ni Homer Nievera, CDE | Hindi madaling magpaganda ng reputasyon ng negosyo mo sa mga panahong ito ng social media. Masyadong maraming puwedeng sabihin ngunit di kaagad na maniniwala ang mga makakabasa o makakarinig ng mga ito. At di dahil marami kang followers sa social media, ay ibig sabihin, kaya mon ang palawigin ang isang magandang reputasyon. Ngunit may mga tips (o hacks) na ibabahagi ko sa inyo lalu na’t maliit lang ang bisnes mo at walang badget para sa PR.

#1 Kawang-gawa

Simple lang ito at di naman talaga kailangan ng budget nap era. Kasi maraming volunteer ang kailangan oras at talent. Yung mga ganitong bagay ay madaling ayusin para mailagay sa social media. Kadalasan, ang mga malalaking kawang-gawa ay nailalathala din sa diyaryo o kaya’y lumalabas sa TV. Mas mainam din kung opisyal ka sa mga organisasyong may kawang-gawa dahil sa pagkakataong ma-interbyu. Ang tip ko ditto ay simple din – magpakatotoo ka. Alam ng mga tao kung puro ka lang PR.

#2 Expertise

Sa ingles, tawag naming dito ay “Thought Leadership.” Isa itong pagkakaton na naipapamalas mo ang galling mo sa isang bagay na may kinalaman sa negosyo mo. Isang halimbawa ay ang pagiging madalas na pagka-speaker o trainer ko sa larangan ng digital at social media. Oo, may negosyo akong may kinalaman sa mga ito. Ngunit ang pagbibigay ko ng mga talk sa larangang ito ay repleksiyon ng expertise din ng kumpanya ko. Nakikilala nila ako sa husay sa aking larangan kaya naman nagiging repleksiyon ito ng husay ng kumpanya ko.

#3 Tulong sa Komunidad

Lalu na’t nasa isang komunidad ang negosyo mo, mas mainam na nakikita kang tumutulong dito. Halimbawa, kung sa PPCRV ka boluntir kung eleksyon, nakikilala nila ang pagiging makabayan mo. O kung sa simbahan ka nagsisilbi, nakikilala nila ang maaring integridad mo. Mukhang simple itong paraan na ito pero mahirap din dahil puwede ding bumaligtad ang dating sa mga tao. Baka nga humingi ng ibreng serbisyo ang isang kasamahan, bilang halimbawa. Ang mahalaga, ay umikot ka sa komunidad mo at tumulong. Maganda na sa negosyo, maganda din sa puso mo.

#4 Laging Unahin ang Empleyado at Kostumer

Kung paano ka magtrat ng empleyado at kostumer, ganun din ang tingin ng ibang tao say o bilang may-ari. Kaya magpakabait ka’t magpaka-totoo sa lahat ng tao. Ang pakikitungo mo sa iba ang pinaka-mahalagang hack na magagawa mo para lumawig ang reputasyon ng negosyo mo.

Isang halimbawa ay ang sulat ng isang kilalang pribadong kumpanya ng mga columbarium at libingan sa south ng Metro Manila sa kanilang mga kostumer. Kamakailan, nagpadala sila ng sulat sa mga kostumer na madadagdagan ng limang beses ang babayaran nila na “fees” para sa pag-maintian ng lugar dahil kukulangin daw ang pondo nila sa mga darating na panahon. Ang repleksiyon nito sa kanila ay ang maling pamamalakad at ang magbabayad ay ang mga kostumer na wala namang kinalaman sa pamamalakad na ito. Ang mas masama pa rito ay ang karamihan sa kostumer nila ay matatanda na at walang kapasidad na bayaran ito. Ang sagot nila – bayaran na lang ng mga kamag-anak ang dagdag na fees dahil hindi daw maililibing o mailalagak ang abo nito (kapag kolumbaryum ang kinuha) kung di makakabayad. Yun lang, kilala sa lipunan at sa pagnenegosyo ang pamilya ng nasabing negosyo. Repleksiyon din sa kanila itong insidenteng ito. Simpleng sulat. Malaking impak sa reputasyon, di ba?

Sa bawat negosyo, kailangan ng magandang reputasyon. Iwasan ang puro PR lamang. Maging mabuting tao at negosyante, at maganda ang balik nito sa negosyo mo.

Si Homer Nievera ay isang digital transformator at founder ng Negosentro.com na tumutulong palawigin ang kaalaman sa Internet at teknolohiya para maiangat ang kabuhayan ng mga Pilipino. Kung may katanungan, magpadala ng mensahe sa email@negosentro.com o hanapin siya sa Facebook.com/thepositivevibespage.

(Visited 115 times, 1 visits today)