5 Paraan Para Mas Palakasin Ang Iyong Negosyo
Homer Nievera, CDE | Hindi lahat ng malaking negosyo ay nagwawagi. Ang totoo, maraming maliliit na negsoyo ang mas mabilis yumabong dahil kaya nilang gumalaw ng mas mabilis kesa sa mga malalaking negosyo. Paano mo magagawang mapanatili ang iyong pagyabong kung marami kang kakumpitensiyang mas malalaking negosyo?
#1 Panatilihin ang Maayos na Brand Design at Values
Ang unang tinitingnan ng isang kostumer ay design ng iyong branding. Makikita yan mula sa kulay at design ng iyong logo. Ito ay dapat may tinatawag na “consistency”o hindi sabog ang konsepto nito. Sa tinatawag na brand identity mo pa lang, malalaman na dapat ng kostumer kung maayos kang mag-isip o maayos na kausap. Tingnan mo din kung umaayon sa iyong brand values ang design mo. Kung nais mong lumabas ang “Passion”halimbawa, siguro, gumamit ng kulay pula na kulay ng puso. Mas mainam na kumonsulta sa isang graphic designer o multimedia artist kung paano aayusin ang iyong brand identity mula sa iyong business card (tarheta).
#2 Unahin ang Website
Sa panahon ngayon, kung wala kang website, di na din maganda ang dating nito sa kostumer. Madalas kasing napagkakamalan na okay na ang Facebook Page. Marami ka kasing di puwedeng gawin sa social media. Una na dito, ay di mo ito pag-aari. Kung maisipan ng Facebook na alisin ang Page mo, tapos ka. Kaya panatilihin ang disenyo ng iyong website ng naaayon sa kabuuang disenyo ng iyong brand. Siyempre, pangalagaan mo ang nilalaman nito.
#3 Palakasin ang Customer Service
Karamihan ng malalaking kumpanya, hirap panatilihin ang maayos na customer service. Pagkakataon mo na ito. Di dahil kaunti ang iyong kostumer ay hihinaan mo na ang customer service. Sa halip, mas paigtingin pa ito. Sa dulo, mas pipiliin ang negosyo mo dahil mas “at-home”sila sa iyo.
#4 Gumamit ng Makabagong Teknolohiya
Maramig negosyo ang takot sa bagong teknolohiya dahil baka di nila ito magamay at humina ang kanilang Sistema. Sa totoo lang, mas mainam para sa maliit na negosyo ang pag-automate ng ilang bagay sa negosyo. Gaya ng paggamit ng chat bot na mas mainam sa Facebook Page dahil di mon a kailangan ng maraming taga-sagot sa mga private messages sa FB Messenger. Ang maganda dito, libre pa ito! Saliksikin ang mga bagong teknolohiya na aayon sa iyong negosyo na mas magiging episyente ang trabaho.
#5 Huwag Matakot Makipagsapalaran
Karamihan ng mga maliliit na negosyo takot sumugal o mag-risk. Ang katotohanan, kung maliit ka at di ka makikipagsapalaran – na kalkulado – di mo mahihigitan ang malalaking negosyo. Gay din yang mga katulad ng Facebook na nakipagbanggaan sa dating higanteng Friendster na kalauna’y natalo nila. Tandaan mo na mas mainam na magsaliksik ng mabuti bago mag-risk. Sa huli, ang pagnenegosyo at lakasan na lang naman yan ng loob. Samahan mo ng taimtim na dasal, may magandang kahihinatnan ka din.
—
Si Homer Nievera ay isang digital transformator at founder ng Negosentro.com na tumutulong palawigin ang kaalaman sa Internet at teknolohiya para maiangat ang kabuhayan ng mga Pilipino. Kung may katanungan, magpadala ng mensahe sa email@negosentro.com o hanapin siya sa Facebook.com/thepositivevibespage.
Recent Posts
- 8 Karagdagang Tips Mula sa Mga Bilyonaryo Para sa Buhay at Negosyo
- Ilang Mahalagang Pananaw sa Kahalagahan ng SEO sa Maliit na Negosyo
- Ilang mga palatandaan na handa ka nang maging isang negosyante
- Ilang Pangunahing Leksyon mula kay Robert Kiyosaki sa Pamumuhunan
- Benepisyo ng SEO sa Negosyo sa Panahon Ngayon
Archives
- October 2022
- September 2022
- August 2022
- July 2022
- June 2022
- May 2022
- April 2022
- March 2022
- February 2022
- January 2022
- December 2021
- November 2021
- October 2021
- September 2021
- August 2021
- July 2021
- June 2021
- May 2021
- April 2021
- March 2021
- February 2021
- January 2021
- December 2020
- November 2020
- October 2020
- September 2020
- August 2020
- July 2020
- June 2020
- May 2020
- April 2020
- March 2020
- January 2020
- December 2019
- November 2019
- October 2019
- September 2019
- August 2019
- July 2019
- June 2019
- May 2019
- April 2019
- March 2019
- February 2019
- January 2019
- December 2018
- November 2018
- October 2018
- September 2018
- August 2018
- July 2018
- June 2018
- May 2018
- April 2018
- March 2018
- February 2018
- January 2018
- February 2017
- October 2016
- July 2016
- June 2016
- May 2016
- December 2015
- November 2015
- October 2015
- August 2015
- June 2015
- May 2015
- April 2015
- March 2015
- February 2015
- November 2014
- September 2014
- August 2014
- July 2014
- April 2013
- March 2013
- January 2013
Categories
Recent Posts
- 8 Karagdagang Tips Mula sa Mga Bilyonaryo Para sa Buhay at Negosyo
- Ilang Mahalagang Pananaw sa Kahalagahan ng SEO sa Maliit na Negosyo
- Ilang mga palatandaan na handa ka nang maging isang negosyante
- Ilang Pangunahing Leksyon mula kay Robert Kiyosaki sa Pamumuhunan
- Benepisyo ng SEO sa Negosyo sa Panahon Ngayon