ni Homerun Nievera, CDE |

Maligayang Pasko po ng Pagkabuhay! Happy Easter po!

Kumusta ang bakasyon? Nakapagmuni-muni ka ba? O nagbabad nang husto sa beach o sa swimming pool? Kumusta ang mga kamag-anak sa probinsiya? Saan ka man galling, siguro naman ay nagpreskuhan ang iyong katawan, isipan at kaluluwa.

Kaya naman sa pagbabalik mo sa mundo ng negosyo, iiksian ko lang ang pitak na ito upang madali mong maisakatuparan ang mga tips na ito upang magtagumpay ka sa negosyo.

Maraming bagay ang dapat pagtuunan ng pansin kunbg nais palakihin at magtagumpay sa kahit na anong negosyo na iyong itatayo o naitayo na. malaking bagay ang sikap, tiyaga, pagkamasinop, timing sa merkado, magandang produkto o serbisyo, at iba pa.

Bilang isang negosyante, kailangan mo ding humingi ng payo sa mga eksperto at matuto sa ibang dumaan na sa pagdadaanan mo pa. Ang mahalaga ay ang pagnanais mong patuloy na umunlad ang negosyo.

#1 Pangasiwaan ang pakikipagsapalaran

Ang susi sa pagnenegosyo at patagumpay dito ay ang pagsiyasat at pag-aaral sa mga bagay na maaaring ikapahamak o ikalugi mo. Una, isa-isahin ang maaaring ikonsidera bilang panganib ayon sa mga gawain mo at ng mga tauhan mo, mga transaksyon, at gayundin ang mga pinanggagalingan ng supply. Kausaoin ang mga piling tao sa negosyo sa loob man o sa labas nito. Tingnan kung gaano ka kalapit sa sakuna o kung malayo naman ay kung ano pa ang dapat mong gawin para malayo sa panganib ang negosyo.

Ok lang naman ang makipagsapalaran sa negosyo. Kasama yan sa tagumpay. Ngunit ayusin lang ang pangangasiwa ditto dahil marami naming paraan para maiwasan ang pagkalugi o pagkatalo sa negosyo. Sa huli, mabuti na yung handa kesa sa mabibigla ka na lang.

#2 Pagplano sa negosyo

Malaking oras ang iginugugugol sa pagpaplano para sa negosyo. Maraming mga bagay ang pinag-aaralan para lamang maisakatuparan ito ng tama.

Balikan mo ang iyong Business Plan. Tingnan mo kung nasaan ka na at kung ano pa ang gagawin para maisapatupad ang kailangan. Paano naman kung kailangan mon a ding ibaling ang pansin sa ibang bahagi ng negosyo o industriya? Paano kung nagbago ang panlasa ng kostumer? May ginagawa ka ba ukol dito? Yan ang ila lamang sa dapat mong pag-isipan.

Sa aming mga may startup na negosyo, may dalawang uri ng Business Plan. Ang isa ay ang tradisyonal na plano at ang isa ay tinatawag na Lean Startup Plan. Ibig sabihin nito ay maaari mong ituon ang plano ayon sa laki at estado ng negosyo mo. Kung mag-uumpisa ka pa lang, dun ka sa Lean Startup Plan. Magsaliksik ka ukol dito kung eto ang sitwasyon mo ngayon.

#3 Pag-aangkop sa negosyo

Kahit gaano ka-detalyado ang Business Plan mo, palaging may kailangang ayusin at ikaw na mismo ang minsa’y babaluktot para lamang mai-angkop ang plano sa sitwasyon. Madalas yan mangyari kung biglang kumikiling ang merkado sa panahon ng pagtaas ng mga presyo ng gasolina. Dapat napaghahandaan mo ang mga katulad niyan. Maaaring di gasolina ang makakaapekto sa negosyo mo, maaaring ang sitwasyon naman ng trapik. Sa panahon ng tag-init, lalu na’t may El Niño, kung nasa agrikultura ka, ano’ng pag-aangkop sa sitwasyon ang ginagawa mo? Pag-isipan yan ng mabuti, kesa magsisi sa huli.

Anuman ang sitwasyon mo at anuman ang klase ng negosyo mo, tandaan at isa-puso ang tatlong bagay na aking nabanggit sa pitak na ito. Ipagdasal lagi ang negosyo dahil ang gabay ng Panginoon ang tanging makakatulong say o sa anumang sitwasyon.

Si Homerun Nievera ay isang technopreneur at consultant sa iba’t ibang kumpanya nang may kinalaman sa tech at digital marketing. Kung nais mong makipag-ugnayan, email mo siya sa chief@negosentro.com.

(Visited 4,177 times, 1 visits today)