5 Tips para sa Entrepreneur sa harap ng Krisis sa Covid 19
Blog, Learning, Online Business, Startups
ni Homer Nievera, CDE, CVM | KUMUSTA, ka-negosyo? Kung taga-Metro Manila ka at ang iyong negosyo ay nasa isa sa mga siyudad dito o gaya nito, malamang ay nangangapa ka kung ano’ng gagawin mo at ng mga empleyado mo. Malamang, naghahanda ka na para sa maaari pang mangyari dahil sa krisis na ito.
Huminahon ka muna. Magdasal. Katulad mo rin akong entrepreneur at totoo ngang may epekto ang krisis na ito sa ating pagnenegosyo. Narito ang ilang tips na maaari mong pagnilayan at magamit. Tara!
#1 Sumunod sa isinasaad ng kinauukulan o awtoridad
Ang pagsasailalim sa community quarantine ng Metro Manila ay may pinanggagalingan at pinag-aralan. Maaaring napapansin mo ang medyo kakulan-gan sa linaw ng implementasyon ng kautusan ni PRRD, pero ganoon talaga. Lahat kasi apektado at wala naman sa manual ang krisis na tulad nito. Ang mahalaga ay ang kooperasyon ng lahat. ‘Yan ang una mong gawin at dito mo isusunod ang mga susunod na hakbang.
Kung kailangan mo munang magsara ng opisina o branch o outlet, gawin mo.
Ang kalusugan at buhay muna ang pahalagahan dahil ang negosyo ay maiaangat at maibabalik. Ang buhay ay hindi napapalitan.
#2 Komunikasyon sa kostumer at empleyado
Dahil nga bago ang ganitong krisis, lahat ay nangangapa. Ngunit sa panahong ito, mas lalo kang dapat maging tunay na lider. Unahin mo ang tamang komunikasyon sa iyong mga tauhan, kostumer, partner at suplayer.
Kailangang maisaad mo ang iyong tunay na sitwasyon at iayon sa sitwasyon din nila. Halimbawa, kung nasa mall ang iyong negosyo, malamang maapektuhan ka ng curfew o kaya’y daloy ng tao. Kung dati, maraming tao ang pumapasok sa mall, baka kumaunti na ito nang husto o kaya’y mawala dahil sa posibilidad ng pansamantalang pagsasara nito. Prayoridad naman kasi talaga ang kalusugan ng lahat.
Kung ikaw ay may polisiya o programang nagde-deliver ka sa mga kostumer, ayusin ang sistema nito dahil ‘di mo rin alam kung sino ang makakahawa kanino. May protocol naman dito na dapat sundin gaya ng “social distancing” at ang paggamit ng alcohol o hand sanitizer at face mask.
Sa mga gawaing mababago, siguraduhing maayos at klaro ang komunikasyon ukol dito.
#3 Remote o Work-from-Home
Maraming kompanya ngayon ang nagdesisyong mag-work-from-home na muna upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19. Alam mo naman siguro ang kahalagahan ng pagsasaayos ng setup na ito. Malamang naman kasi na ‘di aayon ito sa lahat ng tauhan mo. Pero ang mga ibang gawain gaya ng admin, IT, finance, marketing at iba pa ay puwede nang gawin sa bahay nila muna. Ang mahalaga ay ang pagkakaroon nila ng access sa Internet, PC at mobile phone.
Sa gaya kong digital ang trabaho at negosyo, ang mga tauhan ko at partners ay noong isang taon pa naka-work-from-home. Ako naman ay halos tatlong taon na naka-work-from-home, bukod sa palagi kasi akong nasa biyahe.
Pag-aralan mong mabuti ang sistema ukol dito. Kung kailangan mong mag-invest ng ilang gamit para sa mga tao mo, gawin mo. ‘Di kasi natin alam kung hanggang kailan ang krisis na ito.
#3 Digital transformation
Maraming uri ng digital transformation na maaari mong gawin sa iyong negosyo. Sa totoo lang, dapat dati mo pa ito sinimulan.
Ang paggamit ng cloud servers, halimbawa, ay kasama rito. Ang paglagay sa cloud ng datos mo ay mura na lang at may iba’t ibang uri ng seguridad. Kasama na rito ang iba’t ibang sistema na magagamit mo sa accounting, finance, payroll at pati na sa marketing at sales.
Ang simpleng simula ng digital transformation sa larangan ng sales at marketing ay ang paggamit ng social media, email marketing, at siyempre, ang iyong website. Ang pagpapalakas ng mga ito ay mahalaga lalo na sa mga panahong ito. Kaya naman sa aking negosyo, ‘di ako nahirapang mag-adjust sa krisis ng COVID-19 ay dahil matagal na akong naka-setup para rito.
Sa ngayon, wala ka namang magagawa kundi gawin na ito kaagad. Kasi kung ma-lockdown ang iyong komunidad o ang mismong gusali kung saan nakalagak ang iyong opisina, tiyak na makatutulong ang mga digital na solusyon, lalo pa’t nasa cloud ang mga ito.
#4 Panahon ng pagmumuni-muni at pagsasaayos ng mga plano at bagay-bagay
May mga kaibigan akong nasa negosyo ng events, travel at iba pa na lubos na apektado ng krisis dahil bawal ang malalaking pagtitipon. Isang kilala ko ay isang travel agency na may trips patungong Europe na sentro na ng coronavirus. Isa pang kilala ko naman ay may pitong events na na-cancel. Ako mismo ay mga tatlong events kung saan kami ay may booth ang na-cancel na rin.
Ano’ng gagawin mo sa sitwasyon na ganito?
Ang maipapayo ko ay ang pagmumuni-muni muna kung ano ang mga susunod na hakbang ukol sa buong negosyo. Baka naman kailangang magkaroon ng ibang sangay ang negosyo mo na ‘di nakadepende sa maraming tao. Halimbawa, ang virtual travel agency kung saan ang mga tao ay tila nagpunta sa isang lugar ngunit ‘virtual’ lamang.
Ang paggamit sa oras na halos wala kang gagawin ay maaari mong gamitin sa pagpaplano pa. Baka puwede kang magkaroon ng “strategy conference” kahit online lamang.
O baka naman panahon na rin ito upang pagnilayan ang maraming bagay gaya ng pamilya, anak, at ibang sangay ng iyong buhay na maaaring naka-kaligtaan mo gaya ng kalusugan.
Maging positibo. Lilipas din ito. Gamitin mo ang ang extrang oras na ito sa mahahalagang bagay na makapag-aangat pa sa iyong negosyo at estado sa buhay.
#5 Mag-aral
Kasalukuyan akong naka-enrol online sa isang kurso na may kinalaman sa social entrepreneurship. Ginagamit ko ang mga panahon na ito ng krisis sa pag-aaral ng bagong kaalaman. Lifelong learning kasi ang isa sa mga adbokasiya ko kaya ako na mismo ang nauunang gampanan ito.
Ikaw rin sana bilang entrepreneur na malamang ay mas may oras kang gawin ito kung naka-self-quarantine ka sa iyong tahanan. Pagkakataon mo na rin siguro ito na mag-aral kahit online.
Kahit simulan mo sa pagbabasa, go ka lang. Basta payabungin mo ang iyong kaalaman sa panahong ito, ok ka.
Konklusyon
Kakaibang krisis itong ating nararanasan kasama ang buong mundo. Lahat tayo ay apektado.
Ang mahalaga ngayon ay protektahan ang kalusugan mo at ng mga taong nakapaligid sa iyo. Huwag mag-panic. Sa halip, magtiwala sa kakayahan ng awtoridad at higit sa lahat, sa kakayahan ng Diyos.
Ipagdasal ang buong mundo. Sa ngayon, ‘yan ang pinakamahalagang bagay na magagawa ng bawat isa.
o0o
Si Homer ay isang technopreneur at maaaring makontact sa chief@negosentro.com.
(Visited 4,659 times, 1 visits today)
Tags In
Recent Posts
- 8 Karagdagang Tips Mula sa Mga Bilyonaryo Para sa Buhay at Negosyo
- Ilang Mahalagang Pananaw sa Kahalagahan ng SEO sa Maliit na Negosyo
- Ilang mga palatandaan na handa ka nang maging isang negosyante
- Ilang Pangunahing Leksyon mula kay Robert Kiyosaki sa Pamumuhunan
- Benepisyo ng SEO sa Negosyo sa Panahon Ngayon
Archives
- October 2022
- September 2022
- August 2022
- July 2022
- June 2022
- May 2022
- April 2022
- March 2022
- February 2022
- January 2022
- December 2021
- November 2021
- October 2021
- September 2021
- August 2021
- July 2021
- June 2021
- May 2021
- April 2021
- March 2021
- February 2021
- January 2021
- December 2020
- November 2020
- October 2020
- September 2020
- August 2020
- July 2020
- June 2020
- May 2020
- April 2020
- March 2020
- January 2020
- December 2019
- November 2019
- October 2019
- September 2019
- August 2019
- July 2019
- June 2019
- May 2019
- April 2019
- March 2019
- February 2019
- January 2019
- December 2018
- November 2018
- October 2018
- September 2018
- August 2018
- July 2018
- June 2018
- May 2018
- April 2018
- March 2018
- February 2018
- January 2018
- February 2017
- October 2016
- July 2016
- June 2016
- May 2016
- December 2015
- November 2015
- October 2015
- August 2015
- June 2015
- May 2015
- April 2015
- March 2015
- February 2015
- November 2014
- September 2014
- August 2014
- July 2014
- April 2013
- March 2013
- January 2013
Categories
Recent Posts
- 8 Karagdagang Tips Mula sa Mga Bilyonaryo Para sa Buhay at Negosyo
- Ilang Mahalagang Pananaw sa Kahalagahan ng SEO sa Maliit na Negosyo
- Ilang mga palatandaan na handa ka nang maging isang negosyante
- Ilang Pangunahing Leksyon mula kay Robert Kiyosaki sa Pamumuhunan
- Benepisyo ng SEO sa Negosyo sa Panahon Ngayon