ni Homer Nievera, CDE, CVM | 5 Tips para Umangat ang Trapik Papunta sa Website MoKumusta ka-negosyo? Kung nagsimula ka nang magkaroon ng sarili mong website, ang pitak na ito ngayon ay para sa yo. Kung nagbabalak ka pa lang magtayo ng website mo, para sa yo din ito. Bakit nga ba mahalaga ang pagkakaroon ng sarili mong website? Di ba ok na ang Facebook Page o kaya’y shop mo sa Lazada o Shopee?

Ang simpleng sagot ko ay – hindi. Tandaan mo na ang sariling website, lalu na sa larangan ng ecommerce ay mahalaga. Ito kasi ang pinaka headquarters mo kung saan makikilala ang tunay na brand mo. Sa totoo lang, ang sariling website mo lang ang siyang masasabi mong tunay nap ag-aari mo at kontrolado ang mga bagy ukol dito. Di naman ikaw ang nagmamay-ari ng Lazada o Shopee. Ganun din ang Facebook. Kung bigalang magbago ang mga patakaran dito o kaya’y mawala ito nang tuluyan, wala kang magagawa.

Nung nagtrabaho ako sa Multiply.com na siyang unang marketplace sa Pilipinas, nung magsara ito, di bababa sa isang milyong online negosyante ang nawalang ng shops. Pero kung sa iyom mismo ang online shop mo sa pamamagitan ng website, pangmatagalan na talaga ito.

Ang tanong, paano mo naman mapapalago ang website mo, sa pagpasok nang mga bibisita dito – o tinatawag na trapik?

Tara na at matuto!

#1 Pagandahin at pagaangin ang website

Siyempre, ang trapik na paparatingin mo sa website mo ay maghahanap ng maayos na istruktura. Depende kasi yan sa kostumer  at mga produkto mo. Ang itsura ng website mo ay dapat mong iayon sa kanila.

Isang halimbawa ay ang mga namimili ng mga grocery vs ang mga namimili ng mga vitamins o supplements. Magkaiba ang mga hinahanap nila at iba din ang kanilang batayan sa pagpili. Ang mga namimili ng grocery items ay unang titingin sa presyo vs ang mga namimili ng supplements na sa mga review at pag-aaral muna titingin. Kaya naman ang disenyo ng website mo ay maiiba na agad sa porma at istruktura nito.

Saliksikin ang mga nais ng mga kostumer mo at gayundin sa mga website ng mga kakumpitensya mo. Sila ang mga unang batayan mo.

#2 SEO – Search Engine Optimization

Ang paggamit ng SEO ay isa sa pinaka-importanteng bagay na magagawa mo upang panatilihin ang pagpasok ng trapik sa site mo. Madalas nga, ito lang ang kailangan mo.

Noong mga panahong wala pa ang social media, bukod sa advertising, ang pagsasaayos ng website mo upang natural na makarating ang mga tao dito. Paano bai to ginagawa?

Sa simpleng salita, ang SEO ay ang paggamit ng tinatawag na “search algorithm” ng search engines tulad ng Google. Kung napag-aralan mon a kasi kung paano naghahanap ng tamang website ang Google sa mga query mo, yan ang senyales na gumagawa ka na ng SEO.

Ang paggamit ng “keywords” ay mahalaga sa SEO. Meron kasing mga paraan ang Google kung paano niya pinapakita ang tamang mga “search results” ayon sa hinahanap mo. Nagbabago nga lang ito kada ilang buwan. Kaya naman, nagsasama-sama ang mga SEO specialist at tagasaliksik dito upang masundan ang anumang pagbabagong gagawin ng Google at iba pang search engines.

Mas mainam man na kumuha ng eksperto sa SEO, puwede ka ding gumamit ng mga SEO tools na ilalagay mo sa website mo. Kung WordPress ang ginamit sa pagbuo ng website mo, maraming mga “plugins” na puwede mong gamitin para simple lang pag SEO mo.

Sa dulo, ang importante sa SEO ay ang paggawa ng iba’t ibang content o artikulo na siyang hahatak sa mga taong bumisita sa site mo. Tandaan na may halong siyensiya at sining ang SEO. Pag-aralan mo ito at tiyak na di ka gagastos sa paghatak ng trapik sa website mo.

#3 Pag-invest sa Google Ads

Isinunod ko na ito kasi may kinalaman din ito sa SEO.

Ang Google Ads ay ang pagbili naman ng advertising mula sa Google. Nahahati ito sa dalawa – ang Ad Words kung saan binibili ang mga keywords na pasok sa website mo; at ang display ads naman na banner ads ang binibili, nang naayon din sa keywords.

Mahalaga ang paggamit nito lalu na’t nagsisimula ka pa lang sa website mo at di pa pumapasok ang trapik mula sa itinanim mong SEO. Ang maganda dito, kung naisetup mo ang mga tools gaya ng Google Analytics, mai-sesetup mon a din ang mga bagay na magbibigay sa yo nang mas masinsin na impormasyon sa mga nais mong makuhang kostumer. Mas magmumura na din ang halaga ng mga ads mo dahil mas targeted na ang merkadong tatamaan mo.

Tulad din ng SEO, di agad-agad umeepekto ang Google Ads kung benta lang din ang aasahan mo. Kasi, ang algoritmo ng Google ay natututo pa lang sa mga settings na nailagay mo. Hayaan ng mga tatlong buwan bago maging mas episyente ang pag-target mo. Sa display ads naman, mas mainam na gumawa ng mga limang bersyon ng banner ads mo upang mas malaman mo kung ano dun ang mas epektibo.

Maaari kang magsimula sa budget na 1,000 pesos upang makita mo ang resulta ng ads mo.

#4 Social media

Mahalaga ang papel ng social media sa paghatak ng trapik papunta sa site mo. Sa madaling salita, kung nakalagay ang website address (o URL) mo sa mga social media posts mo, makakarating sila sa website mo.

Sa totoo lang, puwede mo namang ilagay na agad ang website address mo sa setting ng Facebook Page mo, halimbawa. Kung lumaki ang page mo, malamang, makikita naman ng mga bisita sa FB page mo ang website address dun.

Ang pinaka episyente na gawain ay ang paglagay ng URL ng website mo sa lahat ng mga posts mo upang makita ito kung ma-share ang mga posts mo. Isa pang magandang gawain ay ang pagbili ng Facebook ads o mag-boost ng mga posts mo.

Simpleng argumento dito ay ang pagkakaroon ng New Normal kung saan mas mahirap makipag-meeting sa mga tao. Kung gagastos ka ng 500 pesos sa meeting sa isang kilalang coffee shop, isang tao o kostumer lang ang makakasalamuha mo. Pero kung sa boosting o ads mo gugugulin yan, mga isang libo ang taong matatarget mo.

Tandaan na ang Youtube ay social media din, ngunit videos ang gamit. Pag-isipan mo ang paggamit ng platapormang ito, maging libre man o may ads.

Sa madaling salita, ang social media ay katulong mo sa promotions. Di ito ang mismong gagamiting tila website mo.

#5 PR o reposting ng mga artikulo

Ang pag-post o repost ng mga tinatawag na PR (press releases) ay popular na gawin dahil lumalawak ang nakakabasa ng mga ito. Ang pagsusulat (o pagpapasulat) ng mga artikulo at pagpapadala nito sa mga pahayagan (online man o tradisyunal) ay nakakatulong sa paghatak ng trapik sa site mo. May kaugnayan din ito sa SEO kung saan ang mga piling keywords ay magagamit mo upang maparating ang mamababasa sa iyong site.

Ang pagkakaiba lang nito sa SEO ay ang istruktura ng pagkakasulat ng PR, kung saan may halong anunsiyo o “feature” ito. Ang tip ko lang dito ay siguraduhing kumpleto ang mga impormasyon na nais mong mabasa. Para sakali mang di sila tumuloy sa website mo, nakilala ka naman nila.

Pagtatapos

Sa panahon man ng pandemya o hindi, mahalga ang pagkakaroon ng sariling webite. Ito ang tahanan mo sa digital na mundo. Ito rin lamang ang tunay na kontrolado mo ang pagpapatakbo kaya’t ayusn ito nang maigi.

Ang pagiging entrepreneur ay sadyang mahirap ngunit exciting. Magkaroon ka ng sipag at tiyaga at ang maging masinop sa lahat ng bagay.

Higit sa lahat, mangarap para sa kinabukasan kasama ng pagtiwala sa sarili at pananampalataya sa Diyos.

Si Homer Nievera ay isang technopreneur. Maaari siyang makontak sa email niya na chief@negosentro.com

(Visited 4,495 times, 1 visits today)