ni Homerun Nievera | Sa panahon ngayon, di ka makaka establisa ng isang startup kung walang halong teknolohiya ang pag setup mo nito. Di lang dahil may social media ka, teknolohiya na itong matatawag. Marami pa kasing puwedeng gawin na ang pakay ay: automation, support, tulong sa proseso, o kaya ay systems analysis.

Kung anuman ang iniisip mong hakbang, alalahanin ang ilang tips na ito:

#1 I-assess ang Startup

Tingnan mong maigi ang mga gawaing ng negosyo mo. Sa anong mga area ng startup mo ang kaya naman ng tauhan mo at kung saan mas makakatipid ka. Ang unang tinitingan kasi ay ang productivity ng mga tao o kaya ay ang ROI (retrun on investment) ng isang tao versus ang tech solution. Tingan mo ang kasalukuyang gamit mong teknolohiya kung ok ba o hindi. Baka naman kailangan lang ng upgrade. Mag desisyon ng susunod na hakbang pagkatapos mong i-assess ang meron ka ngayon bg naaayon sa tauhan na meron ka.

#2 I-assess ang mga Tauhan

Maraming klaseng tech na kayang palitan o higitan ang gawain ng isang tao. Madalas, mga trabahong paulit-ulit at walang kasamang malalaim na pag analisa ang mga gawaing ito. Halimbawa ay ang simpleng Quick Books o Zero na parehong accounting software.

Mas napapabilis kasi ang accounting kung kahalili ang mga tech tools na ito. Minsan, di naman ganap na tech ang kailangan kundi outsourcing lang na.may kasamang tech lang sa pag monitor.

Kamakailan, nalaman ko na mas mainam na naka outsource ang pagkuha ko ng content para sa negosyo kong may kinalaman sa pamamahala ng mga blogs.

Dahil global ang mambabasa ko, nagapagtanto ko na maraming contributors pala ako kaya lumalaki kami ng di ko naman kailangan ng in house writer. Ang pag-track lang ng mga contributions ang kinailangan ko. Kaya naman nung mag resign ang isang writer ko, di ko na siya pinalitan. Gumagamit na lang ako ng technology na siyang nag track ng mga contributions.

#3 Training ng Staff

Kung nakapag desisyon ka nang gumamit ng teknolohiya sa negosyo mo, siguraduhin ang tamang training ng mga staff mo na gagamit at makikipag ugnayan dito.

May isang unibersidad akong alam na nagpalit ng isang sistema niya na milyon milyon ang halaga. Di naihanda ang training ng staff na gagamit nito kaya mahigit isang taon daw itong natengga. Sayang ang pera.

#4 Magkaroon ng Back-up na Plano

Di basta basta ipaubaya sa teknolohiya ang lahat ng gawain ng negosyo o startup mo. Kung walang backup plan, baka magsisi ka. Halimbawa, sa mga blogs ko, dapat siguradong may physical backup ako. Ilang beses na ding inatake mga hackers ang mga ito kaya laging may backup plans ako.

Ganun din sa mga ERP systems na nakakonekta sa maraming bahagi ng negosyo mo. Kung biglang bumigay ito, paano na? Madalas, ang mga supplier ng tech ay may mga warranty at guarantee. Suriin ang mga ito at magtanong hanggang ok ka na sa paliwanag.

Ang teknolohiya ay mahalang parte ng negosyo. Magsaliksik, magtanong-tanong at subukan muna bago sumabak ng tuluyan. Pero sa huli, malaking tulong ito sa.pagnenegosyo.

Si Homer Nievera ay isang digital transformator at founder ng Negosentro.com na tumutulong palawigin ang kaalaman sa Internet at teknolohiya para maiangat ang kabuhayan ng mga Pilipino. Kung may katanungan, magpadala ng mensahe sa email@negosentro.com o hanapin siya sa Facebook.com/thepositivevibespage.

(Visited 3,435 times, 1 visits today)