krisis

Paano Itayong Muli ang Negosyo Kung Tinamaan Ito ng Krisis

ni Homer Nievera, CDE, CVM | Kumusta ka-negosyo? Di kaila sa iyo ang dami ng mga negosyong tinamaan ng kasalukuyang krisis pang-ekonomiya na dala ng pandemyang Covid 19. Sa loob lamang halos tatlong buwang pagkaka-quarantine ng mga tao sa buong bansa, lalu na sa mga pangunahing siyudad, napada ng pandemya ang ekonomiya ng Pilipinas.

Oo nga’t di lang ekonomiya ang tinamaan, kundi ang marami ding kababayang namatay sa Covid 19 at ang libu-libong nagkasakit, gumastos, at nawalan ng trabaho.

Kung kasama ang negoso mong tinamaan nang husto ng krisis at tila lugmok ka na, meron pang ilang paraan upang makabangon at makapagsimulang muli.

Narito ang ilang payo na aking maibabahagi sa inyo na kahit paano’y makatulong.

O siya, tara na at matuto!

#1 Mag-set ka ng mga bagong layunin o goals

Dahil na din tayo’y nasa tinatawag na “new normal” kailangan nating mapunta sa “better normal” kung saan mas pagbubutihin natin ang ating layunin sa harap ng panibagong pakikipagsalamuha sa mga kostumer.

Tandaan na ang takot na mahawaan ng sakit na walang siguradong lunas at walang bakuna ay totoong nangyayari sa ngayon. Hanggang kelan ba ito? Walang nakakaalam. Lalu na’t ang ibang mga mayayamang bansa na malapit na diumano na makatuklas ng bakuna at lunas ay uunahin ang kanilang mga kabayan na mabigyan nito.

Ang dapat gawin ay ang mag-ba ng layunin gaya ng pagpapa-una ng kalinisan at kaligtasan ng kostumer. Kung restwaran ka, halimbawa, pangungunahan mo ang delivery kesa dine-in. Kung may dine-in ka naman at 30% lang ang puwedeng nasa loob ng establisimiyento, tiyak na mag-iiba ang operasyon mo.

Ang mahalaga ay maisunod mo ang lahat ng bagay nang naaayon sa itinatakda ng awtoridad at ang lubos na kaligtasan ng mga tao, kostumer man o empleyado. Pokus ka sa pagtayo mula sa pagkalugmok. Yan agad ang pangunahin mong layunin.

#2 Kausapin mo ang iyong mga empleyado

Habang sinusulat ko itong pitak ko, inaalala ko ang pag-uusap naming ng isang kaibigan kung saan binigyan na lamang sila ng kumpanyang pinagtatrabahuhan ng isang linggo bago sila magkaroon ng pansamantalang pagtigil ng trabaho – o temporary closure. Paano nga naman, wala halos nagbabayad ng pagkakautang sa kanila, sarado ang mga nagbebenta ng kanilang produkto, at iba pa. Kinausap sila ng management ukol sa sitwasyon nila.

Gayundin dapat ang gagawin mo. Kausapin mo ang mga empleyado mo at ibigay ang tunay na sitwasyon. Maiintindihan naman nila yan, kahit gaano kasakit ang katotohanan ng sitwasyon niyo.

Ang mas mahalagang rason kung bakit mo dapat kausapin sila at upang makatulong sa pagharap sa krisis.

Sa aming sitwasyon, halimbawa, kahit na nasal abas ng Pilipinas ang aming negosyo, hirap din ang ang aming mga kostumer. Kanya-kanya sila ng paghingi ng diskuwento sa mga serbisyo at marami ang di pa bumabalik bilang kostumer. Mga 30%-50% ang baba ng aming orders. Dito naman naging maagap ang aking mga kasamahan kaya’t nagpupursige sa pangongolekta at pagbebenta. Kasi nga, alam nila ang sitwasyon. Di man kami nagsara, alam nil ana ang krisis ay buong mundo. Ngayon pa lang, dapat umaksyon.

#3 Pakinggan ang mga kostumer

Lahat ng apektadong lugar at negosyo ay napilitang magbawas ng taong nasa lugar ng trabaho, at 50% ang work-from-home o nasa remote setup. Ang mga kostumer ngayon ay nasa kani-kanilang tahanan at nagtatrabaho.

Ano ang sagot mo sa ganitong sitwasyon ng iyong mga kostumer? Di ba dapat mong dalhin sa kanila ang kanilang pangangailangan?

Ang aming kumpanyang FAME na nakalinya sa teknolohiya ng komunikasyon ay bumaling sa paggawa ng mga tinatawag na SCB – specimen collection booth – na gamit sa mass testing sa mga ospital ng gobyerno. Kami ang nag-disenyo ng mga booth na ito kasama ang DOST. Dahil umorder sila ng maraming unbit at alam naming ito ang kailangan sa ngayon ng kostumer, naibaling naming ang operasyon naming tungo dito.

Sa ngayon, disenyo naman ng ventilator at oxygen concentrator ang aming binabalak na gawin. Sagot ito sa mga kostumer dahil nakinig kami sa kanilang pangangailangan.

Ikaw, ano ang sinasabi ng mga kostumer mo? Kailangan mo na din bang mag-pivot ng negosyo? Ano’ng mga bagay ang dapat mong gawin pa?

#4 Basahin at intindihin ang mga datos

Lalu na sa mga panahon ng krisis, lamang ang may alam. Wika nga ni Ernie Baron noong araw, “knowledge is power!”

Nagbabasa ka ba ng mga datos? Nagsasaliksik ka ba ukol dito na makaka-apekto sa iyong negosyo? Tandaan mo na maraming datos ang makakalap mo at dapat mong ianalisa ang mga ito. Tingnan mo paano ito makakatulong mapaangat ang iyong negosyo mula sa pagkakadapa.

Ayon sa datos ukol sa kasalukuyang pangangalakal, saan ito papunta? Oo, alam mong digital ang punta ng pag-market, halimbawa. Ngunit alam mob a kung ano ang platapormang gamit ng kostumer mo para maabot mo sila? May mga datos ukol ditto na puwedeng halukayin upang gumabay sa mga desisyon mo. Gawin mo na ito ngayon.

#5 Suriin ang mga resulta

Kung nagawa mo ang mga pagpapabuti para sa unang yugto ng patatayo mong muli, suriin mo ang mga resulta nito. Ayusin ang mga dapat pang ayusin kaagad. Huwag ipagpapaliban ang mga ito dahil mahalaga ang bawat oras lalu na sa panahon ng krisis.

Itong linggong ito, kinausap ko ang isang kaibigan na nawalan ng trabaho. Isa siyang eksperto sa marketing. Dahil kailangan ko ang kanyang kaalaman sa isang parte ng aking negosyo, nakipag-alyansa ako sa kanya. Ilanga raw pa alng mula nang kami ay mag-usap, meron na agad magandang resulta ang kanyang nagawa. Dahil na din lagi kong sinusuri ang mga datos kaya mabilis ang pagsasaayos ng mga bagay.

Ikaw, ka-negosyo, nasusuri mo ba agad ang mga resulta?

Konklusyon

Ang pagnenegosyo ay may halong hirap at saya. Ngayong mga panahong ito ang lubos na susubok sa iyong kakayahan at pananampalataa – sa sarili mo at sa Diyos.

Tandaan din, sa lahat ng bagay, dasal, tiyaga at tiwala sa sariling kakayahan ang kailangan upang mag tagumpay, ka-negosyo!

Si Homer Nievera ay isang technopreneur. Magmensahe lamang sa email na chief@negosentro.com kung may mga katanungan.

Magnegosyo

5 Tanong na Dapat Sagutin Bago Magnegosyo

ni Homer Nievera, CDE, CVM | Kumusta ka-negosyo? Nawa’y nasa Mabuti kang kalagayan. Marami sa ating mga kababayan ang nasama sa hanay ng libu-libong nawalan ng trabaho sa unang tatlong buwan ng pandemya. Ang nakakalungkot, ay mas marami pa nga ang nakalinya dito.

Dalawampung taon na ang nakakaraan nang ako ay mapabilang sa ganitong sitwasyon dulot ng masamang ekonomiya. Dahil natuto na ako na di dumipende sa kita sa sweldo, nag desisiyon ako noon na magkaroon ng maliit na negosyo na maaaring sumalo kung sumama ang ekonomiya.

Sa pagkakataon ngayon, ang mumunting negosyo na aking nasimulan sa Amerika ay nakakatulong na sa mga ilang tao na nasa Pilipinas. Ngayong nagtatanggalan sa maraming kumpanya, ay may maayos na kita ang aking mga ka-partner (di na sila basta empleyado). Oo, wala na akong empleyado kas inga, kasama na sila sa pagnenegosyo!

Kung ngayon ka pala ng magsisimula sa pagnenegosyo, alalahanin mong mahirap man ito sa simula – lalo na’t may krisis – gagaan ito sa hinharap. Kailangan mol ang magsimula. Hayaan mong tulungan kita sa pamamagitan ng pitak na ito. Narito ang ilang tanong n adapt mong sagutin bago ka magsimula sa iyong negosyo.

O siya, tara na at matuto!

#1 Bakit mo nais magsimula ng negosyo?

Ang tanong na ito ay mukhang simple kung ang sagot mo ay – “Para yumaman!” – ngunit malayo ito sa katotohanan kung titingnan mo ang bilang ng mga taong lubos na yumaman sa pagnenegosyo. Ilagay muna natin sa isang perspektiba ang pagyaman sa pagnenegosyo.

Ang pagyaman kasi ay may kinalaman sa maraming bagay kung ikaw ay nagnenegosyo. Bukod sa sipag at tiyaga, nariyan ang maaayos na cash flow, pagkalkula ng risk (o sugal), maayos na pamamalakad sa tauhan at higit sa lahat, ay pagsasaayos ng mga sistema.

Ang sagot mo sa tanong na bakit nais mong magsimula ng negosyo ay di dapat na iayon sa pagyaman kundi sa pagnanais na maitaguyod ang pamilya, mga tauhan at magkaroon ng oportunidad na makatilong sa tao. Kung yan ang unang batayan ng pagnenegosyo, nasa tamang landas ka na agad.

Kung ang dulo nito ay ang lubos mong pagyaman, yan ang mainam. Ang mahalaga ay masagot mo nnang tuwiran ang basikong dahilan na siyang gagabay sa maayos na landas ng pagnenegosyo.

#2 Ano’ng uri ng negosyo ang nais mong itayo?

Maraming uri ng negosyo ang maaari mong itayo nang naaayon sa maraming bagay.

Una, tanungin mo ang sarili mo kung ano ang pagkahilig (o passion) mo. Dito kasi nagsisimula ang pagmolde ng mga idea. Kasi nga naman punong-puno ang puso mo ng excitement. Ito ang unang tutulak sa iyo upang managinip ng isang negosyo, di ba?

Ikalawa, tingnan ang iyong skills o kasanayan. Naaayon bai to sa pagkahilig mo sa isang bagay? May isa akong kaibigan na mahilig siyang magdisenyo at lumikha ng mga damit mula sa kanyang mga lumang kasuotan. Naibebenta niya ito online. Ang ginawa niya ay nag-aral siya online sa pagtatahi. Ngayon, bumili na siya ng isang high-speed sewer at kasama ang ilang ka-pamilya, nagsimulang magtahi ng face mask. Ito ang una nilang produkto sa pagnenegosyo.

Ang uri ng negosyo nan ais mong itayo ay nakasalalay sa mga bagay na hilig mo at alam na ding gawin. Kung magkatugma na ito, simul ana ito ng iyong negosyo.

#3 Ano ang mga balakid na kinakaharap mo?

Lahat ng negosyo ay may balakid (o challenges). Lalu na kung magsisimula ka pa lang.

Alamin mo ito ng maigi at paigtingin ang pagpa-plano para sa pagharap sa mga ito. Malamang, ang una mong balakid ay kapital, di ba? Saliksikin ang mga paraan upang magawan mo ito ng paraan.

Ang madalas kong kasagutan dito ay ang pagtingin sa sarili mo munang puhunan. May kilala akong nagkaroon ng isang malaki at malawak na negosyo ng ice candy sa halagang 500 pesos na panimulang kapital. Ang isang barbeque business naman ay nagsimula sa halagang 3,000 pesos. Di alintana ang halaga ng kapital, may magagawa kang negosyo. Maaaring di ito ang una mong naisip, maaari mo itong ikonekta sa dulo. Kailangan mo lang magsimula.

Marunong ka bang magbenta o mag-sales? Isa din itong balakid sa mga nais magnegosyo. Kailangan kasi marunong kang magbenta. Kung di mo kayang ibenta ang isang ideya, halimbawa, paano ka magnenegosyo?

Tandaan mon a kung wala ng puhunan sa simula, matuto kang magbenta ng mga bagay na may kinalaman sa magiging negosyo mo. Ang kita ditto, kahit komison, ay maaari mon ang gawin puhunan. Isang halimbawa ay ang paghango ng mga gulay sa mga nagbabagsak o wholesaler. Kung ikaw ang naglalako nito, di mo kailangan ng puhunan dahil papatungan mol ang naman ito upang maging kita mo, di ba? Ganyan ang simula ng mga nagtitinda na ngayon sa palengke.

Anumang balakid ang hinaharap mo ay dapat pagplanuhan ang solusyon. Pag-isipan lang itong Mabuti upang di ka mabigla sa hinaharap.

#4 Sinu-sino ang merkado mo?

Buo man ang ideya mo para sa produkto o serbisyong ilalako mo, kilalanin mo kung sino ang kostumer mo. Isa sa mga balakid na kinakaharap ng mga nagsisimulang nagnenegosyo ay ang pag-target na maigi sa kanilang magiging kostumer. Ang iba naman, ay di nila muna kinilala ang magiging kostumer kaya naman nasasayang ang maraming bagay.

Anu-ano ba ang masamang kahihinatnan sa maling pag-target ng kostumer?

Ang disenyo ng produkto o serbisyo ay mali kung di naaayon sa panlasa o kagustuhan ng kostumer mo. Sayang ang oras at pera sa pagbebenta kung mali ang taong pinagbebentahan mo. Sa marketing na lang, saying ang perang igugugol dito. Ang mas masama pa, may naka-pickup na ng ideya mo at naisaayos ang pag-market nito kaya sila ang nanalo!

Sa pagpaplano, ayusin mo na agad ang pagtantya sa merkado mo. Kung sino ang dapat itarget mo, gawing masinsin ang pagsaliksik sa maraming bagay ayon sa iyong tinatarget na merkado. Ito ang simula kasi ng pagsasaayos ng isyong produkto o serbisyo nang naaayon sa kostumer.

#5 Ano’ng mga permit, lisensya etc. ang kailangan mo?

Bilang isang maayos at legal na negosyo, kailangan mong malaman ang lahat ng patungkol dito. Marami kasi ang nagsisimula nang di man lang tinitingnan ang bagay na ito. Kaya sa dulo sila nagkakaproblema.

Tandaan na mahala ang maayos na negosyo sa legal na paraan upang di ka magkaroon ng problem ana siya namang ikasasara ng iyong negosyo – mapa-online man ito o hindi.

Konklusyon

Ang pagnenegosyo ay may halong hirap at saya. ‘Wag kang tututok lang sa hirap kundi sa say ana dulot nito dahil ngayon, ikaw na ang boss!

Tandaan din, sa lahat ng bagay, dasal, tiyaga at tiwala sa sariling kakayahan ang kailangan upang mag tagumpay, ka-negosyo!

Si Homer Nievera ay isang technopreneur. Magmensahe lamang sa email na chief@negosentro.com kung may mga katanungan.

online negosyo

5 Gawaing Magpapasimula ng Sariling Online Negosyo

ni Homer Nievera, CDE, CVM | Kumusta ka-negosyo? Nasa iaktlong buwan na po tayo ng pandemya at sa kasalukuyan, di pa rin po bumababa ang bilang ng mga nagkakasakit ng Covid-19 na virus sa Pilipinas – lalu na po sa NCR at Kalakhang Cebu.

Mabigat pong isipin na libo-libo na po ang nawalan ng trabaho dahil sa pagsasara o pagsuspinde ng operasyon ng mga negosyo.

Ngunit may pag-asa para sa mga nawalan ng trabaho! Ito ang mga gawaing online kung saan ang puhunan mo lamang ay ang laptop o pc at maaasahang wi-fi na koneksyon. Talakayin natin ang ilan sa mga Gawain o trabahong pang-freelancer kung saan ito na ang panimula ng iyong online negosyo.

O siya, tara na at matuto!

#1 Virtual Assistant

Matagal-tagal na din ang uri ng online na trabaho bilang isang Virtual Assistant. Noong nagsimula ang ganitong trabaho, ang gawain ng isang VA ay umalalay sa mga executives sa Amerika na maraming mga gawaing di na kaya ng sariling pisikal na tauhan. Lalu na kung 24/7 ang negosyo nila.

Ngayon, nagkaroon ng iba’t-ibang sangay ang pagiging VA kung saan lumago ito sa sector ng Real Estate sa Amerika at ang naging gawain ng mga VA ay ang kumuha o mag-set ng mga appointment, sumagot o magpadala ng mga email, magsulat ng iba’t-ibang content (o blog), at kung anu-ano pa.

Dahil na rin sa ito ay isang remote na trabaho, naaayon ang oras ng isang VA sa oras ng trabaho sa lugar na iyong sineserbisyuhan. Parang nagtatrabaho ka na rin sa call center o anumang BPO. Ang kitaan bilang VA ay mula $6/hour (300 pesos kada oras) hanggang $14/hour (700 pesos kada oras). Di na masama, di ba? Mahigit 100,000 pesos yan kada buwan!

Paano ba ito ma-uumpisahan? Maraming mga website na nag-post ng pangangailangan sa mga VA. Umpisahan mong mag-rehistro sa Upwork.com upang makita mo ang openings. Check mo din ang website na ito para sa iba’t ibang kumpanya na naghahanap ng VA: https://blog.hubstaff.com/virtual-assistant-companies-in-the-philippines/. Marami pa yan. Google mo lang.

#2 Content Creator

Maraming klase ng content na maaari mong gawin. Mula yan sa paggawa ng mga panulat na artikulo, e-book, paggawa ng video o animation, presentation at kung anu-ano pa.

Ang pagiging freelance content creator ay karugtong ng isang pagiging VA kung saan ang kliyente o kostumer mo ay nasa abroad. Ang kitaan ditto ay halos kasing laki ng ng isang VA ngunit ang oras ay di nakatali. May mga Content Creators kasi na per-project ang singil kaya mas Malaki. Meron din namang mga per-hour ang bayad.

At dahil ang kakayahan mong pagiging malikhain ang puhunan, maraming trabaho ang makukuha ditto. Di lamang sa isang kumpanya, kundi sa iba’t-ibang kumpanya pa. Ang mga website na Upwork at Fiverr ang popular sa mga ganitong gawain.

#3 Medical Transcriptionist

Ang ganitong trabaho ay nagsimula pa noong unang mga taon ng 2000’s kung saan nagkaroon pa ng mga paaralan o training centers para dito.

Ang trabahong MT ay ang pag transcribe o pagsalin sa digital na teksto (text) ng mga recording ng mga boses ng mga duktor sa Amerika. Doon kasi, nagdidikta sa isang recorder ang mga duktor. Sa batas kasi ng Amerika, kailangang isalin sa text ang mga recordings na ito.

Ang puhunan mo ditto ay isang maliit na equipment na siyang ginagamit sa pakikinig ng mga recordings. Medyo specialized ang trabahong ito kaya di ganun karami ang gumagawa sa Pilipinas. May mga BPO na gumagawa nito ngunit sa dami ng duktor sa Amerika, di nila kayang makuha ang lahat ng negosyo.

Ang bayad sa mga MT ay mula $16-17 kada oras (o 800 pesos kada oras, pataas).

Para magsimula dito, mas makakabuting kumuha ng online tutoring course muna. Pagkatapos nito, maaari ka nang mag-apply sa mga website na kumukuha ng ganitong trabaho tulad ng Upwork at TranscribeMe.

#4 Website Developer

Dahil sa pandemya, maraming negosyo ang napilitang paigtingin ang kanilang website. Kaya naman ang pagiging isang website developer ay naging mahusay na karera at negosyo sa ganitong panahon.

Kung dati ka nang gumagawa nito, mainam. Kung ngayon ka pa lang susubok at may IT o artistic background ka naman, puwede ka nang mag-aral ng mga libreng kurso nito online.

Ang personal na payo ko ay pag-aralan muna ang WordPress. Ito kasi ang isa sa mga pinaka-popular na gamit sa website. May Bootstrap din na tinatawag at meron ding mga gumagawa ng websites ng Shopify.  Maraming uri naman yan. Ang mahalaga, magsimula kang mag-aral nito. Di naman kailangang super-techie ka. Basta may maayos kang pc, laptop at Internet connection, ok ka na.

Ang bayad sa mga web developer ay depende sa proyekto. Mula 30,000 pesos ang bayad dito. May mga kilala akong sumisingil nga ng 10 milyong piso sa isang website lamang!

#5 Blogging

Ang pag-blog any isa ding online negosyo na nariyan na noong nagsisimula pa ang komersyo sa Internet. Kaya naman mas stable at napatunayan na ang negosyong ito.

Una, siyempre, magbukas ka ng blog mo. Sa wordpress naman ay libre ito, o sa blogspot. Punuin mol ang ito ng iba’t-ibang artikulo o anuman ang nasa isip mo. Ang pagiging malikhain kasi ang puhunan lang dito.

Ang kitaan ay maaaring nasa Google Adsense kung saan maglalagak ng advertisements o patalastas ang Google sa loob ng blog mo. Piso-piso lang ito ayon na rin sa laki ng mambabasa o traffic mo.

Ang pagkakaroon ng isang Youtube Channel naman ay ganun din ang kitaan bilang isang Vlogger. Ang pagkakaiba ay ang pagkakaroon ng video blog kesa artikulong naisulat. Karamihan ng mga milenyal, ito ang pinagkakakitaan. May mga alam akong kumikita ng 200,000 pesos kada buwan sa vlogging. Kamakailan, nagbukas ang Facebook ng sariling plataporma na gaya ng sa Youtube, kung saan maaari ka na ding kumita sa pagpost ng video content doon.

Konklusyon

Huwag kang matakot at mabahala kung nawalan ka ng trabaho dahil sa online na negosyo, marami kang mapagpipilian. Maging mapanuri sa papasukin mong online negosyo, dahil di naman lahat ay babagay sa yo.

Sa huli, mahalaga ang mag-aral ng mga bagong kasanayan para tuloy-tuloy ang kitaan.

Tandaan din, sa lahat ng bagay, dasal, tiyaga at tiwala sa sariling kakayahan ang kailangan upang mag tagumpay, ka-negosyo!

Si Homer Nievera ay isang technopreneur. Magmensahe lamang sa email na chief@negosentro.com kung may mga katanungan.

family business

Paano Magpatakbo ng Maayos na Family Business

ni Homer Nievera, CDE, CVM | Kumusta ka-negosyo?  Umpisa na ng GCQ – o General Community Quaratine – sa Metro Manila at sa marami pang lugar sa bansa. Paalala lang po. Ang GCQ ay isa pa rin pong Quarantine at di po lahat ng nakagawiang Gawain ay maaari nang gawin. Meron pa rin po tayong mga restriksyon, lalu na sa pagnenegosyo. Kaya kung di naman po importante, stay at home pa rin po tayo.

Kaya naman ang pagtatalakay natin sa pitak na ito ngayon ay may kaugnayan sa inyong Family Business. Maaari kasing dati na kayong may ganitong setup o ngayon pa lang kayo gagawa nito.

Tandaan na di kapareho ito ng isang ordinaryong negosyo. Dahil na din sa ang mga katrabaho mo ditto ay kapamilya at di ordinaryong empleyado. Mahirap din kasing hatiin ang relasyon sa ganitong setup.

Talakayin natin kung paano ito maayos na magagawa at magagampanan ng bawat miyembro ng pamilya at ka-negosyo ang kani-kanilang gawain.

O siya, tara na at matuto!

#1 Lahat dapat ay propesyunal

Ang negosyo ay negosyo. Dapat lahat ng bahago ng pagpapatakbo nito ay nasa lebel na propesyunal. Walang tatamad-tamad at ang pokus ay ang kostumer.

Sa umpisa pa lang, dapat pinag-uusuapan na ang mga hangganan ng relasyon at gawain na may kinalaman sa negosyo. Ang kanya-kanyang mga tungkulin ay dapat maayos na nakalapat at naiintindihan ng bawat isa. Kung boss ka sa opisina, gayundin ang tingin say o sa negosyo ng anak mo o sino mang kapamilya. Respeto sa tungkulin ang kailangan.

Kapag nawala ang pagiging propesyunal sa negosyo, babagsak ito. Ganun ka-simple

#2 May karaniwang layunin (common goals)

Lahat ng negosyo ay may karaniwang layunin – o common goals – na pinagtutuunan ng pansin mula sa umpisa ng kanilang araw sa trabaho. Ang karaniwang hangarin na ito ay kailangang napag-uusapan at napag-dedesisyunan ng bawat isa sa miyembro ng pamilya sa pagnenegosyo.

Madalas kasing nagiging problema sa family business ay parang sumusunod na lang sa utos ang mga anak at sinumang nakakabata ng di inaalam kung ano talaga ang dulo ng pagnegosyo.

Sabi nga ni Steven Covey, ang “end in mind” ay mahalaga. Ito kasi ang basehan ng pag-uunawa ng bawat isa kung saan patungo dapat ang negosyo.

Kaya naman sa umpisa pa lang, siguraduhing alam ng bawat isa sa miyembro ng pamilya na nasa negosyo mo kung ano talaga ang layunin nito at ano ang kanilang responsibilidad at tungkulin para ito ay maipatupad at maisakatuparan.

#3 Ayusin ang lahat ukol sa pinansyal na aspeto

Maraming mga family business ang nalulugi at nagsasara nang dahil sa maling pagsasaayos ng mga pinansyal na gawain. Mula ito sa badyet, payroll at investments.

Wala naman itong ipinagkaiba sa regular na negosyo kung saan ang cashflow, budget at investment ay pinag-uukulan nang pansin.

Minsan kasi, masyadong kampante ang bawat isa at di ito nailalahad nang maayos. Halimbawa, ang sweldo na maaaring allowance ang porma sa ibang pamilyang nagnenegosyo. Dapat, sapat at pinag-usapan ito nang maayos. Kasi kung tipong iniutos lang ito at di napag-usapan nang maayos, tiyak na magkaka-problema ka sa maraming aspeto ng pinansyal.

Aysuin ang paghawak sa kaha. Yan ang madalas na rason kung bakit nalulugi ang mga negosyo. Yan din ang madalas na rason kung bakit ka nagdadala ng kapamilya sa negosyo. Kung di napag-usapan ang mga aspeto ukol dito, malulugi ka pa rin. Lalu na at di maalam sa aspeto ng cash management ang kapamilya mo.

#4 Pagkakaroon ng mga regular na meeting

Unang-una, ang pag-uusap sa ordinaryong hapag-kainan at hindi kailanman magiging isang pormal na meeting. Ngayon pa lang, ihiwalay mo ang aspetong ito sa isang family business.

Mag-ukol ka ng oras at lugar para sa pormal at regular na meeting para sa iyong family business. Di bas a una pa lang, sabi natin, dapat propesyunal ang paghawak? Ito na yun agad.

Magsimula kayo sa lingguhang meeting kung saan ang mga layunin at gawaing kailangang maisakatuparan ay naroon. Sundan ito ng buwanang meeting at taunang meeting. Ganun din naman sa normal at regular na negosyo di ba? Ang pagkakaiba ay ang pagtrato sa isa’t isa bilang propesyunal na miyembro ng negosyo.

Sa mga meeting na ito dapat mailahad at mapag-usapan ang lahat nang ukol sa negosyo. Bawal ang personalan dito.

#5 Respetuhin ang mga hangganan ng bawat isa

Itong parteng ito sa isang family business ay mahalagang talakayin sa umpisa pa lang. Ang pinakamahalagang aspeto nito ay ang oras ng pagtratrabaho, di ba? Yan kasi ang madalas pagsimulang ng problema kung saan ay tapos na ang oras ng trabaho, pinag-uusapan pa ang ukol dito. Dapat respetuhin ang “off” ng kapamilya, di ba?

Bawal ding pag-usapan kung sino ang mas nakakatanda sa pamilya kung halimbawa, ang bunso ang naging boss sa magkakapatid. Kapag oras ng trabaho, siya pa rin ang boss.

Huwag na huwag gagamitin ang relasyong pamilya sa isyng mga desisyong ukol sa negosyo. Minsan naman, ok lang ‘to. Pero tandaan na iba ang negosyo sa pamilya.

Konklusyon

Kung akala mo ay mas madali ang makipag-negosyo sa kapamilya, nagkakamali ka. Marami kang bagay na dapat isaalang-alang lalu pa’t relasyon ang aalagaan mo. Maraming pamilya ang nagkawatak-watak dahil negosyo. Kaya piliing mabuti ang negosyo at kapamilyang isasama mo.

Sa huli, mas mahalaga ang relasyon kesa negosyo. Tandaan mo yan, ka-negosyo.

Tandaan din, sa lahat ng bagay, dasal, tiyaga at tiwala sa sariling kakayahan ang kailangan upang mag tagumpay, ka-negosyo!

Si Homer Nievera ay isang technopreneur. Magmensahe lamang sa email na chief@negosentro.com kung may mga katanungan.

krisis

Paano Mapaglalalangan ang Iyong Negosyo sa Panahon ng Krisis

ni Homer Nievera, CDE, CVM | Kumusta na ka-negosyo? Mahigit dalawang buwan na tayo sa ECQ-MECQ. Alam kong mas hirap ka na sa iyong pagnenegosyo, lalu na’t di mo pa nai-pivot ito. Sana, nabasa mo ang mga nakaraang pitak ko para kahit paano ay makatulong sa yo. Hanapin lang ang Pilipino Mirror sa Facebook o online para sa mga nakaraang payo ko (tuwing Lunes).

Ngayon naman, ibabahagi ko ang ilang paraan para makatulong sa pagmamaneho o sa paglalangan sa gitna ng krisis na ito.

O siya, tara na at matuto!

#1 Balikan ang Business Plan

Narito na naman tayo. Balik tayo sa simula kung saan bibisitahin mo ang iyong Business Plan. Alam mon a siguro na lahat ng gagawin mo ay magsisimula sa isang layunin at ang layuning ito ay ilalagak sa isang plano.

Ang pag-aayos ng iyong business plan ay iaayon mo sa panahon. At dahil tunay na nag-iiba na ang pakikipagnegosyo sa panahong ito, dapat mo na ding i-pivot ang iyong business plan.

Sagutin mo lang ang mga tanong na ito sa iyong business plan: Saan mo nais Makita ang iyong Negosyo sa loob ng isa hanggang anim na buwan? Anu-ano ang gagawin mo upang maabot mo ang mga ito?

Ang susi sa isang business plan ay ang mga detalye nito. Kaya yan ang pagtuunan mo ng pansin. Kung nais mo ng simpleng template ng isang business plan, email mo lang ako, ka-negosyo sa chief@negosentro.com.

#2 Pokus ka sa Iyong Kostumer

Sa ganitong panahon ng krisi at ang iyong naturang “best customer” ay maaaring nakatuon ang pansin sa ibang mga bagay. Kung ang negosyo mo ay kasama sa mga basikong produkto o serbisyo, panalo ka na. Ngunit siyempre, may mga kakumpitensya ka pa din. Kaya sa ganitong pagkakataon, mas pagtuunan mo ng pansin ang iyong customer service.

Ang pagkakaroon ng mas maayos na serbisyo sa iyong kostumer ay mas mahalaga sa panahong ito. Yan kasi ang mas magpapa-angat ng iyong estado laban sa mga kakumpitensya.

#3 Word of Mouth – Ano’ng sinsabi nila tungkol sa yo?

Kakabit ng maayos at masiglang customer service ay tinatawag na “word of mouth” o WOM. Ang ibig sabihin lang nito ay patungkol sa mga sinasabi ng mga kostumer mo ukol sa produkto o serbisyo mo nang hindi galing sa kahit na anong patalastas o advertising mo.

Ano nga ba ang sinasabi nila?

Ano ba ang reputasyon mo?

Yan ang kailangan mong malaman at pangalagaan lalu na sa panahon ng krisis. Ito kasi ang magiging batayan ng pagnenegosyo mo dahil ang bawat isa sa mga kostumer mo man o suplayer ay nakatuon sa kredibilidad mo bilang negosyante. Madalas, makikipagsalamuha lang sila sa mga tunay nilang pinagkakatiwalaan. Ikaw ba yun?

#4 Palawigin pa ang Marketing

Maraming mga nmegosyante ang nagbabawas ng budget sa marketing kapag may krisi. Ang ilan naman, mas pinapa-igting pa ang marketing tuwing may krisis.

Di naman kasi dapat tingnan ang marketing sa “masama” o mayabang na konteksto. Ang PR na tinatawag ay isang paraan din ng marketing. Halimbawa, ang ginawang pamimigay ng pagkain ng San Miguel ay matatawag na PR (o public relations) kung saan ang budget nito sa advertising ay doon inilagak. Di ng aba, mas naalala mo sila ngayon? Marketing din yan na matatawag.

Ganun din ang ginawa ng Coke sa kanilang advertising g budget. Kasama sila sa mga nag-donate sa mga apektadong pamilya at komunidad bilang CSR program nila.

Ang mga kumpanyang naglagak ng marketing budget sa panahon ng krisis ay mas maaalala ng kostumer nila kapag mas umayos na ang sitwasyon.

#5 Palawigin ang Presensiya Online

Kumusta ang website mo ka-negosyo? Tumatakbo ban ang mas maayos? Kumusta ang iyong social media? Kumusta ang SEO at content marketing mo?

Ilang lang ito sa mga bagay na dapat mong magtibayin sa panahon ng krisis. Kagaya ng marketing, ang iyong presensya online ay mas magpapaangat sayo sa panahong ito.

Di na pa kailangang pag-isipan ito nang matagal dahil nga sa ECQ o lockdown, nasa digital na lahat ng mga tao, di ba? Kung kailangan mo ng isang libreng assessment ng iyong website at social media sa Negosyo mo, email mol ang ako para sa libreng forensics.

#6 Tuloy-tuloy na Training o Pag-aaral

Sana naman ay nag invest ka sap ag-aaral nitong dalawang buwang nagdaan. Sa ganang akin, ang tinatawag na lifelong learning ay mahalagang bagay na pagtuunan ng pansin. Ako mismo ay nakapagtapos ng dalawang kurso nitong ECQ – isa sa Harvard at isa sa MIT.

Bakit ito mahalaga? Kasi ang pagkakaroon ng mga bagong kaalaman ay magbibigay sa yo ng panibagong perspektiba sa iyong Negosyo. Ito ay magagamit mo sa iyong pagbuo ng mga bagong plano sa Negosyo mo.

Tuloy lang sap ag-aaral, ka-negosyo!

#7 Ayusin ang Budget

Maaaring kontra ito sa una kong nabanggit ukol sa marketing. Ngunit sa totoo lang, kaakibat ito.

Ang pagsasayos ng iyong budget ay mahalaga bago pa umabot sap ag-bankarote ng Negosyo mo. Kung kinakailangang magbawas ng araw ng trabaho sa mga tao, gawin mo muna kesa lubos na mawalang sila ng trabaho, di ba?

Siyempre unahin muna ang budget sa operasyon. Kung kailangang mag sakripisyo ng laki ng espasyo, gawin mo. Kung kailangang ilipat ng lokasyon, gawin mo, para makatipid.

Ang mahalaga, kung alam mo na kung ano ang pag-pivot na gagawin mo, isunod ang budget. Ang mahalaga, makahinga ka muna.

Maglagay ka ng espasyo sa iyong gastusin para maka-survive ka. Yan muna ang isipin mo.

#8 Kumuha ng Mahusay na Ka-Team

Sa panahon ng krisis, ang core team mo ang mahalaga. Dapat andyan sila upang alalayan ka sa mga plano at desisyon. Suriing Mabuti ang kanilang mga kakayahan. Mas mabuti, yung di sila pare-pareho ng kakayahan at tila napupuno nila ang kahinaan ng iba.

Bumuo ng online meetings at brainstorming sessions linggo-linggo. Magpalitan ng kuro-kuro at ayusin ang mga plano kasama sila.

Tandaan na ang pagkakaroon ng matibay na core team ang siyang magpapa-angat sa yong negosyo.

Konklusiyon

Sa panahon ng krisis, tandaan mo na di ka nag-iisa. Patuloy kang kumonekta sa iba’t ibang grupo at makibahagi dito. Ang mahalaga, galaw ka ng galaw. Maging positibo at magtiwala sa sarili mong kakayahan at ng ibang tao.

Sa lahat ng bagay, patuloy kang magdasal at manalig sa Diyos.

Si Homer ay isang technopreneur at makokontak sa email niyang chief@negosentro.com.

work from home office

Paano Dapat Ayusin ang Iyong Home Office sa Panahon ng MECQ

ni Homer Nievera, CDE, CVM | Kumusta ka-negosyo? Nasanay ka na bang magnehosyo sa iyong home office – o opisina sa bahay – sa panahon ng lockdown? Ngayon kasi, siguradong gigil na ang mga taong lumabas at bumalik sa opisina. Trapik na malamang ngayon sa ilang pangunahing lansangan o highway.

Pero teka, di dahil naging MECQ na o GCQ sa iba, pakatandaan na meron pa ring umiiral na Community  Quarantine. Ibig sabihin nito, di pa lubusang bukas ang lahat ng negosyo at mahigpit pa rin ang pinapairal na social distancing at pagsuot ng face mast at iba pa.

Ngunit sa totoo lang, kinailangan na ding makabawi kahit paano ang ekonomiya ng Pilipinas kaya nag MECQ. Tandaan na sa kasalukuyan, ang mga kumpanyang maaari nang bumalik sa trabaho ay 50% lang ang pinapayagan na nasa opisina at 50% ang work-from-home.

Dito pa lang, alam mo na kailangan mong i-maintain pa rin ang iyong home office. Anu-ano ba talaga ang kailangan mo para sa maayos na opisina kung work-from-home (WFH) ka?

O siya, tara na at matuto!

#1 Tingnan muna ang operasyong gagawin mo bilang WFH

Sa ating perspektiba, ikaw ay isang negosyante. Maaaring may ilang tao ka na nasa opisina o depende kung ano ba talaga ang negosyo mo, di ba?

Alam mo naman din siguro na dahil kailangan ng social distancing sa kumpanya mo, di talaga puwedeng nasa 100% na nasa opisina lahat ng tauhan mo, kasama ka – anuman ang iyong negosyo.

Dahil ikaw ang boss (malamang naman siguro!), dapat kaya mong ayusin ang setup ng opisina mo sa bahay ayon sa operasyong iyong pamamahalaan.

Halimbawa, kung ikaw ay nasa manufacturing, dapat may supervisor ka na nagmamando nang personal sa mga tauhan. Dapat siguro may isa kang executive assistant na nasa opisina, at kung sinu-sino pa na siyang pisikal mong tao na nadun para magmando ng mga tao.

Sa operasyon ko kasi, lahat kami naka work-from-home na kaya mas madali ang operasyon at ugnayan namin dahil lahat digital na. Sa pitak na ito, ibabahagi ko ang ilang ginagawa at ginagamit naming tools na puwede niyo ding gamitin.

#2 Malakas na Internet

Di na siguro kaila na sa panahon ng ECQ, napakalaking bagay ng malakas na Internet sa bahay, di ba? Kung di ka pa lumilipat mula DSL papuntang Fiber Optic na wifi, ngayon na dapat. Kung kaya mo ng 50 mbps, mas ok.

Bonus na yung maayos kang nakaka-stream ng Netflix. Pero ang talagang pakay mo ay kayanin ng wifi mo ang mga iba pang video streaming na kakailanganin mo sa komunikasyon. Isipin mo din na malamng, di lang naman ikaw ang gumagamit ng Internet sa bahay, di ba?

Sa totoo lang, sa aming tahanan, tatlo na kaagad kaming naka-WFH. Yung dalawa kong anak kasi ay automatic nan aka work-from-home dahil na din sa uri ng kanilang trabaho kung saan sinabihan talaga silang mag WFH.

Ang isang anak ko nga, hanggang Oktubre daw na siguradong WFH siya, at isa ko naman anak ay kailangang manatili sa bahay dahil ang panganay ko ay fronliner – isa siyang duktor – kaya sa building daw nila, kailangang 21 araw daw ang automatic quarantine niya kung sa bahay umuuwi ang kapamilyang frontliner. Yun nga lang, dalawang beses sa isang lingo ummuwi ang duktok kong anak. Kaya automatic na WFH siya talaga.

At dahil nga naka fiber kami, ok lang na sabay-sabay na gumagamit ng wifi at nag stream kami ng videos at gamit sa komunikasyon.

#3 Download ka ng Zoom

Kung wala ka pang Zoom app, mag-download ka na agad. Ang tanong talaga diyan ay nasaan ka ban ang mga panahong ECQ at wala kang ka-Zoom?

Para saan ba ang Zoom? Isa itong video conferencing app na maayos ang uri ng video na nagagawa nito sa pagitan ng maraming ka-video conference.

Sa aming pamilya, sobrang gamit ang Zoom kaya kumuha na ako ng Pro version nito dahil hanggang 100 na tao ay kaya naming maka-video. At dahil may mga hino-host akong conference, yung version ko ng Zoom ay kayang mag Livestream sa Facebook o Youtube.

Kaya kung ang negosyo mo ay mga seminar, halimbawa, mahalaga itong Zoom app.

Libre naman ang pag-download. Yung free version ay hanggang 40 minuto ang puwedeng gamit nito. Mag-reconnect ka na lang kung matapos na ito.

#4 Isang Maayos na PC o Laptop

Di na siguro kaila sa yo na kailangan mo ng maayos na PC o laptop di ba? Sa totoo lang, may mga kilala nga ako na pinauwi na sa kanila ng opisina ang kanilang PC sa bahay nila habang naka WFH. Sa katunayan, yan din ang una kong pinagawa sa mga kasamahan ko sa opisina nang mag WFH kami nung nakaraang taon.

Ano nga ba ang specs ng laptop o PC na dapat na gamit mo habang WFH?

Depende kasi sa uri ng trabaho o negosyo mo ang specs ng laptop o PC mo. Ang mahalaga, may camera ito para sa video conferencing at merong maayos kang headset o earphones.

Ako, gamit ko kasi ay Macbook Air na laptop at eto ang gait ko sa pag-Zoom. Wala kasing camera ang PC ko. Kaya nga umorder na ako sa Lazada ng camera para magamit ko sa Zoom sa PC ko din.

Minimum na may 4gb kang RAM (mas ok ang 8gb siyempre!) para sa mga video. Ngayon kasi, mas ok ang may 1tb kang hard disk kung PC. Sa PC ko kasi, bukod sa 1tb na had disk, meron akong nakakabit na 6tb na backup disk. Dun ko nilalagay ang lahat halos ng files ko para automatic na ang pag backup. Kaya ang payo ko, magkabit ka din ng external hard drive sa PC mo (laptop) para sa backups.

#5 Ergonomic na Upuan at Maayos na Mesa

Kung mga walong oras kang nakaupo, dapat talaga ergonomic ang iyong upuan. Mahalaga ang pagsaayos ng iyong pag-upo lalu na sa iyong likod.

Ako, nakaka dalawang palit na ako ng upuan dahil sa paggamit ko ng matagal nito. Nagpasadya na din ako ng mesa ko para sa laki nito at taas.

Ang payo ko, pumili ka ng matibay na kagamitang mesa at upuan dahil araw-araw mo na itong gagamitin.

Konklusyon – Maayos na Workspace

Ang pinakamahalag sa lahat ay ang isang maayos na workspace. Iyong di nakahalo ang trabaho sa sala o hapag kainan.

Ang mga anak ko kasi, kung saan-saan sila nagtatrabaho sa bahay. Meron silang mga portable na mesa at upuan. Milenyal kasi. Gusto daw nila, paiba-iba ang lugar na pinagtatrabahuhan.

Ako naman, naisaayos ko na ang workspace o workstation ko sa bahay nung isang taon pa. Ayaw ko kasi ng distraction, pero gusto ko, malapit lang ako sa bintana para sa mga pa-deliver ko.

Tandaan mon a dahil WFH ka na, meron ka pa namang mensahero sa pamamagitan ng Lalamove o Grab at iba pang mga delivery providers. Yan ang mga ginagamit ko ngayon.

Mag-invest ka ng kaunti sa workspace mo dahil habang walang vaccine ang COVID 19, matagal-tagal kang naka WFH.

Tandaan, sa lahat ng bagay, dasal, tiyaga at tiwala sa sariling kakayahan ang kailangan upang mag tagumpay, ka-negosyo!

Si Homer Nievera ay isang technopreneur. Magmensahe lamang sa email na chief@negostro.com kung may mga katanungan.

new normal work from home

Paano Mag-Pivot sa Negosyo Mo Dahil sa “New Normal”

ni Homer Nievera, CDE, CVM | Kumusta ka-negosyo? Marahil, sa panahong ito ay nakakapag-pivot o sidestep ka na sa iyong negosyop dahil sa ECQ. O kaya naman ay may bago kang negosyo nan ais palaguin nang dahil na din sa pandemya. Isa munang perspektiba ang ating talakayin kung saan maaaring mababago ang iyong negosyo dahil na din sa tinaguriang “new normal” o mga bagong pamamaraan ng pakikipagnegosyo o pakikipagsalamuha sa mga tao.

O siya, tara na at matuto!

#1 Alamin ang “New Normal”

Dahil sa pandemyang dulot ng Covid 19 virus, binago ng mga gobyerno ng mundo ang ating pakikipag-ugnayang personal sa isa’t isa. Dito pumapasok ang salitang “social distancing” at ang pagkakaroon ng iba’t-ibang kagamitang panlaban sa virus na face mask, PPE, face shield at alcohol.

Ang tinatawag na social distancing ay makakaapekto sa paraan ng pakikipag-ugnayan sa kostumer at mga empleyado. Dito pa lang, malaking adjustment ang gagawin mo sa negosyo.

Nung Abril, ang kumpanya naming ang nagbuo ng mga testing booths ng DOST at DOH na ipinadala sa iba’t-ibang opspital sa buong Pilipinas. Kinailangan namin ng malaking lugar sa pabrikasyon nito dahil na din sa social distancing measures na aming ipinatupad.

At lahat ng negosyo ngayon hanggang sa mag GCQ, ay magpapatupad pa rin ng mga social distancing na kalakaran. Kaya nga 50 porsyento na agad ng mga empleyado ang di makakapasok ng pisikal sa opisina. Iiral na ang work-from-home para di na magkaroon ng tinatawag na second wave ng hawahan ng virus.

Aralin mo ang magiging epekto ng new normal sa iyong negosyo ngayon pa lang. Yan ang mas epektibong panimula para sa pag-pivot sa negosyo mo ngayon.

#2 Iangkop ang produkto o serbisyo sa panahon

Ano ba ang specialty ng negosyo mo? Yan ang unang katanungan sa sarili bilang negosyante. Mai-aangkop mo ba ang operasyon at kakayahan mo dito sa kasalukyang nangyayari?

Kung nabalitaan mo na may mga ilang kumpanya ang nag-pivot ng kanilang produksyon gaya ng mga patahian ng damit na PPE at face mask ang kanilang ginahawa sa kasalukuyan. Ito kasi ang demand ngayon. Sa Amerika, ang mga tulad ng Gap, Nike at Zara ay bumaling din sa pagtahi ng mga PPE at face mask.

Gaya nang nasabanggit ko sa nakaraang pitak ko, kami din ay nag-pivot muna mula sa paggawa ng mga transponder at nagbuo kami ng mga SCB para sa mass testing ng Covid. Sa kasalukuyan, bumubuo dain kami ng mga ventilator dahil kung sakaling lumaki ang dami ng mga pasyenteng magiging kritikal at mangailangan ng ventilator, may makukuha na ditto mismo sa bansa.

Kaya dapat mong pag-isipan kung ano ang meron kang specialty. Kung di produkto, baka naman sa serbisyo? May kilala akong may digital agency na bumuo ng ahensiya para sa mga NGO noong Abril din. Ini-angkop nila ang kanilang specialty sa panahon ngayon.

Gayundin ang mga nagtitinda ng prutas, halimbawa, ay nai-angkop ang kanilang negosyo sa pamamagitan ng pagdagdag ng delivery sa mga bahay-bahay.

#3 Uriin ang at suriin ang iyong supply chain

Mahalagang parte ng negosyo ang tinatawag na supply chain – o ang mga bagay at proseso na may kinalaman sa suplay ng mga produkto at serbisyo. Maaaring ito ay may kinalaman sa mga suplay o ingredients ng produkto mo o kaya’y ang pagpapadala ng produkto mo sa mga kostumer mo.

Isang halimbawa ay ang mga gulay na nanggagaling sa Benguet na siya namang dinedeliber sa metro Manila. Di bas a mga unang lingo ng ECQ, nagkakahirapan sa pagpaparating ng mga gulay sa Metro Manila mula sa mga probinsiya? Gayundin ang magpadala ng mga produktong mula Metro Manila papunta ng mga probinsiya dahil sa kanya-kanyang lockdown ng mga bayan at pati barangay.

Nang mai-ayos na ito ng gobyerno, mas gumulong nang mas maayos ang tinatawag na supply chain.

Kaya mahalanag suriin mong mabutio at pag-aralang ang gagawing pag-pivot sa negosyo. Tandaan na mas mahirap magparating ng mga bagay na galing sa ibang bansa ngayon. Kaya marami ang nag-sasaayos ng kanilang mga negosyo nang naayon sa supply chain na pang-Pilipinas muna.

Tandaan mon a di gagalaw ang mga produkto kung di maayos ang supply chain.

#4 Ang halaga ng pagtulong vs. pagbebenta sa panahon ngayon

Maraming kumpanya ang naisipan munang tumulong kesa magbenta. Bakit nila ito ginagawa?

Ang tamanag Gawain ay isipin muna ang kapakanan ng komunidad na gtinagalawan at sineserbisyuhan mo kesa ang laman ng kaban mo. Di lang ito makatao, tamang prinsipyo din ito kahit saang anggulo mo tingnan.

Gaya ng mga malalaking kumpanya tulad ng San Miguel kung saan halos isang bilyong halaga ng magtulong ang ginawa para lang maibsan ang kakulangan ng pagkain ng mga apektadong sector ng lipunan. Gayundin ang ginawa ng maliliit na negosyo gaya ng Glorious Blends (sugar-free coffee atbp.) na piniling magpadala ng kanilang mga kape sa mga ospital sa kasagsagan ng epidemya. Ang Domino’s Philippines din ay nagdeliber ng kanilang mga pizza sa mga OFWs na naka-quarantine sa mga barko ng 2Go – bukod sa pagpapadala ng kanilang mga pizza sa mga piling ospital na malapit sa mga bukas na branches nila sa Quezon City.

Ang pagiging matulungin lalu na sa iyong komunidad ay di makakalimutan ng mga taong lubos na tumatangkilik sa iyong produkto o serbisyo. Walang halagang maitutubas dito. Tandaan mo na ang pangunahing dahilan ng pagnenegosyo ay di magkamal ng salapi kundi magkaroon ng tuloy-tuloy na kita para makatulong sa kapwa.

Sa huli, ang tulong na naibigay mo ay babalik din sa iyo sa kahit na anumang paraan.

#5 Pagsalang sa digital transformation

Di magiging ganap ang pag-pivot mo kung di ka papasok sa isang tunay na digital transformation, o ang pagsasaayos ng iyong negosyo ayon sa makabagong teknolohiya.

Ang Zoom ay naging pangunahing kagamitang pang-komunikasyon ng mga kumpanya at organisasyon sa paggamit ng pasilidad na ito sa mga meeting at online seminars. Ngayong panahon ng pandemya lang ito nauso talaga.

Ang aming negosyo ay online at may kinalaman sa digital. Biglang lumaki ang inquiries naming sa mga serbisyo naming sa pamamagitan ng mga dati na naming mga pasilidad na website, blogs at iba’t ibang social media outlets.

Di na ito kataka-taka dahil home-based na ang mga tao. Paano ka ngayon makaka-adjust dito? Kung meron kang negosyong pagkain, paano mo magagamit ang online ordering system? Yan ngayon ang dapat mong isipin.

Paano mo magagamit ang mga digital tools na madalas ay libre pa nga. Pag-isipan mo na ito ngayon at magsaliksik ng aayon sa sitwasyon mo.

Konklusyon

Maramim pang dapat ikonsidera sa mga panahon na ito at ikaw ay magpipivot sa negosyo, gaya ng cash flow at tauhan na puwedeng maging flexible ang oras of maging work-from-home.

Mas mahalagang mag-pokus sa makabagong pamamaraan ng pagnenegosyo ngayon at ang kakaibang pakikipagsalamuha sa mga tao sa panahon ng “new normal.”

Maging positibo lang at tanggapin na ito na ngayon ang panahon para mas umarangkada ka pa. Hanapin ang “Slingshot Strategies” na aking nalathala sa ilang nakaraang pitak ko. Makakatulong ito sa pananaw mo.

Tandaan, sa lahat ng bagay, dasal, tiyaga at tiwala sa sariling kakayahan ang kailangan upang mag tagumpay, ka-negosyo!

Si Homer Nievera ay isang technopreneur. Magmensahe lamang sa email na chief@negostro.com kung may mga katanungan.

blocked drains

Reasons for Blocked Drains At Your Place

HomerNievera.comReasons for Blocked Drains At Your Place | Are you wondering what could be the probable reason for blocked drains at your place? There can be many reasons for the same. Often the smallest of mistakes result in blockage of drains, and it can turn out to be troublesome. To overcome this problem, it’s important that you must indulge in regular cleaning of the drains, and if the problem persists, then you must connect a plumber. In this blog, we will be unfolding certain reasons behind blocked drains. 

Five Top Reasons For Blocked Drains-

Despite being cautious, there are several reasons which can lead to blocked drains, and hence, we will be enumerating a few of them so that you can keep a check on all of them.

1. Hair strands– One of the most common reasons for blocked drains is the hair strand. These might appear small, but the wreck that they can create is unimaginable. These strands can easily be penetrated down the drain and start accumulating. When they get mixed with soap water or dirt or greasy particles, it forms lumps, thus leading to blocked drains. Hence, you must clean your drains occasionally and you can call a plumber in this regard. Even, you can pour some hot water mixed with vinegar in your drains to clear these clogged areas.  

2. Food leftovers– Another common factor is contributing to blocked drains are the food leftovers. Often we ignore this fact and keep the plates in the sink without discarding the food leftovers in the bin. This might lead to a problem, as these food particles start depositing in the drain, and when they get mixed with dirt and oil, they start forming a lump. Hence, it always advisable that one should always keep the sink free from the food particles. Also, flushing hot water along with baking soda is useful in clearing the sink.

3. Mineral buildup– You cannot prevent mineral buildup. Once the pipe starts getting old, it may get corroded, and this can lead to erosion. Over a period of time, it can lead to mineral-buildup, which again becomes a hindrance in the flow of water, thus causing blocked drains. In this case, you can hire a plumber to replace such damaged pipelines. 

4. Root penetration- If you are wondering how could plants and trees of your yard lead to a blocked drain, then you must know that the roots of these plants penetrate deep down the earth, and sometimes, it may even go down to damage the drainage pipe leading to a blocked drain. 

5. Old pipes– Sometimes, the drainage pipes may become old, and it might crack or break, it might result in penetration of particles, dust that can lead to a buildup of lumps in the drainage pipe. It will lead to a blocked drain. This can be really troublesome, and you would need the help of a plumber for the relining of the pipe. They can reline your old pipelines with PVC materials and save your cost. 

What’s next?

Your next move should be hiring a professional plumber who can help you with this. These are expert professionals who know how to fix plumbing issues. Ignoring plumbing issues can be a nightmare. Seamless working of drains and pipelines is a must, and a good plumber will help you in the same. Keeping the following tips in mind will help you choose the right plumber:

1.    Choose an experienced plumber

2.    Look for the testimonials

3.    See if they are available round the clock

4.    Ask about their fees

5. Don’t miss to check if they have handled such work previously or not

With the above-mentioned tips, you will be able to find the best plumber in town who will keep plumbing issues at bay. 

 

technopreneur entrepreneur covid

Paano Maging Entrepreneur sa Panahon ng Covid 19

ni Homer Nievera, CDE, CVM | Sa panahon ng pandemya, puwede ka pa ba maging isang entrepreneur o maging isang negosyante? Kasi nga sa dami ng pino-problema, parang nahihirapan ka na mag isip nang maaayos. Kahit saan ka tumingin sa social media, puro negatibo naman ang nababasa mo at di ka na magkaroon ng inspirasyon. Ganyan ba ang nararamdaman mo?

Alam mo, ka-negosyo, nasa perspekitbo lang lahat yan.

Siguro, wag na natin isantabi ang tunay na nagaganap. Harapin natin na ang pinagdadaanan natin na pandemya ay nandyan. Isang kalabang di makita. Marami na din ang namamatay sa buong mundo. Pero teka, nasaan ang inspirasyon ng pagnenegosyo dito?

Ang sa akin ay simple lamang. May oportunidad sa krisis.

O siya, tara na at matuto. Tara na!

#1 Harapin ang Katotohanan

OK, so nasa krisis tayo ng pandemya. Bukod sa bawal magbukas ng bagong negosyo na may kinalaman sa pakikipagsalamuha sa maraing tao. Kung ang pagkakaroon ng maraming mamimili ang konsepto ng pagkakaroon ng negosyo, paano na lang tayo niyan?

Pero di ba, puwede ka namang magkanegosyo online, halambawa?

Kaya naman kung alam mo ang puwede at hindi puwedeng gawin bilang isang mamimili, alam mo na kung ano’ng negosyo ang puwedeng itayo o hindi.

Alamin mo at magsaliksik din kung hanggang kelang ng aba talaga ang lockdown sa lugar na kung nasaan ka. Gaya ngayon, di buong Luzon ang magiging ekstensyon ng ECQ mula Mayo a-uno.  Kung gayon, dito palang ang katotohanan ng lockdown depende sa lugar ay dapat mong pagtuunan ng pansin.

At kung ikaw naman ay nasa lockdown, alam mon a din ang iyong mga limitasyon. Ito ang gawin mong basehan ng negosyong nais itayo.

#2 Ibahin ang Pananaw patungo sa Pagiging Positibo

Magulo na nga, makikigulo ka pa? Yan ang isang pananaw na tila angkop sa panahon ngayon. Kasi kung makikisawsaw ka sa problema, pati ikaw mamomoblema na din.

Ang tamang pananaw ay ang may kinalaman sa tinatawag kong “Slingshot Principle.” Ang isang slingshot – o tirador sa Tagalog – ay sadyang kailangan mong higitin ang pagkakahila bago ito bitiwan para lumipad ang batong nakapaloob dito.

Sa bawat matinding krisis na pandaigdig, nakapaloob dito ang iba’t ibang oportunidad. Kailangan nga lang mag-desisyon ka kung ikaw ang batong papaimbulog o ikaw ang tatamaan ng bato.

Ano ang ibig kong sabihin dito? Simple lang. Kapag nakakuha ka ng tamang tiyempo at nakakita ka ng oportunidad sa pagnenegosyo, tiyak na ikaw ang makikinabang nang husto dito.

Isang halimbawa ay ang pagkuha naming ng kontrata sa paggawa ng mga testing booths ng DOST na tinatawag na Specimen Collection Booth o SCB. Di bas a panahon ng Covid 19 lang naman naming ito magagawa? Dahil sa ang teknolohiyang nakapaloob dito ay galing sa kumpanya naming (FAME Inc.), kami ang nakakuha ng oportunidad na kumite dito. May isa pa nga akong kilala na body bags ang kinukuha sa kanya sa panahong ito. Mukhang kakalungkot kung titingnan mo, di ba? Pero sa perspektibong entrepreneur, pagkakaitaan ito!

Gayundin ang naging oportuniad ng isang kaibigan na nakapagbenta sa amin ng libu-libong piraso ng Vitamin C. At ginamit naman naming itong pambigay sa mga kapus-palad.

Kaya naman ka-negosyo, pagsaliksikan mong Mabuti ang mga maaaring oportunidad na makukuha mong pagkakitaan ngayong panahon ng pandemya. Marami yan!

#3 Gumalaw nang Naayon sa Pakiramdam

Naniniwala man ako sa kombinasyon ng siyensiya, pakiramdam at sining, para sa akin sa mga panahong ito na di kasiguraduhan at pag-aagam-agam, mas ok gamitin muna ang pakiramdam o instinct sa pag-iisip ng manenegosyo ngayon. Kasi nga, bago ito sa ating lahat. At dahil walang nakakaalam talaga ng gagawin, mas mabuti pang pakiramdam na lang ang gamitin upang mag negosyo.

Halimbawa, naisip kong kausapin ang isang kaibigan ko sa Bulacan sa pagbabakasakaling may kilala siya na nag-susuplay ng alcohol para maibenta naming sa aming kooperatiba. Sa pag-uusisa ko, nabanggit niya na gumagawa sila ng mga reusable na mask.

At dahil nagsisimula pa lang noon ang ECQ, naisip ko magkakaroon ng shortage o pagkukulang ng mga disposable na mask kaya magandang oportunidad ang reusable mask na nilalabhan lang pagkagamit. Ayun, umangat kaagad ang bentahan naming nito. Tamang kutob sa tamang tao. Isang pakiramdam ang naging susi sa naging negosyo naming sa kooperatiba.

Ikaw, ano ang kutob mo sa isang maaaring maging negosyo?

#4 Mag-eksperimento o Sumubok bago Sumabak

Kahit sinabi kong “Trust your Instincts,” di ibig sabihin ay puro pakiramdam na lang ang gagamitin mo. Malaking bagay kasi ang pag subok muna bago sumabak.

Sa kasalukuyan, gumagawa kami ng ikalawang prototype ng aming proyektong may kinalaman sa  ventilator. Ito ang tinatawag naming Ruwah – ang ang ibig sabihin sa mga Ebreo ay “hininga ng Diyos.” Ngunit sa totoo lang, isa itong mechanical ambu bag.

Nagsaliksik muna kami ng iba’t ibang disenyo bago namin nagawa ang una naming produkto. Sa isang website ng MIT (Massachusetts Institute of Technology) namin nakita ang isang disenyo ng ventilator na akma sa Pilipinas. Sa ngayon, nakikipag-ugnayan na kami sa mga ospital at sa eksperto sa paggawa nito mula sa DOST at DOH. Ang pagpapalaganap ng aming mga kaisipan sa pamamagitan ng pagsasaliksik ang nagtulak sa aming gumawa ng Ruwah. Malapit na naming matapos ito. Ang susunod, sasabak na kami sa pagnenegosyo nito.

Konklusyon

Maraming bagong pagkakataon ngayon na iyong di dapat sayangin. Ang mahalaga ay mauna ka sa isang negosyo na sa tingin mo ay aakma sa “new normal.” Sobrang dami ng mga bagong negosyo ang magsusulputan tiyak pagkatapos ng ECQ. Dahil sabi ng mga eksperto, hangga’t wala pang natutuklasang bakuna sa Covid-19, tuloy pa rin ang tulad ng social distancing, pagusot ng mask, paggamit ng alcohol at marami pang iba. Magbabago na sigurado ang pangangailangan ng mga tao.

Ang tanong, handa ka na bang maging entrepreneur sa panahong ito?

Tandaan, sa lahat ng bagay, dasal, tiyaga at tiwala sa sariling kakayahan ang kailangan upang mag tagumpay, ka-negosyo!

Si Homer Nievera ay isang technopreneur. Magmensahe lamang sa email na chief@negosentro.com kung may mga katanungan.

 

Image Credit

marketing tips

5 Marketing Tips sa Panahon ng Krisis

ni Homer Nievera, CDE, CVM |  5 Marketing Tips sa Panahon ng Krisis | Kumusta ka naman ka-negosyo? Sana naman ay nasa Mabuti at ligtas kang kalagayan. Sa panahong ito ng Covid-19 na pandemic, walang kasiguraduhan ang maraming bagay. Sa totoo lang, lahat nang naiplano mo noong isang taon at ang pagsasagawa ng mga planong iyon ay naiwalang-bahala mo na di ba?

Ngunit sa mga ganitong panahon din ng krisis lumalabas ang mga magagandang ideya. Ang problem ana lang ay paano ito maisasakatuparan, lalu na sa larangan ng pag-market.

Dapat kasing maging sensitibo ka sa mercado na iyong ginagalawan.

O siya, tara na at matuto!

#1 Magpatupad ng CSR – Corporate Responsibility Program

Ang pagkakaroon ng mga programang CSR ay akmang-akma sa mga panahong tulad ng Covid-19 pandemic. Maraming tao ang nangangailangan ng tulong. Ang akala kasi ng iba, wala silang matutulong, ngunit malayo ito sa katotohanan. May magagawa ka.

Noong nagdeklara ng lockdown sa Luzon, bumuo kaagad ako ng isang Facebook Group na tinawag na #StayStrongPh. Ang CSR na aspeto nito ay ang pagkakaroon ng paglilinang sa mga impormasyon ukol sa pandemic at sa lickdown. Marami kasing kakalat na mga maling impormasyon kaya naman para sa maayos na daloy ng impormasyon, ginawa ko ito.

Ang nangyari sa mga sumunod na araw at linggo ay ang pagkakaroon ng bayanihan. Maraming mga kumpanya at mga simpleng tao ang nagpahayag ng kanilang mga tulong na nakita sa FB Group na naitiayo ko at sa iba pa. Dahil din dito, ang mga brands gaya ng Glorious Blend Sugar-free Coffee, Domino’s Pizza, Unilab, San Miguel Corporation at pati na ang organisasyong MFC Singles ay umangat. Di man lantaran ang platapormang marketing dito, naging epektibo ang pagpapalabas ng kanilang mga brand. Nakatulong na sila, nakapag-marketing pa. Siguraduhin lang na lehitimo din ang sasalihang grupo para di masalinan ng masamang branding.

#2 Maging Pangunahing Panggagalingan ng Tamang Impormasyon

Sa panahon ng kahit na anong krisi, ang paglalabas ng tamang impormason ay susi sa branding. Bilang isang marketer, ang iyong kumpanya o brand ay dapat na maging pangunahing panggagalingan ng impormason ukol sa iyong produkto o serbisyo. Isang halimbawa ay ang ginawang pahayag ng Green Cross Alcohol ukol sa maling paggamit ng kanilang produkto na nagkalat sa social media kung saan ipinanghahalo umano ang bleach sa kanilang 70% isopropyl alcohol, na siya pala’y delikado sa balat ng tao. Nagawang ikalat ng Green Cross ang tamang impormasyon bago pa masalinan ang kanilang brand ng pekeng impormasyon.

Gamitin ko ang social media bilang boses ng iyong kumpanya o brand sa pagpapakalat ng tamang impormasyon. Ang ganitong istratehiya ay umuukol sa tamang pag-market mo at bumubuo ng mas matibay na pundasyon sa iyong brand habang ang iyong kakumpitensiya ay di pa makapuntos sa harap ng krisis.

#3 Unahin ang Kapakanan ng Mga Tao – Kostumer man o Empleyado

Alam ng San Miguel Corporation na ang sambayanang Pilipino ay kostumer nito, lalu pa’t napakalaki ng negosyo nito sa larangan ng pagkain. Kaya naman kesa gumastos sila ng pera sa patalastas, ibinuhos nila ang budget nila rito sa donasyon ng milyon-milyong halaga ng pagkain at iba’t-ibang klase ng pag-ayuda.

Sa totoo lang, sa mga panahong ito ng krisis, sinu-sinong malalaking pangalan sa larangan ng pagkain ang iyong naaalala? Sigurado akong kasama dito ang kumpanyang San Miguel kung saan madalas pa itong nababanggit ni PRRD mismo, di ba?

Kahit wag mo nang isiping may kinalaman din ito sa istratehiyang tinatawag na PR o relasyong pampubliko. Ang isipin mo ay ang balik nito sa san Miguel ay ang lubusang pagtangkilik sa mga produkto nito pagkatapos ng krisis. Tama ba?

#4 Maging Personal

Ang isang istratehiyang pang marketing ay di gagana kung wala dito ang kahit na anong patungkol sa mga tao na siya mismong kostumer mo din.

Sa panahon ng krisis, nararapat na maging personal ang mensahe mo sa kahit na anong plataporma, lalu na sa social media. Tandaan o na ang social media ay ang pangunahing platapormang pang komunikasyon mo. At dahil dito, kailangang maging masinsin sa pagkilatis ng iyong mga mensahe.

Ang pokus mo dapat ay ang pagsasaayos o pagbuo ng komunidad na yayakap sa iyong kumpanya man o brand. Di mo naman kailangang bumuo ng sarili mong kampanya. Ang pagsakay o pagsuporta sa mga mas organisadong kampanya ay makakahalo sa reputasyon ng iyong brand.

Mas magpokus ka kung paano mo maipaparating ang iyong mensahe sa mag personal na pamamaraan. Gaya ng sa Facebook Messenger kung saan kaya mong gawing “first name-basis” ang pagsagot sa mga tanong. Ganun din dapat ang pagtutuunan mo ng pansin. Gamitin mo din ang email marketing para dito.

#5 Maging Lider sa Pagpapalaganap ng mga Ideyang Makakatulong sa Pag-Angat ng Sitwasyon

Tandaan mo na sa kasalukuyang sitwasyon, ang ating ekonomiya ang ganap na tatamaan. Sa mga estimate ng mga ekonomista, swerte na di maging negatibo ang tinatawag na growth rate natin.

Sa ganyang sitwasyon, ano ang dapat pangunahan ng iyong negosyo upang mas mapaganda ang ekonomiya? Kung ano man iyon, ang mahalaga ay pangunahan mo ito. Maging isang lider sa pagkakataong ganito.

Halimbawa, bumuo ka na ng grupo ng mga kapwa lider mula sa iba’t ibang uri ng pagnenegosyo at bumalangkas ng mga plano upang makatulong sa pagbawi ng bansa sa lagay ng ekonomiya.

Puwede din ang may kinalaman sa pagpaparami halimbawa ng mga Quarantine Facilities o ang mga paraang magpo-protekta sa mga frontliners.

Ano man iyon, dapat nasa harapan ka at wag iyong susunod lang sa mapagkakayarian ng ibang mga lider.

Konklusiyon

Kakaiba talaga ang sitwasyon ngayon. Ngayon lang talaga ako dumaan sa ganitong pagkakataon at sisiguraduhin kong di ako basta makikiusyoso lang. Magiging produktibo ako at aktibong tutulong sa kahit na anong maliit man o malaking pamamaraan.

Sa lahat ng bagay, patuloy kang magdasal at manalig sa Diyos.

Si Homer ay isang technopreneur at makokontak sa email niyang chief@negosentro.com.

 

 

Image Credit