4 na Bagay na Matututunan Mo Kay Jack Ma ng Alibaba.com
Homer Nievera, CDE, CCM | Kilala si Jack Ma bilang CEO at founder ng Alibaba.com – isa sa pinakamalaking negosyong e-commerce sa mundo. Ayon sa Forbes.com, ang dating guro ng Ingles sa Tsina ay may yaman na nagkakahalaga ng 39.5 bilyong dolyar.
Bukod sa pinagmulang mahirap na pamilya, kilala si Jack Ma sa maraming bilang ng kabiguang makapasok sa maayos na unibersidad sa Amerika gaya ng Harvard at di man lang makakuha ng trabaho sa KFC.
Sa tagumpay ng Alibaba sa larangan ng komersiyo, ito ang ilan sa mga matututunan kay Ma:
#1 Huwag Patulan Lahat ng Oportunidad
Ayon kay Ma, di lahat ng magbubukas na oprtunidad sa mga negosyante ay dapat patulan. Sa halip, kailangan ng masusing pag-aaral. Kaya naman inabot ng ilang taon bago nag-desisiyon si Ma na ipalista sa Stock Exchange ng Amerika. Ang desisyong ito ay lalung nagpayaman sa kanya.
#2 Mag-aral at Palaguin ang Kakaibang Katangian
Alam ni Ma na para umunlad sa buhay, nararapat na siya’y mag-aral at magkaroon ng kakaibang galing kumpara sa iba. Ang kanyang abilidad sa pagsasalita at pagtuturo ng Ingles ay nagging daan ni Ma para lumakas nag loob na makipag-usap sa iba’t-ibang lider sa buong mundo kaya mabilis siyang umunlad.
#3 Kumuha ng Mga Taong Mas Magaling Sa Iyo
Alam ni Ma na di siya ang pinakamagaling na tao sa mundo. Alam din niya ang kanyang mga kahinaan kaya naman una niyang ginawa ay ang sumama sa mga taong magagaling sa iba’t-ibang larangan. Nang magsimula na siya sa negosyo, kumuha siya ng mga tao na may kakaibang mga katangian na higit sa kanya. Isa yun sa mga sikreto ng kanyang tagumpay.
#4 Gawin Lahat Para Matupad ang Pangarap
Si Jack Ma ay di sumuko. Gumising siya sa kanyang pagkakatulog at pinagtrabahuhan ang kanyang panaginip – na magkaroon ng pinakamalaking ecommerce na kumpanya sa buong mundo. Alam niya na ang susi sa tagumpay ng negosyo ay ang di pagtutuok sa kita kundi ang pag-unlad ng kabuhayan ng ibang tao. Ito ang nagtulak kay Ma na paigtingin ang mga Sistema at teknolohiya upang gumanda ang serbisyo ng Alibaba. Nagtagumpay si Ma nang dahil sa patuloy na pagsisikap upang matupad ang kanyang mga pangarap at pangarap ng ibang tao.
Sa kabuuan, di nagpatalo si Ma sa laban ng buhay. Kahit ano ang pagkabigo ang kanyang naranasan sa buhay, nagpatuloy lang siya hanggang sa mabuo ang kanyang mga pangarap at nagtagumpay. Ang mga aral ni Jack Ma ay magagamit din sa ibang aspeto ng buhay bukod sa pagnenegosyo. Ang pagiging masinop at matiyaga ang ilan lamang sa mga isinusulong ni Ma sa mga nais magtagumpay tulad niya.
—
Si Homer Nievera ay isang digital transformator at founder ng Negosentro.com na tumutulong palawigin ang kaalaman sa Internet at teknolohiya para maiangat ang kabuhayan ng mga Pilipino. Kung may katanungan, magpadala ng mensahe sa email@negosentro.com.
Tags In
Recent Posts
- 8 Karagdagang Tips Mula sa Mga Bilyonaryo Para sa Buhay at Negosyo
- Ilang Mahalagang Pananaw sa Kahalagahan ng SEO sa Maliit na Negosyo
- Ilang mga palatandaan na handa ka nang maging isang negosyante
- Ilang Pangunahing Leksyon mula kay Robert Kiyosaki sa Pamumuhunan
- Benepisyo ng SEO sa Negosyo sa Panahon Ngayon
Archives
- October 2022
- September 2022
- August 2022
- July 2022
- June 2022
- May 2022
- April 2022
- March 2022
- February 2022
- January 2022
- December 2021
- November 2021
- October 2021
- September 2021
- August 2021
- July 2021
- June 2021
- May 2021
- April 2021
- March 2021
- February 2021
- January 2021
- December 2020
- November 2020
- October 2020
- September 2020
- August 2020
- July 2020
- June 2020
- May 2020
- April 2020
- March 2020
- January 2020
- December 2019
- November 2019
- October 2019
- September 2019
- August 2019
- July 2019
- June 2019
- May 2019
- April 2019
- March 2019
- February 2019
- January 2019
- December 2018
- November 2018
- October 2018
- September 2018
- August 2018
- July 2018
- June 2018
- May 2018
- April 2018
- March 2018
- February 2018
- January 2018
- February 2017
- October 2016
- July 2016
- June 2016
- May 2016
- December 2015
- November 2015
- October 2015
- August 2015
- June 2015
- May 2015
- April 2015
- March 2015
- February 2015
- November 2014
- September 2014
- August 2014
- July 2014
- April 2013
- March 2013
- January 2013
Categories
Recent Posts
- 8 Karagdagang Tips Mula sa Mga Bilyonaryo Para sa Buhay at Negosyo
- Ilang Mahalagang Pananaw sa Kahalagahan ng SEO sa Maliit na Negosyo
- Ilang mga palatandaan na handa ka nang maging isang negosyante
- Ilang Pangunahing Leksyon mula kay Robert Kiyosaki sa Pamumuhunan
- Benepisyo ng SEO sa Negosyo sa Panahon Ngayon