Mga Simpleng Paraan Kung Paano Alagaan ang Reputasyon ng Brand Mo | ni Homer Nievera, CDE, CVM, CCM |Kumusta ka-negosyo? Nawa’y nasa mabuti kang kalagayan. Gusto ko namang kumustahin ang brand ng produkto o serbisyo mo lalu na sa panahon ng krisis (gaya ng pandemyang ito). Umaangat ba sa kategorya o industriyang ginagalawan mo? Di bai to lumilipad gaya nang napagplanuhan mo – o sadyang di makaungos?

Ang halaga ng reputasyon ng brand mo ay nakatali sa negosyo mo sa pangkalahatan. Sa iba, nakatali ito sa mismong may-ari. Aalamin natin sa pitak na ito ang buong kahalagahan ng pag-aalaga ng reputasyon at ang mga kailangan mo upang umungos ito.

Tara na at matuto!

#1 Halaga ng Reputasyon sa Negosyo

Maraming dahilan kung bakita dapat alagaan ang reputasyon mo. Isang simpleng pananaw ay ang sitwasyon natin sa mundo ngayon kung saan ang pagnenegosyo ay online na. Ang ibig sabihin lang nito ay ang reputasyon ng isang brand o negosyo ay nasusukat sa kung ano ang nababasa at kung ano ang nakikita nila online. Kasama dito ay ang pag-search nila sa Google at social media gaya ng Facebook.

Ang tanong na laging hinahanap ng mga tao sa search ay kung kumusta ang brand o taong hinahanap? Lalu na kung nasa taas ka ng search results, ano ba mismo ang nakikita nila tungkol sa iyo?

Bukod kasi sa pagiging popular mo sa search results, ang tanong dun ay kung ano naman ang makikita nila o mababasa nila tungkol siyo o sa brand mo?

#2 Gumamit ng PR

Ang paggamit ng PR – o public relations – ay matagal nang ginagamit na paraan upang mapalaganap ang reputasyon ng isang brand, produkto o tao. Ang pinakamatagal na paggamit ng bagay na ito ay maaaring makita sa panahon pa ng mga ninuno natin na gumagamit ng mga mai-impluwensiyang tao upang mapalaganap ang mensahe o ideya.

Sa kasalukuyang panahon, ang paggamit ng media ang madalas gamitin sa PR. Madalas, ang print media gaya ng diyaryo o magasin ang gamitin o kaya ay sa TV at radyo. Pero sa ngayon, ang internet kasama ang social media gaya ng Facebook at Youtube ang ginagamit para dito.

Ano ba ang pumapaloob sa PR?

Ang madalas na gamit nito ay ang mga tinatawag na press release kung saan naisulat na ng gumawa ng mensahe o komunikasyon ang nais nitong ipalaganap. Ito ay maaaring anunsiyo ng pagbubukas ng bagoing tindahan, paglabas ng bagong produkto, o kahit nga ang promosyon ng isang tao ay pumapaloob dito. Ang sentro nang PR ay ang mismong nilalaman nito. Kasunod na lamang ang pagplano ng gagamiting media.

Kaya naman kung gagamit ka ng PR upang pangalagaan ang reputasyon mo, siguraduhing akma ang mensaheng nakasulat sa nais mong ipalaganap. At siyempre, dapat totoo ito. Kasi kung di ito totoo, babalik lang sa ‘yo ang masamang reputasyon, di ba?

#3 Ilang paraan ng pagpapalaganap ng reputasyon

Maraming paraan pa ang mga puwedeng gamitin sa pagpapalaganap ng mabuting reputasyon sa brand mo, na siyang magiging laman ng PR mo. Narito ang ilan:

  • Online Review – Ang pagkakaroon ng mga review sa mga online na plataporma ay mahalaga ngayon sa panahong ito. Isang halimbawa ay ang mga review sa produkto mo sa Lazada man o Shopee. Di ba, bago ka bumili dito, tinitingnan mo ang sinasabi ng iba? Nandun lang naman kasi yun eh. Kung maraming mahusay na review, ikaw ang bibilhan ng produkto. Ganun kasimple. Kaya naman mas mainam na humingi ng mga review sa mga bumibili sa ‘yo. Malalaman mo din ang feedback nila para makatulong sa pagsasaayos ng produkto mo.
  • Charity – maganda din ang pag-donate sa mga institusyong maganda din ang reputasyon. Nakakatulong ito upang makita ng mga tao na di lang sa negosyo napupunta ang kita kundi sa mga institusyong tumutulong sa iba.
  • Causes – Ang mga causes na susuportahan o uumpisahan ay nakakapagpabuti ng reputasyon mo. Lalu na ang makabagong henerasyon na nakatuon ang pansin sa mga gawaing makakapagpabuti ng mundo o ng tao ay kanilang tinatangkilik. Mga causes gaya ng pagsaayos ng kalikasan o pagtulong sa panahon ng pandemya o anumang krisis ay patok dito.
  • Talks – magbigay ka ng mga libreng talk sa mga organisasyong makakatulong-dunong sa iba. Malaking bagay ito upang mapalawig ang reputasyon mo at ng brand mo. Anumang kaalaman ang iyong ibabahagi nang libre ay nakakaganda ng pagtingin sa iyo ng mga tao at mamimili.

#4 Gumamit ng SEO

Sa negosyo namin, ang pagkakaroon ng PR at SEO ay sabayang ginagamit upang mapalaganap ang reputasyoin ng brand, tao o negosyo na aming tinutulungan. Kaya kapag hinanp mo ang Top Rank SEO sa Google, makikita mo kami dun. Yan ang pangunahin at simpleng partaan upang mapalawig ang reputasyon ng isang brand.

Paano ba gawin ang SEO?

Ang SEO ay magkasamang sining at siyensiya. Ang sining dito ay ang pagsusulat at ang siyensiya ay ang ang paggamit ng iba’t ibang tools sa pagsaliksik ng tamang mga keywords sa paghahanap ng mga mamimili sa Google.

Ang simpleng umoisa kung paano pangalagaan ang reputasyon sa pamamagitan ng SEO ay ang pagsaliksik sa Google kung ano ang makikita nila kung hahanapin ang brand o pangalan mo. Ano kaya ang lalabas dito?

Magugutuhan mo ba ang mga resulta? Kulang ba? Paano naman ang paglabas ng kumpetisyon?

Mula dito, aayusin mo ang pagkakalathala ng mga bagay-bagay na alam mong mahalaga na makita ng iba. Mag-edit sa website at sa social media ng mga laman nito upang iakma sa search ng brand mo.

Tandaan na mahaba ang proseso ng SEO pero pangmatagalan naman ang epekto nito. Pag-aralan mo din upang mas maintindihan, ok?

Pagtatapos

Ang reputasyon ng brand mo ay isang mahalagang bagay na dapat patuunan ng pansin. Kung ano kas sa pagsaliksik pa lang o review ng iba, ay siyang magkakaroon ng resulta sa pagbebenta mo, online man o hindi.

Ang pagiging entrepreneur ay sadyang mahirap ngunit exciting. Di man ito para sa lahat, maaari ka namang mag-sideline.

Tandaang di ito para sa mahina ang loob at kulang ang tiwala sa sarili. Magkaroon ka ng sipag at tiyaga at ang maging masinop sa lahat ng bagay.

Higit sa lahat, mangarap para sa kinabukasan kasama ng pagtiwala sa sarili at pananampalataya sa Diyos.

Si Homer Nievera ay isang technopreneur. Maaari siyang makontak sa email niya na chief@negosentro.com

(Visited 87 times, 1 visits today)