Mas mainam na yung aalagaan mo ang mga kostumer mo at babalik-balikan ka kesa hayaan mo silang umalis at susuyuin silang bumalik. Bakit? Kasi mahit sampung beses ang gagastusin mo para sila pabalikin kesa sila’y alagaan at gawing loyalists ng produkto o serbisyo mo.

Sa totoo lang, ang mga loyal na kostumer mismo ang naghihikayat ng iba pang tao para dayuhin ang negosyo mo. Paano mo sila gagawing matibay na kostumer? Heto ang anim na paraan:

#1 Humingi ng Feedback

Kung walang silang sinasabi tungkol sa produkto o serbisyo mo, kabahan ka na. Kasi, kung di sila natuwa, malamang, ipagkakalat nila ito sa iba. Mas mainam na magkaroon ng simpleng mekanismo para makakuha ng feedback mula sa mga kostumer. Ang pagsulat sa Feedback Form ay simpleng pamamaraan, bukod sa paghikayat na gumawa ng review sa social media o website mo. Anuman ang feedback, tanggapin ito bilang pagtulong sa pagsasaayis ng iyong negosyo.

#2 Maayos na Ekspiriyensya

Dahil nabigyan ka na ng feedback, dapat maisaayos mo na ang magiging ekspiriyensiya ng mga kostumer mo. Lalu na kung online ang negosyo mo. Dapat ilang klik lang, benta na!

#3 Ayusin ang Serbisyo sa mga Kostumer Online

Ang mga tao mo ay dapat praktisado sa ganitong mga bagay, lalu na kung may mga complaints. Ayusin agad ang maayos online. Huwag nang palakihin pa ang mga isyu kung meron man. Tandaan, madaling kumalat ang masamang feedback online.

#4 Gawin ang mga Ipinangako.

Alam mo namang masama ang pangakong ipinapako, di ba? Kaya naman, wag kang mangangako kung di mo kayang tuparin sa mga kostumer mo. Mabilis kumalat ang tsismis.

#5 Ipakita na Tao Ka Rin

Maraming boss ang takot ipakita ang sarili nila bilang tao. Sa panahon ng social media, mas gusto ng kostumer na makita ang tunay mong pagkatao kesa sa nagtatago sa maskara ng negosyo. Mas naiintindihan kasi nila ang mga kahinaan o at alam nilang di ka perpekto. Kaya dito, mabilis mo silang makakaugnayan.

#6 Maayos na Komunikasyon

Kung di ka maayos kausap, o di kayo nagkakaintindihan, alam mo na ang kasunod nun. Tiyak na sapul ang negosyo mo. Siguraduhing may maayos kang plano sa komunikasyon. Kung meron ka nito, nasa kalahati na ang panalo mo!

Author: Homer Nievera

(Visited 107 times, 1 visits today)