3 Bagay Para Makaungos ang mga Bagong Entrepreneur sa Panahon Ngayon
3 Bagay Para Makaungos ang mga Bagong Entrepreneur sa Panahon Ngayon | ni Homer Nievera, CDE, CVM, CCM | Kumusta ka-negosyo? Ikaw ba ay nagdesisyong mag-negosyo kamakailan lamang? Lalu na kung napilitan kang pumasok sa pagnenegosyo dahil na din nawalan ka ng trabaho ngayong panahon pandemya.
Mas mahirap ang pagnenegosyo ngayong di naman makalabas ang mga tao, o kaya ay limitado ang galaw dahil sa community quarantine.
Malamang, sa panahong ito, di napapanahon na tumigil nang sandal, huminga, at mag-isip-isip muna. Kailangang gumalaw-galaw upang makaungos at makaraos.
Kaya sa pitak na ito, ilalarawan natin ang limang bagay na dapat mong malaman upang mas umigi pa ang buhay entrepreneur mo may pandemya man o wala.
Tara na at matuto!
#1 Bisitahin ang mga plano buwan-buwan
Kahit ano pang buwan, panahon ng pagpaplano ngayon. Dahil sa bilis ng mga pagbabago dahil sa online selling, kailangang maging maagap ka sa kung ano ang mga makabagong paraan na swak sa pagbebenta.
Marami ka na sigurong napagtanto ukol sa new normal na tinatawag at tiyak na nagkaroon ka ng iba’t ibang ideya kung paano mo masasakyan ang makabagong paraan ng pagnenegosyo. Pero huwag mong kalimutan ang pagbisitang muli sa mga plano mo. Kung di mo pa ito nagagawa, ilalahad ko ang simpleng pormat.
Nabanggit ko na ito sa nakaraang pitak, at uulitin ko ngayon ang ilan lamang sa dapat kasama sa plano na bibisitahin mo:
- Executive Summary – narito ang buod ng business plan mo
- Market Overview – dito nakalahad ang merkado kung saan ka may operasyon
- Partnerships – sino ang mga kasama mo sa negosyo na mahalaga upang umungos ka
- Short term at Longer-term Objectives – mga layunin mo na panandalian at pangmatagalan
- Resources and Funding – mga pangangailan mo
- Strategies – mga istratehiya sa pagnenegosyo, sales at marketing
- Financial forecasts – lahat ng may kinalaman sa kaperahan (benta, investments, etc.)
Kasama sa pagpapalano ay ang pagsasaliksik tungkol sa iyong kostumer at kumpetisyon. Kasi kung di mo pa lubos na kilala ang merkado at industriyang ginagalawan mo, may problema kang kakaharapin. Tandaan mo na ang pagsasaliksik sa kostumer at kumpetisyon ay susi upang makaungos ka sa pagbebenta.
Kung sasaliksikin mo ang bawat aspeto ng mga ginagawa ng kakumpitensiya mo, malalaman mo ang mga dapat iwasan, paghandaan at gagayahin o mas papalawigin, di ba?
Ang pagsaliksik sa kumpetisyon ay simple, ngunit kailangang masinsin at may konting analysis. Search mo ang at Facebook bilang pangunahing paraan kung saan makikita ang tungkol sa kanila. Kapag nakakita ka ng kapareho mong negosyo, malamang makikita mo sa baba o gilid ng search results ang iba pang kakumpitensya mo. Tandaan mo na maaaring direkta o di direkta ang kompetisyon ha?
Ang mga dapat naming tingnan sa mga kostumer mo ay ang kanilang mga piling produkto na kanilang binibili at ang mga katulad nito. Gayundin ang pag-analisa sa mga trends upang mapaghandaan ito. Merong simpleng analytics ang FB Page na tawag ay Insights. Dito nakikita ang mga trends, likes at kung anu-ano pa ukol sa page mo.
Meron ding mga libreng social analytics tools na makukuha online upang magawan ng forensics ang page mo at ang total na reputasyon mo online.
Ang pag-aanalisa ng kostumer at kakumpitensya mo ay isa sa pinakamahalagang aspeto ng paggawa ng istratehiya sa marketing mo.
Sa aspeto naman ng mga partnerships, ito ay ang mga tao o organisasyong makakatulong mapalawig ang pagnenegosyo mo, mula sa pagpapalawak ng base ng kostumer mo, hanggang sa magpapalakas ng mga kahinaan mo.
Natutunan ko sa mga nagging trabaho ko noon mula sa Friendster at Multiply, kung saan ako’y naging pinuno ng paglikha ng mga partnerships sa buong mundo, na mahalaga ang relasyon sa pagpapalawig ng negosyo. Natutunan ko ding mas mabilis mong mapapalaki ang network mo at ang pagsakop sa iba’t ibang merkado sa pamamagitan ng mga mahuhusay na partnerships.
Kumusta naman ang pag-pokus mo sa mga layunin at mga istratehiya mo? Patuloy pa ba ito o sadyang natatabunan na ito ng iba’t ibang gawain at alalahanin? Dapat pokus ka pa rin upang di madiskaril ang mga plano. Kung kinakailangang mag-pivot ng istratehiya man o negosyo na mismo, siguruhing babalikan mo na naman ang mga plano mo.
Lahat ng nagnenegosyo ay dapat may pahayag na misyon o “mission statement.” Ang pagkakaroon nito kasi ay nangangahulugang malinaw ang layunin mo sa pagnenegosyo at nakatuon ang lahat ng enerhiya mo dito.
Ang kawalan ng pokus sa pagnenegosyo ang kadalasang nagiging dahilan ng pagkalugi ng isang negosyo. Siguraduhin na talagang klaro naman sa iyo ang misyon mo at di ka basta-basta lilihis dito dahil lamang sa isang pangyayari gaya ng pandemya at iba pang balakid.
Higit sa lahat, siguruhing nasa ayos ang bawat aspetong pinansiyal at mga pangangailangan mo, gayundin ang operasyon. Ang mga ito ay siyang magsisigurong makakalaban ka ng pangmatagalan.
#2 Paigtingin mo ang pag-hustle
Bilang isang mentor ng mga startup, madalas kong sinasabi ang mga katagang “Hustle, Hustle, Hustle!” Ano nga ba ang tunay na ibig sabihin ng “hustle” sa buhay ng isang startup negosyante o entrepreneur?
Madalas kasi ang dahilan ng isang tao kung bakit niya nais mag-negosyo ay upang magkaroon ng mas mahabang oras para sa gala o kaya’y pahinga. Nais niyang maglaan nang mas mahabang panahon sa pagpapamilya at kung anu-ano pang bagay na papunta sa pagreretiro.
Bilang bagong entrepreneur, mas maraming oras ang gugugulin mo sa pagpapa-angat – o pag-hustle – para sa iyong negosyo. Ganun talaga yun.
Kaya naman ang pag-hustle ay ang iyong pag-kayod nang husto na sa salita ng mga Gen-Xer ay kayod-kabayo o kayod-marino. Lahat ng oportunidad na darating sa iyo ay sisilipin mo at lahat ng meeting ay pupuntahan mo. Yan ang hustle na tinatawag. Go lang ng go hanggang sa makamit ang tunay na layunin ng iyong pagnenegosyo.
Mag-market o magbenta ka nang walang hiya-hiya. Walang taong maniniwala sa ibinebenta mo kung ikaw mismo ay di naniniwala dito. Wala kang mabebenta kung di mo maibenta sa sarili ang iyong produkto.
Ang simpleng pag-uumpisahan mo nito ay ang pagiging pangunahing tagapagtaguyod o ebanghelista ng iyong ibinebenta. Halimbawa, kapag nag-search ka sa Google ng aking pangalan na Homer Nievera, makikita mo ang mga salitang “Digital Evangelist.” Dahil ang aking mga negosyo ay nasa digital o nasa Internet, ang adbokasiya ko ay may kinalaman din dun.
Kaya kung anuman ang iyong binebenta, dapat manguna ka sa pagiging ebanghelista nito. Yan ang pangunahing gawain sa pag-market ng produkto o serbisyo.
Kung kailangan mong magpa-interbyu o maging tagapagsalita o speaker sa mga event, gawin mo. Makikita mo na malaki ang halaga ng marketing na y n at nagawa mo sa libreng pamamaraan. Puwede ka din magsimula ng blog o vlog mo. Kasama yan sa pagnenegosyo gaya ng pagsimula ng isang social media page o account ukol sa negosyo mo. Di mo ba napansin na maraming tila social influencer ay may mga ibinibenta pala?
Dahil nabanggit ko ang social influencer, mahalaga ang maigting na pagbebenta sa social media at sa website mo. Di na kaila sa atin na mahalaga ang social media upang maabot ang mamimili at dito na din makapagbenta nang mas mabilis. Maaaring di ko na kailangan pang pahabain ang ideyang ito dahil malamang alam mo na ito. Idagdag ko na lang ang paggamit ng iba’t ibang tools upang mas maging mabenta ang mga produkto mo sa social media.
Una dito ay ang pagsasaayos ng itsura ng mga produkto mo. Dapat ay maganda ang pagkakuha sa litrato man o video. Ikalawa, ay ang masinop na paglagay ng presyo at lahat ng detalye upang mabawasan ang pagtatanong ng mga kostumer. Siguraduhing malinaw ang pagkakalathala ng mga nasabing detalye lalu na ang paraan ng pag-order, pag-bayad at pag-deliber. Lagyan din ng mga hashtags ang iyong mga posts upang mas mabilis itong makita sa search.
Tandaan lang na halos 80 porsyento ng milenyal at GenZ na merkado ay sa video nahuhumaling. Ito kasi ang pinaka-epektibong paraan upang mahuli ang kostumer sa social media. Kaya namamayagpag ang live selling sa Facebook dahil sa aspetong ito.
Maraming uri ng video ang puwede mong gamitin. Nariyan ang gumagalaw na poster na video ang format. Merong mga online events o seminars kung saan mahabang diskusyon ang puwedeng gawin. At siyempre, may online video ads na maaaring gawin.
Kung hirap kang mag-isip ng gagawin, manood muna ng mga videos na nag-eendorso ng mga brands. Marami yan, kasama na ang mga pagsingit ng brands sa mga influencers.
Dun naman sa pagbebenta sa sariling website, medyo maiiba lang ang dynamics nito. Dahil bukod sa social media na magpapadala ng trapik sa website sa mga search engines tulad ng Google sila pupunta. Kaya naman kung searchable ka at ang mga brand mo, mas madaling makaka-ungos ka sa iba. Ang sikreto sa larangang ito ay ang SEO – o search engine optimization. Kung gamay mo ang sistemang ito, madali na ang susunod na Google Ads.
#3 Handa ka din dapat sa pag-pivot o pagpihit ng negosyo
Sa basketball, kapag parating na ang isang kalaban habang dala mo ang bola, maaari kang mag-pivot para iwasan ito. Tila pinaiikutan mo ang player at tuloy ka lang patungo sa basket.
Bilang isang bagong entrepreneur o negosyante, marami pang pagkakataon o oportunidad kang kakaharapin. Sa sandaling nakakita ka ng mas malaking oportunidad upang umunlad, baka panahon na din mag-pivot – o pumihit.
Mahalaga ang pag-pivot sa pagnenegosyo, ngunit mahirap ding masuri ang tamang panahon para dito. Madalas, kailangan mo ng masusing pag-aaral at masinsin na pag-aanalisa bago mag-desisyon. Maging masinop sa mga desisyon lalu na kung may solid ka nang pinagdadaanan.
Napapansin niyo naman siguro ang namamayagpag na mga tinaguriang plantito at plantita. Dahil nitong pandemya, maraming tao ang naka-quarantine kaya’t naging mahalaga ang pag-aalaga ng mga tanim sa bahay. Sa village namin, naging talamak ang pagnanakaw ng mga tanim sa labas ng bahay dahil nga biglang nagkaroon ng demand sa mga house plants.
Kaya naman ang daming nagsulputang mga nagbebenta ng tanim ngayon. Lumaki din ang halaga ng mga house plants, at naging popular ang mga live selling nito sa Facebook. Samakatwid, lubhang dumami ang mga nag-pivot sa pagbebenta ng tanim.
Sa pagpivot ng negosyo, tamang timing ang kailangan kung pipihit ka ng anumang bahagi ng negosyo mo, at dapat handa ka sa mga kahihinatnan. Kung malalim naman ang balon mo (pera!), okay lang sumubok. Basta, dahan-dahan lang sa paggalaw. Huwag ka lang din pipirmi sa kinatatayuan mo at baka mapag-iwanan ka.
Konklusyon
Ilang isang bagong entrepreneur, kailangan ang pagiging masinop at matiyaga sa lahat ng bagay. Ipagpatuloy ang pag-hustle at huwag titigil sa pokus mo. Kung nakita mong handa ka ng mag-pivit, gawin mo ito sa pamamagitan ng pagpaplanong muli. Wag padalos-dalos.
Ang mga teknolohiya at digital tools ay nakahain na. Gamitin lang ang mga ito at patuloy kang mag-aral upang di ka mapag-iwanan.
Sa lahat ng bagay, magtiwala sa Diyos.
—
Si Homer ay isang technopreneur. Makokontak siya sa pamamagitan ng email na chief@negosentro.com
Tags In
Recent Posts
- 8 Karagdagang Tips Mula sa Mga Bilyonaryo Para sa Buhay at Negosyo
- Ilang Mahalagang Pananaw sa Kahalagahan ng SEO sa Maliit na Negosyo
- Ilang mga palatandaan na handa ka nang maging isang negosyante
- Ilang Pangunahing Leksyon mula kay Robert Kiyosaki sa Pamumuhunan
- Benepisyo ng SEO sa Negosyo sa Panahon Ngayon
Archives
- October 2022
- September 2022
- August 2022
- July 2022
- June 2022
- May 2022
- April 2022
- March 2022
- February 2022
- January 2022
- December 2021
- November 2021
- October 2021
- September 2021
- August 2021
- July 2021
- June 2021
- May 2021
- April 2021
- March 2021
- February 2021
- January 2021
- December 2020
- November 2020
- October 2020
- September 2020
- August 2020
- July 2020
- June 2020
- May 2020
- April 2020
- March 2020
- January 2020
- December 2019
- November 2019
- October 2019
- September 2019
- August 2019
- July 2019
- June 2019
- May 2019
- April 2019
- March 2019
- February 2019
- January 2019
- December 2018
- November 2018
- October 2018
- September 2018
- August 2018
- July 2018
- June 2018
- May 2018
- April 2018
- March 2018
- February 2018
- January 2018
- February 2017
- October 2016
- July 2016
- June 2016
- May 2016
- December 2015
- November 2015
- October 2015
- August 2015
- June 2015
- May 2015
- April 2015
- March 2015
- February 2015
- November 2014
- September 2014
- August 2014
- July 2014
- April 2013
- March 2013
- January 2013
Categories
Recent Posts
- 8 Karagdagang Tips Mula sa Mga Bilyonaryo Para sa Buhay at Negosyo
- Ilang Mahalagang Pananaw sa Kahalagahan ng SEO sa Maliit na Negosyo
- Ilang mga palatandaan na handa ka nang maging isang negosyante
- Ilang Pangunahing Leksyon mula kay Robert Kiyosaki sa Pamumuhunan
- Benepisyo ng SEO sa Negosyo sa Panahon Ngayon