Tatlong Prinsipyo na May Kinalaman sa Pagiging Matagumpay ng isang Tao
ni Homer Nievera, CDE, CVM | Marami na tayong nababasa sa Internet ukol sa mga kasanayan at iba pang tips upang maging matagumpay sa buhay at sa pagnenegosyo. Marami na din akong personal na nasubukan at sinunod sa mga samut-saring payo. Pumili muna ako ng tatlong prinsipyo na akin mismong naransan o at pinag-aralan na ibabahagi ko sa inyo.
Sana kahit paano ay may matutunan kayo sa bahaging ito ng aking pitak. Tara!
#1 Outliers
Ang isang “outlier” ay isang tao na di nasasakop ng normal na katayuan o kasanayan na nararanasan o pinagdadaanan ng isang tao.
Isang batikang manunulat at bisyonaryo si Malcolm Gladwell. Isa sa mga naisulat niya ay ang librong “Outliers” kung saan inilalarawan niya ang pinanggagalingan ng mga matagumpay at mayayamang mala-henyo na tao ay ang paulit-ulit na paggawa ng mahigit 10,000 na oras sa isang bagay o kasanayan.
Ang mga piloto na nagsasanay magpalipag ng eroplano ay kadalasang nangangailangan ng 10,000 oras sa pagpapalipad bago mabigyan ng lisensyang pang-komersyal.
Ayon kay Gladwell, kailangan ng 10,000 oras nap ag-praktis ang isang tao bago maging tunay na dalubhasa siya sa gawaing napili. Ito din daw ang dahilan kung bakit mas may kakayahang magtagumpay ang isang tao.
Ang bandang Beatles ay tumugtog sa bayan ng Hamburg sa Germany mula 1960 hanggang 1964. Ang mahigit 10,000 oras na pagtugtog ay nakatulong nang malaki sa paghasa sa kanila sa kanilang napiling propesyon. Naging matagumpay sila sa pagiging band ana hanggang ngayon ay kanila pa ring natatamasa at ng kanilang pamilya ang bunga nito.
Ang ina ni Bill Gates ay dating kasama sa board of directors ng IBM. Ang taon noon ay 1968 at kakaunti lamang ang mga taong may access sa mga kompyuter noon. Ang pagkakataong iyon ay di pinalampas ni Gates at mahihit 10,000 oras ang iginugol niya sa programming. Alam na natin marahil ang nagging resulta nitong kasanayan na ito.
Kaya anuman ang katayuan mo sa buhay, di mo masasabing puwede kang magtagumpay kung di mo naman ito pagta-trabahuhan. Ang kahalagahan ng sipag at tiyaga ay ninumeruhan ni Gladwell sa kanyang libro – 10,000 oras ang kailangang gugulin sa isang bagay o kasanayan.
Aral-aralin din pag may time? Hindi. Gugulan ito ng 10,000 oras!
#2 S.M.A.R.T. Goals (o Layunin)
Ang pagkakaroon ng mga mithiin, hangarin o goals sa buhay ay kulang kung hindi mo iaayon sa tinatawag na S.M.A.R.T. goals. Ang bawat letra ng SMART ay may ibig sabihin o pinatutungkulan kung ikaw ay gagawa ng goals.
Unang-una, di ka naman uusad sa buhay kung di mo alam saan ka tutungo. Kung di moa lam ang gusto mo sa buhay, paano mo ito makakamit?
Ang pagkakaroon ng SMART goals ay isa lamang giya kung paano ka gagawa ng goals mo. Narito ang pinatutungkulan nito.
Ang pagkakaroon ng SPECIFIC GOALS ay nangangahulugang dapat tiyak ang layunin mo. Halimbawa, nais mong yumaman. Pero di mo naman sinasabi kung gaano kayaman ang nais mo, di yan tiyak. Isa pa, kung nagdarasal ka at humiling ka ng sasakyan, at binigyan ka ni Lord ng tricycle kesa isang van, baka malungkot ka. Gets mo? Tumbukin mo ang nais mo o layunin.
Ang “M” ay Measurable o nasusukat. Ang bawat layunin mo ay dapat kaya mong sukatin at di lamang basta-basta. Kung nais mong yumaman, sabihin mo, nais mong maging bilyonaryo. Dahil malamang, yan ang sukatan mo ng pagiging mayaman.
Noong 2010, naglatag ako ng aking Dream Board kung saan isinaad ko nais kong magkaroon ng limang milyong piso sa bangko, kasukatan ng pagiging tagumpay ko sa negosyo. Nang makamit ko ito loob ng tatlong taon, nanghinayang ako. Dapat pala, nilakihan ko na!
Ang kasunod na letra na “A” ay nangangahulugang “Attainable.” Mahirap nga naming magkaroon ng layuning aakyat ka sa buwan eh alam mo naming ilan lang ang astronaut na napipili para ditto. At di ka man lang sieyntipiko! Di ko sinabing imposible, ang sinasabi ko lang ay achievable o kayang makamit – sa isang itinakdang panahon.
Ang “R” kasi ay ang “Relevant” o may kaugnayan sa napili mong negosyo o kasanayan mo. Gaya nga ng pagiging astronaut at ikaw ay walang kinalaman sa siyensya, Malabo nga itong layunin mong ito.
Ang “T” naman ay ang “Time-bound” o yung may itinakdang oras o panahon. Lahat kasi ng goals o layunin ay dapat alam mo kelan mo dapat ito makamit.
Kung susumahin natin ang SMART Goals sa isang halimbawang layunin, naisin mong magkaroon ng sampung milyong piso sa bangko sa loob ng sampung taon bilang isang negosyante. Smart di ba?
#3 Dream Board
Nabanggit ko na ako ay naghulma ng aking Dream Board noong 2010. Ano nga ba ito?
Ang Dream Board o Vision Board ay isang koleksyon ng mga bagay nan ais mong makamit o mapagtagumpayan. Maari ding nakapaloob ditto ang mga quotes o salitang magbibigay motibasyon na makamit mo ang mga bagay-bagay sa buhay. Ang konspetong ay ay tila literal kung saam gagawa ka ng poster ng mga mithiin o layunin mo sa buhay. Siyempre, dapat S.M.A.R.T. din ito.
Ang nabanggit kong Dream Board ko na ginawa ko sampung taon ang nakakaraan ay iisa na lang ang di ko pa nakakamit. Iyong ang pagkakaroon ng sariling yate.
Ang konsepto ng dream board ay sadyang paraan ng biswal na paalala sa iyo sa araw-araw kung ano ng aba ang pangarap mo sa buhay. Ang representasyon ng mga litrato o mga quotes na nandito ay siyang nagbibigay linaw sa mga layuning dapat tuparin. Kasama na itong mga ito sa iyong pagdarasal at pati ang mga taong nakakasalamuha mo ay nagiging daan patungo sa katuparan ng mga ito.
Konklusyon
Tatlo lamang ito sa mga prinsipyong sinusunod ko sa aking buhay at pagnenegosyo. Ang mahala ay lagging kang magdasal at magtiwala sa Diyos na Siyang may tunay na hawak ng magagandang plano para sa iyong buhay. Sipag at tiyaga at ang maayos na relasyon sa kapwa ay pangalagaan lagi – anuman ang marating mo sa buhay.
—
Si Homer ay isang technopreneur at makokontak sa email niyang chief@negosentro.com
Tags In
Related Posts
Recent Posts
- 8 Karagdagang Tips Mula sa Mga Bilyonaryo Para sa Buhay at Negosyo
- Ilang Mahalagang Pananaw sa Kahalagahan ng SEO sa Maliit na Negosyo
- Ilang mga palatandaan na handa ka nang maging isang negosyante
- Ilang Pangunahing Leksyon mula kay Robert Kiyosaki sa Pamumuhunan
- Benepisyo ng SEO sa Negosyo sa Panahon Ngayon
Archives
- October 2022
- September 2022
- August 2022
- July 2022
- June 2022
- May 2022
- April 2022
- March 2022
- February 2022
- January 2022
- December 2021
- November 2021
- October 2021
- September 2021
- August 2021
- July 2021
- June 2021
- May 2021
- April 2021
- March 2021
- February 2021
- January 2021
- December 2020
- November 2020
- October 2020
- September 2020
- August 2020
- July 2020
- June 2020
- May 2020
- April 2020
- March 2020
- January 2020
- December 2019
- November 2019
- October 2019
- September 2019
- August 2019
- July 2019
- June 2019
- May 2019
- April 2019
- March 2019
- February 2019
- January 2019
- December 2018
- November 2018
- October 2018
- September 2018
- August 2018
- July 2018
- June 2018
- May 2018
- April 2018
- March 2018
- February 2018
- January 2018
- February 2017
- October 2016
- July 2016
- June 2016
- May 2016
- December 2015
- November 2015
- October 2015
- August 2015
- June 2015
- May 2015
- April 2015
- March 2015
- February 2015
- November 2014
- September 2014
- August 2014
- July 2014
- April 2013
- March 2013
- January 2013
Categories
Recent Posts
- 8 Karagdagang Tips Mula sa Mga Bilyonaryo Para sa Buhay at Negosyo
- Ilang Mahalagang Pananaw sa Kahalagahan ng SEO sa Maliit na Negosyo
- Ilang mga palatandaan na handa ka nang maging isang negosyante
- Ilang Pangunahing Leksyon mula kay Robert Kiyosaki sa Pamumuhunan
- Benepisyo ng SEO sa Negosyo sa Panahon Ngayon