ni Homer Nievera, CDE | Bawat negosyo ay nangangailangan ng maagap na paraan ng motibasyon sa mga empleyado. Ito ay dahil sa ang pinaka-mahalagang aspeto ng negosyo ay ang iyong mga tao. Narito ang ilan sa mga tip para dito —

#1 Alternatibo ng Lugar ng Trabaho

Ilang taon na ang nakakaraan nang margining ko ang terminong “tele-commuting” o ang pagtrabaho na gamit ang telepono o Internet habang nasa daan ka. Ito ang simula noon ng ngayo’y kilalang “work anywhere.” Kasi nga naman, di na talagang kailangang laging pisika; na nasa opisina ang tao mo. Puwede naman silang gumamit ng ibang paraan gaya ng Skype. Ako kasi, dahil na din sa trapik, pumapayag ako ng work-from-home sa ibang empleyado. Nasa iyo naman ang desisiyon kung sino ang akma dito. Ang alam ko, mas tumaas ang performance ng ilang emplyado gaya ng graphic designer o copywriter na di na sasalang sa trapik para magtrabaho.

#2 Maliliit na Insentibo o Paraan ng Reward

May hangganan ang pagbibigay ng pera bilang insentibo sa mga tao. Minsan nga, may mga tao na nais lang magpalago ng kaalaman at ang pagpapadala sa seminar ay sapat na motibasyon. Ang iba naman, nais ng bonding activities gaya ng “Binondo Walk” o simpleng pamamasyal lang kasama ng mga kapwa empleyado. Mag-eksperimento ukol dito.

#3 Pagbibigay ng Pagkakataong Mag-desisyon

Minsan, nahihirapan ang isang empleyadong intindihin ang sitwasyon ng mga boss kung sila mismo ay di nakakapag-desisiyon gaya nila. Bigyan mo sila ng kaunting puwang para makapag-desisiyon. Ito marahil ang tutlong para lumawak ang kanilang kaisipan at lumabas ang mga ideya na makakatulong sa negosyo mo.

#4 Pagpapalaganap ng Creativity o Pagka-malikhain

Gaya ng nasabi ko, ang motibasyon ng isang empleyado ay kulang dahil di sapat ang oras at puwang para sa talent nito. Isali mo sila sa tinatawag na “Ideation Sessions” o mga sesyon kung saan puwede silang limikha ng mga ideya para sa negosyo mo.

#5 Patuloy na Bukas ng Komunikasyon

Habang lumalaki ang kumpanya, nagkakaroon ng gap ang mga empleyado. Di dahi, sag alit sila sa isa’t isa, kundi sadyang walang oras o kulang ang panahon para magka-usap. Lalu ng mas mahirap ang komunikasyon kung puro email ang ginagawa nila. Buksan mo ang linya ng komunikasyon sa pamamagitan ng mas maraming miting. Mas personal ang komikasyon, mas mainam.

#6 Simpleng Papuri

Maaaring simple ang tingin mo dito pero sa totoo lang di simpleng gawain ang pagpuri sa isang tao lalu na kung ang boss ay di sanay dito. Ito ang dapat na pagtuunan ng pansin. Kung saan dapat may papuri, ibigay ito. Maging sensitibo sa sitwasyon. Minsan, umaalis ang isang magaling na tauhan dahil di man lang napuri o kaya’y, inako ng boss ang papuri sa lahat ng ginawa ng team.

Gusto mong lumago ang negosyo mo? Ayusin ang mga programang magbibigay ng motibasyon sa mga tauhan mo.

Si Homer Nievera ay isang digital transformator at founder ng Negosentro.com na tumutulong palawigin ang kaalaman sa Internet at teknolohiya para maiangat ang kabuhayan ng mga Pilipino. Kung may katanungan, magpadala ng mensahe sa email@negosentro.com o hanapin siya sa Facebook.com/thepositivevibespage.

(Visited 178 times, 1 visits today)