Paano Mamahala ng Facebook Group Para sa Negosyo – 4 na Paraan | ni Homer Nievera, CDE, CVM, CCM | Kumusta ka-negosyo? Dahil sa pandemya, nanatili na sa mga kanya-kanyang tahanan ang karamihan sa mga Pinoy, lalu sa NCR kung saan nananatili ang GCQ. Nadagdagan pa ng banta ng bagong strain ng Covid 19 virus na galing sa UK kung saan mula 30% hanggang 70% na mas nakakahawa.

Kaya naman mas pinaiigting ang pag-iingat ng mga tao, at patuloy ang pag-work from home ng mga empleyado habang wala pang bakunang dumarating sa Pilipinas.

Ang patuloy na solusyon sa marketing ng mga kumpanya ay ang digital marketing kung saan kasama ang paggamit ng social media. Sa larangan na ito nabibilang ang tulad ng Facebook kung saan walang halaga ang kailangang ilabas kung gagamitin ito sa pagkuha ng mga kostumer. Subalit para sa akin, ang pangunahing gamit ng Facebook ay ang tinatawag na engagement o pakikipag-ugnayan sa mga kostumer.

At ang Facebook ay nahahati sa dalawa – ang Facebook Page at ang Facebook Group. Maaaring alam mo na siguro pagalawin ang FB Page, di ba? Kaya naman sa pagkakataong ito, ang paggamit naman ng Facebook Group ang ating talakayin sa pitak na ito ngayon.

O, ano, tara na at matuto!

#1 Pagpapalago ng Komunidad sa Social Media

Ang Facebook Group ay siyang pangunahing gamit upang palaguin ang iyong komunidad sa social media. Maraming nagtatanong sa akin kung paano bai to gamitin sa larangang ito.

Umoisahan muna natin sa pagtingin sa FB Group bilang isang tunay na komunidad kung saan pare-pareho ang inyong iniisip, mungkahi, at galaw. Maaaring is a itong gym, palaruan, mall, palengke, o tambayan. Kung paano ka gagalaw at maikipag-usap sa mga ito, at pati na siyempre ang mga topic napag-uusapan, ay nadun din sa Facebook Group na iyong gagawin.

Tandaan mo na ang pag-establisa ng isang komunidad ang pangunahing rason ng paggawa ng FB Group mo. Gayundin ang mga gagamiting pananalita, at iba pa, ay naaayon dito.

Kaya sa umpisa pa lang ng paggawa ng FB Group, ayusin mon a ang pinaka-tema nito mula sa mismong titulo ng FB Group, ok?

#2 Paggawa ng Malapit na Paikikipag-ugnayan

Dahil nagawa mo na ang mismong FB Group, siguro naman ay napag-isipan mon a kung paano ito payabungin sa pamamagitan ng maayos na pakikipag-ugnayan sa komunidad na ito.

Ganito lang yun. Ang bawat miyembro ng isa FB Group ay may ramdam na koneksyon dito kaya naman sila balik ng balik sa grupong ito.

Anu-ano ba ang mga paraan upang maisakatuparan ang pag-set ng malalim na pakikipag-uganayan sa mga miyembro ng FB Group mo?

Una, dapat maayos at akma ang titulo ng FB Group mo sa tema nito. Halimabawa, kung ukol sa pagnenegosyo ng mga damit at tela, dito lang dapat nalalapit ang titulo nito.

Ikalawa, tutok ka lang sa tema ng FB Group mo. Huwagn a huwag kang lalayo dito para patuloy na lumago ang miyembro nito.

Ikatlo, gumawa ng mga aktibidad gaya ng mga libreng online seminar para sa mga  ka-miyemro mo. Dapat akma pa din sa tema. Marami namang mga gawing puwedeng gawin. Ihiwalay mo lang ang pagiging merkado ang iyong grupo kung di naman talaga ganito ang tema ng group.

Ikaapat, matatagin ang pakikipag-ugnayan sa isa’t isa na may pag-respeto sa opinyon ng iba. Mas intelekwal ang mga usapin, mas ok. Yan ay upang tumatag ang kaalaman ng mga miyembro ukol sa mga usaping may kinalaman sa FB Group mo.

#3 I-set ang mga panuntunan sa group

Simpleng gawain lang sana ito. Yun nga lang, di dapat gayahin lang basta-basta ang mga naka-set na ayon sa FB Group. Dapat, i-ayon mo ito sa mga naiisip mong natatanging panuntunan na dapat sundin.

Isang halimbawa ay ang pagsasaayos ko sa isang FB Group na itinayo ko noong magsimula ang mga lockdown nung 2020. Noong panahong iyon, nagkakagulo at nagkakalituhan kung ano ang mga dapat gawin. Kaya naman ang unang kong panuntunan ay ang pag-kontrol sa mga Fake News ukol sa Covid 19.

Ikaw din, ay dapat mong gawan ng malinaw na mga panuntunan ang iyong FB Group na susundan ng mga miyembro. At kung di sumusunod ang isang miyembro nang paulit-ulit, may mga opsiyon ka namang puwedeng gawin mula sap ag-mute nito hanggang sap ag-alis na mismo nito.

#4 Gawing masigla ang mga usapin sa FB Group

Paano ba gawing masigla ang mga usapin sa iyong FB Group?

Babalikan muna natin ang intension mo sa pagbuo ng FB Group mo. Di ba dapat para mas lumago ang iyong Negosyo? Kung ganun, mas mainam na ang mga usapin ninyo ay umiikot sa produkto, serbisyo o karatig na tema nito.

Isang halimbawa ay ang mag-establisa ko ng isang grupo para sa aking Negosentro.com na blog. May kinalaman ito sa pagnenegosyo, di ba? Kaya naman bumuo muna ako ng isang group para maging isang merkado, Negosentro – Buy and Sell Legit Items ang tema at titulo.  Ang isang FB Group na aking nais itayo naman ay may kinalaman sa pagiging positibo at matagumpay sa pagnenegosyo. Dito ko nais ikiling ang tema ng susunod kong FB Group.

Tandaan mon a nais ng mga ka-miyembro mo ang margining din ang kanilang mga opinion at mungkahi. Gawing bukas sa mga mungkahi ang iyong FB Group. Tutal, may mga panuntunan ka naman, kaya maisasaayos mo ang mga usapin dito.

Piliin mo din ang mga tanong na dapat mong i-post paminsan-minsan upang magkaroon ng engagement (o pakikipag-ugnayan) ang mga miyembro. Puwede ka ding maglabas ng Polls, o mag-share ng mga files sa mga ka-miyembro.

Konklusyon

Ang pagkakaroon ng FB Group para sa iyong negosyo ay magandang istratehiya upang makipag-ugnayan sa mga kostumer na sana ay mga miyembro na rin nito. Kung mga magiging kostumer mo pa lang sila, magandang paraan ito upang magkaroon ng usapin ukol sa produkto o serbisyo na iyong binebenta.

Ang pagnenegosyo man ay mahirap, ngunit ito ang paraan upang mas lumago ang paghahanap-buhay na ikaw ang boss. Maging masipag, masinop at magkaroon ng pananampalataya sa Diyos, at mabibiyayaan ka ng tagumpay.

Si Homer ay isang techpreneur at makokontak sa email na chief@negosentro.com.

 

(Visited 80 times, 1 visits today)