Paano Ganyakin ang Sarili at Maging Positibo Para sa Negsoyo Mo
Paano Ganyakin ang Sarili at Maging Positibo Para sa Negsoyo Mo | ni Homer Nievera, CDE, CVM, CCM | Kumusta ka-negosyo? Nawa’y nasa mabuti kang kalagayan. Narito na naman ang isang bagong araw upang masimulan ang mga gawain mo para sa iyong negosyo.
Alam naman natin na ang ating sitwasyon ay di madali sa mga panahong ito. Maraming pagsubok tayong pinagdadaanan ngayon dahil sa kinakaharap nating pandemya na lubos na apektado ang galaw ng mga tao at ang sapol nito sa ating ekonomiya.
Ngunit sa kabila ng maraming negatibong nangyayari sa ating kapaligiran, di dapat tayong basta-basta malulugmok dahil di naman ito ang permanenting kalagayan natin. Matatapos din ito. Huwag lang susuko. Tuloy lang tayo ka-negosyo.
Kaya naman sa ganitong panahon, ano nga ba ang dapat nating gawin para mapanatili natin ang ating positibong pananaw at malabanan ang negatibong vibes? Paano natin magaganyak o ma-motivate ang ating sarili sa araw-araw na pagnenegosyo natin?
O, tara na at matuto!
#1 Balik-balikan ang pahayag na misyon at bisyon
Bakit mo naisipang magnegosyo? Bakit ito mismong negosyo na ito ang iyong itinayo? Ano ang layunin mo sa negosyo? Ang mga tanong na ito sa iyong sarili ay siya na rin ang magpapaalala kung bakit ka narito. At ano ang mga dapat mong pagtuunan ng pansin sa mga panahong tila nahihirapan ka na.
Ang mga pahayan mo ukol sa iyong layunin ay mahalaga. Dahil ang pundasyon ng isang negosyo ay di nasusukat ng pera kundi ng prinsipyo na siyang nagtutulak s aiyo upang mapabuti ang sarili, pamilya at ibang tao.
Kaya kung kulang ka na sa pagganyak sa sarili, balikan mo ang mga layunin mo.
#2 Magpokus sa solusyon at di sa mga problema
Kung palaging ang mga agam-agam mo sa mga nangyayari sa paligid mo ang iyong iniisip, dadalhin mol ang ang negatibong vibes na iyan sa buong maghapon mo. Isipin mo kung tatlong linggo ka nang nag-iisip ng mga problema, aba’y tatlong lingo ka na ding tuliro, di ba?
Palitan mo ang iyong perspektibo! Magpokus ka sa solusyon at wag sa problema.
Halimbawa, noong unang lingo ng lockdown, namroblema ako sa kung paano ko gagawin nang maayos ang pag-miting sa mga kasamahan ko sa negosyo. Kesa pagpokus sa problemang ito, naghanap at nagsaliksik kami ng paraan kung paano namin ito gagawin.
Sa paggamit namin ng Zoom app, na popular na ngayon, naipagpatuloy namin ang aming mga gawain. Sa totoo lang, dahil din sa ganitong pag-pokus sa solusyon, marami kaming nagawang donasyon at pagtulong sa mga taong kapus-palad at sa mga frontliners sa buong Kalakhang Maynila. Maaaring maliliit lang ang aming naitulong, ang pag-ambag ng positibong aksyon sa negatibong sitwasyon ay nagdulot ng sama-samang pagtulong sa mga nangangailangan. Nagpokus kami sa solusyon kesa sa problema.
Ikaw, ano ang pinagdadaanan mong problema ngayon? Nakatuon ka ba sa problema o sa solusyon?
#3 Magbasa o manood ng mga istorya ng tagumpay
Ang motibasyon ng isang tao ay naaayon din sa mga iyong nababasa at napapanood. Sa social media kasi marami kang nasasagap na di naman maganda ang impluwensiyang maibibigay sa yo.
Gamitin mo ang oras sa pag-aaral ukol sa mga tagumpay ng ibang tao at kumpanya. Marami naman diyan na naaayon sa hilig o interes mo. Kung mahilig ka sa Netflix, manood ng mga palabas na may istorya ng tagumpay. Kung mahilig ka sa games, sa mga strategy games ka magbabad. Ang mahalaga ay ibabad ang sarili sa mga sitwasyon ng tagumpay upang maging gayundin ang pananaw mo.
Naalala ko ang ginagawa ng anak ko na isa nang ganap na duktor ngayon, noong nag-aaral pa lang siya ng medisina. Si Dr. karl noon ay aming ikinuha ng apartment kung saan ang kanyang paaralan. Nag-iisa lamang siya dun at batid naming ang araw-araw nap ag-aaral. Nakakasawa at nakakaburyong ang sitwasyon niya. Noong dumalaw kami minsan, napansin naming ang iba’t ibang Post-It Notes sa paligid ng kanyang apartment na mga “Don’t StoP at “Don’t Quit” at kung anu-ano pa ang nakapaskil. Pati nga sa kisame sa harap ng higaan niya ay meron din. Ngayon, ganap na siyang espesiyalista sa Internal Medicine (Asian Hospital) at isa nang Fellow sa Endocrinology sa Chinese General Hospital. Nakaka-inspire di ba?
Kaya ka-negosyo, gawin ang mga bagay na ito sa araw araw, kahit pa matapos na ang pandemyang ito.
#4 Makipag-usap sa mga taong positibo ang pananaw
Madalas kong ipayo sa mga kaibigan ko nan ais na maging positibo ang pananaw at buhay ay ang makisalamuha sa mga taong positibo din.
Bakit? Parang virus lang din yan. Nakakahawa ang pananaw ng mga tao. Parang may animon’y enerhiyang iyong nakukuha sa pakikipag-ugnayan sa mga tao – positibo man o negatibo. Punahin mo, na kung puro kasiraan ng ibang tao ang pinag-uusapan ng mga kasama mo, di ba parang ang bigat ng araw mo? Pero kung puro kakatawanan o positibo ang pinag-uusapan, maganda at magaan ang araw mo.
#5 Matulog ka at magpahinga
Baka kasi lagi ka namang napupuyat sa kakaisip o sa kakagawa ng ikalilibang mo. Di naman masama ang maglibang, ngunit masama ang kulang sa tulog at pahinga. Kapag lugmok ang katawang lupa mo, ganun din ang ispirito mo.
Ang pagkakaroon ng tamang lakas at enerhiya lalu na sa umaga, ay siyang magdidikta nang magiging pananaw mo sa buong araw. Kung tila pagod ka lagi kahit nakatulog ka na, ibig sabihin kulang ang tamang tulog o pahinga.
#6 Panatilihin ang kalusugan – mag-ehersiyo at magnilay
Di maikakaila na ang pagkakaroon ng magandang sirkulasyon ng dugo ay Mabuti sa katawan. Mabuti din ito sa mag-iisip at pagpapatuloy ng positibong pananaw dahil may ibayong lakas kang nararamdaman.
Kung maganda ang daloy ng enerhiya sa iyong katawan, lumalabas din ito sa iyong buong pananaw sa buhay at nagdudulot ng positibong vibes.
Labanan ang negatibong vibes sa pamamagitan ng ehersiyo araw-araw. Maglaan ng 30 minuto at ok ka na. Maraming paraan naman diyan kahit nasa bahay ka lang. Saliksikin sa Youtube.
Ganun lang yun kasimple.
Ang payo ko, umiwas sa mga taong negatibo kung ayaw mong mahawa sa pananaw nila. Kung mahirap ito gawin, lalu pa’t kasama mo sila sa bahay o trabaho, subukan mong baguhin ang kanilang pananaw. Ipagdasal mo din sila.
Sa dulo, ang pagkakaroon ng positibong pananaw ng isang tao ay nakasalalay din sa mga kasama nito sa araw-araw. Subukan mong pansinin ang mga taong nakapaligid sa yo ngayon. Ano ang dulot nilang vibes sa yo?
Konklusyon
Nasaan ka na ba ngayon sa iyong pananaw? Lugmok ka ba o nakaumang para sa lahat ng hamon? Kung ano man ang kinakaharap mo ngayon, maging handa kang sumabak nang may positibong pananaw. Huwag kang papatalo.
Tandaan na sa lahat ng bagay, magdasal at maging positibo.
—
Si Homer ay isang technopreneur at makokontak sa email niyang chief@negosentro.com
Recent Posts
- 8 Karagdagang Tips Mula sa Mga Bilyonaryo Para sa Buhay at Negosyo
- Ilang Mahalagang Pananaw sa Kahalagahan ng SEO sa Maliit na Negosyo
- Ilang mga palatandaan na handa ka nang maging isang negosyante
- Ilang Pangunahing Leksyon mula kay Robert Kiyosaki sa Pamumuhunan
- Benepisyo ng SEO sa Negosyo sa Panahon Ngayon
Archives
- October 2022
- September 2022
- August 2022
- July 2022
- June 2022
- May 2022
- April 2022
- March 2022
- February 2022
- January 2022
- December 2021
- November 2021
- October 2021
- September 2021
- August 2021
- July 2021
- June 2021
- May 2021
- April 2021
- March 2021
- February 2021
- January 2021
- December 2020
- November 2020
- October 2020
- September 2020
- August 2020
- July 2020
- June 2020
- May 2020
- April 2020
- March 2020
- January 2020
- December 2019
- November 2019
- October 2019
- September 2019
- August 2019
- July 2019
- June 2019
- May 2019
- April 2019
- March 2019
- February 2019
- January 2019
- December 2018
- November 2018
- October 2018
- September 2018
- August 2018
- July 2018
- June 2018
- May 2018
- April 2018
- March 2018
- February 2018
- January 2018
- February 2017
- October 2016
- July 2016
- June 2016
- May 2016
- December 2015
- November 2015
- October 2015
- August 2015
- June 2015
- May 2015
- April 2015
- March 2015
- February 2015
- November 2014
- September 2014
- August 2014
- July 2014
- April 2013
- March 2013
- January 2013
Categories
Recent Posts
- 8 Karagdagang Tips Mula sa Mga Bilyonaryo Para sa Buhay at Negosyo
- Ilang Mahalagang Pananaw sa Kahalagahan ng SEO sa Maliit na Negosyo
- Ilang mga palatandaan na handa ka nang maging isang negosyante
- Ilang Pangunahing Leksyon mula kay Robert Kiyosaki sa Pamumuhunan
- Benepisyo ng SEO sa Negosyo sa Panahon Ngayon