Pagkakitaan ang Blog

4 na Paraan para Pagkakitaan ang Blog (o Social Media)

ni Homer Nievera, CDE, CVM | Marahil marami ka ng pagkakataong nakakaalam ng mga taong kumikita sa kanilang pag-blog, mula sa pagsusulat, pag post sa social media, hanggang sa pag video. Nag-iisp ka na din sigurong gumawa ng sarili mong blog o vlog pero di mo alam paano ba magsimula. Tara, kuwentihan kita.

#1 Alamin kung saan ka mas magaling

Iba-iba kasi ang paraan ng pag-blog gaya ng nasabi ko sa una. Kung mahabaang pagsusulat ang kaya mo — tagalog man o ingles — magbukas ka muna ng blog sa Blogger o sa WordPress. Ang paggamit ng isa sa mga ito ang panimula sa paglalagak ng iyong mga kaalaman, kuwento o repleksyon. Kung maiigsi lang ang nais mong ilathala, sa Facebook o Twitter o Instagram ka magsimula. Mas mainam kung may kasama g larawan ang mga post mo dito. At kunv mas ok sa yo ang video, sa Youtube ka magsimula.

#2 Alamin ang panggagalingan ng kita

Di pare-pareho ang kitaan sa mga platapormang nabanggit ko sa #1. Depende din ito sa panggagalingan ng kita. Sa Youtube, sa mga ads mula sa Google at Youtbe nanggagaling ang kita. Naghahatian lang kayo sa kita (20% ang sa yo). Kapag marami ka ng subscribers sa channel mo, lumalapit na ang mga corporate sponsors. Sa Facebook at Instagram, mas umaasa sa sponsors ang kitaan dito. Sa Facebook videos, meron ding kitaan mula sa revenue-sharing, pero mas ok pa din sa YouTube. Sa blogging naman sa Blogger or Blogspot, sa Google Adsense kumikita. Sa WordPress naman, puwedeng kumita sa Google Adsense at sa mga tinatawag na advertising networks.

#3 Palaguin ang followers o subscribers

Sa kahit na ano’ng klase ng blog (o social media),  ang traffic o dami ng mga followers o subscribers ang pinagmumulan ng advertisers o sponsors. Kaya naman ang dapat mong gawin ay ang iba’t ibang paraan ng marketing. Di ko man mailalahad ang lahat ng paraan dito sa pitak na ito, simulan mo sa paggamit ng Facebook sa promotion. Bakit? Kasi ang Facebook ang may pinaka saktong pamamaraan sa paglagay teksto, larawan, video, at links. Mas mainam ding mag boost ng post sa halagang 40 pesos para mas mabilis ang mag angat ng followers.

#4 Pagkuha ng partners

Sa ngayon, ang Negosentro.com na blog ko ang pinakamatagumpay sa.mga 30+ blogs ko. Lumago ito mula 8 taon na ang nakakaraan dahil sa pagkuha ko ng mga partners mula sa mga nagsusulat (contributors) hanggang sa advertisers. Ang Facebook Page naming mag asawa na He Said she Said Philippines na may mahigit 400,000 followers ay nagtagumpay din dahil sa parehong paraan. Buksan mo ang pinto sa mga partners na silang tutulong sa yong palaguin ang followers at advertisers mo.

Ang mahalaga sa lahat ng ito ay magsimula ka sa  pagtuklas kung ano ang kaya mong ibahagi sa mundo sa pamamagitan ng blog at social media. Gawin mo tong passion mo. Kasunod na ang kumita para dito.

Si Homer Nievera ay isang serial technopreneur at makokontak sa chief@negosentro.com

(Visited 3,338 times, 1 visits today)

You may also like