4 na Mahalagang Komposisyon ng Digital Marketing Plan Para sa 2019
ni Homerun Nievera, CDE | Ang akala ng karamihan sapat na magkaroon ng Facebook para sa negosyo nila. Pero kapag naisakatuparan na ang taktika ukol dito, malalaman na lang di sapat ang paggamot nito bilang plano pang digital.
Anu-ano nga ba ang kailangan mo para mapaghandaan ang digital marketing plan
#1 Website
Kung wala ka pang website, lagot ka. Oo, ganun na kahalaga ang pagkakaroon ng website dahil ito ang pinaka-unang tinitingnan ng mga kostumer o investor. Ang mga basikong pahina na nilalaman nito ay ang: About Us, Services o Products, Testimonials at Contact Us. Yung iba ay nagdadagdag ng Events Gallery at Blog. Ang mahalaga ay may maayos kang presensya sa Internet sa pamamagitang ng website mo.
#2 SEO
Kung may website ka na, dapat ayusin na agad ang istruktura nito sa paggamit ng SEO o Search Engine Optimization. Ito kasi ang taktika para makita ka o ma-search ka sa Google o iba pang search engines. Dito din nakikita kung ano ang sinasabi ng iba ukol sa iyo at kung ang kumpanya mo ay credible o may otoridad sa iyong industriya. Kung may website ka na, pumunta ka sa checkmoz.com at ilagay ang website address mo (o url). Makikita mo kung ano ang Domain Authority (DA) ranking mo. Ang rating na 10 ay nagmumungkahing may otoridad ka kahit paano. Ngunit ang DA ranking na 20 at pataas ay mas ma otoridad na rating sa buong buong mundo. Ang blog ko na Negosentro.com ay may DA na 50, na isa sa pinakamataas na DA ng isang business blog sa Pilipinas at sa buong mundo. Pag-aralan ang blog ko na ‘to para may matutunan sa pagpapataas ng DA.
#3 Content Marketing
Ang nilalaman ng lahat ng komunikasyon mo sa digital media ay nakasalalay sa content marketing plan mo. Ang ibig sabihin nito ay bale-wala ang lahat ng social media, SEO at website mo kung di maayos ang timpla ng buong content mo. Ipinapahiwatig kasi ng content mo ang total branding ng negosyo mo. Lalu na’t nasa digital space ka, mas madaling masilip ng mga kostumer o magiging kostumer mo kung ano ang katayuan ng brand mo. Tandaan lang na dapat consistent ka sa lahat ng content mo o isinusulat man, video o mga litrato na iyong inilalathala sa web. Dapat din, ang content mo ay “relatable” (na tila sila para sa kanila ang content mo) at “engaging” (na tila sila mismo ang kinakausap) para may pagkakataon silang mag-react. Tandaan na ang puno ng content sa panahon ngayon ay ang paggawa ng maayos na kuwento ng iyong brand.
#4 Social Media
Ang amplification o ang pagpapalawig ng mensahe at content mo ay napapaloob sa social media plan. Di lamang Facebook ang social media. Nariyan ang Instagram, Twitter, Linkedin, Youtube at mga blog. Ang trabaho ng social media ay ang pagkakaroon ng pagkakataon ang kostumer na magbigay ng feedback o saloobin nila sa madali at mabilis na paraan. Kaya wag mong iismolin ang social media na tila one way lamang ang relasyon. Di na ganun ang komunikasyon sa digital media. Laging two-way relationship ang peg dito. Kaya unahin mong ayusin ang Facebook mo sa pamamagitan ng pag-link ng Instagram mo dito at pag-ayos ng reply o pagsagot sa Messenger. Malaking bagay ito kasi mas mabilis kang nakakasagot kahit wala ka sa PC o mobile phone mo.
Mahigit isang buwan na lamang at 2019 na. Panahon na para magplano ng digital marketing mo para maisakatuparan ang paglago ng negosyo. Laging magsumikap at ipagdasal ang kinabukasan.
—
Si Homer Nievera ay isang digital transformator at founder ng Negosentro.com na tumutulong palawigin ang kaalaman sa Internet at teknolohiya para maiangat ang kabuhayan ng mga Pilipino. Kung may katanungan, magpadala ng mensahe sa email@negosentro.com o hanapin siya sa Facebook.com/thepositivevibespage.
Tags In
Recent Posts
- 8 Karagdagang Tips Mula sa Mga Bilyonaryo Para sa Buhay at Negosyo
- Ilang Mahalagang Pananaw sa Kahalagahan ng SEO sa Maliit na Negosyo
- Ilang mga palatandaan na handa ka nang maging isang negosyante
- Ilang Pangunahing Leksyon mula kay Robert Kiyosaki sa Pamumuhunan
- Benepisyo ng SEO sa Negosyo sa Panahon Ngayon
Archives
- October 2022
- September 2022
- August 2022
- July 2022
- June 2022
- May 2022
- April 2022
- March 2022
- February 2022
- January 2022
- December 2021
- November 2021
- October 2021
- September 2021
- August 2021
- July 2021
- June 2021
- May 2021
- April 2021
- March 2021
- February 2021
- January 2021
- December 2020
- November 2020
- October 2020
- September 2020
- August 2020
- July 2020
- June 2020
- May 2020
- April 2020
- March 2020
- January 2020
- December 2019
- November 2019
- October 2019
- September 2019
- August 2019
- July 2019
- June 2019
- May 2019
- April 2019
- March 2019
- February 2019
- January 2019
- December 2018
- November 2018
- October 2018
- September 2018
- August 2018
- July 2018
- June 2018
- May 2018
- April 2018
- March 2018
- February 2018
- January 2018
- February 2017
- October 2016
- July 2016
- June 2016
- May 2016
- December 2015
- November 2015
- October 2015
- August 2015
- June 2015
- May 2015
- April 2015
- March 2015
- February 2015
- November 2014
- September 2014
- August 2014
- July 2014
- April 2013
- March 2013
- January 2013
Categories
Recent Posts
- 8 Karagdagang Tips Mula sa Mga Bilyonaryo Para sa Buhay at Negosyo
- Ilang Mahalagang Pananaw sa Kahalagahan ng SEO sa Maliit na Negosyo
- Ilang mga palatandaan na handa ka nang maging isang negosyante
- Ilang Pangunahing Leksyon mula kay Robert Kiyosaki sa Pamumuhunan
- Benepisyo ng SEO sa Negosyo sa Panahon Ngayon