ni Homer Nievera, CDE, CVM, CCM | 5 Gawaing Magpapa-ungos sa Negosyo mo sa Better Normal ng 2021 | Kumusta ka-negosyo? Nawa’y nasa Mabuti kang kalagayan matapos ang sunud-sunod na unos na dumaan sa bansa, lalu na sa buong Luzon. Maraming mga negosyo ang nalugmok dahil sa mga krisis na ito. Marami ding mga negosyo ang tumulong at patuloy na tumutulong sa mga nasalanta. Kasama dito ay ang dalawa sa mga kliyente ko na Glorious Industrial Development Corporation at ang Domino’s Pizza Philippines. Kudos sa inyo at mabuhay!

Sa pitak na ito, ilalarawan ko ang limang bagay na makakatulong upang makaungos ka sa 2021. Malamang, naiisip mo na ito. Bukod sa mga gawaing makakapagpalakas sa negosyo mo, kung anu-anong bagay ang makakatulong naman para malampasan mo ang mga kakumpitensiya mo, di ba?

O siya, tara na at matuto!

#1 Balikan ang iyong USP

Sa laranagn ng marketing, mahalaga ang pagkakaroon ng kaibahan sa iyong produkto na ipagmamalaki mo laban sa kumpetison. Ang tawag dito ay USP – o ang Unique Selling Proposition. Sa madaling salita, ang USP ang siyang natatanging bagay sa miyong produkto o serbisyo na nagsisilbing naghihiwalay sa iyo sa iba.

Siguro naman kahit paano ay naisip mon a itong bagay na ito. Kung hindi pa, ngayon na ang pagkakataon upang malaman mo ang iyong USP o kaya’y makagawa nito.

Halimbawa, sa mga sabong panlaba, iyong unang naglagay ng fabric softener ang siyang naglagay nito bilang kanyang USP. Nang lumaon, may sumunod na din ang iba. Kaya ang ginawa naman ng manufacturer ay naglagauy naman ng kakaibang amoy – iyong amoy pabango! Kalaunan, may mga gumaya na din sa ganitong USP. Kaya naman, tinarget naman nila ang sariling fabric softener na ang kaibahan ay tumatagal ng buong araw kahit pinawisan na ang nagsuot ng damit na nilabhan gamit ang fabric softener nila. Ganyan ang gagawin nila nang paulit-ulit upang lagging maihiwalay at makaungos ang kanilang produkto o serbisyo sa isipan ng mamimili.

Ang mahalaga sa bagay na ito ay ang komunikasyon ng mensahe ng iyong USP sa mga mamimili. Kung paano mo ipapalaganap ang mensaheng ito ay siyang magiging pangunahing Gawain na dapat balankasin sa mga istratehiya mo sa 2021.

#2 Buuin ang iyong ASP

Kung may USP, may kakambal itong ASP – ang iyong Authentic Selling Proposition.

Kung ang USP ay may kinalaman sa pagkakaiba ng produkto o serbisyo mo sa iba, ang ASP naman ay kung ano ang TUNAY na kaibahan nito sa iba. Nakakalito ba?

Ang pagdating ng social media ay nagpalaganap ng mga mensaheng tunay at di tunay. Dahil sa social media, nauso ang Fake News. Kaya naman dahil dito, mas maraming pagdududa ang mga mamimili. Di na sila basta-basta naniniwala sa mga bagay-bagay na lumalabas sa social media.

Kaya naman dapat mong ipalaganap ang tunay na bahagi o features ng iyong produkto at ipalaganap ito sa tamang pagtimpla ng mga mensahe sa social media at sa iba’t ibang lugar sa online gaya ng mga blogs.

Isang halimbawa ay ang aming isang negosyo na may kinalaman sa digital marketing. Marami na kasing mga gumagawa ng mga serbisyong may kinalaman sa social media at digitam marketing nang kabuuan. Kaya naman alam naming na marami kaming kalaban.

Noong minsang nag-planning kami, nabilang naming ang pag-aari naming mga website na mahigit 30. Kaya naisip naming na ito na mismo ang ASP namin. Tunay na pagkakaiba ito kasi ng kung ang mga ibang digital marketer ay makakapagbigay ng serbisyong pagsusulat, SEO, pagbuop ng website, pag-manage ng social media at iba, walang kumpanyang merong mahigit 30+ na websites na puwedeng paglagakan ng mga ads at gamiting PR. Kami lang yung merong ganito. Di ito makukuwestiyon kas inga totoong-totoo.

Kaya naman para sa yo ka-negosyo, hanapin ang ASP mo at ito ang ipalaganap sa yong mga komunikasyon.

#3 Saliksikin ang kumpetisyon

Ilang beses ko na itong paulit-ulit na isinasama sa aking mga ushestiyon. Bakit? Marami kasing mga negosyante ang kampanmte na sa kanilang kalagayan. Kung di mo i-challenge ang iyong sariling kakayahan, mauungusan ka ng mg akakumpitensiya mo – yung  mga datihan na o kahit na yung mga bago.

Sa larangan naming ng content marketing, marami kaming kalaban sa mundo. Ang nabanggit kong ASP ay nanggaling sa pagsasaliksik ng ibang kumpetisyon. Nagplano kami upang makilala ang pagkakaiba naming. Sa totoo lang, sa sarili naming kakayahan, meron kaming mahigit 1 milyomg followers sa social media sa iba’t ibang komunidad na hawak naming. Nakita kasi namain sa mga kumpetisyon na walang hawak silang ganun karaming followers – kami lang!

Tiningnan  din naming ang mga istratehiya kung paano sila kumikita. Ang kita kasi ng kumpetisyon ay komisyon sa budget na kanilang pinamamahalaan. Kaya naman ang istratehiya nila ay palakihin ang sisingiling budget na sa huli, nagging pababaan na lang ng komisyon.

Ang ginawa naman ay ang tinatawag na “retainers fee” na may buwan-buwan na fixed management fee. Malaki man o maliit ang budget ng kliyente, alam na nila ang fees naming. Sa ganitong panahon ng krisis, dapay makakatipid ang kliyente, di ba? Kaya sa amin, nakakatipid sila dahil ang ibinabalik naming halaga o values ay mahigit doble (o triple!) sa ibinabayad nila sa amin.

Ikaw, nasilip mo na ba at naanalisa ang kumpetisyon?

#4 Gumamit ng teknolohiya

Isa sa mga kalamangan naming sa Negosyo naming sa digital marketing ay ang pagkakaroon ng iba’t ibang teknolohiya na nagpapabilis at nagpapa-ayos ng aming trabaho. Isa dito ay ang social media scheduler na siyang nakalagak sa lahat ng mga social media na aming pag-aari. Pag setup naming ng mga ilalagay na content, isang pindot lang at mahigit 40 na social media pages at groups ang lalabasan nito. Bukod dito, mai-skedyul na din ang mga posts hanggang kailan mo gusto.

Sa larangan naman ng website forensics, iba’t-ibang tools o teknolohiya ang ginagamit naming. Bago pa kami mag-propose ng istratehiya, ibibigay na muna naming sa kliyente ang estado ng website nila. Siyempre, walang hula-hula ang aming mga ibibigay na rekomendasyon kasi nai-forensics na naming ito.

Pati na din ang paggawa ng mga reports, na kung saan may mga software na kaming ginagawa na siya na ding nag-aanalisa ng mga datos na napakarami talaga!

Kaya kung may mga bagay na makakaungos say o laban sa iba, gumamit ka ng teknolohiya.

#5 Kilalaning mabuti ang kostumer

Kung kikilalanin mo ang iyong kalaban sa negosyo, lalu na siguro ang iyong kostumer, di ba? Dahil sila na mismo ang nag-aakyat ng benta sa yo. Ang negosyong di kinikilala ang kostumer niya ay may malagim na kasasadlakan.

Isang halimbawa ay ang kasalukuyang pandemya na maraming negosyong brick and mortar o yung mga walang gamit na ecommerce. Nasaan na ang karamihan dito? Nawala na di ba? Ang mga nagpatuloy lamang ay yung mga nakalipat agad sa ecommerce at yung mga ecommerce ang pinasukang negosyo. Naging maagap kasi sila sap ag-alam kung ano ang nais ng mga kostumer.

Noong walang lockdown, 80 porsyento ng mga namimili online ay COD (cash on delivery) ang gusto. Noong kasagsagan ng pandemya, nagin 80 porsyento ang paggamit ng Gcash, Paymaya, BDO, BPI at iba pa sa pagbabayad. Takot kasing humawak ng pisikal na pera ang mga tao.

Kaya mahalang kilalanin nang husto ang kostumer mo. Nabanggit ko na ang pagbuo ng Persona ng kostumer mo sa ilang pitak na ang nakakaraan. Search mo lang ang website ko ng homernievera.com at mababasa mo ito dun.

Konklusyon

Iba nag ang mundo. Iban a din ang paraan ng pagnenegosyo, lalu na sa 2021 dahil sa pandemya. Kahit pa magkaroon ng bakuna laban sa Covid 19, di na ulit babalik sa dati ang mundo ng pagnenegosyo natin. Handa ka na ba para dito?

Tandaan din, sa lahat ng bagay, dasal, tiyaga at tiwala sa sariling kakayahan ang kailangan upang mag tagumpay, ka-negosyo!

Si Homer Nievera ay isang technopreneur. Magmensahe lamang sa email na chief@negosentro.com kung may mga katanungan.

(Visited 3,379 times, 1 visits today)