Limang Paraan Para Makabawas ng Gastos sa Negosyo o Startup sa 2021
HomerunNievera.com | ni Homer Nievera, CDE, CVM, CCM | Limang Paraan Para Makabawas ng Gastos sa Negosyo o Startup sa 2021 | Kumusta ka-negosyo? Sana nasa mabuti kayong kalagayan. Tuloy-tuloy na po tayo sa 2021 at malamang excited na din kayo sa pagsalubong sa bagong taon.
Sa mga paghahanda natin, kailangan din nating ikonsidera ang pagtitipid at pagbawas ng gastusin sa susunod na taon dahil hangga’t walang malinaw na bakuna, nandiyan pa din ang virus na dala ng pandemya natin. At kung ganoon, tiyak na marami pa ding balakid sa pagnenegosyo.
Narito ang ilang paraan para makatipid ka sa startup o Negosyo mo sa susunod na taon.
O, ano, tara na at matuto!
#1 Pag-isipan ang kasulukuyang opisina
Kumusta ba ang opisina mo ngayon? Kung nagbawas ka ng mga tauhan o kaya ay nag work-from-home na sila o karamihan, baka naman dapat mo nang bawasan ang sukat na kailangan mo?
Baka kailangan mon ang lumipat sa mas maliit na opisina na tiyak na mas makakatipid ka sa renta. Kung mas maliit pa ang kailangan mo, baka mas ok kung maki-pisan ka na lang sa isang shared office space?
Sa isang Negosyo ko kasi, naka work-from-home na lahat. Kaya walang kailangang pisikal na opisina, kundi isang address na lang. Sa totoo lang, yung naka rehistrong address ng aming Negosyo na ito ay nag-umpisa sa isang virtual office na setup. Kahit lumaki na ang operasyon naming, di na namin ito binago. Kaya mas madali nung mag work-from home na lahat kasi wala ng ibang gagawin pa.
Ang mga virtual office ay humigit-kumulang sa 2,000 pesos kada buwan, na may kasama nang tagasagot sa mga tawag, fax number, at iba pa. May kasamang meeting room din ito na libreng 4 na oras kada buwan. Di nga lang namin ito nagagamit talaga dahil Zoom na ang mga miting namin.
Ikaw, ano ang dapat pag-desisyunan ukol sa opisina mo?
#2 Mag-outsource
Sa panahon ngayon, mas mainam na mag-pokus lang sa mismong Gawain kung saan eksperto ka at ipaubaya sa ibang tao o grupo ang mga di mo naman lubos na kakayahan.
Iyan ang ang nadiskubre ko bilang entrepreneur – na di ko kayang gawin ang lahat. Una dito ay ang accounting. Agad namin itong nai-outsource. Sumunod naman ang paggawa ng graphics. Dahil manunulat kami, mas nag-pokus kami dito. Siyempre patio ang paggawa ng video ay nai-outsource na namin.
Mas matipid ba ang mag-outsource?
Iisipin mo muna ang kalidad ng trabaho mo kung ikaw lahat ang magpupumilit gumawa ng lahat ng bagay. Tapos, kung gugugulin mo ang lahat ng oras at pagod sa mga bagay na makakagaan ng isipan at kalooban mo, mas magtatagumpay ka.
Ang maganda naman dito, ay mas kalkulado mo ang halaga ng mga bagay-bagay. Madali naming ipasok sa costing ang mga nai-outsource mo di ba? Bukod dito, wala kang iisipin pang iba patungkol sa responsibildad mo bilang nag-eempleyo.
#3 Kumuha ng mga Freelancer
Ang taong 2020 ay kung kalian dumami ang nag-freelancer dahil nawalan sila ng trabaho dahil sa pandemya. At dahil dito, mas dumami ang suplay ng mga taong maaaring magamit bgilang freelancer sa mas murang halaga.
Kapareho ng pag-outsource, ito naman, di kumpanya ang kausap mo kundi iisang tao sa bawat gawain na kailangan mo.
Isang halimbawa ay ang videographer o events coordinator sa mga kasal. Karamihan diyan, may ibang trabaho bukod sa gawaing ito. Eksperto sila sa mga piling gawaing ito at ikaw ay hindi. Bukod dun, di naman pang-matagalan ang gamit sa kanila, kaya di mo naman sila kailangang ma-empleyo, di ba? Ganun kasimple.
Kaya sa 2021, abangan ang mas marami pang trabahong kayang gawin ng mga freelancer. Nakatulong ka na sa ekonomiya ng kumpanya mo, nakatulong ka pa sa pamilya ng iba.
#4 Gumamit ng mga libreng tools
Ano’ng mga libreng tools ang maaaring gamitin ng isang starup na negosyo?
Unang-una, dahil karamihan naman ng tao ngayong kasalamuha mo sa negosyo ay nasa Internet, di ba mas mainam ay nasa cloud na din ang mga tools mo? Halimbawa dito ay ang paggamit ng Google Docs, Google Sheets, at iba pa. Di mon a kailangan pang i-save sa hard drive o flash drive ang mga files mo dahil nasa cloud na naman. Libre yan, di ba?
Isang tip. Kailangan mo ba ng backup ng mga emails mo? Gumamit ka ng Yahoo Mail kasi 1gb ang kapasidad nito – at libre din!
Ang paghahanap ng mga libreng tools na ma-download mo ay nasa Internet na lahat. Basta ang mahalaga, ay mas gagaan ang trabaho mo at mas makakatipid ka. Pagtuunan mo ng pansin ang mga gawaing mas mapapagaan ng iba’t ibang tools, ok?
‘Wag pahirapan ang sarili, gumamit ng tools, Malaki man o maliit o virtual man o hindi.
#5 Mag-aral ka
Sabi nga ni Ernie Baron – “Knowledge is Power!”
Hanggang ngayon, ang kasabihang ‘yan ay ginto. Maraming libreng kurso ngayon at libreng training. Saliksikin ang mga ito dahil Malaki ang matutulong ng bagong kaalaman sa negosyo mo.
Sa kalaunan, makikita mon a ang mga bagong kaalamn mo ay makakatulong sa pagiging episyente ng operasyon mo at iba’t ibang aspeto kung saan ka mahina ngayon.
Huwag kang papayag na mauungusan ng iba dahil lang sa masipag silang mag-aral at mag-training.
Konklusyon
Ang pagtuon mo ng pansin sa pagtitipid at pagiging episyente ng startup mo sa 2021 ay mahalaga. Ang impact nito ay sa kabuuan ng iyong negosyo at maaari mong dalhin hanggang sa paglago nito.
Tandaan na ang pagnenegosyo ay nangangailangan ng sipag, tiyaga at dasal. Huwag kang mawawalan ng loob kung makakaranas ng pagsubok. Tuloy lang!
—
Si Homer Nievera ay isang techpreneur at makokontak sa chief@negosentro.com.
Recent Posts
- 8 Karagdagang Tips Mula sa Mga Bilyonaryo Para sa Buhay at Negosyo
- Ilang Mahalagang Pananaw sa Kahalagahan ng SEO sa Maliit na Negosyo
- Ilang mga palatandaan na handa ka nang maging isang negosyante
- Ilang Pangunahing Leksyon mula kay Robert Kiyosaki sa Pamumuhunan
- Benepisyo ng SEO sa Negosyo sa Panahon Ngayon
Archives
- October 2022
- September 2022
- August 2022
- July 2022
- June 2022
- May 2022
- April 2022
- March 2022
- February 2022
- January 2022
- December 2021
- November 2021
- October 2021
- September 2021
- August 2021
- July 2021
- June 2021
- May 2021
- April 2021
- March 2021
- February 2021
- January 2021
- December 2020
- November 2020
- October 2020
- September 2020
- August 2020
- July 2020
- June 2020
- May 2020
- April 2020
- March 2020
- January 2020
- December 2019
- November 2019
- October 2019
- September 2019
- August 2019
- July 2019
- June 2019
- May 2019
- April 2019
- March 2019
- February 2019
- January 2019
- December 2018
- November 2018
- October 2018
- September 2018
- August 2018
- July 2018
- June 2018
- May 2018
- April 2018
- March 2018
- February 2018
- January 2018
- February 2017
- October 2016
- July 2016
- June 2016
- May 2016
- December 2015
- November 2015
- October 2015
- August 2015
- June 2015
- May 2015
- April 2015
- March 2015
- February 2015
- November 2014
- September 2014
- August 2014
- July 2014
- April 2013
- March 2013
- January 2013
Categories
Recent Posts
- 8 Karagdagang Tips Mula sa Mga Bilyonaryo Para sa Buhay at Negosyo
- Ilang Mahalagang Pananaw sa Kahalagahan ng SEO sa Maliit na Negosyo
- Ilang mga palatandaan na handa ka nang maging isang negosyante
- Ilang Pangunahing Leksyon mula kay Robert Kiyosaki sa Pamumuhunan
- Benepisyo ng SEO sa Negosyo sa Panahon Ngayon