kumpanya

Paano Makipagsabayan sa mga Malaking Kumpanya kung Nagsisimula ka pa lang

ni Homer Nievera, CDE |  May website ka na ba? Kung wala pa, aba’y sobrang huli mon a sa biyahe!

Sa panahon ngayon, hindi maikakaila ang malaking papel na ginagapanan ng teknolihiya sa iba’t ibang bahagi ng ating buhay.

Kung nais mong mag-negosyo ngayon, kaya mo nang makipagsabayan sa mga malalaking kumpanya sa pamamagitan ng mga simpleng teknolohiya na kundi mura, walang bayad!

#1 Website

Kung nag uumpisa ka lang sa iyong maliit na negosyo o kaya’y isa kang freelancer, malaking tulong ang sarili mong website. Ang isang website ay parang opisina mo sa Internet. Sa Pilipinas, kung saan mahigit na 45 milyon ang gumagamit ng Internet, tiyak na malaki ang potensiyal ng iyong negosyo kung may website ka. Kailangan, propesyunal ang hitsura nito at nakalagay dito ang mga importanteng impormasyon ukol sa iyong negosyo.

#2 Email at Messenger Apps

Hindi kaila sa atin na ang bagong henerasyon ng mga bata ay marahil hindi na interesadong magpapadala ng sulat gamit ang koreo o Post Office. Sa pamamagitan pa lang ng cellphone, kaya na niyang mag text, mag chat ang makipag-usap kanino man saan man sa mundo.

Sa negosyo, email lang ay puwede ka ng magpadala ng mga proposal sa mga nais maging kostumer. Hindi mo na kailangang gumastos ng papel at pamasahe para ipadala ito. Makakasagot na din agada ng pinadalhan mo. Gayundin ang paggamit ng mga chat apps na Viber at Facebook Messenger na sa iyong mobile phone pa lang personal kayong mag-uusap o magkikita at wala pang bayad kung meron ka ng wifi.

#3 Social Media at Search Engine

Para makahanap ng mga kostumer sa kahit na anong negosyo mo, ang paggamit ng Social Media at Search Engine ang pangunahing teknolohiyang magagamit sa pag-market ng iyong serbisyo o produkto. Sa Facebook, Linkedin at Google+ na ilang lamang sa mga social networking sites, at sa mga search engine na Google at Bing, makakahanap ka na ng mga tao o kumpanyang posibleng magkaka-interes sa mga binebenta mo.

#4 SEO

Ang long-term na gagawin kung kumpleto ka sa tatlong nabanggit sa taas ay ang panatilihin ang ranking mo sa Google at iba pang Search Engine. Gumamit ng mga Teknik na gaya ng SEO (search engine optimization). Di ko mailalahad ang lahat tungkol sa SEO pero magsaliksik ka lang at madali ka ng makaka-umpisa. Ito kasi ang pinaka-siyensiya ng Digital.

 

Sa mga susunod na kolum, mas palalawigin ko pa ang diskusyon sa mga ito at ilan pang kaalaman kung paano mas magagamit ang teknolohiya para kumita ng pera saan ka man sa mundo.

burnout

5 na Bagay na Puwede Kang Ma-Burnout sa Negosyo Mo

ni Homer Nievera, CDE | Talaga namang challenging ang pagkakaroon ng negosyo. Sa sobrang dami ng pinagkakaabalahan at pinag-iisipan, maari talagang magka-burnout ang isang negosyante, pati na din ang mga empleyado.

Anu-ano ba ang panggagalingan ng mga balakid o challenges sa isang negosyo na  puwede mong ipagka-burnout?

#1 Funding

Kapag pera na ang pinag-uusapan, laging nasa taas ito ng mg achallenges mo bilang negosyante, di ba? Sino ba ang di nangangailangan ng pera para masuportahan ang paglago ng kanyang negosyo? Kaya ito ang top 1 natin sa listahan. Paano ito maredyuhan, narito ang tatlong paraan:

Humingi ng tulong sa mga taong malapit say o at sa mga nakakaalam sa sitwasyon mo. Ang mga propesyunal kasi ang mas mabilis na makakatulong sa funding at pagkuha ng imbestors. Ikalawa, mag-prioritize ka ng pagkukunan ng pera. Mas maigi kasi na meron kang maayos na cashflow. Ang pag concentrate sa benta ay isa ding maayos na solusyon. Pokus ka lang sa mga magagndang ideya at serbisyo para umayos ang “self-funding” man o mula sa imbestors.

#2 Marketing

Bukod sa kaperahan, ang pagbebenta ay isa pang magpanggagalingan ng stress sa negosyo. Ano’ng gagwin para maibsan ito?

Una, tingnan mo uli ang target market mo. Baka naman kaliangang pihitin ang target na kostumer mo sa iban o mas masinsin pang target. At dahil kaya mong makita kung saang kostumer base ka mas malakas, puwede mong tuunan ng pansin ang “niche” na ito. Sniper approach tayo kesa shotgun. Mas matipid pa to na solusyon. Puwede ka ding kumuha ng mga consultant o marketing agency na tutulong sayo.

#3 Team

Ang pagbuo ng maayos at tamang team ang isa din sa nakaka-stress, di ba? Una, relax ka lang. Huwag magmadali. Mas mahirap magpalit ng tao kapag andyan na. Kaya sa una pa lang, ayusin ang filtering ng mga kandidato. At kapag nasa kumpanya na, mag pokus ka sa training at mentoring.

#4 Priorities

Madalas, sa sobrang dami lang talaga ng gagawin, di mo na alam kung ano ang uunahin, di ba? Ang rule number 1 dyan ay matutong magasabi ng “NO!” kung puno ka na. Naku, alam kong mahirap yang gawin pero talagang dapat mai-praktis yan. Di mo talaga kayang Oo-han ang lahat.

Pangalawa, matutong mag-delegate. Di puwedeng ikaw lang ang magaling. At paano matutuo ang ibang tao kung ikaw lahat ang gagawa?

Ayusin mo din ang lugar at mga bagay-bagay sa opisina. Baka makalat na din ang lamesa mo o kailangan nang ayusin ang mga skedyuls.

#5 Direksyon

Sa kakabago ng mga teknolohiya at maraming pang may kinalaman sa negosyo, baka nawawalan ka na din ng direksyon.

Huminga ka muna. Isulat ulit ang plano at alamin saan ka nagkulang at saan ka naman nagtagumpay. Mas mainam din na magbakasyon muna o mag-out of town planning kayo. Yung walang distraksyon.

Sa personal mo naming pamumuhay, mag-exercise ka — mag-meditate o magdasal. Di mo talaga kaya lahat mag-isa. May Diyos kang kahalili at magbibigay ng tunay na direksyon.

Si Homer Nievera ay isang serial technopreneur. Kung may katanungan, mag email sa kanya sa chief@negosentro.com.