ni Homerun Nievera, CDE, CCM |  Noong Sabado, nagsimula ang unang sesyon ng pag-mentor sa aming mga opsiyal ng isang tech startup, ni Engr. Diosdado “Dado” Banatao. Maraming tips na ibinahagi si Banatao sa amin na hango sa kanyang karanasan sa Silicon Valley sa Amerika.

Si Banatao ay isang bilyonaryong Pinoy na nakadisenyo ng mabilis na computer chips na ginagamit ngayon sa halos lahat ng PC. Naibenta niya sa halagang $700 milyon ang kanyang kumpanya sa Intel. Dito siya unang nakilala sa Silicon Valley sa Amerika kung saan nakalagak ang mga magagaling na kumpanyang teknolohiya.

Isang simpleng katanungan ang ibinato kay Banatao ng aming CEO na si Engr. Junjun Fetizanan, Jr. nan gamin siyang nakapanayam bilang parte ng kanyang pagigiing mentor at incubation partner sa aming kumpanyang FAME, Inc – “How to be you po?”

Ito ang kanyang kasagutan sa limang tips upang maging world-class ang iyong startup:

#1 Indintihing mabuti ang merkado.

Isang masinsing pag-aaral ang dapat gawin sa target mong merkado bago ka magsimula ng iyong startup. Hindi ka dapat basta-basta sasalang sa negosyo at gagawa ng mga produkto kung di mo ito nagawa.

#2 Pag-aralan ang kumpetisyon.

Matapos mong pag-aralan ang merkado, alamin ang ginagawa ng kumpetisyon at paano mo maiiaba ang iyong produkto o serbisyo. Kailangan, mas higit pa ang sa ‘yo at mahusay ang kalidad. Minsan, ang pagiging iba sa pamamagitan ng kagamitan ng produkto ay sapat na.

#3 Magagaling na tauhan.

Di kailangan ng maraming tauhan kung sadyang magagaling naman ang makukuha mo. The best and the brightest and wika nga ng iba na kukunin mo. Siyempre, kunin mo din ang masipag, masinop at mapagkakatiwalaan.

#4 Pagpaplano at eksekusyon

Madalas, sa plano pa lang, malalaman mon a kung magiging matagumpay ka o hindi. Kaya ayusin ito at gawin ng huling tatlong buwan ng taon para handa sa unang sabak ng susunod na na taon. Sa eksekusyon naman ay dapat masinop at may kakayahan ang bawat isa sa mga tauhan.

#5 Pera at iba pang pangangailangan.

Dapat handa ang war chest mo. Huwag basta-bastang sasabak ng kulang sa kagamitan at perang panggastos. Dito madalas bumabagsak ang mga startup – walang kahandaan. Nariyan naman ang mga imbestor na handing tumulong lalu na kung maayos ang bilang 1-4 mo.

Sa lahat ng gagawin, maging handang magpalit ng plano kung di umaayon ang merkado. Laging maging bukas sa mga ideya at suhestiyon ng iba.

Si Homer Nievera ay isang digital transformator at founder ng Negosentro.com na tumutulong palawigin ang kaalaman sa Internet at teknolohiya para maiangat ang kabuhayan ng mga Pilipino. Kung may katanungan, magpadala ng mensahe sa email@negosentro.com o hanapin siya sa Facebook.com/thepositivevibespage.

(Visited 3,628 times, 1 visits today)