10 Skills ng Isang Matagumpay na Entrepreneur sa 2021
10 Skills ng Isang Matagumpay na Entrepreneur sa 2021 | ni Homer Nievera, CDE, CVM, CCM | Kumusta ka-negosyo? Gogogo na ba ang attitude natin? Sabi ng pamahalaan, malamang daw ay mask-less na tayo ng Paskong darating dito sa kalakhang Maynila at karatig bayan. Iyon ang sinisikap nila ngayon sa maigting na pagbabakuna upang marating natin ang herd immunity sa piling lugar kung saan Malaki ang daloy ng ekonomiya ng bansa.
Kaya naman dapat tayo din bilang mga nagnenegosyo ay maging hand ana rin. Di lang sa mga may kinalaman sa ating Negosyo kundi para na rin sa ating mga sarili.
Ang mga skills o kasanayan natin ay siyang magiging mahalagang aspeto ng ating pagnenegosyo. Tayo kasi ang nagpapalakad, kaya dapat tayo mismo ay handa din.
Sinaliksik natin ang iba’t-ibang mga payo ng mga matagumpay na entrepreneur. Tiningnan natin ang kanilang mga gawain at paniniwala. Sampung skills o kasanayan ang ating naipon para maibahagi sa inyo.
Tara na at matuto!
#1 Matuto sa nakaraan
Ayon sa isang artikulo sa New York Times, ang nakaraang ating madalas maalala ay di yung mismong mga nangyari. Kundi, ito ay naaayon sa ating nais maalala.
Kung ang pananaw mo ay negatibo o positibo, ito din ang pagkakaalala mo dito.
Kaya kung positibo ang iyong pananaw sa buhay at negosyo, malamang na ang tingin mo sa bawat pagkabigo sa yong nakaraan ay lekson at di kamalasan.
Ito na ngayon ang dapat mong gawin – ang matuto sa nakaraan. Ang taong di natuto sa kanyang mga tagumpay at pagkabigo sa nakaraan ay parang bulag sa kasalukuyan. Huwag aksayahin ang bawat leksyon. Kasama yan sa paaralan ng buhay. ‘Ika nga, charge to experience.
#2 Hanapin ang “bakit?”
Kung ang rason mo sa nais na maging matagumpay na entrepreneur ay upang yumaman lamang, mabibigo ka lang. Ayon sa kilalang guru na si Simon Sinek, kailangan mong magsimula sa tanong na “bakit?” para malaman mo ang layunin mo sa buhay at pagnenegosyo.
Nung nagsimula ako sa pagsusulat sa blogs ko, nais ko lang maibahagi ang mga nababasa ko na alam kong makakatulong sa mga kapwa ko entrepreneur. Mabilis kasi akong makaintindi nang mga nababasa ko at naiaayon ko sa iba’t-ibang sitwasyon. Nang lumaon, dumami ang mga blogs ko hanggang naging negosyo ko na ito. Dahil nasa Ingles ang mga salita, at naitaguyod ko ito sa labas ng Pilipinas, nasa 188 na bansa ang aking mambabasa. Sa pitak na ito ko lamang naibabahagi sa salitang Tagalog ang aking mga kaalaman sa pagnenegosyo.
Sa halimbawang ito, makikita na ang ninais ko lamang ay makapagbahagi ng kaalaman. Nang lumaon, naging negosyo na ito.
Ikaw, ka-negosyo, ano ang layunin mo sa pagnenegosyo at sa buhay?
#3 Ilarawan sa isip ang iyong tagumpay
Marami akong kilalang nag-uumpisang magnegosyo na di nila kayang i-visualize o ilarawan sa kanilang isip ang kanilang tagumpay. Kung di mo kasi tila nahahawakan ang tagumpay sa iyong kamay sa loob ng iyong pag-iisip, mahihirapan kang makamtan ito.
Ang tawag dito ay visualization, kung saan tila lasap mo ang tagumpay. Nakikita mo sa iyong isip kung paano ka nagtatagumpay at ano ang ginagawa mo sa panahon ng tagumpay na ito.
Noong nagsimula na akong magtrabaho, naitatak ko sa isip ko ang larawan ng sarili ko na nakaupo bilang manager ng isang departamento sa isang malaking kumpanya. Sa edad na 22, naging head ako ng isang departamento.
Tandaan na kung kaya mong i-visualize ang isang ideya, kaya mo itong magawa. Ang pangarap mo ay ang iyong hangganan.
#4 Maging masinop sa lahat ng bagay
Kumusta naman ang pamamahala mo sa pera ng negosyo at sa buhay mo? Ang bagay na ito ay napakahalagang skill o kasanayan para sa isang entrepreneur. Mahirap kitain ang pera at ang bawat sentimo na mawawala sa iyong kita ay makakabuo ng ilang libo o ilang milyon na siyang ikabubuhay at ikakasigla sana ng negosyo mo di ba?
Isang halimbawa ay ang pagsilip natin sa bawat 25 sentimo na di mo kukuning o ibinabalik sa ‘yo ng SM Supermarket. Kung may 1 milyon na tao sa isang araw ang di kukuha nito, ito ay 250 thousand pesos sa bawat araw. At sa isang buwan na may 30 na araw, ito ay nagkakahalaga ng 7.5 milyong piso! Kung ikaw ang may ganyang negosyo, isipin mo ang dagdag n akita na maaring gawing bonus sa mga tao o kaya’y dagdag puhunan, di ba?
Tandaan na di ka makakabuo ng piso kung walang 25 sentimos.
#5 Gawing simple lang ang lahat
Sa totoo lang, ang buhay at pagnenegosyo ay simple lang. Di naman komplikado ang mga bagay-bagay, ngunit tayo na mismo ang gumagawang komplikado sa mga ito, di ba?
Sa pagsisimula sa isang negosyo, kailangan sa simpleng paraan ay maibahagi mo ang ideya sa pumapaloob dito. Dapat alam mo kung sino ang kostumer mo at bakit siya bibili sa yo. Dapat alam mo din kung nasaan ang kita dito. Sa loob ng isang minuto, kaya mong sabihin ito sa kahit na sinong makikinig.
Kung komplikado ang iyong mga proseso sa umpisa pa lang, baka mahirapan kang palakihin ito. Si Mark Zuckerberg at mga kasama niya ay sinimulan ang Facebook sa pagnanais na gumawa ng direktoryo ng mga babae sa campus nila. Ganun lang yun talaga. Nang magawa na nila ito, marami nang gumamit nito at lumago ang features dahil na din sa kahilingan ng mga gumamit. Nang lumaon pa, nagkaroon na ito ng pamamaraang kumita. At ayun, the rest is history, ‘ika nga.
Isang simpleng tip, ka-negosyo – kung kaya mong ilarawan sa isang papel na napking ang iyong ideya, alam mong simple lang ito.
#6 Maging people-person, servant leader
Tao ang nagpapalakad at nagpapalaki ng isang negosyo. Kaya dapat sa empleyado mo man o sa mga kostumer ay mahusay kang makisama at makibagay. Kundi, magiging mahina ang pundasyon ng pagnenegosyo mo. Isa dito ay ang pagkakaroon ng maayos na komunikasyon sa bawat isa.
Kung di ko kayang mailarawan ang iyong ideya sa ibang tao, talo ka na sa umoisa pa lang. Ang malinaw at epektibong komunikasyon ay isang kasanayan o skill na dapat mong matutunan.
Nabubuhay tayo sa isang komunidad na kailangan ng palagiang komunikason sa isa’t-isa. Kahit na online ang iyong negosyo, may komunikasyon pa ding nagaganap sa pamamagitan ng chat, text, email, video at iba pang pamamaraan. Ang mahalaga ay matutunan mo ang tamang pamamaraan upang makapag-ugnayan ka nang epektibo sa kostumer at partners mo.
Isang mahalagang bagay din ay ang pagkakaroon ng tunay na pagpapahalaga sa katayuan ng mga tauhan mo man o kostumer. Di lahat ng bagay ay nasusukat sap era. Ang puso mo bilang ama ng negosyo ay dapat maging sentro ng katauhan mo. Unahin sila bago ikaw. Ganyan ang ang pagiging servant leader.
Mukhang malaking hamon ito bilang pagdebelop ng skills pero kung tunay mong mahal ang mga tao, di ka mahihirapan lalu na’t pagiging mapagkumbaba lang ang puhunan mo dito. Puso! Yan ang kailangan mo.
#7 Maging bihasa sa sales
Lahat ng may-ari ng isang negosyo ay dapat marunong magbenta. Di puwedeng aasa lang sa ibang tao para gawin ito. Sa konseptong 1-4-3, ang 1 ay nangangahulugang dapat ay makabenta ka sa isang tao bago sabihing entrepreneur ka. Ang 4 ay nangangahulugang ma-deliver mo ang iyong naibenta sa loob ng apat na araw o apat na linggo. Ang 3 ay uulitin mo ang proseso nang tatlong beses.
Kaya di mo puwedeng sabihing di ka mag-se-sales. Mahalaga itong skill na ito bilang super entrepreneur. Marami namang mapapanood sa Youtube at mababasa sa Internet ukol sa tamang pamamaraan nang pagbebenta. Ang importante, pahalagahan mo ito at maging eksperto sa iyong produkto o serbisyo.
Kung di mo kayang ibenta ang produkto o serbisyo mo, paano ka kukuha nang taga-benta mo?
#8 Magpokus lang palagi
Kahit ano’ng galing mo sa maraming bagay, kung wala lang focus, sasabog lang ang negosyo mo.
Madalas, marami taong ideya sa maglago nang ating negosyo. Kailangan mol ang linangin ito at alamin ang dapat unahin at mag-focus sa pamamaraan na iyong napili. Parang yung maraming nakabukas na pinto ng oportunidad sa harapan mo at nais mong buksan at pasukin ang lahat. Di puwede talaga iyon. Walang kang matatapos. Puro ka umpisa. Sayang ang panahon.
Sa kabilang banda naman, dapat alam mo din ang iyong hangganan. Huwag kang magpapakasira sa isang bagay na paulit-ulit ka na pero di pa rin tumutuloy ang negosyo o ideya. Dapat, mabilis ka ding mag-pivot o lumiko upang subukan naman ang ibang pamamaraan.
Maraming bese na sumubok si Michael Jordan ng ibang isports pagkatapos ng kanyang karera sa basketball. Naglaro siya sa baseball at golf. Di siya lubusang nagtagumpay dito gaya ng sa basketball. Ang ginawa niya ay nag focus siya sa pagnenegosyo. Ito na ngayon ang kanyang sumunod na karera na siyang lalung nagpa-tagumpay sa kanya.
Magkaroon ka ng focus at mag-commit ka dito.
#9 Maging positibo lagi-lagi
Ito marahil ang pinaka-karaniwan sa lahat nang nabasa ko at napanood, gayundin sa mga nakausap kong mga bilyonaryong entrepreneur. Ang pagiging negatibo sa maraming bagay ay tila isang pinto na nagsasara sa mga oportunidad na pumapasok sa yo.
Sa totoo lang, di basta lumalampas ang mga oportunidad. Sa katunayan, lagi mo itong nasasagap. Yun lang, dahil nega ka, di mo ito napapansin. Para sa yo, lahat ay problema. Yan ang dala ng negatibong saloobin at pananaw.
Ang madalas na payo ko dito, bukod sa pagkakaroon ng positibong pananaw, ay iwasan ang negatibong kapaligiran kasama na ang pag-iwas sa mga negatibong tao.
#10 Magkaroon ng oras sa repleksyon sa bawat araw
Halos lahat ng kilalang super entrepreneur ay nagkakaroon ng panahon para sa replekson sa kanilang ginagawa sa bawat araw. Mahalaga ito dahil kailangan mong magkaroon ng tamang direksyon sa pamamagitan ng pagbalik-tanaw sa araw na nagdaan.
Ako kasi, ang oras ng repleksyon ay sa umaga kung kelan ako nagdadasal. Kanya-kanya naman ang paraan at oras na gugugulin sa repleksyon. Ang mahalaga, gagawin mo ito.
Paano ka nga naman maghahanda sa susunod na araw kung di mo man lang nabalik-tanawan at nahimay ang araw na dumaan. Baka kasi ulitin mol ang ang mga pagkakamali o di kaya’y di mapag-isipan ang solusyon sa problema.
Ang sa ganang akin, mahalagang magkaroon ng ispiritwalidad sa repleksyon. Di kasi lahat ng solusyon ay kaya mong maresolba. Kailangan din ng panalangin at pananampalataya.
Pagtatapos
Ang taong ito at ang nagdaang taon ay lubos na napakahirap sa lahat ng entrepreneur. Ngunit kung mahuhulma mo sa tamang kasanayan ang iyong sarili, mapaghahandaan mo ang kahit na ano’ng pagsubok sa buhay at pagnenegosyo.
Ang pagiging entrepreneur ay sadyang mahirap ngunit exciting. Di man ito para sa lahat, maaari ka namang mag-sideline.
Tandaang di ito para sa mahina ang loob at kulang ang tiwala sa sarili. Magkaroon ka ng sipag at tiyaga at ang maging masinop sa lahat ng bagay.
Higit sa lahat, mangarap para sa kinabukasan kasama ng pagtiwala sa sarili at pananampalataya sa Diyos.
—
Si Homer Nievera ay isang technopreneur. Maaari siyang makontak sa email niya na chief@negosentro.com
Recent Posts
- 8 Karagdagang Tips Mula sa Mga Bilyonaryo Para sa Buhay at Negosyo
- Ilang Mahalagang Pananaw sa Kahalagahan ng SEO sa Maliit na Negosyo
- Ilang mga palatandaan na handa ka nang maging isang negosyante
- Ilang Pangunahing Leksyon mula kay Robert Kiyosaki sa Pamumuhunan
- Benepisyo ng SEO sa Negosyo sa Panahon Ngayon
Archives
- October 2022
- September 2022
- August 2022
- July 2022
- June 2022
- May 2022
- April 2022
- March 2022
- February 2022
- January 2022
- December 2021
- November 2021
- October 2021
- September 2021
- August 2021
- July 2021
- June 2021
- May 2021
- April 2021
- March 2021
- February 2021
- January 2021
- December 2020
- November 2020
- October 2020
- September 2020
- August 2020
- July 2020
- June 2020
- May 2020
- April 2020
- March 2020
- January 2020
- December 2019
- November 2019
- October 2019
- September 2019
- August 2019
- July 2019
- June 2019
- May 2019
- April 2019
- March 2019
- February 2019
- January 2019
- December 2018
- November 2018
- October 2018
- September 2018
- August 2018
- July 2018
- June 2018
- May 2018
- April 2018
- March 2018
- February 2018
- January 2018
- February 2017
- October 2016
- July 2016
- June 2016
- May 2016
- December 2015
- November 2015
- October 2015
- August 2015
- June 2015
- May 2015
- April 2015
- March 2015
- February 2015
- November 2014
- September 2014
- August 2014
- July 2014
- April 2013
- March 2013
- January 2013
Categories
Recent Posts
- 8 Karagdagang Tips Mula sa Mga Bilyonaryo Para sa Buhay at Negosyo
- Ilang Mahalagang Pananaw sa Kahalagahan ng SEO sa Maliit na Negosyo
- Ilang mga palatandaan na handa ka nang maging isang negosyante
- Ilang Pangunahing Leksyon mula kay Robert Kiyosaki sa Pamumuhunan
- Benepisyo ng SEO sa Negosyo sa Panahon Ngayon