ni Homer Nievera, CDE, CCM | Madalas na tanong sa akin ay kung anu-anong mga nagosyo daw ang kayang itayo sa bahay. Sa panahon daw kasi ng teknolohiya, may mga serbisyong kailangan pa din ng mga tao kahit walang gamit na kompyuter o nangangailangan ng Internet.

Ang sagot ko naman diyan, ay depende sa skills ng tao at hilig niya ang magsasabi kung saan siya mainam mag negosyo, maging sa pamamahay man niya ito o sa ibang lugar.

Narito ang pitong negosyong mabilis na maitatayo sa pamamagitan lamang ng kaalaman, kaunting puhunan, at maraming tiyaga.

#1 Pananahi

Madalas ang mga dressmaking at tailoring shops ay nagsisimula sa tahanan. Isang makina lang at ilang gamit sa pananahi, ayus na. Mas mainam na mag-aral ng pormal sa Tesda o saan mang vocational na paaralan para mas propesyunal ang paggawa mo.

#2 Repair Services

Sa dami ng mga kagamitang binibili ng mga tao sa iyong komunidad, siguradong marami din ang nasisira at nangangailiangan ng repair services. Mula sa appliances at electronics, hanggang sa repair ng mga sasakyan, puwedeng-puwede itong gawin. Madalas, kaunting gamit lang ang kailangan mo, go ka na. Mag-aral o mag-apprentice din para mas mabilis kang matuto.

#3 Hair and Beauty Services

Likas sa tao ang magpaganda. Kaya naman magandang negosyo ang barberya, parlor, spa at pati na din ang pet grooming services. Madalas, gunting at sukay lang, puwede ka ng magsimula. Katulad ng ibang serbisyo, mag-aral at mag-apprentice para mas maraming experience.

#4 Tindahan

Di lang sari-sari store ang puwede mong itayo sa bahay bilang negosyong pang-retail. Nariyan din ang online store. Dito, ang puhunan ay depende sa lawak at laki ng sakop mong produkto. Alamin ang mga detalye nito sa Internet. Maraming puwedeng pagkakitaan dito gaya ng buy and sell.

#5 Graphic Design, Social Media at Website Services

Hindi ka naman makakaiwas sa teknolohiya, di ba? Kaya naman maraming negosyo ang naitatayo mula dito. Magsimula sa mga tech skills mo at siguradong mapapalaki mo tio. Ang kagandahan sa mga serbisyong ito, kompyuter, Internet at talino lang ang puhunan. Makakakuha ka pa ng mga kostumer sa abroad!

Si Homer Nievera ay isang digital transformator at founder ng Negosentro.com na tumutulong palawigin ang kaalaman sa Internet at teknolohiya para maiangat ang kabuhayan ng mga Pilipino. Kung may katanungan, magpadala ng mensahe sa email@negosentro.com o hanapin siya sa Facebook.com/thepositivevibespage.

(Visited 261 times, 1 visits today)