startup 2019

4 na Mahahalagang Bagay na Huwag Tipirin Para sa Startup sa 2019

ni Homer Nievera, CDE | Ang madalas na unnag ginagawa ng mga negosyo o startup para sa unang bugso ng taon ay ang magtipid sa maraming bagay. Di man ito nakasasama, may mga bagay na dapat mong lagyan ng halaga o pagkagastusan.

Anu-ano ba ang mga pangunahing bagay na di dapat tipirin sa pagpasok ng bagong taon?

#1 Advertising at Promosyon

Nakakagulat ba? Sa totoo lang, ito ang sekreto ng malalaking kumpanya na sadyang gumagastos sa unang buwan (Enero) ng taon. Bakit? Kasi lahat ng kalaban ay tahimik. Kaya sinasamantala ang bagay na ito. Una, maraming napamaskuhan ang mga tao – bata man o matanda (narian ang Christmas bonus at 13th month!). Malaking pera ang umiikot sa kapaskuhan at tuwing Enero, maraming sale. Kaya maraming tao ang gumagastos. Ang tanong, kasama kaba sa una nilang naiiisip? Kung ikaw ang nakikita nila sa advertising at promosyon gaya ng sa social media, ikaw ang mas maaalala. At pagdating ng mga susunod na buwan, nauna ka na sa pagpapakilala kasi manipis ang exposure ng mga kalaban. “Makes sense,” di ba?

#2 Imahe

Ang imahe o branding mo ay dapat tuloy-tuloy. Kasabay na ito sa advertising mo. Ang payo ko ay ang pagpapalaganap ng content ukol sa negosyo at mga produkto o serbisyo mo sa internet man o sa mga points-of-purchase (tindahan, etc.). Ang estado sa industriya na iyong kinabibilangan ay mahalagang mapagbuti din sa iyong imahe sa mga ka-industriya mo. Ang pagkakaroon ng “thought leadership”o pagkakaroon ng mataas na pagtingin at importante sa mga kostumer mo dahil ang pagiging respetado sa industriya ay nagsasabing respetado ang mga produkto at serbisyo mo. Huwag magtipid sa ganitong paraan.

#3 Serbisyo sa Kostumer

Gaya ng lagi kong sinasabi sa mga naunang pitak, wag kang magtitipid para sa pagpapahalaga sa mga kostumer mo. Kung wala kang bagong kostumer o nababawasan ka ng kostumer, saan pa patungo ang negosyo mo? Palakasin ang website at social media mo na pangunahing pinipuntahan ng mga kostumer para sa pangangailangan, pagtatanong at feedback.

#4 Pagpapahalaga sa mga Tao at Proseso

Dahil mahalaga ang mga tao at proseso sa negosyo mo, lalu na sa susunod na taon, wag mong tititpirin ang ukol dito. Ang pagbalanse sa mga bagay ukol ditto ay dapat suriing mabuti. Halimbawa ay ang paggastos sa bagong tekonolohiya o upgrade nito para mas umunlad at bumilis ang mga proseso ay okay na imbestment. Gaya ng nabanggit ko sa isang pitak ko na ang pagbili ng isang teknolohiya (isang proseso) ay nakatipid naman ako pagkuha ng bagong tao. O ang pagtaas sa sweldo ng isang high-performer ay malaking bagay kesa sa umalis ito maghanap na naman ako ng i-train.

Ilang bagay lang ito na di dapat tipirin sa pagpasok ng bagong taon. Maging masinop pa rin at itaas ang abilidad ng mga tauhan para mas lumago ang 2019.

Tuloy mo lang tiwala sa sariling kakayahan at ipagdasal ang negosyo sa lahat ng oras. Ang tagumpay ay nasa kamay mo na.

Si Homer Nievera ay isang digital transformator at founder ng Negosentro.com na tumutulong palawigin ang kaalaman sa Internet at teknolohiya para maiangat ang kabuhayan ng mga Pilipino. Kung may katanungan, magpadala ng mensahe sa email@negosentro.com o hanapin siya sa Facebook.com/thepositivevibespage.

Social Media

How Social Media Can Hurt Your Business

There’s no doubt social media has changed the world significantly. According to the most recent reports, there are about 3 billion active social media users worldwide and we can only expect this number to grow in the future. With so many social media out there, platforms such as Twitter, Facebook and Instagram have become one of the best places for communicating with consumers and promoting products or services. The only problem is, when not used properly, social media can have a negative impact on your business. In case you’re wondering how, make sure you read on.

Being too pushy when promoting your business

We already mentioned that social media is a great place for promoting your business. However, it’s important to bear in mind that social media is NOT just a marketing medium. No matter how good your product or service is, if you’re being too pushy when promoting it, nobody is going to take you for seriously. After all, who among us wouldn’t be annoyed by a company that does nothing else but try to make sales? So, once you get on social media, you need to make sure you steer clear of such practice in order to avoid having people unfollow your pages. Instead, what you need to do is come up with something that will make people check out your pages even when they don’t want to buy something from you.

Sharing your content too often

One of the best things about social media is that it gives you a chance to show off your expertise by creating content and sharing it with your followers. While this can do wonders for your sales it can also have a negative impact on your operations. This can happen if you start posting too often. Just imagine having to follow a Facebook page that shares 10 articles on a daily basis. Not only would you be unable to read everything they post but you’d probably also avoid engaging in their content you’d otherwise find interesting. That being said, if you want your social media presence to help your business, you need to ensure you don’t post too often. There are different unwritten rules for every platform and being aware of them should help you avoid getting labelled as a “spammer.”

Not being active enough

Posting too often on social media can have a negative impact on your business but the same goes failing to be active. In fact, one of the worse things you can do on social media is create pages for your business and fail to produce any further input. Not only that social media users don’t want to follow pages that aren’t active but such pages also project the image that you don’t care about communicating with your customers. If you’re thinking about embracing social media or you already have your pages all set up, you need to make sure you’re as active as possible. If you’re not sharing content on a daily basis, you should at least try to find popular hashtags and join the conversation with other social media users.

Wasting valuable time

Everyone in the business world knows just how important time is. You and your employees need to focus on your core operations which doesn’t leave you enough time for social media. And if you want to tackle it the right way, social media requires time. This is exactly why you should ensure you don’t use social media platforms that don’t attract as many followers you want. Not to mention that checking your competitors’ social media pages and figuring out what they’re doing right can take hours and hours. With that in mind, turning to experts in social media monitoring is a smart thing to do. They’ll be able to provide you with all the info about your and your competitors’ social media efforts, while allowing you and your team to focus on your company’s core operations.

Offering lousy customer service

There’s no need to say that customer service is a huge part of running a business. If you want your customers to trust you more than they trust your competitors, offering top-notch customer service is a must. Studies have shown that 89% of businesses out there compete through the level of customer service they offer. And social media is one of the best places for providing brilliant customer service. However, if your customer service team fails to respond to a question or answer in a rude way, it can seriously hurt your company’s image. If you plan to offer customer service through social media, you need to bear in mind that it takes one viral screenshot or negative review to disrupt your entire organization.

Not double-checking before you post

When posting on social media, you need to be extremely careful about your spelling and grammar. Making too many grammatical errors shows that you’re not professional. Think of it this way – if you didn’t take time to proof your content, why should your audience take time to engage in it. Not to mention that sometimes, grammatical mistakes can change the message you want your post to send. Therefore, double-checking all the content you share on social media is a good idea. This also allows you to make changes to your post if you notice you seem to be abandoning courtesy or making offensive statements. Fail to be smart about what you post on social media and you might just end up having to apologize to other social media users every day.

With a good social media strategy, popular platforms like Twitter, Facebook and Instagram can do wonders for your business. On the other hand, if you don’t put enough effort into it, you could easily end up making a mistake that can hurt your company in many different ways. Make sure you do everything you can to avoid such mistakes and you’ll see more customers engaging in your content and sharing recommending your brand to their friends and family. It’s up to you to choose the path your business will take on social media.

negosyo 2019

5 Bagay na Gagawin Para Pasiglahin ang Negosyo sa 2019

ni Homer Nievera, CDE | Malapit ng matapos ang taon. Itong nahuhuling mga linggo ng 2018 ang tinatawag na huling sipa para umarangkada pa ang negosyo. Kung ngayong taon ka pa lang nagsumula sa startup mo, panahon na para ayusin ang mga bagay na magpapasigla sa negosyo sa 2019.

Narito ang limang bagay na dapat pagtuunan ng pansin:

#1 Line-up ng mga tao

Ang pinakamahalagang investment mo sa negosyo ay tao. Ang kapasidad ng mga to mon a manungkulan at mag-contribute ng kanilang kakayahan ay pangunahing bagay na dapat pagtuunan ng pansin. Kumusta ba ang “starting line-up”mo? Buo pa ba? O may kailangan ka ng idagdag? O baka naman kailangan lang na dagdagan ang kaalaman sa pamamagitan ng training o mentoring? Tingnang mabuti ang mga plano para sa susunod a taon at tingnan kung saan kailangan ng adjustment sa usaping HR (human resources).

#2 Cashflow

Tuloy-tuloy ba ang benta at koleksyon? I-tsek mo ang cashflow ng negosyo para sa anumang expansion sa 2019. Bago ka kasi mag-isip ng mga bagong pag-iimbestan, siguraduhin munang may pagtustos sa operations. Kung sa tingin mo ay kukulangin, baka kailangan mon a ng imbestor o dagdag capital mula sa bangko. Importanteng mapanatili ang positibong cashflow sa lahat ng oras.

#3 Serbisyo sa Kostumer

Ang serbisyo para sa mga kostumer mo ay mahalagang panatilihing mataas ang antas. Tandaan na ang customer service ay mahalaga sa lahat ng negosyo, maliit man o malaki. Suriin mo ang kalidad at pamamalakad mo sa mga frontliners mo o ang mga taga-sagot sa telepono o sa social media. Basta’t nakaharap sa kostumer, silipin ang proseso kung nasa ayos. Dahil ayaw mong mawala ang mahahalagang kostumer habang nagnanais kang lumago sa susunod na taon.

#4 Estado sa Industriya

Mahalagang bisitahin ang katayuan mo sa industriyang ginagalawan mo. Madalas kasi, ipinapagkumpara ka sa ibang kakumpitansiya mo sa industriyang ginagalawan mo. Silipin ang estado mo sa social media at Google sa pamamagitan ng “forensics”tools kung saan malalaman mo ang ranking laban sa iba. Ang kumpanya kong Mediablast Digital ay gumagawa ng ganitong forensics ng libre para sa mga startup man o malaking negosyo. Email nyo lang ako sa homer@mediablastcorp.com para dito.

#5 Business Plan
Nakahanda na ba ang business plans mo para sa susunod na taon? Huwag magbakasakali, maliit man o malaki ang negosyo mo. Ang tamang pagpaplano ay mahalaga sa lahat ng bagay. Kung di mo pa ito nagagawa, upuan kaagad kasama ang mga supervisor o manager mo. Gawin ito para malaman mo ang tamang istratehiya para sa susunod na taon.

Ang matiyaga at maagap ay siyang nagtatagumpay sa negosyo man o sa buhay. Pagtuunan ng pansin ang tamang pagpaplano at aksyunan agad ang mga maaaring maging problema ngayon pa lang.

Tuloy mo lang tiwala sa sariling kakayahan at ipagdasal ang negosyo sa lahat ng oras. Ang tagumpay ay nasa kamay mo na.


Si Homer Nievera ay isang digital transformator at founder ng Negosentro.com na tumutulong palawigin ang kaalaman sa Internet at teknolohiya para maiangat ang kabuhayan ng mga Pilipino. Kung may katanungan, magpadala ng mensahe sa email@negosentro.com o hanapin siya sa Facebook.com/thepositivevibespage.