ni Homer Nievera, CDE, CVM | Kahit na ano’ng negosyo pa ang pasukin mo kung di ka marunong magbenta, walang papasok na pera at magsasara ang negosyo mo. Kaya naman naisip ko na sa loob ng dalawang taon, di ko pa naisulat ang tungkol sa paksang ito. Kaya eto na.

#1 Kaalaman ukol sa iyong produkto o serbisyo

Di makakapagsimulang magbenta kung di mo kabisado ang produkto o serbisyo na iying ibebenta. Kaya naman sa umpisa pa lang ay dapat nakahanda na ang mga ilalahad ukol sa negosyo mo. Bukod sa mga pulyetos, dapat may website ka kung saan pupunta ang mga meron pang katanungan. Ngunit ang mahalaga any handa kang sagutin ang lahat ng patungkol sa binebenta mo. Gayundin dapat sa mga nakaharap mismo sa iyong kostumer.

#2 Depinisyon ng iyong merkado

Kung di mo kilala ang tatargetin mong kostumer o merkado, para kang hilong-talilong na paikot-ikot sa pagbebenta mo. Ibig sabihin ay mahihirapan kang makapagbenta dahil mali ang pinagbebentahan mo o di ka sigurado kung sila nga mismo ang bibili sa yo. Kaya sa umpisa ay ayusin ang depinisyon ng merkado mo para di masayang ang oras. Ilista ang mga maaaring solusyon na magagawa ng binebenta mo at i-match ang kostumer. Pag nagawa mo na ito, mas madali na ang pagbebenta.

#3 Ayusin ang script

At dahil alam mo na sino ang pagbebentahan mo, ayusin mo na ang script kung paano mo ilalatag ang offering mo. Lalu na ku g di ikaw lang ang haharap sa kostumer, mas mainam ang paggawa ng script. Isipin ang lahat ng maaaring tanungin para siguradong masasagot ang mga ito. Tandaan na maaaring di lang ikaw ang gagamit ng script kundi mga tauhan mo din kaya mainam ang magpraktis. Ayusin ang script kada may bagong kaalaman para updated ito.

#4 Gumamit ng social media at iba pang digital na uri ng oagbebenta

Kung naayos mo na ang unang tatlong inilahad ko dito sa pagbebenta, puwede mo nang subukan sa mga digital na channels gaya ng social media, email at pati sa mga mobile messeging apps. Sigurado naman may mga aayusin ka pa sa script na ginawa mo para umakma sa digital channels.

Sa lahat ng klaseng negosyo, di maiiwasan ang sales o pagbebenta. Kaya magpakabihasa ka dito kahit di ka sigurado. Ang mahalaga ay kaya mo tong gawin para kung umalis man ang mga salesman mo, kaya mong saluhin ang trabaho.

Si Homer Nievera ay isang technopreneur. Maaari siyang makontak sa email niya na chief@negosentro.com

(Visited 4,882 times, 1 visits today)