyang espesyalidad na magagamit sa pagnenegosyo. Kaya nga lang, madalas makalimutan ang usaping legal na sa huli, pinag-aawayan ng mga co-founder ng negosyo.

Narito ang limang bagay na dapat ayusin habang maaga pa lamang, para di magkaroon ng problemang legal sa darating na panahon. Basahin natin:

#1 Kawalan ng ‘Co-founders o Shareholders Agreement’

Sa tuwing nag-sisimula pa lang ang aming diskusyon sa mga mga co-founders o ka-negosyo sa aming itatayong startup, pinag-uusapan na ang kanya-kanyang kontibusyon, pinansiyal man o kakayahan. Simple lang naman ang mga usapan lalu na kung magkakaibigan. Kaso, kapag lumaki na ang negosyo, nag-iiba na ang ihip ng hangin. Ang napag-usapan, nakakalimutan, o di kaya’y iba ang napag-initindhihan pala. Kaya ang solusyon, sa una pa lang, bago mag SEC o i-rehistro ang negosyo, magkaroon muna ng MOA (memorandum of understanding) o Shareholders o Co-founders Agreement na siyang maglalagay sa kontratang legal ang napag-usapan. Sa gayon, may basehan ang mga pinag-usapan, matagal man itong patutunguhan ng negosyo.

#2 Ano’ng klaseng kumpanya ang itatayo

Sa amin, awtomatiko na korporasyon agad ang aming itinatayo (kung nasa Pilipinas ka) bilang personalidad ng aming negosyo. Di dahil startup ka, DTI na agad ang pupuntahan mo. Mas mainam na sa SEC ka mag-file dahil na din sa dami ng benepisyong makukuha ng negosyo mo, lalu na sa paglaki nito. Isang simpleng basehan ay ang klaseng “exit” na nais mo sa dulo. Kung ang exit na piinili mo ay mag lista sa Stock Exchange (IPO – initial Public Offering), nasa karakter ng pagiging korporasyon ang mainam para dito, dahil rin sa maaaring palawigin ang shares ng kumpanya. Meron ding BMBE (Barangay Micro-Business Enterprise) na maaaring gamitin sa mga micro-business dahil may moratorium ito sa mga buwis. Magsaliksik ay pag-usapan ito ng mabuti. Sa mga susunod na pitak ko ilalahad ang mga ito.

#3 Employment Contract

Bawat empleyado ay dapat na may kontrata, kahit isa lang ito. Naka-detalye dito ang deskripsiyon ng kanyang trabahao, sweldo at iba pa. Madalas kasi, napagsisimulan ito ng hidwaan lalu kung lumalaki na ang negosyo. Sa aming kumpanya, may mga ‘work-from-home’ na empleyado kami na nagsimula na part-time o project. Nung tumagal, kinuha na din naming sila at inilahad sa Employment Contract nila na ok lang sa amin na ituloy pa rin ang work-from-home basta may mga output silang ibibigay. Depende na sa inyong usapan ang mga nakalahad ditto. Kumunsulta din sa mga eksperto tungkol dito dahil mahigpit ang Labor Code.

#4 Intelectual Property (o IP)

Kung kilala na ang brand mo o kaya’y alam mong sisikat ito, o may kalakip na kakaibang teknolohiya ito, ipa-IP mo na agad. Ito ang proteksyon mo sa lahat ng iyong negosyo para di ka basta-basta gagayahin. Magagawa naman ito online. Magkaiba ang copyright at patent kaya saliksiking mabuti ang nararapat o bagay sa negosyo o produkto o serbisyo mo.

#5 Government-mandated Benefits

Mula sa SSS, Philhealth at Pag-ibig, hanggang sa pag-file ng buwis, lahat ito ay kailangang pagtuunan ng pansin sa startup mo. Huwag mo itong ibabale-wala dahil may kasamang malaking multa at kulong ditto. Meron ding Data Privacy Act sa Pilipinas. Basahin ito at siguraduhing magawa. Malaking multa din at kulong ang kasama ditto. Tandaan din na may kanya-kanyang data privacy law ang bawat bansa gaya ng sa EU na GDPR na sakop ang sinumang nag-access sa website mo at nasa iyo ang data ng kostumer.

Mas madali at hassle-free ang pagnenegosyo kung ang limang usaping legal an inilahad ko ay masusunod. Marami pang dapat ayusin sa aspetong eto ngunit ang limang ito ay agad na pagtuunan ng pansin.

Si Homer Nievera ay isang digital transformator at founder ng Negosentro.com na tumutulong palawigin ang kaalaman sa Internet at teknolohiya para maiangat ang kabuhayan ng mga Pilipino. Kung may katanungan, magpadala ng mensahe sa email@negosentro.com o hanapin siya sa Facebook.com/thepositivevibespage.

homer nievera 9

5 Paraan Para Maiwasan ang Pagkalugi sa Negosyo

ni Homer Nievera, CDE | Kung nagsisimula ka pa lang sa pagnenegosyo o nag-iisip pa lang mag ka-negosyo, naisip mon a bang puwede kang malugi sa pamamagitan ng pagwaglit lamang sa maliliit na bagay? Para di masayang ang pinaghirapang puhunan – na madalas ay hiram lamang – narito ang tatlong paraan para gabayan kang makaiwas sa pagkalugi.

#1 Magkaroon ka ng Masinsin na Business Plan (o Plano sa iyong Negosyo)

Kahit naman kung manghihiram ka ng puhunan sa bangko man o sa isang kaibigan, ang unang tanong sa iyo ay kung ano ang iyong plano, tama? Kaya naman dapat may nakahanda kang plano. At di ito basta plano na ginaya lang sa Internet, kundi, isang pinag-isipang plano na ikinunsulta pa sa ibang tao o grupo na mas may alam sa iba’t-ibang aspeto ng negosyo. Ang isang masinsing business plan ay maraming numero – budget, cost, sales, dami ng tao, dami ng kostumer na kailangan, at marami pang iba.  Sa dulo, dapat alam mo kelan ka kikita at hanggang saan ka lang bago ka malugi.

#2 Pag-setup ng Multiple Streams of Income

Sa dami ng puwede mong dahilan para malugi, maraming ding paraan para kumite sa iisang negosyo. Nung nag-uumpisa pa lang ako sa larangan ng pagnenengosyo, ito tinatawag na “multiple streams of income or revenue” ang akin laging pinag-iisipan. Dahil dito, wala akong dapat na pagsisihan kung di kumite ang isang negosyo ko. Kaya naman isinasama ko ito sa aking Business Plan. Hanapin mo ang lahat ng puwedeng idikit sa iyong negosyo na pagkakakitaan. Parang kung marami kang gripong nakabukas, mas marami kang isasalok na tubig, tama?

#3 Maging Masinop

Nais ko mang sabihing magtipid, pero mas mainam ang salitang masinop. Kasi sa negosyo, kung masyado ka naming matipid, may mga oportunidad na nakukuha sa mga pag invest sa marketing. Basta pag-aralan muna ang mga bagay bago gastusan. Laging isipin kung ano ang balik nito sa iyong negosyo. Kung talagang kailangan mong magbawas ng gastos, gawin mo. Huwag patagalin ang pagdurugo ng negosyo. Putulin agad ang di kailangang gastusin.

#4 Gumamit ng Makabagong Teknolohiya

Paulit-ulit ko mang sasabihin ito – ito talaga ay malaking bahagi ng negosyo ngayon. Kung di ka maabilidad, talo ka. Nariyan ang mraming teknolohiya na siyang tutulong at gagabay sa bawat galaw mo pagnenegosyo. Mula sa mga tulong sa accounting, budgeting, marketing at iba pa. Saliksikin ang mga ito at gamitin. Dahil Malaki ang matitipid mo sa tao at oras.

#5 Gumawa ng Exit Strategy

Aminin natin na di lahat ng negosyo ay nagtatagumpay. Ang importante, alam kung kelan ka susuko para lumaban sa susunod na pagkakataon. Ano ba ang exit strategy? Una, ito’y kasama sa business plan mon a siyang gagabay sa iyo kung kelan ka dapat mag-exit sa negosyo gaya ng: pagbebenta nito, pag-pasok sa joint venture, pagbenta ng shares o stocks at ang pagpasok sa stock exchange o IPO (initial public offering). Mahaba ang ganitong diskusyon. Pero kung nai-plano mo na ang gagawin mo bago ka pa malugi, mas mainam.

Masaya na mahirap ang pagnenegosyo. Pero kung napaghandaan mon a ang lahat (o halos lahat) ng posibilidad para umunlad ito, nasa panig ka ng tagumpay. Ipagdasal mo ang bawat plano na gagawin mo. Di lahat ng bagay sa mundo, ay kaya mo.

Si Homer Nievera ay isang digital transformator at founder ng Negosentro.com na tumutulong palawigin ang kaalaman sa Internet at teknolohiya para maiangat ang kabuhayan ng mga Pilipino. Kung may katanungan, magpadala ng mensahe sa email@negosentro.com o hanapin siya sa Facebook.com/thepositivevibespage.

homer nievera 10

5 Paraan Para Mas Palakasin Ang Iyong Negosyo

Homer Nievera, CDE | Hindi lahat ng malaking negosyo ay nagwawagi. Ang totoo, maraming maliliit na negsoyo ang mas mabilis yumabong dahil kaya nilang gumalaw ng mas mabilis kesa sa mga malalaking negosyo. Paano mo magagawang mapanatili ang iyong pagyabong kung marami kang kakumpitensiyang mas malalaking negosyo?

#1 Panatilihin ang Maayos na Brand Design at Values

Ang unang tinitingnan ng isang kostumer ay design ng iyong branding. Makikita yan mula sa kulay at design ng iyong logo. Ito ay dapat may tinatawag na “consistency”o hindi sabog ang konsepto nito. Sa tinatawag na brand identity mo pa lang, malalaman na dapat ng kostumer kung maayos kang mag-isip o maayos na kausap. Tingnan mo din kung umaayon sa iyong brand values ang design mo. Kung nais mong lumabas ang “Passion”halimbawa, siguro, gumamit ng kulay pula na kulay ng puso. Mas mainam na kumonsulta sa isang graphic designer o multimedia artist kung paano aayusin ang iyong brand identity mula sa iyong business card (tarheta).

#2 Unahin ang Website

Sa panahon ngayon, kung wala kang website, di na din maganda ang dating nito sa kostumer. Madalas kasing napagkakamalan na okay na ang Facebook Page. Marami ka kasing di puwedeng gawin sa social media. Una na dito, ay di mo ito pag-aari. Kung maisipan ng Facebook na alisin ang Page mo, tapos ka. Kaya panatilihin ang disenyo ng iyong website ng naaayon sa kabuuang disenyo ng iyong brand. Siyempre, pangalagaan mo ang nilalaman nito.

#3 Palakasin ang Customer Service

Karamihan ng malalaking kumpanya, hirap panatilihin ang maayos na customer service. Pagkakataon mo na ito. Di dahil kaunti ang iyong kostumer ay hihinaan mo na ang customer service. Sa halip, mas paigtingin pa ito. Sa dulo, mas pipiliin ang negosyo mo dahil mas “at-home”sila sa iyo.

#4 Gumamit ng Makabagong Teknolohiya

Maramig negosyo ang takot sa bagong teknolohiya dahil baka di nila ito magamay at humina ang kanilang Sistema. Sa totoo lang, mas mainam para sa maliit na negosyo ang pag-automate ng ilang bagay sa negosyo. Gaya ng paggamit ng chat bot na mas mainam sa Facebook Page dahil di mon a kailangan ng maraming taga-sagot sa mga private messages sa FB Messenger. Ang maganda dito, libre pa ito! Saliksikin ang mga bagong teknolohiya na aayon sa iyong negosyo na mas magiging episyente ang trabaho.

#5 Huwag Matakot Makipagsapalaran

Karamihan ng mga maliliit na negosyo takot sumugal o mag-risk. Ang katotohanan, kung maliit ka at di ka makikipagsapalaran – na kalkulado – di mo mahihigitan ang malalaking negosyo. Gay din yang mga katulad ng Facebook na nakipagbanggaan sa dating higanteng Friendster na kalauna’y natalo nila. Tandaan mo na mas mainam na magsaliksik ng mabuti bago mag-risk. Sa huli, ang pagnenegosyo at lakasan na lang naman yan ng loob. Samahan mo ng taimtim na dasal, may magandang kahihinatnan ka din.

Si Homer Nievera ay isang digital transformator at founder ng Negosentro.com na tumutulong palawigin ang kaalaman sa Internet at teknolohiya para maiangat ang kabuhayan ng mga Pilipino. Kung may katanungan, magpadala ng mensahe sa email@negosentro.com o hanapin siya sa Facebook.com/thepositivevibespage.

homer nievera 11

Why These Blogs Like to Accept ICO and Cryptocurrency Posts

I have always bee fascinated with cryptocurrency and now — ICO — since I was managed a tech company in 2013. I was able to buy a few Bitcoins at that time and yes, the investment paid off.

As I want more people to discover this new way of looking money, when I went into digital media full time, I searched, curated, and wrote a number of posts on the subject. Before I knew it, three of my main business blogs were carrying several articles on cryptocurrency, ICO, trading and networks.

These blogs now serve the cryptocurrency world with content on all sorts of categories and topics: Negosentro.com, WorldExecutivesDigest.com and ExecutiveChronicles.com.

At the onset, I didn’t know if these types of topics will generate interest. So, when the Bitcoin (and Ethereum) hit record high numbers in late 2017, I knew then that content will just present itself on my blogs’ doorsteps. And they did. Most especially when more ICO trends were happening globally.

So why do the above blogs like to accept cryptocurrency and ICO posts? Not just they’re popular these days, but simply because they’re most likely to stay.

Need to know what’s Cryptocurrency, huh? Here’s a video:

Need to know what’s an ICO, huh? Here’s a video: