ni Homer Nievera, CDE, CVM | Ilang beses mo na bang pinag-iisipan ang lahat nang nababasa at napapanood mong mga video ukol sa tamang pagpapatakbo ng iyong negosyo? Minsan, di ba, parang nakakalito na ang buhos ng lahat ng impormasyon?

Kaya naman naisip kong maglista ng tatlong simpleng paraan para mo mapagtakbo nang maayos ang iyong negosyo. Narito na.

#1 Simulan sa solidong pundasyon

Gaya nang isang tahanan o gusali, dapat matibay ang pagkakagawa ng pundasyon ng iyong negosyo. Sa umpisa pa lang kasi, dapat nasa tama ang pagkakahulma nito. Umpisahan natin sa solidong Business Plan. Ang isang maayos na Business Plan ay nakasalalay sa mga parte ng iyong plano. Gaya na lamang ng tamang produkto o serbisyong nakatuon sa iisang uri ng mammimili o kostumer. Ang pagsimula dito ang magdidikita kung saan patungo ang negosyo mo.

Ang pagkakaroon ng mga istraehiya upang lumawig ang iyong negosyo at makaabot sa lahat ng nais abuting kostumer ang dapat isunod sa pundasyon mo. Tingnan mo din ang galaw ng kumpetisyon at paano mo mauungusan sila. Magsaliksik. Yan ang simula ng isang maayos na pagnenegosyo.

#2 Pagsasaayos ng kaperahan

Lahat ng usaping pinansyal ang susunod sa pagpapatakbo ng maayos na negosyo. Di kasi basta-basta uusad ang negosyo mo kung kulang ka sa pondo o kapital.

Unahin ang paggawa ng tinatawag na Sales at Pinasyal na Forecast. Dito mo malalaman ang kakailanganin mong pondo at benta para maisaayos ang badyet mo. Di lang pangangalap ng sapat na pondo ang kalinangn mo kundi ang pagsasaayos din ng operasyon para masinop ang paggastos mo. Kapag naayos mo na ang bahaging ito, may laban ka na.

#3 Paggamit ng iba’t-ibang teknolohiya

Sa simula pa lang ng pagpaplano mo, gumagamit ka na tiyak ng Internet, wifi, PC at mobile phone. Di ba teknolohiya yan? At dahil dyan, mas napapabilis ang pagnenegosyo mo. Isipin mon a lang sa panahon ng kabataan ko na walang kompyuter at Internet. Paano na di ba?

Ang teknolohiya na babagay at makakatulong sa pagnenegosyo mo ay marami. Mula sa apps sa phone hanggang sa mga software gaya ng sa accounting at nandyan. Saliksikin mo ang ang mga babagay sa yong negosyo, di ba?

Para sa akin bilang mandirigma sa larangan ng marketing, mahalaga ang teknolihiya sa pagsasagawa ng mga programa ko sa halos katiting na badyet. Halimabawa dito ay ang paggamit ko ng social media kung saan halos wala kang gagastusin sa panimulang programa sa marketing dito. Ang mas mahalagang parte ng social media para sa akin ay ang mga tinatawag na metriko kung saan nalalaman ko kung epektibo ba o hindi ang aking mga gawain sa social media. Sa maraming lugar ng marketing ay may kaakibat na teknolohiya. Paano pa kaya sa larangan ng operasyon at manufacturing.

Bilang negosyante, para maging epektibo ka sa negosyo, wag kang masyadong maraming iniisip agad nang di mo pa nagagawa ang tatlong nabanggit ko.

Nawa’y makatulong ang pitak na ito lalu na’t papunta na naman sa Budget Season ang buwan ng Setyembre para sa mga kaperahan para sa darating na 2020.

Siyanga pala, shoutout lang po sa aking mga ka-negosyo sa Admadz at EPlayment na sina Faith Abano (Chairman ng AdGenius Inc.) at Karlos Naidas (CEO ng Eplayment) para sa kanilang mga presentasyon sa kakatapos na Asia CEO. Gayundin kay Jean Sarana na head ng marketing ng CESAFI, sa matagumpay na opening ng naturang patimpalak sa Cebu.

 

Si Homer Nievera ay isang technopreneur. Maaari niyo pong makontak si Homer sa chief@negosentro.com.

(Visited 4,755 times, 1 visits today)