Retirado at Senior Citizen – Paano Kikita ng Extra sa Panahon ng Digital | ni Homer Nievera, CDE, CVM, CCM | Kumusta ka-negosyo? Sana nasa mabuti kayong kalagayan. Balik GCQ na naman po tayo dito sa NCR Plus na tinatawag. Ibig sabihin nito, mas luluwag ang pagnenegosyo. Subalit tandan natin na ang tinatawag na positivity rate natin ay sadyang napakataas pa rin kaya ingat lang po tayo. Yun pong mga health protocols po natin ay mas pag-ibayuhin lalu na’t pinag-uusapan ang pagiging airborne ng tipo ng virus na ‘to.

Dito naman sa ating kasalukuyang pitak, kung saan natin tatalakayin ang ilang mga bagay o tips kung paano ng aba kikita ang ating mga lolo at lola at mga retiradong kababayan sa panahon ng digital?

Isa munang tunay na kuwento ang aking ialalahad sa inyo ukol dito.

May dati akong tauhan sa isang kumpanya Magnolia kung saan ako nagtrabaho bilang unang pinuno ng media department, mga 30 taon na ang nakalilipas. Nang magkaugnayan kaming muli sa Facebook, nagapagtanto ko na 63 na ang edad niya. Halos 10 taon kasi ang tanda niya sa akin. Nakatira na siya ngayon sa bahay ng mga matatanda at nais niyang kumita pa ng extra dahil alam niyang kaya pa niya. Nangako naman akong tutulungan siya. Itago natin siya sa pangalang Helen.

Ang karugtong ng aking paglalahad ay ilalagay ko sa pamamagitan ng aking mga tips.

O, ano, tara na at matuto!

#1 I-assess ang kaalaman at kakayahan

Sa isang tao nae dad 60 pataas, maaaring ang unang katanungan ay kung nakahabol ka ba kahit paano sa teknolohiya? O tuluyan mong nilayuan ito sap ag-aakalang di mon a ito kakailanganin? Ang magulang ko ay nasa edad 80 hanggang 85 anyos at ang sa misis  ko ay mas bata ngunit di nalalayo sa edad.

Ngunit ang mga magulang ko ay tila naiwan na ng anahon ng teknolohiya. Sila mismo ay may ayaw sumabay. Pang Facebook lang sila. Ngunit ang mga online wallets ay talagang ayaw nilang gamitin kahit pa sa mga panahong may lockdown.

Ang mga biyenan ko naman, na matagal nanirahan sa Hong Kong, ay mas maraming alam sa digital. Ngunit takot pa rin sila sa mga mobile wallet.

Sa kabilang banda naman, ang dating tauhan kong si Helen ay alam ang mga ito ngunit kinalawang na daw siya sa mga tulad ng Word at Excel, at hirap sa laptop.

Kaya naman ang payo ko sa iyo, i-assess niyo muna kung ano ang kaalaman ay kasanayan niyo gaya ng mga nabanggit ko dahil ilan ito sa mga mahahalagang aspeto ng trabaho man o negosyo sa panahon ng digital.

#2 I-setup mo ang ilang pangunahing bagay

Ang pundasyon ng negosyong digtal o anumang pagkakakitaan sa panahong ito ay may kinalaman sa paggalaw ng pera at ng impormasyon.

Una sa lahat, kailangang marunong gumamit ng Google at Facebook. Ang dalawang ito, na magagamit mo sa iyong cellphone (mapa Android man o IoS) ay pangunahng pinanggagalingan ng mga impormasyon mula sa Internet. Kaakibat ng kaalaman sa dalawang platapormang ito ay ang halaga ng email. Dahil kung wala kang email, di ka rin naman basta basta makakagawa ng mga account sa Facebook, di ba? At dahil pag-aari ng Google ang Gmail, na panunahing libreng email sa mundo, makakabit mon a agad ang Google account mo dito.

Sa pamamagitan ng kaalaan mo sa dalawang ito ay ang kaalaman sa paggamit ng Microsoft Word ant Excel. Kung nasa edad 80 ka na pataas, maiintindihan kung di ka natuto nito. Ngunit kung wala ka pang edad 70, malamang alam mo pa ito.

Hanggang dito muna tayo sa larangan ng kaalaman sa digital.

#3 I-ayon ang maaaring gawin sa halaga ng nais kitain sa umpisa

Magkano ba ang nais mong kitain sa umpisa? Ang dating tauhan kong si Sony, halos pasok lang sa mga gamot niya ang pensiong nakukuha niya buwan buwan. Dito nga ako namulat dahil kaming mag asawa ay halos 10,000 pesos ang halaga ng aming mga gamot, at di pa kami Senior at di pa nagpe-pension.

Pinayuhan ko si Helen na mag freelance writer muna. Magaling kasi siyang magsulat. At dahil may alam naman siya dun sa mga nabanggit kong basikong kaalaman, mas madali niya itong maitatawid. Ibig sabihin, ang halagang kailangan niya na dagdag sa penson niya ay kayang makuha sa pagiging manunulat online. Ang kailangan lang niya ay dagdag kaalaman kung saang website pupunta, paano makikipag-tawaran at kung anu-ano pa. Konting kaalalaman pa ukol sa pakikipag-ugnayan online ang kalinagn pa niyang matutunan.

Ikaw, ano ang pangangailanagn mong halaga at ano’ng kaalama ang kakailanganin para dito?

#4 Alamin ang mga kagamitang kakalanganin mo

Ang unang katanugan ko kay Helen ay kung may laptop ba siya. Wala daw. Kaya ayun, naghagilap ako ng lumang laptop at pinaayos na parang bago at aking ibinigay sa kanya. Kasunod agad noon ay ang pagbigay ng naaayon na data plan ng mobile phone niya.

Dahil nga nasa medyo probinsiya ang lugar niya, at Smart lang ang SIM niya, binigyan ko siya ng Globe na may karampartang load na pang data uang siguradong may koneksyon siyang makukuha.

Tinignan ko naman ang mobile phone ni Helen at maayos naman para sa pangangailanagn niya. Ang giawa ko na lang ay nilagyan ko na din ng Facebook at Gmail ang laptop nya, nan aka-sync sa phone niya. Para anuman ang gamitin niya, makaka-access siya sa trabahong gagawin niya.

Kung ay laptop ka at mobile phone na kayang kumabit sa Internet at makapag email, browse at Facebook, ok na.

Tandaan mon a kung ikaw ay balak na gumawa ng online shop, ito lang din ang mga basikong kakailanganin mo.

#5 Gumugol ng oras sa pag-aaral

Ang pag-uusap namin ni Helen ay may dagdag na pagbibilin ko. Sabi ko sa kanya, bago siya magsimula, mag-OJT muna siya sa akin. Meron kasi akong mga proyektong nangangailangan ng manunulat at nais ko siyang bigyan ng ilang gagawin upang magsanay.

Inalok ko din si Helen ng isang kursong gagawin online.

Ang halaga ng mga ito ay may kaugnayan sa tinatawag na lifelong learning kung saan habang may buhay ay dapat di tumitigil sa pag-aaral.  Para na rin tayong bumalik sa unang yugto ng pitak na ito na istorya ng mga magulang ko na ayaw nang mag-aral ng teknolohiya.

Kung na sa sitwasyon ka na nais mong kumita ng extra, makipag-ugnayan ka din sa Senior Citizens department ng LGU o Barangay niyo. Baka meron silang kaugnay na programang digital para sa inyo.

Konklusyon

Ang pagtuon mo ng mas maigting na pansin sa makabagong panahon ng digital ay malaking kahalagahan sa kinabukasan mo. Kung iniisip mon a ikaw ay isang senior at retirado ay wala ka nang pag-asang kumita pa, nagkakamali ka. Isa ako sa mga ilang tao na nagpursigeng mag-aral nang mag-aral dahil alam kong walang retirement sa panahong ito.

Tandaan na ang pagnenegosyo man o freelance ay nangangailangan ng sipag, tiyaga at dasal. Huwag kang mawawalan ng loob kung makakaranas ng pagsubok. Tuloy lang!

Si Homer Nievera ay isang techpreneur at makokontak sa chief@negosentro.com.

(Visited 56 times, 1 visits today)