Influencer Para sa Negosyo

4 na Gagawin Bago Kumuha ng Influencer Para sa Negosyo

ni Homer Nievera, CDE, CVM | Ano nga ba ang Influencer Marketing? At sino ba ang mga timaguriang Influencer?

Sa panahon ngayon kung saan ang social media ay tila hari ng media, ang paglago ng industrya ng Influencer Marketing ay mabilis na sumunod. Dahil na din sa salitang Influencer, ang mga taong ito ay may malaking base ng tagasumod o tagasaubaybay. Mga 100,000 pataas ang numero na kung saan ikaw ay matatatawag na influencer.
Narito ang ilang paraan para makatulong sa pagkuha ng mga influencer sa iyong negosyo.

#1 Alamin ang merkadong ginagalawan mo

Umpisahan mong saliksiking mabuti ang merkado at industriya kung saan lumalaban ang produkto o serbisyo mo. Kailangan mo munang alamin kung sino ba talaga ang kostumer mo. Alamin kung ano’ng dialekto ang gamit nila, ano ang lugar kung saan sila madalas pumunta at kung anu ano pa upang masuyod mo nang maigi angga impormasyon ukol sa merkado mo. Ito kasi ang magagamit mo para sa pag pili ng influencer.

#2 Tingnan ang galaw ng kumpetisyon

Sa galaw pa lang ng mga kakumpitensiya mo malalaman kung tama ba angga susunod mong hakbang. Halimbawa, sila ba ay may ginagamit na ding influencer? Kung oo, sino ito? Tingnan mo din ang tipo at kalidad ng mga tagasubaybay ng mga influencer nila. Mahalaga ding malaman ang platapormang gamit nila gaya ng Twitter, Facebook, Youtube o Instagram.
Kapag nakalap mo na ang mga impormasyon na ito, mas makakagawa kanng istratehiya.

#3 Pagsasaayos ng istratehiya at mensahe

Ang Pagsasaayos ng iyong istratehiya ay kaugnay mg mensaheng ilalabas mo. Di ka kasi maaaring basta-basta lang kukuha ng influencer kung di mo alam anv boses na nais mong gamitin. Babae ba o lalaki? Bata o matanda? Di ba sa mensahe na nais mong iparating, mag-iiba ang influencer na kukunin mo?
Kaya sa umpisa pa lamang ay dapat masinsin ang pagkakagawa ng istratehiya at mensahe no.

#4 Pagkuha ng partners

Ang Whalar.com ay isa sa dalawang kumpanya sa mundo kung saan nakapaloob ang paggamot nila ng tinaguriang API ng Facebook, Instagram at Snapchat. Dahil dito, madali nilang makuha ang mga istatistika upang malaman ang mga numero ukol sa isang influencer. Malaking bagay ang kumpanya na ganito dahil mas mapapabuti ang pagpili sa influencer na naaayon sa target mong resulta. Kaya mahalagang kumuha agad ng matitinong partner para sa kampanya mo.
Kung sa tingino naman na kaya mong kumuha ng influencer mo, go lang. Siguraduhin lang na kaya mong rendahan at makukuha mo ang mga istatistika nila.


Si Homer Nievera ay isang serial technopreneur at makokontak sa chief@negosentro.com.

(Visited 4,446 times, 1 visits today)

You may also like