4 na Paraan Para Magamit sa Marketing ng Startup mo sa 2021
ni Homer Nievera, CDE, CVM, CCM | 4 na Paraan Para Magamit sa Marketing ng Startup mo sa 2021 | Kumusta ka-negosyo? Sana nasa mabuti kayong kalagayan. Nasa dulo na tayo ng paghahanda para sumabak sa 2021 sa ating mga negosyo. Kukumustahin ko lang sana ang aspeto ng marketing na isa sa pinaka mahalagang parte ng istratehiya sa pagnenegosyo.Kung pagtutuunan mo ito ng extrang pansin, marahil ay makikita mon a meron pang ikagaganda ang pagnenegosyo mo sa susunod na taon.
Narito ang ilang paraan para masigurong nasa tamang linya ang marketing ng negosyo o startup mo sa 2021.
O, ano, tara na at matuto!
#1 Bisitahin ang pag target ng merkado
Kung handang-handa ka na sa pag-rollout ng produkto o serbisyo mo, sana maayos mong nakonsidera ang target market mo. Ang mismong kabuuan ng mamimili o kostumer mo ay siyang dapat mong unahin dahil kung magkamali ka sa aspetong ito, madidiskaril na din ang bawat gawain ng marketing mo.
Paano mo ba gagawin ang pagsasaayos ng target market mo? Ang simpleng sagot diyan ay ang tinatawag na paggawa ng Persona. Ang Persona ay ang kabuuan ng isang taong iniisip mong siyang malaking bahagi ng kostumer mo. Para gawin ito, ilalarawan mo ang tinatawag na demographics nito. Kasama dito ang edad, lugar na kanyang kinaroroonan o ginagalawan, gender, at ang income level niya o yung laki ng kinikita.
Ang unang bahagi ng pagkuha ng Persona ay mahalaga dahil ito ang magiging basehan ng halaga ng binebenta mo, at kung saan mo ito itutulak.
Para naman mas masinsin ang pagtarget mo sa kostumer, ilarawan mo ang mga mas malalim na aspeto ng personalidad (o psychographics) nito. Kasama dito ang iba’t ibang hilig, pangarap, ninanais makamtan at iba-ibang bagay pa.
Ang suhestiyon ko ay ang pagpili ng isang kostumer (imaginary man o hindi) at interbyuhin mo. Isulat mo ang lahat ng kanyang mga sinasabi at i-analisa ang datos.
Dito mo mabubuo ang tipikal na kostumer mo. Lahat ng aspeto ng pag-market mo sa kostumer na ito ay mabubuo mo na nang di basta hula-hula.
#2 Saliksikin ang kumpetisyon
Lahat ng negosyo ay may kakumpitensiya kahit papaano. Madalas, may nauna na sa ideya mo. Kaya naman kung magsasaliksik ka ng mabuti, may shortcut ka na sa negosyo mo. Sa paanong paraan?
Kung sasaliksikin mo ang bawat aspeto ng mga kakumpitensiya mo, mula operasyon hanggang marketing, malalaman ang mga dapat iwasan, paghandaan at gagayahin o mas papalawigin, di ba?
Ang pagsaliksik sa kumpetisyon ay maaaring gawin online. Search mo ang Google at Facebook bilang pangunahing paraan kung saan makikita ang tungkol sa kanila. Kapag nakakita ka ng kapareho mong Negosyo, malamang makikita mo sa bababa ng search results ang iba pang kakumpitensya mo. Tandaan mon a maaaring direkta o di direkta ang kompetisyon ha?
Ang mga dapat tingnan ay ang mga piling produkto na kanilang mina-market. Dito mo malalaman kung ano ang istratehiya nila sa kabuuan ng negosyo nila dito. Pag-aralan mo din ang branding at pagpapalawig ng kanilang reputasyon.
#3 Ayusin ang reputasyon mo online
Dahil karamihan ng milenyal at GenZ ay nasa online at mobile, mabilis na-se-search ang reputasyon ng isang produkto o serbisyo. Sa pamamagitan lamang ng pag-tsek sa reviews ng mga ito, malalaman na nila kung sino ang pipiliin nila.
Kung nais mong makaungos sa kompetisyon, ang pagkakaroon ng maayos na reviews sa mga online na merkado gaya ng Shopee at Lazada, at ranking na maayos sa Google ay malaking bagay sa reputasyon ng brand mo.
Ano ang mga simpleng gagawin para maayos ang online reputasyon mo?
Una, ayusin ang sariling website at SEO nito. Mahalaga ang papel ng sariling website dahil umaangat ito kesa sa post ng iba tungkol sa brand o produkto mo. Dahil ikaw ang may-ari, kontrolado mo ang nilalaman nito. Ang paglagay ng SEO sa site mo ang siyang makakatulong upang umangat sa ranking ang site mo din at produkto.
Ang pagsasaayos ng mga istratehiya sa social media ay malaking bagay din sa pagkontrol ng reputasyon mo. Isang halimbawa ay ang paglagay ng mga hashtags na siyang ginagamit upang madali kang ma-search sa Facebook at Instagram.Mas mabuti na yung ikaw ang may kontrol sa sarili mong hashtags at nilalaman ng social media mo kesa iba, di ba?
Tandaan mo na ang reputasyon mo online ay malaking bahagi ng marketing mo sa 2021.
#4 Patatagin ang sistemang online sales at marketing
Siyempre, kailangan maayos ang mga sistemang gagamitin mo sa online sales at marketing ng startup o negosyo mo para sa 2021.
Tandaan mo na dahil sa pandemya, nag-shift patungong digital sselling o ecommerce ang kostumer ngayong 2020. Kailangan mong sumunod sa dikta ng panahon. Di ka puwedeng umiwas o mahuli. Paano ba magsimula sa ganitong pamamaraan?
Kung startup ka pa lang, nariyan ang Lazada at Shopee. Ang sistemang gamit nila ay simple at madaling intindihin. Mabilis lang din ang pag setup.
Kung meron ka ng website, mas paigitngin mo ang ecommerce setup nito, bukod sa pagsasaayos ng SEO. Ang SEO kasi ang mas magiging istratehiya mo sa paghatak ng mga kostumer sa Google. Magagamit din ito sa Facebook kung may mga content ka na i-share mo dito. Magagamit mo dito ang hashtags din at ang marketplace ng Facebook. Maraming groups sa Facebook ang tila marketplace na din kaya mas mainam na ayusin ang istratehiya ukol dito.
Meron ding magagamit na influencers sa pagtulak ng mga produkto o serbisyo mo. Di naman kailangang celbrity ang influencer mo. Kung merong 5,000 pataas na followers at pasok sa uri ng binebenta mo, ok na yun.
Ang pundasyon ng pagbebenta online ay siyang magiging labanan sa 2021. Kung nasimulan mo na ito, mas pagbutihin dahil ang kumpetisyon ay nag-iisip din ng mga istratehiyang tulad nito.
Konklusyon
Ang pagtuon mo ng pansin sa marketing para sa Negosyo o startup ko sa 2021 ay mahalaga. Dahil na din sap ag-shift ng kostumer online ngayong pandemya, ayusin mo ang istratehiya dito.
Tandaan na ang pagnenegosyo ay nangangailangan ng sipag, tiyaga at dasal. Huwag kang mawawalan ng loob kung makakaranas ng pagsubok. Tuloy lang!
—
Si Homer Nievera ay isang techpreneur at makokontak sa chief@negosentro.com.
Recent Posts
- 8 Karagdagang Tips Mula sa Mga Bilyonaryo Para sa Buhay at Negosyo
- Ilang Mahalagang Pananaw sa Kahalagahan ng SEO sa Maliit na Negosyo
- Ilang mga palatandaan na handa ka nang maging isang negosyante
- Ilang Pangunahing Leksyon mula kay Robert Kiyosaki sa Pamumuhunan
- Benepisyo ng SEO sa Negosyo sa Panahon Ngayon
Archives
- October 2022
- September 2022
- August 2022
- July 2022
- June 2022
- May 2022
- April 2022
- March 2022
- February 2022
- January 2022
- December 2021
- November 2021
- October 2021
- September 2021
- August 2021
- July 2021
- June 2021
- May 2021
- April 2021
- March 2021
- February 2021
- January 2021
- December 2020
- November 2020
- October 2020
- September 2020
- August 2020
- July 2020
- June 2020
- May 2020
- April 2020
- March 2020
- January 2020
- December 2019
- November 2019
- October 2019
- September 2019
- August 2019
- July 2019
- June 2019
- May 2019
- April 2019
- March 2019
- February 2019
- January 2019
- December 2018
- November 2018
- October 2018
- September 2018
- August 2018
- July 2018
- June 2018
- May 2018
- April 2018
- March 2018
- February 2018
- January 2018
- February 2017
- October 2016
- July 2016
- June 2016
- May 2016
- December 2015
- November 2015
- October 2015
- August 2015
- June 2015
- May 2015
- April 2015
- March 2015
- February 2015
- November 2014
- September 2014
- August 2014
- July 2014
- April 2013
- March 2013
- January 2013
Categories
Recent Posts
- 8 Karagdagang Tips Mula sa Mga Bilyonaryo Para sa Buhay at Negosyo
- Ilang Mahalagang Pananaw sa Kahalagahan ng SEO sa Maliit na Negosyo
- Ilang mga palatandaan na handa ka nang maging isang negosyante
- Ilang Pangunahing Leksyon mula kay Robert Kiyosaki sa Pamumuhunan
- Benepisyo ng SEO sa Negosyo sa Panahon Ngayon