Homer Nievera, CDE | Dama mo ang init ng panahon kapag tag-araw. Nanunuot sa kahit na anumang kasuotan Kung wala kayong aircon, sobrang maalinsangan sa bahay kaya’t mas mabuti pang mamasyal sa mga mall. Kaya naman malaki ang kinikita din ng mga mall na may mga negosyong pang-summer.

Kung gusto mong pagkakitaan ang summer sa Pilipinas, narito ang limang patok na negosyo ma puwede mong gawin:

#1 Halo-Halo

All-time favorite na negosyo ang Halo-Halo. Kahit nung bata ka pa, halos bawat kanto sa inyong lugar ay may tindang Halo-Halo. Marahil alam mo na kung paano ito gawin. Ang simpleng sikreto lang naman diyan ay ang timpla, rekado, at gimik. Kaya ang gagawin muna ay mag-isip ng kakaibang gimik para makakuha ng atensiyon at maiba sa kumpetisyon. Kung may kakaiba kang timpla (siyempre mas masarap kesa iba!), mag-dagdag ng kakaibang rekado na din. Halimbawa, kung lahat ay walang dagdag na ice cream, ikaw meron. O kaya ay yung sa yo ay may keso. Siyempre tingnan mo ang presyo kung aayon sa badyet ng kostumer.

#2 Shake

Kung may kakumpitensiya ka na sa halo-halo, mag-levelup ka sa Shake. Mas mainam kung meron kang blender. Mura na lang naman yun. Gagamit ka nga lang ng kuryente. Pero, siguradong patok yan lalu na’t sariwa ang prutas ang gamit at masarap ang timpla mo. Magsaliksik sa Internet at sa mga mall kung ano ang mga patok sa kostumer. Kung wala kang blender, puwede na din ang Shaker, basta meron kang crushed ice na mabibili. Yun lang, sa blender, kahit ikaw na ang gumawa ng sariling yelo ayus na!

#3 Ice Frappe

Halos kapareho ito ng shake. Ang pinagkaiba ay ang paggamit ng mga ingredient na galing sa kape. Gagamit ka din ng blender dito pero di gaya ng shake na sariwang prutas ang ginagamit, mga powdered na nabibili sa merkado ang gamit. Dahil siguradong mas mura ang ingredients at puwesto mo kesa sa mall, dadayuhin ka. Mas mainam kung may ilang mesa ka para tambayan.

#4 Lemonade

Sa Amerika kilala ang negosyong Lemonade, pero ngayon, uso na sa Pilipinas. May nabibiling pampiga ng lemon para mas mabilis mong makatas ito. Yun lang at ilang pampalasa, ayus na. Gaya ng shake, ang paghalo ng ibang sariwang prutas na kayang makuha ang katas ay mahalaga para mas dayuhin ka. Yung iba, gumagamit ng shaker para mapaghalo ang mga rekado at yelo. Huwag ding kalimutan ang gimik.

#5 Fruits-in-Season

Kapag tag-araw, masarap kumain ng mga prutas na malamig at nakapatong sa crushed ice, di ba? Gawin mo itong negosyo! Ilan lang diyan ang melon, pinya, pakwan, manga, at honeydew. I-display lang ang mga iyan sa harap ng bahay mo, siguradong may bibili.

Marami pang pampalamig na puwedeng i-negosyo pag-summer. Ang mahalaga, unahin ang panlasang Pinoy. Tara, mag-gulaman at sago tayo!

Si Homer Nievera ay isang digital transformator at founder ng Negosentro.com na tumutulong palawigin ang kaalaman sa Internet at teknolohiya para maiangat ang kabuhayan ng mga Pilipino. Kung may katanungan, magpadala ng mensahe sa email@negosentro.com o hanapin siya sa Facebook.com/thepositivevibespage. Si Homer ay co-author at co-admin sa HeSaidSheSaidPH.com at Facebook Page na He Said She Said Philippines.

(Visited 453 times, 1 visits today)