ni Homer Nievera, CDE | Maaaring gigil na gigil ka nasa naisip mong negosyo. Gusto mo nang mapabilang sa mga mainit na startup at magpayaman ng husto. May mga kinakausap ka ng mga investors at mga co-founder mo.

Pero, teka muna. Handang handa ka na ba talaga? Silipin mo lang itong tatlong bagay na dapat mong :

#1 Mag-ipon Para sa ‘Tag-Ulan’

Oo nga, tag-ulan na ngayon. Ganyan din sa mga unang buwan ng pag-nenegosyo. Dahil di pa siya masyadong establisado, dapat may ipon ka para sa sarili mo. Kaya naman bago ka sumalang, siguraduhing may pera kang panggastos sa araw-araw. Siguro sapat na ang pang anim na buwan. Mabuti na yung sigurado lalu na kapag may emergency. At kapag tumatakbo na ang negosyo, siguraduhing nababayaran mo ang sarili mo ha?

#2 Dapat meron kag Solid na Plano

Ang dami diyan, sinasabing sure ball sila sa negosyo nila. Kapag tinatanong ko kung solid ang plano, sasabihin na ‘Oo’ daw. Kapag hiningi ko nang makita ito, isang pahinang Word na dokumento ang meron. Mas malala yung nasa napkin ang plano.

So ano ang ihaharap mo sa mga investors? Bukad sa simpleng Powerpoint presentation, mas mainam nan aka-Excel na ito para sa mga numero gaya ng budget, etc. Kung wala man lang ganito, hindi solid ang plano. O kaya – walang plano!

Bargain sa palengke ang mga sabi-sabing plano kung walang maayos na nakasult. Kuwentong-barbero, wika nga nila. Tandaan, kung di nakasulat, walang mangyayari dahil di ka seryoso.

#3 Matuto sa Nakaraan

Sa Amerika, mas higit na nakakarami ang mga nagtatagumpay na startup kung ang nagtayo ay edad 50 pataas. Bakit? Kasi malawak at mahaba ang ekspiriyensya nila. Galing na sila sa iba’t-ibang labanan ng pagnenegosyo.

Kung ikaw ay below-40 na edad, mas makakabuting makipag-usap sa mas nakatatanda para malaman ang di dapat at dapat mong gawin para magtagumpay. Pakinggan sila. Kunin mo sila sa board of directors o bilang consultant. Malaking bagay ang may mga ganitong tao sa pagnenegosyo para di ka na mangangapa.

Ang pagtatayo ng startup na negosyo ay di biro. Kahit marami kang kapital, di ka dapat kampante. Ang maayos na preparasyon at 50% na ng tagumpay. Kaya maghanda ng Mabuti. Ayusin ang mga plano at magtanong sa mga eksperto.

Sa huli, wala kang pagsisisihan dahil malamang, nakaumang na ang tagumpay mo!

Si Homer Nievera ay isang digital transformator at founder ng Negosentro.com na tumutulong palawigin ang kaalaman sa Internet at teknolohiya para maiangat ang kabuhayan ng mga Pilipino. Kung may katanungan, magpadala ng mensahe sa email@negosentro.com o hanapin siya sa Facebook.com/thepositivevibespage.

(Visited 112 times, 1 visits today)