Kung nais mong magsimulang mamuhunan para sa isang negosyo, ayaw mong biglain ang pag-setup nito. Kung gagawin mo ito sa iyong tahanan sa simula, malaki-laki rin ang iyong matitipid. Mula sa pag-upa ng puwesto o opisina, mga kagamitan, kuryente, wifi, at iba pa.

Ngunit paano kung nakikita mo na itong lumalaki? Paano mo pa lalong pag-iibayuhin ang negosyo mo mo?

Merkado

Kung ikaw ay isang manufacturer ng mga produkto, o kaya’y isang caterer, mainam na sumadya sa mga lokal na pamilihan o merkado. Gaya ng mga tinaguriang Weekend Market o Tiangge. Maraming maliit na negosyo na dito nag-umpisang kumuha ng mas maraming kostumer. Gawin mo ito kung kaya na ng dagdag na puhunan. Para na ding “test-market” ito sa iyo.

Makibenta sa mga ‘Outlet’

Isang klase ng merkado ang mga tinatawag na Outlet Store. Bukod kasi sa mga mall, may mga tindahan na nagbebenta ng mga branded o semi-branded na mga produkto sa mga outlet. Madalas, nasa mall din ang mga ito. Mas mainam nga kung nasa mall ito para mas malaman mo kung kakagatin ng iba pang kostumer ang mga produkto mo.

Online

Isang popular na merkado ang mga online shop. Magsimula ka muna sa social media gaya ng Facebook o Instagram. Mag setup ka ng “Shop” dito at makikita mo ang lawak ng merkado na puwede mo pang pagbentahan ng mga produkto mo.

Magbukas ng Shop o Tindahan

Tiyak na mas malaking puhunan ang pagbukas ng isang stand-alone na shop o tindahan, lalu na sa mall. Gagawin mo lang naman ito kung sadyang handang-handa ka na. Marami ka ng iisipin at aasikasuhin diyan, mula sa mga permit, at dagdag puhunan. Madalas, sa sariling bulsa nanggagaling ang extrang puhunan para dito. Ang payo ko, pumunta ka sa bangko at umutang ng dagdag kapital. Dito mo mahahasa ang sarili sa paghawak ng pera at ang pagpapa-ikot nito. Mas mainam na yan kesa yung naipon mong cash ang gagamitin mo. Tutal, paiikutin mo naman ang uutangin mo at makokompyut mo naman ang perang papasok para mabalanse ang kita at bayarin.

Kung handa ka ng makipagsapalaran mula sa isang home business, tandaan mo lang ang mga simpleng payo na ito. Ano, ready ka na?

AUTHOR: Homer Nievera

(Visited 124 times, 1 visits today)