Paano gawing mas estabilsado ang MSME mo kahit may Pandemyani Homer Nievera, CDE, CVM, CCM | Kumusta ka-negosyo? Nawa’y nasa mabuti kayong kalagayan. Pagpapatuloy lang ito ng huli kong pitak na tinatalakay natin ang mga gagawin upang umangat naman ang MSME mo ngayon. Kahit ngayon ka pa lang nagsisimula, mas maigi mong paghandaan ang pagsasaayos ng Negosyo sa kanyang paglaki. Paano nga ba ito magagawa?

Babalikan natin ang ilang paraan upang mapalawig ang iyong negosyo at kahit paano’y manatili itong nakalutang at nawa’y umangat na din.

Matapos man o hindi ang pandemya sa madaling panahon, ang mahalaga ay nakatuon na ang pansin mo sa paglaki ng negosyo mo.

O, ano, tara na at matuto!

#1 Pagpaplano

Madalas kong banggitin ang halaga ng pagplano sa negosyo mo sa ilang pitak na na aking nailalathala.

Anu-anong aspeto ba ng negosyo mo ang dapat na pagplanuhan? Sa panahon ba ngayon, kaya mo pang magplano? Ilang tanong na maaaring nasa isipan mo ngayon. Kasi nga daw, kung tila may sunog, ang pag-aapula nito ang dapat unahin di ba?

Mahigit isang taon na tayong nasa gitna ng pandemya at community quarantine. At dahil nga dito, marami na tayong kahit paano ay nakasanayan. Kaya naman ang mga susunod na hakbang na dapat ang ating iniisip. Kung ikaw nama’y ngayon pa lang nagsisimula, mas maigi na isakatuparan ang kahandaan, lalu pa’t nagsisimula na ang pagbabakuna. Ano ng aba ang mga susunod na hakbang ukol dito sa lagay ng negosyo mo?

Una, balikan mo ang misyon at bisyon mo sa negosyo mo. Ano ba ang dahilan at nagsimula ka sa negosyong ito at saan mo ito nais paabutin? Yan ang una mong tanungin sa sarili mo sa panimula ng pagpaplano mong muli.

Balikan mo din ang business plan mo. Akma pa rin ba siya sa panahong ito at sa nakikita mong darating mga oportunidad? Silipin mo din ang mga proseso mo at operasyon, kasama na ang mga tauhan at aspetong pinansiyal.

Kumusta naman ang mga istratehiya mo sa larangan ng marketing? Malaking bagay kasi ito sa kahandaan mo lalu pa’t digital marketing na ang itinutuon ng mga Negosyo ngayon upang maabot ang merkado nilang naka-lockdown o quarantine.

Kung home-based ka naman, saang larangan ba ang tungo ng Negosyo mo at ano’ng plataporma ang dapat mong gamitin sa paglaki ng negosyo mo?

Lahat yan at marami pang iba ang dapat mong pagplanuhang muli at balikan.

#2 Tulong sa Pag-ungos

Sa larangan ng pagnenegosyo naming ngayon sa digital marketing, may ilang aspeto ng aming negosyo na nadagdag sa operasyon namin dahil nga paglawig ng aming mga serbisyong digital. Hindi kasi handa ang aming operasyon sa kinakailangang tauhan na tututok sa bagong serbisyo kaya naman dalawa lang ang aming pagpipilian – ang kumuha ng bagong empleyado, o mag-outsource.

Pinili naming ang pag-outsource na project-based ang usapan. Kasi naisip naming na project-based lang din naman ang aming kontrata sa panibagong serbisyo na aming nadagdag. Kaya naman namin itong pamahalaan, kaya tao lang ang kailangan. At upang mas matutukan ang proyektong ito, isang SME din ang aming kinuha upang pamahalaaan ang aspeto ng serbisyong ito. Mas episyente kasi yung may namamahala din sa aspetong iyon at bawas sa oras ng pamamahalasa sa ganang amin. Tutal, pasok naman sa badyet at mas matututukan nga ang proyekto.

Tingnan mo din ang ilang teknolohiya at tool na makakatulong sap ag-ungos mo. Malaki na din ang aking nagugol na oras at pera sa pagbili ng iba’t cloud-based tools na tinetesting ko sa aspetong pagnenegosyo. May mga ok at merong hindi. Ang mahalaga, may mga nagagamit na din kami para sa mga ganitong uri ng digital marketing. Yan din ang pag-isipan mo.

Anu-anong tools kaya ang puwedeng makatulong sa operasyon mon a di na kakailanganin ng dagdag na tao? Kukuha ka ba ng panibagong empleyado o mag-outsource na lang?

#3 Inobasyon

Iba na ang mundo ngayon ng pagnenegosyo. Bumilis ang tinatawag na Digital Transformation dahil sa pandemya. Huwag ka nang mag-atubiling iangat ang antas ng pagnenegosyo mula sa tradisyunal mong mga nakagisnan.

Una, mahalagang makilala ka sa larangang digital, di ba? Dito kasi nagkikita-kita ang mga kostumer o potensiyal mong mga kostumer. Kaya kung papahalagahan mo ang digital marketing ng kabuuan, makaka-ungos ka. Lahat ng inobasyon sa larangan ito ay dapat mo nang isaalang-alang.

Halimbawa, ang branding o searchability ng site mo ay dapat kasama sa istratehiya mo. Sa totoo lang, kung nasa merkado na ang mga produkto mo, unahin mo na agad na searchable ka. Ibig sabihin kasi, nagawa mo na ang branding mo bago ka nag-launch, di ba? Pero kung nag-rebranding ka naman, kailangan pa din na di ka mawawala sa paningin ng mga kostumer. Tamang balanse lang ang gagawin at huwag puro social media ang gagawin mo.

Kung nakapagsimula ka na sa mga online marketplaces gaya ng Lazada at Shopee, angat ka na sa ecommerce sa sariling website mo. Sa totoo lang, merong mga ordering system na puedeng ikabit din sa Facebook page mo. Basta’t huwag mo ding kakalimutan ang pagtuon sa customer service dahil pagkatapos mong mahuli ang kostumer, dapat mo naman silang alagaang mabuti, ok?

Maraming uri pa ng inobasyon ang puede mong gawin na di na kayang talakayion sa isang pitak lamang. Ikaw din mismo ang makakaisip nito. Magsaliksik ka lang kung ano ang gumagana sa ibang bansa at sa ibang industriya na maaari mong magamit sa negosyo mo ngayon.

Paano ka magsisimula kung di ka naman maalam sa mga nabanggit ko? Mag-aral ka. Maraming online seminars at online courses diyan na libre naman. Kung nais mong mabigyan kita ng scholarship sa larangan ng digital entrepreneurship, email mo lang ako sa chief@negosentro.com na may Subject Heading: “Scholarship”. Yan, wala ka nang puwedeng idahilan.

#4 Pagiging Komited

Ang isang negosyo, malaki man o maliit, ay nangangailangan ng ibayong dedikasyon at komitment. Bukod sa sarili mong hangarin, may mga tao ding nakasalalay dito, lalu na ang pamilya mo.

Marami kang bagay na dapat gawin at kasalukuyang ginagawa bilang entrepreneur. Ngunit ang halaga ng komitment mo ay di matitimbang ng pera lamang. Kailangan mo dito ay ibayong tiwala sa sarili, sa kakayahan ng mga tao mo, at pananampalataya sa Diyos.

Kaya naman dapat lagi ka dito nakatuon.

Konklusyon

Malaki pa ang dapat nating talakayin ukol dito ngunit mauubos naman ang espasyo natin.Kaya naman sa mga susunod na pitak ko na lang uli bibisitahin ang mga tatalakain natin.

Tandaan na ang pagnenegosyo ay nangangailangan ng sipag, tiyaga at dasal. Huwag kang mawawalan ng loob kung makakaranas ng pagsubok. Tuloy lang!

Si Homer Nievera ay isang techpreneur at makokontak sa chief@negosentro.com.

(Visited 3,361 times, 1 visits today)