7 Bagay na Di Dapat Gawin sa Umaga Upang mas Magtagumpay |ni Homer Nievera, CDE, CVM, CCM | Kumusta ka na ka-negosyo? Sa pitak natin nitong araw na ‘to, magbabahagi ako ng tips kung paano mas pagandahin ang simula ng iyong araw. Ito ay upang mapanatili natin ang tema ng tagumpay sa bawat gawain sa buong linggo, tungo san ais mong matupad – sa negosyo man o buhay.

Sabi nga ng manunulat na si Richard Wheatley – kapag nawala ang isang oras sa umaga mo, gugugol ka ng buong araw sa paghahanap nito. Kaya, eto na’t ibabahagi ko ang bagay na dapat alisin tuwing umaga at mapalitan ito ng mas nararapat.

Tara na at matuto!

#1 Pag-plano ng araw

Simulan natin sa bagay na pinaka-mahalaga  — ang pagplano sa buong araw. Kapag di mo naiplano ang lahat ng gagawin (at di dapat gawin) sa isang araw, tiyak na mawawala sa hulog ang lahat ng priyoridad mo. At malamang, magiging paulit-ulit ang mga gawain mo a siya namang magsasayang sa oras mo.

Ano ang dapat mong gawin? Isulat ang lahat ng bagay na naisip gawin, sa gabi pa lang. Yan upang sa umaga, alam mo na gagawin mo, di ba? Isang “To-Do List” lang yan, di ba?

Tandaan mo na malaking kaginhawaan ang matulog nang alal mong naiplano mo na ang bukas mo.

#2 Ang magreklamo

Kung sa unang bungad pa lang ng paggising mo ay may nagsabi sa ‘yo ng kanyang mga reklamo, masisira na siguro ang buong araw mo. Kaya di ba, ikaw mismo, ay di dapat na magsimula sa pagrereklamo?

Ano ang dapat mong gawin? Tandaan mo na ang bawat sailta na iyong sasabihin ay siyang nagdidikta ng mangyayari sa buong araw mo. Kaya kung sisimulang ito sa pagreklamo, negatibong vibes ang iyong matatamo.

Kaya naman mas makakabuting magkaroon ka ng “Blessings List.” Ito ang mga bagay na siyang ipinagpapasalamat mo sa araw-araw. Di naman kailangang malaking blessings. Kahit mga simpleng pasasalamat mo na meron kang tinitirahan, may nakakain, at kung anu-ano pa. Kapag sinumulan mo ito sa umaga, malaking kaibahan ang mangyayari sa buhay mo.

#3 Trabaho agad

Dahil work-from-home ang setup, isa ka ba dun sa mga taong sasabak agad sa pagtatrabaho pagkagising pa lang?

Ang unang oras sa umaga ay ang pinakamahalaga na oras sa araw mo dahil ito ang magdidikta kung ano ang kakalabasan ng araw mo ding iyun.

Karamihan kasi ng mga tao ay pinipiling gumising ng huli sa oras o may katamarang tumayo agad. Kaya naman maraming oras ang nasasayang sa araw nila.

Ang payo ko sa iyo ay huwag munang magtrabaho agad sa unag oras ng araw mo. Mas unahin ang mga gawaing makakatulong sa pisikal, mental, at ispirituwal  na buhay mo. Mas mahalaga ang mga aspetong ito kesa sa pagkakaperahan.

Ako, inuuna ko ang pagdarasal at repleksyon. Tapos, tsaka lang ako sasalang sa ibang gawain at sa pagtatrabaho na. Mas marami akong nagagawa nang mas may pokus.

Ikaw, subukan mo din.

#4 Masyadong maraming desisyon

Marami ka bang bagay na dapat desisyunan sa araw-araw? Ang buhay ng dating CEO ng Apple na si Steve Jobs ay mukhang kakaiba dahil ang suot nya araw-araw ay iisa lamang – itim na t-shirt at maong. Sabi niya kasi, sayang ang oras sa pag-isip kung ano’ng isusuot niya sa isang araw.

Isang desisyon pa lang yan, di ba? Ang mga bagay tulad ng – ano’ng kakaisin sa agahan, kung ano’ng oras ka aalis o mag-sisimulang mag-trabaho ay ilang lang sa mga gawaing dapat desisyunan sa araw-araw. Bukod sa saying ang oras sa pag-iisip nito, maaari na namang desisyunan ang mga ito sa gabi pa lang di ba? Para tuloy-tuloy na agad ang pag-arangkada ng oras mo, sa umaga pa lang.

Kung nakapag-plano ka na ng mga gagawin sa gabi pa lang, isama mon a pati ang mga maliliit na gawain.

#5 Di pag-set na ang time limit

Maraming bagay sa ating araw na wala tayong nai-set na time limit. Halimbawa, ang sobrang tagal sa pagkain ng agahan, o oras na gugulin sa banyo, at iba pa. Kung naka-set na ang limit mo sa oras na gugugulin mo, mas marami kang magagawa pa na mas mahalaga.

Ganun lang naman kasimple yan gaya ng pag-set ng time limit sa miting di ba? Di naman ibig sabihin na lahat ay di-numero ka. Ang mahalaga ay alam mo kung ano’ng mga bagay ang di dapat pinapahaba ang oras upang ito’y magampanan.

#6 Mga distraksyon tulad ng social media

Aminado naman ako na ang unang dinadampot ko pagkagising ko ay ang aking cellphone. Tsinetsek ko agad ang mga emails ko at messeges mula sa iba’t ibang apps ko kasama na ang Facebook. Minsan talaga, napapahaba ang oras ko sa Facebook. Kaya alam ko kung gaano kalaking oras ang nawawala sa social media.

Simple lang ang gagawin dito, di ba? Bawasan ang oras sa social media lalu na sa umaga. Bawi ka na lang pag-break mo, ok?

#7 Sobrang matamis na pagkain sa umage

Kung ikaw ay nangangailangan ng kape s aumaga upang magising ang isip at diwa mo, ok! Pero kung matatamis na pagkain agad ang kakainin mo sa umaga pa lang, di yun ok.

Yun nga lang, ang mga pagkain ng tinapay, kanin, at iba pang carbohydrates ay tipikal sa mga Pinoy. Ang kapeng may asukal ay gayundin. Ngunit ang asukal kasi ay mag-boost man ng enerhiya mo, mabilis diin itong bumabagsak. Kaya sa kalagitnaan ng araw mo, inaantok ka na o kaya’y tila nanghihina.

Ano’ng dapat gawin? Bukod sa pagbawas ng matatamis na pagkain, mas makakabuting gawin na din ang preparasyon sa kakaining mo sa gabi pa lang. Maipa-plano mo na din ang laman ng mga kakainin mo. Isa pa, baka mas makakabuting ang pagkain o pag-inom ng labis na matamis ay iwaksi mon a din sa diyeta mon ang tuluyan.

Konklusyon

Tandaan mo na maraming habits o kinagawian ay di maganda lalu na’t sa unang oras ng umaga mo gagawin. PLanuhin ang araw sa gabi pa lang at alisin ang di makakatulong sa ‘yo.

Sa lahat ng bagay, magpasalamat sa Diyos at magsipag, magtiyaga at maging positibo sa buhay at negosyo.

God bless po!


Si Homer ay isang serial techpreneur at makokontak sa chief@negosentro.com na email.

(Visited 4,859 times, 1 visits today)