Paano Mag-Pivot sa Negosyo Mo Dahil sa “New Normal”
ni Homer Nievera, CDE, CVM | Kumusta ka-negosyo? Marahil, sa panahong ito ay nakakapag-pivot o sidestep ka na sa iyong negosyop dahil sa ECQ. O kaya naman ay may bago kang negosyo nan ais palaguin nang dahil na din sa pandemya. Isa munang perspektiba ang ating talakayin kung saan maaaring mababago ang iyong negosyo dahil na din sa tinaguriang “new normal” o mga bagong pamamaraan ng pakikipagnegosyo o pakikipagsalamuha sa mga tao.
O siya, tara na at matuto!
#1 Alamin ang “New Normal”
Dahil sa pandemyang dulot ng Covid 19 virus, binago ng mga gobyerno ng mundo ang ating pakikipag-ugnayang personal sa isa’t isa. Dito pumapasok ang salitang “social distancing” at ang pagkakaroon ng iba’t-ibang kagamitang panlaban sa virus na face mask, PPE, face shield at alcohol.
Ang tinatawag na social distancing ay makakaapekto sa paraan ng pakikipag-ugnayan sa kostumer at mga empleyado. Dito pa lang, malaking adjustment ang gagawin mo sa negosyo.
Nung Abril, ang kumpanya naming ang nagbuo ng mga testing booths ng DOST at DOH na ipinadala sa iba’t-ibang opspital sa buong Pilipinas. Kinailangan namin ng malaking lugar sa pabrikasyon nito dahil na din sa social distancing measures na aming ipinatupad.
At lahat ng negosyo ngayon hanggang sa mag GCQ, ay magpapatupad pa rin ng mga social distancing na kalakaran. Kaya nga 50 porsyento na agad ng mga empleyado ang di makakapasok ng pisikal sa opisina. Iiral na ang work-from-home para di na magkaroon ng tinatawag na second wave ng hawahan ng virus.
Aralin mo ang magiging epekto ng new normal sa iyong negosyo ngayon pa lang. Yan ang mas epektibong panimula para sa pag-pivot sa negosyo mo ngayon.
#2 Iangkop ang produkto o serbisyo sa panahon
Ano ba ang specialty ng negosyo mo? Yan ang unang katanungan sa sarili bilang negosyante. Mai-aangkop mo ba ang operasyon at kakayahan mo dito sa kasalukyang nangyayari?
Kung nabalitaan mo na may mga ilang kumpanya ang nag-pivot ng kanilang produksyon gaya ng mga patahian ng damit na PPE at face mask ang kanilang ginahawa sa kasalukuyan. Ito kasi ang demand ngayon. Sa Amerika, ang mga tulad ng Gap, Nike at Zara ay bumaling din sa pagtahi ng mga PPE at face mask.
Gaya nang nasabanggit ko sa nakaraang pitak ko, kami din ay nag-pivot muna mula sa paggawa ng mga transponder at nagbuo kami ng mga SCB para sa mass testing ng Covid. Sa kasalukuyan, bumubuo dain kami ng mga ventilator dahil kung sakaling lumaki ang dami ng mga pasyenteng magiging kritikal at mangailangan ng ventilator, may makukuha na ditto mismo sa bansa.
Kaya dapat mong pag-isipan kung ano ang meron kang specialty. Kung di produkto, baka naman sa serbisyo? May kilala akong may digital agency na bumuo ng ahensiya para sa mga NGO noong Abril din. Ini-angkop nila ang kanilang specialty sa panahon ngayon.
Gayundin ang mga nagtitinda ng prutas, halimbawa, ay nai-angkop ang kanilang negosyo sa pamamagitan ng pagdagdag ng delivery sa mga bahay-bahay.
#3 Uriin ang at suriin ang iyong supply chain
Mahalagang parte ng negosyo ang tinatawag na supply chain – o ang mga bagay at proseso na may kinalaman sa suplay ng mga produkto at serbisyo. Maaaring ito ay may kinalaman sa mga suplay o ingredients ng produkto mo o kaya’y ang pagpapadala ng produkto mo sa mga kostumer mo.
Isang halimbawa ay ang mga gulay na nanggagaling sa Benguet na siya namang dinedeliber sa metro Manila. Di bas a mga unang lingo ng ECQ, nagkakahirapan sa pagpaparating ng mga gulay sa Metro Manila mula sa mga probinsiya? Gayundin ang magpadala ng mga produktong mula Metro Manila papunta ng mga probinsiya dahil sa kanya-kanyang lockdown ng mga bayan at pati barangay.
Nang mai-ayos na ito ng gobyerno, mas gumulong nang mas maayos ang tinatawag na supply chain.
Kaya mahalanag suriin mong mabutio at pag-aralang ang gagawing pag-pivot sa negosyo. Tandaan na mas mahirap magparating ng mga bagay na galing sa ibang bansa ngayon. Kaya marami ang nag-sasaayos ng kanilang mga negosyo nang naayon sa supply chain na pang-Pilipinas muna.
Tandaan mon a di gagalaw ang mga produkto kung di maayos ang supply chain.
#4 Ang halaga ng pagtulong vs. pagbebenta sa panahon ngayon
Maraming kumpanya ang naisipan munang tumulong kesa magbenta. Bakit nila ito ginagawa?
Ang tamanag Gawain ay isipin muna ang kapakanan ng komunidad na gtinagalawan at sineserbisyuhan mo kesa ang laman ng kaban mo. Di lang ito makatao, tamang prinsipyo din ito kahit saang anggulo mo tingnan.
Gaya ng mga malalaking kumpanya tulad ng San Miguel kung saan halos isang bilyong halaga ng magtulong ang ginawa para lang maibsan ang kakulangan ng pagkain ng mga apektadong sector ng lipunan. Gayundin ang ginawa ng maliliit na negosyo gaya ng Glorious Blends (sugar-free coffee atbp.) na piniling magpadala ng kanilang mga kape sa mga ospital sa kasagsagan ng epidemya. Ang Domino’s Philippines din ay nagdeliber ng kanilang mga pizza sa mga OFWs na naka-quarantine sa mga barko ng 2Go – bukod sa pagpapadala ng kanilang mga pizza sa mga piling ospital na malapit sa mga bukas na branches nila sa Quezon City.
Ang pagiging matulungin lalu na sa iyong komunidad ay di makakalimutan ng mga taong lubos na tumatangkilik sa iyong produkto o serbisyo. Walang halagang maitutubas dito. Tandaan mo na ang pangunahing dahilan ng pagnenegosyo ay di magkamal ng salapi kundi magkaroon ng tuloy-tuloy na kita para makatulong sa kapwa.
Sa huli, ang tulong na naibigay mo ay babalik din sa iyo sa kahit na anumang paraan.
#5 Pagsalang sa digital transformation
Di magiging ganap ang pag-pivot mo kung di ka papasok sa isang tunay na digital transformation, o ang pagsasaayos ng iyong negosyo ayon sa makabagong teknolohiya.
Ang Zoom ay naging pangunahing kagamitang pang-komunikasyon ng mga kumpanya at organisasyon sa paggamit ng pasilidad na ito sa mga meeting at online seminars. Ngayong panahon ng pandemya lang ito nauso talaga.
Ang aming negosyo ay online at may kinalaman sa digital. Biglang lumaki ang inquiries naming sa mga serbisyo naming sa pamamagitan ng mga dati na naming mga pasilidad na website, blogs at iba’t ibang social media outlets.
Di na ito kataka-taka dahil home-based na ang mga tao. Paano ka ngayon makaka-adjust dito? Kung meron kang negosyong pagkain, paano mo magagamit ang online ordering system? Yan ngayon ang dapat mong isipin.
Paano mo magagamit ang mga digital tools na madalas ay libre pa nga. Pag-isipan mo na ito ngayon at magsaliksik ng aayon sa sitwasyon mo.
Konklusyon
Maramim pang dapat ikonsidera sa mga panahon na ito at ikaw ay magpipivot sa negosyo, gaya ng cash flow at tauhan na puwedeng maging flexible ang oras of maging work-from-home.
Mas mahalagang mag-pokus sa makabagong pamamaraan ng pagnenegosyo ngayon at ang kakaibang pakikipagsalamuha sa mga tao sa panahon ng “new normal.”
Maging positibo lang at tanggapin na ito na ngayon ang panahon para mas umarangkada ka pa. Hanapin ang “Slingshot Strategies” na aking nalathala sa ilang nakaraang pitak ko. Makakatulong ito sa pananaw mo.
Tandaan, sa lahat ng bagay, dasal, tiyaga at tiwala sa sariling kakayahan ang kailangan upang mag tagumpay, ka-negosyo!
—
Si Homer Nievera ay isang technopreneur. Magmensahe lamang sa email na chief@negostro.com kung may mga katanungan.
Tags In
Recent Posts
- 8 Karagdagang Tips Mula sa Mga Bilyonaryo Para sa Buhay at Negosyo
- Ilang Mahalagang Pananaw sa Kahalagahan ng SEO sa Maliit na Negosyo
- Ilang mga palatandaan na handa ka nang maging isang negosyante
- Ilang Pangunahing Leksyon mula kay Robert Kiyosaki sa Pamumuhunan
- Benepisyo ng SEO sa Negosyo sa Panahon Ngayon
Archives
- October 2022
- September 2022
- August 2022
- July 2022
- June 2022
- May 2022
- April 2022
- March 2022
- February 2022
- January 2022
- December 2021
- November 2021
- October 2021
- September 2021
- August 2021
- July 2021
- June 2021
- May 2021
- April 2021
- March 2021
- February 2021
- January 2021
- December 2020
- November 2020
- October 2020
- September 2020
- August 2020
- July 2020
- June 2020
- May 2020
- April 2020
- March 2020
- January 2020
- December 2019
- November 2019
- October 2019
- September 2019
- August 2019
- July 2019
- June 2019
- May 2019
- April 2019
- March 2019
- February 2019
- January 2019
- December 2018
- November 2018
- October 2018
- September 2018
- August 2018
- July 2018
- June 2018
- May 2018
- April 2018
- March 2018
- February 2018
- January 2018
- February 2017
- October 2016
- July 2016
- June 2016
- May 2016
- December 2015
- November 2015
- October 2015
- August 2015
- June 2015
- May 2015
- April 2015
- March 2015
- February 2015
- November 2014
- September 2014
- August 2014
- July 2014
- April 2013
- March 2013
- January 2013
Categories
Recent Posts
- 8 Karagdagang Tips Mula sa Mga Bilyonaryo Para sa Buhay at Negosyo
- Ilang Mahalagang Pananaw sa Kahalagahan ng SEO sa Maliit na Negosyo
- Ilang mga palatandaan na handa ka nang maging isang negosyante
- Ilang Pangunahing Leksyon mula kay Robert Kiyosaki sa Pamumuhunan
- Benepisyo ng SEO sa Negosyo sa Panahon Ngayon